CHAPTER 1
Kasalukuyang naglalagay ng make up si Blythe ng pumasok ang kanyang ina na si Bernice sa kanyang kwarto.Animo'y di ito makapaniwala sa itsura ng kanyang kwarto.Girl na Girl kasi ang design nito na medyo may pagka princess-ish.
Tumigil pansamantala ang dalaga at tiningnan ang Ina."What's with that look,Ma?"
Umiling-iling muna si Bernice bago sumagot."Considering you're already 24 and already arranged to get married,hindi ba parang alangan na ata Hija?"
Nagsalpukan ang mga kilay ni Blythe sa narinig.Sanay nman na sa kanya ang ina.Matagal na nitong tanggap na isang daydreamer at fan ng fairytales ang nag-iisang babaeng anak."Ma,you know me very well.I won't quit the things I'm already used to."Muli nyang ipinagpatuloy ang pagme-make up.
Parang nakakaunawang tinitigan sya ng ina."I know Hija.Natatakot lang ako na baka maging dahilan ng di nyo pagkakaunawaan ni Hunter ang Lifestyle mo."
Tumayo sya at lumapit sa ina na nakaupo sa kanyang pink na king-sized bed."Sa totoo lang talaga Ma,hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman after hearing from Papa na naka arranged na pala ang kasal ko.Isn't it absurd na isang hindi ko nakikilalang lalake ang magiging husband ko?I'm a fan of fairytales.Gusto kong maramdaman yung pagmamahal ng isang tao bago ako magpakasal sa kanya.Hindi yung basta na lang at ang tangi ko lang alam sa kanya ay ang pangalan nya at kulay ng mata nya!"
Napangiti si Bernice sa sinabi ng anak."Tama ka anak.I know you want your very own Fairytale ending.Malay mo,pag nakilala mo na ang Fiancee mo,magsimula na ang story mo."
Iningusan ni Blythe ang ina.As if naman na ang isang arranged marriage ay magbunga ng perfect love story.Hindi naman nya talaga ito gusto.But after looking back at how she had lived her life for the past 24 years,masasabi nyang tama lang na sundin nya ang magulang.She's a spoiled brat.Pakunsuwelo na lamang nya sa magulang ang kanyang kinabukasan."So,kelan ko mami-meet si blue eyed fiancee?Sana naman may pagka romantic sya Ma."
"Hay naku Hija,magpanata ka na kaya sa dami ng hinihiling mo?Di mo pa nga nakikita yung tao eh ang dami mo ng expectations sa kanya.Meet him first.Malay mo,sya na pala yung prince charming na hinihintay mo!"
"Mukha po yatang napaka imposible nun Mama.Ah basta,habang wala pa sya,tuloy muna ang si ngle life ko!Hahaha!"
Tumayo na si Bernice."Sige,sige.Mag-ingat kayo ha?Wag kang iinom ng marami."
"Duh.Alam mong di ako umiinom Mama.Kung magawa ko man yun,Tiyak na may dahilan ako."Tumayo na rin si Blythe at hinalikan ang ina sa pisngi."Don't worry.I can take care of myself."
Tumango-tango lamang ang kanyang ina.May tiwala naman kasi ito sa kanya.
Pagkalabas ng ina sa kanyang kwarto ay ipinagpatuloy ni Blythe ang pag-aayos sa sarili.Tinitigan nya ang repleksyon sa salamin.Katamtaman lamang ang height.Balingkinitan.Morena.Average na itsura.
Siguro nga ay tama ang kanyang ina na dapat ay maging mas mature na ang lifestyle nya.Hindi naman sya mukhang prinsesa na dapat ay isang prinsipe ang makatuluyan.Pero hindi nya maalis sa isipan na kahit naman siguro sinong babae ay gusto ng isang happy ending.Isa na sya doon.Bahala na si Batman.
Natigil ang pagmumuni-muni nya ng may bumusina.Sumilip sya sa bintana.Natanaw na nya ang sasakyan ng kaibigang si Roia.Tapat kasi ng driveway ang kwarto nya.Isa pang silip sa salamin ang ginawa niya at dali-daling nilisan ang bahay nila.
Wala siyang kaide-ideya sa magaganap ng gabing iyon.
--------------------------