Chereads / Casley Cameron / Chapter 1 - Kabanata I

Casley Cameron

18Atropos
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Kabanata I

Ang bansa ng "Tagllano" ay isa sa mga bansa na may maayos at mapayapang lugar sa mundo si "G. Gomer Gonzales" ay kilala bilang isang mabuti na pangulo sa "Tagllano" sapagkat sa lahat ng pangulo na namuno ay siya lang ang nag i-isang pangulo na kung saan lahat ng mamamayan ay may karapatang mag pahayag ng kanilang nararamdaman o problema at pag kapantay-pantay. Kaya't hindi na nakakapag taka kung marami ang mga taong nag mamahal sa kanya, si "Gng. Maria Gonzales" naman ay ang kanyang asawa at sila ay may dalawa na anak ito ay si "G. Oliver Gonzales" at ang isa naman ay hindi kilala sa lipunan sapagkat may sabi-sabi na ito daw ay namatay na at bilang pag galang ay mahigpit na ipinag bawal ng mag asawa na banggitin o halukayin ang ano mang nakaraan sa kanilang pamilya. Ang pamilyang "Gonzales" ang namumuno sa bansa ng "Tagllano" upang mapanatili ang pagkakaisa at pag kakaintindihan ng bawat mamamayan.

Ang paaralan ng "Montefalco", nakilala ang isang estudyante na si "Casley Cameron" sa angking galing at talino nito sa pagsasalita ng banyagang salita o "ingles" gayon na din sa larangan ng pagsusulat. Sa paaralang "Montefalco" niya rin nakilala ang isang estudyanteng nag ngangalang "Althea Antalan" na naging matalik nitong kaibigan. Ang pag kakaibigan ng dalawa ay isa sa mga hinahangaan ng lahat sapagkat kahit na marami ang pagsubok na dumating upang makita kung gaano katibay ang pag kakaibigan ng dalawa ay hindi parin ito nasira.

"Binibining cameron? Ano ang iyong pinag kakaabalahan?" Napaupo ako ng tuwid sa pagka bigla hindi ko narin mapigilan na mapakali sa aking upuan nag-iisip ng maaari kong idahilan sa aking guro.

"A-ah paumanhin po aking guro, hindi na po mauulit" pag hingi ko ng paumanhin.

"Tinatanong kita binibini, ano ang iyong ginagawa?"

"Gumagawa po ako ng t-tula, paumanhin po kung hindi ako nag bigay atensiyon sa iyong tinuturo" napayuko ako dahil alam kong mapapagalitan ako ng wala sa oras nito.

"Kung ganun binibining cameron maaari mo bang maibahagi saamin ang iyong akda?" napalaki ang aking mata at napatitig sa kagalang-galang na guro sa aking harapan.

"P-po" iyon na lamang ang salitang lumabas sa aking bibig dahil sa aking pag kamangha, napangiti ako at tumayo upang pumunta sa harap para maibahagi ang sarili kong akda.

"Ito ang aking akda pinamagatan ko po ito na "Sa loob ng king silid" sana po ay inyong magustuhan."

"Sa loob ng aking silid"

Nais kong ibahagi ang aking kwento ngunit paano?

Lapis at papel ay aking hawak ngunit wala akong masulat.

Ako ngayon ay nasa aking silid, pinag mamasdan ang paligid.

Aking silid ikaw ay naging saksi sa bawat luhang may impit kong sigaw.

Maaari mo ba akong patuluyin? nais kong umiyak sayong muli.

Hindi ko mawari ang aking nadarama subalit ako ay nawawalan na ng gana sapagkat ako'y iniwang mag isa.

Salamin kung saan bawat expresyon ng mga mata ay nag bibigay sakit sakin.

Aking napansin ang isang litratong may ngiting di mapawi.

Subalit ngayon ito ay may pangamba at takot nang nakaukit.

Aking silid ako ay nagpapasalamat ngunit maaari mo ba akong samahan?

Samahan saking pag lalakbay, sapagkat nais ko na mag pahinga ng tuluyan.

"Ako'y napahanga mong muli binibini, napakahusay mo talagang tunay" may ngiti nitong ulat habang nakatingin saaking mga mata. "maaari ka ng bumalik sa iyong upuan at ituon ang iyong presensiya sa pakikinig, mamaya mo na lamang ituloy ang iyong sinusulat maaari ba iyon binibining cameron?"

"Opo, naiintindihan ko po at aking ibibigay ng buong puso ang aking presensya sa pakikinig sa inyong ibinabahagi saamin" bahagya akong yumuko, nais kong ipakita ang pag galang at sinseredad sa mga salitang binibitawan ko.

Sa kabilang banda si althea ay nakikinig sa pag u-usap ng dalawa at makikita sa kanyang mga mata ang pagkamangha sa kanyang kaeskuwela na si casley cameron.

"Aasahan ko ang mga salitang iyong binitawan binibini" nakangiting saad ng kanilang guro.

Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang palabasin ng kanilang guro agad namang lumapit si Althea kay Casley Cameron upang kausapin ito.

"Magandang hapon, ako nga pala si althea antalan" pagpapakilala ni althea kay casley o mas kilala bilang cameron.

"A-ah magandang hapon din sayo, ako naman si Casley~"

"Casley cameron, pasensiya ngunit naririnig ko na ang iyong pangalan sa mga kaeskwela natin at sa ibang lugar dito sa ating bayan sapagkat ikaw ay kilala sa larangan ng pagsusulat" nakangiting ulat ni althea, napangiti at tumango si casley senyales na naintindihin nito ang pinupunto ng kausap.

"G-ganun ba" saka nito iniabot ang kanyang kamay at malugod na tinanggap naman ni althea ang kamay nito, ngiti sa labi ng dalaga ay hindi na mapigilan pa dahil sa galak na nararamdaman nito.

"S-salamat, a-ah a-ayos lang ba na makipag kaibigan ako sayo?" Namula ng tuluyan ang pisngi ni althea dahil sa hiya.

"Hahahaha oo naman"

"B-bakit ka tumatawa?" nahihiyang tanong ni althea sa kanyang kausap.

"P-pano ang pula ng iyong mukha hahahahahaha" saka tuluyang natawa ng malakas si casley.

"Nahihiya ka ba saakin?" Dagdag pang tanong nito.

"M-medyo" pinatong ni casley ang kanyang kamay sa ulo ni althea sabay ginulo ang buhok nito.

"Wag kang mahiya dahil naiintindihan kita" saka ngumiti ito at tinitigan sa mata si althea, pinapakita ang pag papakatotoo sa kanyang mga sinabi.

"S-salamat aking k-kaibigan."

"Salamat din saiyo nais ko din sabihin na aking kinagagalak na makilala ka dahil sa wakas may taong lumapit din sakin upang makipag-usap at higit sa lahat ang hindi ko inaasahan ay magkakaroon ako ng kaibigan sa paaralang ito, kagaya mo" nakangiti parin nitong sabi.

"Ganun din ako sapagkat hindi ko inakala na tatanggapin mo ko bilang iyong kaibigan, lalo na't magaling ka sa larangan ng pag susulat at pag sasalita ng mga banyagang salita, sining, samantalang ako wala akong kahit anong maipagmamalaki bilang kaibigan ~"

"Wag ka mag isip ng ganyan" ngumiti ito kay althea saka naunang maglakad habang si althea naman ay nakasunod sa kanyang likuran at pinapakinggan ang mga salitang binibitawan ng kanyang kaibigan.

"Kung gusto mo ang isang bagay magiging madali na lamang iyon sa iyo, para matutunan. Ngunit kung ipipilit mo ang iyong sarili sa bagay na wala ka naman talagang hilig kahit kailan hindi mo makikita ang ganda at halaga nito" huminto ito sa kanyang paglalakad at humarap kay althea.

"Tama ka." pag sang-ayon ni althea.

"Kinagagalak kong makilala ka binibining althea antalan, ngunit ipagpaumanhin mo kailangan ko ng maunang umuwi, sana maintindihan mo aking kaibigan." Gulat na napatingin si althea kay casley dahil sa magandang inasal nito.

"A-ah ako din kinagagalak kong maging kaibigan ka casley, mag iingat ka hanggang sa muli." Paalam ng dalawa sa isa't isa bago tahakin ang kani-kanilang landas.

-----