*Tot-Tot-Tot*
"Ang ingay naman" Nakapikit kung kinapa ang pinagmumulan ng ingay. Nang mahagip ay wala sa sariling inihagis ito sa kung saan.
Kasabay ng galabog nito ay ang sumunod na katahimikan.
"Kabulabog"-ako, at umayos ng pagkakahiga.
*Tok Tok Tok*
"Iha... gising na first day of school mo diba?"-Manang Flor.
Biglang nagproseso sa utak ko ang mga salitang narinig.
Napabangon agad ako. Aish! Oo nga pala!
"Ito na po"-pupungas-pungas kong sagot, at dumeritso na sa CR para maligo.
Ako nga pala si Annica Rain Park, 17 years old. This will be my last year in senior high and I'm a transferee student, di ko nga alam kung bakit pinayagan pa akong magtransfer kasi magtatapos na nga ako. Ako lang ang nandito sa bahay kasama si Manang Flor. Siya ang yaya ni Mom na naging yaya ko na rin, kasama yung tatlong katulong. Out of the country sina Mom at Dad for business trip, 2 months silang mawawala. Minsan naiisip ko kung naaalala pa ba nilang may anak silang naiwan dito sa Pilipinas. Halos isang buwan na silang hindi tumatawag, ni-ha ni-hu wala. -___-
Agad kong pinigil ang sariling isipin na naman ang mga iyon. Wala akong oras isipin ang mga ganung bagay, malelate na ko.
¤¤¤
Ano ba yan trafic pa malelate na talaga ako, dapat talaga nag motor na lang ako eh. Edi sana nandun na ko.
After 987654321 years! Nakarating na rin ako sa school na nilipatan ko. Ok lang naman sya, may malaking gate and rich student gaya ng mga nababasa sa libro. May ganitong school pala sa Pilipinas. Anyway pumasok na lang ako, di naman ako nagpunta rito para tingnan lang 'to.
Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa principal's office, halos lahat ata ng student na makakasalubong ko nakatingin sakin at magbubulungan na rinig ko naman. Psh. -____-
"Sya ba yung transferee?"
"Goodluck sa kanya"
"Poor girl"
Yan ang ilan sa 'BULONG' nila. -____-
Nagkunwari na lang akong di ko sila naririnig kahit na para na silang mga bubuyog. Kailangan ko nang magmadali dahil sa malelate na nga ako.
It takes 30 mins. bago ko nahanap yung office. Late na, sassbihin ko na lang naligaw ako, na totoo naman. Sa laki ba baman ng school nato sinong hindi. Humunga muna ako ng malalim bago Kumatok.
"Pasok" agad ko nang pinihit ang seradora. Sumalubong sakin ang isang babaeng nakangiti habang nakatingin sa akin. Tingin ko ay na early 30's na siya.
"Good morning Ms. Park, have a sit" I think siya yung dean. Ngumiti lang ako.
"I'm Mrs. Ortez, the head mistress of this school.This will be your schedule"- Dean, at inabot sakin ang sched. ko at isang handbook.
"Diyan nakalagay ang lahat ng policies na ipinapatupad dito sa loob ng school"-Principal.
"Sasamaa sa first class mo, na-inform na rin naman yung mga magiging professor mo eh" -sya at tumayo na sumunod naman ako sa kanya.Sana maging maayos ang first day ko dito.
Nang makarating kami, agad na kumatok ang principal, pinagbuksan kami ng professor.
"Mrs. Ortez, goodmorning po" bati ng prof. sa Dean
Pumasok na si Mrs. Ortez habang naiwan ako sa may pinto.Tumahimik naman ang buong klase at naghintay sa sasabihin nya.
"You have a new classmate, she's a transferee from Brecks High."-Principal. Nagbulungan naman sila bigla. Ano bang meron? Ngayon lang ba nagkaroon ng transferee dito. -_____-
Tumingin naman sakin si Dean. Signaling me to join her in front.
Pagkatapos akong ipakilala ni Mrs. Ortez ay umalis na rin sya habang naiwan naman akong nakatayo parin sa harap.
" Ok Ms. Park pwede ka ng maupo sa tabi ni Mr. Wu"-prof, napatingin naman ako kay prof.
" Ahm sir bago lang po ako dito so di ko po kilala kung sino yung Mr. Wu"-ako -______-
Natigilan naman si sir sa sinabi ko, pero agad ding nakabawi.
" The person sitting beside the window in the last row"-prof, tumingin naman ako sa lalaking sinasabi ni sir. OuO gwapo. Ok Nica nandito ka para mag-aral ok, sermon ko sa sarili ko.Nagumpisa na akong maglakad papunta sa upuan ko.
Nagpatuloy narin sa pagdiscuss si sir. Ako nakatingin dito sa gwapo kong katabi. Hmm he looks familiar. Napangiti ako kung sino ang naalala ko sa kanya.
" Enjoying the view" biglang sabi nya. Agad kong ibinaling ang tingin ko sa harap. Kanina pa pala ako nakatingin sa kanya.o/////////o
Di nagbabago yung expression nya cold parin.Napaiwas ako ng tingin.( -,-)
" Di ah"-ako, he smirked. Psh suplado na nga mayabang pa. Gwapo pa naman. -____________-
K
aya lang mahangin.
Nagfocus na lang ako sa pakikinig, itong katabi ko nakaheadset lang walang pake. Psh. -________-
***********
Aish!!! sa wakas lunch na! Kanina pa nagwewelga ang mga alaga ko sa tiyan.<_<
Naglalakad ako papuntang cafeteria na di ko naman alam kung saan. Nagbabakasakaling may makitang cafetria. Ayokong magtanong, baka iligaw ako lalo.
Mayamaya may sumabay saking maglakad, dalawa sila, sa left at right ko sila, magaganda naman sila. Pero mas maganda ako. Chos!
" Miss pwedeng sumabay?"- girl at the right. Tumango na lang ako dahil di ko rin naman alam kung saan ako pupunta.
" Sa cafeteria rin ba ang punta mo? sabay ka na lang samin"- girl at the left. Ang friendly naman nila dito. -__________- weird.
Tumango na lang ulit ako.
Natatanaw ko na mula dito yung cafeteria. Oh diba
" Mauna kana punta lang kami comport room ha"- girl at the right said. Ngumiti lang ako sa kanila at tumango.
Pagkapasok ko sa cafeteria ay luminga-linga ako para maghanap ng mesa.
Halos puno narin kasi. May nakita akong bakante sa bandang gilid, tamang-tama lang kasi di sya pansinin. Naglakad na ako papunta sa mesa nang biglang.
"OUCH!!"- ako, ang sakit ng pwet ko! >,< Napatingin naman ako dun sa biglang tumawa.
Ano bang problema nila! PINATID lang naman ako ng babaeng nakaupo sa mesang nadaanan ko.
" Clumsy naman pala" - narinig kong sabi nung babaeng pumatid sakin. Nagtawan naman yung mga kasama nya sa mesa. Kala mo ang gaganda. Tsss
Tumingin ako ng masama sa huli.
"Eh kung ikaw kaya ang patirin ko makakailag ka, tanga"di ko napigilang sagot.
Nanlaki naman ang mata nito sa inis.
Tatayo na sana ako nang may maramdaman akong malamig na likido sa ulo ko. Then may pumatak na shake galing sa buhok ko. Binuhusan nya ako ng shake! Sayang yung shake.
" Ayan para mas masaya, hahaha. Sumasagot ka pa ah"-sabi nung babaeng pumatid rin sakin.
" Ano bang problema nyo?!"-ako at saka ko sya tiningnan ng masama.
" Oh.. it's your welcome party dear, di kaba nainform? Ay surprised nga pala."-sabi nya ng nakangisi.
Takte lalabas pagka-war freak ko nito.
Napansin ko rin na lahat ng estudyate sa cafeteria nakatingin na sakin at pinagtatawanan ako.
" Welcome party huh"-ako.
- MXPeN