Chereads / Portal of the other world / Chapter 1 - Prologue

Portal of the other world

🇵🇭NoOneCureMe
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

hinihingal si Roy sa halos kalahating oras na pagtakbo patungo sa bayan ng aruha. dahil ilang minuto na lamang ay magtatakip-silim na.

"Klang!"

"Klang!"

"Klang!"

"wait lang mga kuya!! h'wag nyo isara yung gateeeee!!!"

hingal na hingal man sa pagtakbo ay hindi inalintana ni Roy ang pagod at sumigaw siya para marinig ng mga nagbabantay sa silangang bahagi ng bayan, at para hindi nila muna isara ang malaking barikada na ihaharang sa entrada papasok sa loob ng bayan.

narinig naman ito ng mga bantay at hininto nila ang tuluyang pagsara ng barikada upang magkaroon ito ng maliit na siwang para makapasok si Roy sa loob ng bayan.

"bilisan mo iho! saan kaba nagpupupunta at ngayon ka lang nakarating? kung nahuli ka ng ilang minuto ay tiyak na magiging pagkain ka ng mga halimaw sa dilim! bilisan mo! " sigaw ng isa sa mga bantay na nasa kwarenta anyos na.

agad na pumasok si Roy sa maliit na siwang ng barikada, at ng nasa loob na siya ay agad na sinara ng mga bantay ang barikada at kumuha ng iba't ibang mga sandata. gulok, itak, palakol, at mga sibat na gawa sa kahoy na matulis ang mga dulo.

lumapit ang bantay na sumigaw kay Roy kanina at inabutan siya ng dalawang kahoy na sibat. "iho, tumulong ka mamaya sa depensa." seryoso nitong utos at naglakad pabalik sa lugar na kanyang binabantayan.

tumango na lamang si Roy bilang pag sang-ayon dahil alam niyang walang siyang mapagpipilian, dahil mamaya na lamang ay magsisilabasan na ang mga halimaw sa dilim at kailangan ng bawat isa na mag tulungan upang masangga nila ang atake na manggagaling sa mga nilalang na nagtatago sa dilim.

bumuntong-hininga si Roy upang mapakalma niya ang kanyang sarili. hindi niya inakala na sa ilalim ng bahay na binigay sa kanya ng kanyang lolo at lola ay nakatago ang malaking sikreto na mula pa kanyang mga ninuno. ang lagusan papunta sa isang mundo na ang naghahari ay ang kadiliman.