Andrea's POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mga mata.
Umupo ako at nakita ko si Diana na kakatapos lang maligo.
"Oh gising ka na pala, maligo kana do'n at aalis na tayo". Nakangiting sambit ni Diana habang nagbibibis.
Dumeretso naman ako sa Banyo at naligo.
Pagod na pagod ang katawan ko dahil sa pag langoy kahapon.
Nang matapos ako maligo ay nagbihis na ako, simpleng T-shirt lang at Denim skirt ang suot ko na pinares-an ng white shoes.
Inilugay ko ang buhok ko at naglagay ng liptint at pulbo.
"Diana gutom na ako saan ba daw tayo mag b-breakfast?" Pagtatanong ko kay Diana habang hawak hawak ko ang tiyan ko.
"Di ko pa alam, tanongin mo si Kenzo kung saan ba tayo pag alis natin dito". At lumabas ako sa kwaryo namin at kumatok ako sa kwarto ng boys.
*tok tok
"Boys gising na ba kayo?". Narinig ko naman na nag unlock ang pintoan kaya medjo umatras ako.
"Yes, oh Drea ikaw pala". Tiningnan ako ni Kenzo mula ulo hanggang paa.
"Pervert". Sabi ko habang nakapamewang sa kaniya.
"Hindi ako pervert no, bagay lang sayo yang suot mo". Natawa naman ako.
"Ay oo nga pala, Saan tayo kakain?". Hinimas ko naman ang tiyan ko at nag pout.
"Hintayin niyo lang kami ni Bro".
"Okay". At bumalik naman ako sa kwarto namin.
******
"Mmm Ang sarap ng pagkain dito". Maganang sabi ko habang sumusubo ng Fried rice.
"Hahahaha". Tumawa silang lahat.
Hmp.
"Pagkatapos natin dito eu-uwi ko na si Drea kasi may klase pa kami, okay lang ba?". Si Josh.
"Okay lang, mag e-enroll nalang kami sa pinapasukan niyong school". Sabi ni Kenzo habang sumisimsim siya sa Iced tea niya.
"Game, saan nga ba kayo nag a-aral?" Tanong ni diana, naka sandal siya sa balikat ni Kenzo ngayon habang nagbabas ng libro.
"Sa Phoenix University". Sabay na sabi namin ni Josh kaya nagkatinginan kami at tumawa.
*******
sa kalagitnaan ng Pag D-drive ni Josh ay nakaramdam ako ng antok kaya napili kong isandal ang ulo ko sa upuan at umidlip.
Bigla namang nag Brake ang kotse ni Josh kaya nagisibg ako agad at napahawak sa kung saan.
"Anong nangyare?". Antok na saad ko habang kinukusot ang mga mata ko kahit na tumitibok ng mabilis ang puso ko dahil sa pagkabigla.
"Gago kasing mga sasakyan nagbanggaan ang mga Gago". Galit na sabi ni Josh habang nakawak sa manibela.
"Sorry at nagising ka, di ka ba nasaktan?". Pag aalala niya, tiningnan ako ni Josh sa mukha kung may pasa ba ako o galos.
"Okay lang ako Josh magpatuloy ka nalang sa pag d-drive inaantok na ako". Pagmamaktol ko at pumikit ako ulit.
"Himala di ka na nagmumura ngayon 'ah". He chuckled while driving. Bakit, kailangan ba magmura ako palagi?
"Eh ayaw mo ngang nag mumura ako ng Gago diba". Nakapikit parin ako pero ilang sandali nakaramdam ako ng pitik sa noo ko.
"Aray!". Gumising ako at tiningnan si Josh ng masama.
"Ba't mo kase binanggit yung gago". Nakatingin parin si Josh sa daan.
"Example lang yun ano ba".
"Nagiging masungit ka nanaman HAHAHA, di katulad kahapon isip bata ka". I glared at him.
"Ano?! Totoi naman 'ah, matulog ka na". Kaya pumikit naman ako at nakatulog.
*****
Nagising ang diwa ko kaya binuksan ko ang mga mata ko at nagulat ako ng makitang nasa harap na ako ng bahay.
"Oh gising ka na pala". Abnormal din tong si Josh eh di manlang ako ginising.
"Ba't di mo ako ginising?". Kinukusot ko ang mga mata ko habang nagtatanong.
"Isang muinuto na ang nakalipas ng makarating tayo, tiningnan ko lang if nag message si daddy kaya di na kita ginising". Nakatutok pa rin siya Cellphone niya.
"Okay, ba baba na ako, gusto ko pang matulog sa kwarto". Pagkasabi ko nun tumingin sa akin si Josh.
"Susunduin ba kita bukas?" Ano bang klaseng tanong yan? Tss
"Natural lang na su-sunduin mo ako araw-araw". Ngumiti naman si Josh.
"Dapat maaga tayo bukas ayaw ko nang ma late baka ano pang ipagawa sa atin ni Miss Strictcher". Pag sasabi ni Josh kaya bumaba na ako sa kotse niya at tumingin sakaniya.
"Ay ay Boss". Natawa naman kami pareho dahil nakasaludo ako sakaniya.
"Geh papasok na ako sa bahay, umuwi ka na rin". Medjo malayo ang bahay nila Josh sa amin.
Nag pa alam na kami sa isa't isa kaya pumasok na ako sa bahay.
"Oh iha nandiyan ka na pala, gusto mo bang ipagluto kita?" Pagtatanong ni Yayi sa akin habang nakangite ito na may hawak na walis mukhang katatapos lang niya mag linis.
"Ah wag na po busog pa po ako, sasabihin ko lang po kung naguguton ako". Nginitian ko si Yayi kaya ginantihan niya rin ako ng ngiti.
"Yayi, si Daddy po umuwi ba siya?" Inilapag ko naman ang dala kong bag habang nagtatanong.
"Ah oo iha nagpapahinga siya sa kwarto niya". Nang malaman ko na nandito sa bahay si dad ay pumunta ako sa kwarto niya para e check siya.
"Dad". Sambit ko nung makita ko siyang nakaupo sa study table niya.
"Oh anak dumating ka na pala, how's your reunioin with your friends?" Pagtatanong ni dad habang inaayos ang mga papeles na tinitingnan niya kanina.
"Well I had fun". Pumasok ako ng tuluyan sa kwarto niya at umupo sa kama niya.
"Before I forget, nala-late ka daw palagi sa school niyo". Tumindig ang balahibo ko kasi nalaman ni dad na nala-late ako, ayaw pa naman niya ng nala-late.
"O-opo".
"Well may kalauan nga naman ang school mo dito kaya I suggest na mag condo ko nalanang malapit sa school mo". Seryoso si dad habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.
"Po?".
"Nakabili na ako ng condo kaya mamaya magpahatid ka papunta doon, here's your card and mag lock ka doon ng maayos, may mga kagamitan ka na doon and tell me if my kulang ka pang kagamitan para mabili natin ng maaga okay?" Halos di ako makapaniwala na mag co-condo na ako.
"Opo, thank you dad". Niyakap ko si dad at niyakap din niya ako.
"Anything for my princess". Naghiwalay na kami sa pagkakayakap at kinuha ko na yung card at nag empake ako ng mga dadalhin ko sa condo.
Plano kong umuwi dito paminsan minsan pag di ako busy.
Binigay naman sa akin ni dad yung credit card ko para daw pag may bibilhin ako at binalik na niya sa akin yung bank account ko.
------
Tinawagan ko naman si Josh para magpahatid sa kaniya, ayaw ko kasing magpahatid sa driver namin kasi parang ina abala ko sila .
"Josh".
Ba't napatawag ka?
"Magpa-pahatid sana akosa condo ko". Sana naman pumayag siya.
May condo ka ba?
"Oo pinabili ni dad para daw sa akin".
Okay, hinatyin mo ako, darating ako diyan in 5 minutes.
"Okay". At pinutol ko na ang linya.
5 minutes huh? Malapit lang ata siya dito, O nagmamayabang lang siya kasi mabilis siyang mag drive.
Nagsuot ako ng hoodie at simpleng sneakers.
6:30 p.m na ngayon, natagalan kasi ako sa pag e-empake kanina.
Ilang saglit nakarinig ako ng tunog ng kotse sa labas ng bahay namin kaya bumaba ako para e check kung si Josh na ba yun.
At si Josh nga, kinuha ko ang mga gamit ko at nilagay ko sa back seat.
At umupo naman ako sa passenger's seat.
"So... saan ba ang condo mo?" Tanong ni Josh habang nakatingin sa akin.
"Dito daw". At pinakita ko kay Josh ang adress ng condo at ngumise naman siya.
"Diyan din ang condo ko". Ngumiti si Josh at nagsimula nang mag drive.
Less than 20 minutes ay dumating na kami sa condo.
"So saan ang room mo?" Taning ni Josh, nasa elevator kami ngayon.
"Sa room 308". Sagot ko at tumawa naman si Josh.
"Oh ba't ka tumatawa?". Tanong ko at binigyan ko siya ng death glare.
"Eh kasi room 307 ako, magkatabi lang tayo ng room". At tumunog na ang elevator kaya lumabas na kami ron.
"Saan ba ang room 308 dito?". Wala ako sa mood ngayon.
"Dito". Turo sa akin ni Josh at nagkatabi nga kami ng room.
"Magkatabi lang tayo ng roon kaya wag kang maingay pag gabi baka di ako makatulog". Hindi naman ako maingay pag gabi ah.
"Hindi lang naman ikaw ang hindi makakatulog pag maingay ako, may iba ring tao rito hindi lang tayo". Pasigaw kong sabi.
"Talaga?, kahit tingnan mo ang ibang kwarto diyan tayo lang talaga ang tao sa floor na to". At tumindig ang balahibo ko.
"Josh wag ka nga mag biro ng ganiyan". Napahawak ako sa balikat niya ng may marinig akong tunog.
"Woyy! Josh 7 p.m na, gabi na kaya wag kang manakot". Tumawa naman ang loko.
"Pumasok ka na sa room mo magkatabi lang naman tayo ng room". At binuksan ko naman ang room ko at pinalitan ito ng passcode.
-to be continued---