Chereads / Faded Love (Tagalog) / Chapter 10 - #FL 8

Chapter 10 - #FL 8

#FL

_______

"Z-Zev!"

Nagulat ako nang makita ang galit sa kanyang mga mata.

"Anong ginagawa mo doon?" Sabay turo niya sa kung saan ako galing.

Napakurap ako. Pinapakinggan ko lang naman ang kinakanta ng lalakeng 'yun.

"Wala naman ako ginagawang masama Zev." Natauhan ako. Teka nakikinig lang naman ako sa kumakanta ha?

"Ano? Nahumaling ka din sa lalakeng 'yun?!"

Napakunot noo ako. What? He sounds like a jealous boyfriend.

"Kumalma ka nga!" Hinawakan ko braso niya.

"Hinahanap kita kanina paglabas mo. Pero napasilip ako sa kumakanta. Aalis naman sana ako pero kinaladkad mo na agad ako." Paliwanag ko.

Malalim ang kanyang paghinga. Nababasa ko agad sa boung mukha niya ang selos at inis. Napangiti ako. Seloso pala siya?

"Kilala mo ba ang lalakeng 'yun?" Seryosong tanong niya sa akin.

Umiling ako.

Napapikit siya at ginulo ang buhok niya.

"Umalis lang ako. May iba ka na tinitignan." Bulong niya sa sarili niya.

Nawala ngiti ko.

"What? May sinasabi ka?"

Umiling agad siya at hinawakan agad ang kamay ko.

"Sa susunod na aalis ako o wala sa tabi mo. Bawal ka tumingin sa ibang lalake okay?" Aniya.

Natawa ako at napailing na lamang. Napakaagressive naman niya.

But.. noted Zev.

Inakbayan niya ako at naglakad pabalik sa mga kaibigan ko.

"Magjowa na ba tayo Zev?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

Nagulat siya sa tanong ko.

"Sinasagot mo na ako?" Nanlalaki ang mata na aniya.

Napatikom ang bibig ko. Pero hindi ba sinundan ko siya kasi jowa ko na siya? Wait hindi ba mag girlfriend at boyfriend ang term nun? Teka naguguluhan ako!

"Huh? Ewan ko." Naguguluhan na sagot ko rito.

Napakunot noo siya.

"Anong ewan ko? Hindi ba nanliligaw ako? Hindi mo alam kung sasagutin mo ako?"

Napaiwas ako ng tingin. Dapat ko pa ba siyang sagutin?

"Kailangan pa ba?" Tanong ko.

Nagulat ako nang tumigil siya sa paglalakad.

"Camille! Wala kang balak na sagutin ako?!" Gulat na inis na giit ni Zev.

Ha?

"H-Hindi ko alam?" Patanong na tanong ko rito.

Mas lalo ito napakunot noo.

"B-Bakit? Ano nagawa ko?" Agad na dumaan ang sakit sa mga mata niya.

"T-Teka! Hindi ba magjowa na tayo?" Naguguluhan na tanong ko.

Hindi ba sa mga ginagawa sa akin ni Zev. Magjowa ang mga ganun gawain diba? Diba?

"Hindi mo pa ako sinasagot baby.." mahinahon na aniya.

"Kailangan pa ba 'yun?"

Tumango siya at umiwas ng tingin. Parang bigla lumungkot ang mukha niya.

"Iyon ang basehan upang malaman ko na mahal mo din ako."

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko.

"A-Ano ba tawag sa ginagawa natin ngayon?" Nagtatakang tanong ko rito.

Tumingin na siya sa akin. Naguguluhan na nasasaktan.

"Walang label kapag ganun Camille. Kailangan ko ng sagot mo para magkaroon ako ng karapatan sa'yo." Aniya at huminga ng malalim.

Natanga ako sa sinabi niya. Tama siya. Wala pala kaming label. Pero anong tawag sa ginagawa namin? Hindi ba nagseselos siya? Pero baka assuming lang talaga ako?

Pero umamin na siya sa akin na gusto niya ako. Mahal niya ako. Sapat na diba 'yun para masabi mong kayo na diba? Kailangan pa ba ang sagot ko sa panliligaw niya? Hindi pa rin ba sapat na ipinakita ko sa kanya na gusto ko rin siya?

Wala kaming imik na dalawa nang bumalik kami sa mga kaibigan ko. Nakatikom ang bibig ko habang malalim ang iniisip ko.

"Nagkaayos kayo?"

Tumabi sa akin si Boshie habang patuloy pa rin kumanta sila Tina at Dindy hanggang ngayon. Walang kasawaan.

"Hindi naman kami nag away." Sagot ko kay Boshie.

Tumingin ako kay Zev na nakasandal sa kabilang couch at nakapikit. Hawak niya ang isang mineral water na may bawas na. Mukhang may hindi kami nagkakaintindihan kaya siya ganyan.

"Bakit mukhang depressed ang lolo mo?"

Tumingin din sa banda ni Zev si Boshie.

"May hindi kami nagkaintindihan sa mga ibang bagay.." Sabi ko.

"Ano 'yun? Baka makatulong ako."

Nakagat ko ang labi ko at napatingin kay Boshie. Seryoso ang mukha niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito sa kanya pero wala akong alam pagdating sa relasyon. Baka may alam siya.

"Nanliligaw kasi siya—"

Naputol ang sasabihin ko nang gulat na nagreak si Boshie.

"Hindi pa kayo?"

Tumango tango ako.

"Pero sabi niya kasi kailangan niya daw ng sagot ko. Pero Boshie, hindi pa rin ba sapat 'yung pinapakita ko sa kanya na gusto ko rin siya? Hindi pa rin ba 'yun sapat? I mean kailangan ko pa rin siya sagutin?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya.

Nag aalala ako sa totoo lang. Nag aalala ako sa nararamdaman ni Zev at hindi ko alam kung pano ito nagsimula.

"Malamang Camille! Kasi isa 'yan sa assurance niya para magkaroon siya ng karapatan sa mga gagawin mo! Kahit ipakita mo pang may gusto ka sakanya kung wala ka naman sinasabi sa kanya para maging panatag siya, para saan pa ang panliligaw niya sa'yo diba?"

Bigla ako natamaan sa sinabi ni Boshie. Assurance. Iyon ba ang kailangan niya para sa akin? Iyon ba ang basehan niya?

"Kung ganyan patutunguhan niyong dalawa sa relasyon niyo. Masasaktan lang kayo. Sure ako." Aniya.

Napatingin ako kay Zev. Nakaupo na siya ngayon habang hindi ko mabasa ang ekspresyon niya sa akin ngayon. Puro neon lights tumatama sa aking mukha dahil madilim sa parte namin.

"So kailangan ko siya sagutin?" Tanong ko.

Tumango siya.

"Yes Camille. Whether it's a negative or positive response you have to make. That's alright because you're just being honest with your feelings towards that person." Boshie.

Napatunganga ako habang nakatingin sa akin si Zev sa kabilang couch. Kailangan ko siya sagutin. Tama siya. Wala siyang pagbabasehan. Wala siyang assurance. Hindi niya sa akin nasabi na nagseselos siya kanina kahit halata na sa mukha niya kanina.

"Hoy kayong dalawa! Hindi kayo sasali sa amin?"

Napatingin ako kila Tina at Dindy.

"Pagod ako!" Natatawang sagot ni Boshie.

"Ikaw Camille?" Turo sa akin ni Dindy.

Umiling ako. Napabungisngis ang dalawa at nagpatuloy nalang kumanta. Hindi ata sila magsasawa kumanta.

"Hindi mo siya tatabihan?" Tanong ni Boshie.

Tumango ako. Tatabihan ko siya.

Agad ako tumayo at tumungo kay Zev. Medyo nagulat siya nang tumabi ako sa kanya.

"Zev.."

Hinawakan ko kamay niya.

"Galit ka ba sa akin?"

Umiling siya. Hindi siya makatingin sa akin. Napabuntong hininga ako at hinawakan ang baba niya upang tumingin siya sa akin.

"Gusto din kita.."

Muli siya nagulat sa sinabi ko pero agad niya yun pinalitan ng kakaibang ekspresyon. Hindi ko mabasa ang kanyang mukha.

"Sasagutin din kita Zev.." Binitawan ko siya at umiwas ng tingin.

"Hindi kita minamadali." Mariin na aniya.

Hindi na ako umimik pa. Hindi na rin siya nagsalita pa. May espasyo sa amin pagitan pero hindi ko maintindihan ang puso ko bakit parang tumutusok na kung anong matalim sa dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos.

He's cold again. Halata na sa kanyang mukha habang sinusulyapan ko siya. Malamig ang kanyang mga tingin sa harap habang ako hindi ko maipaliwanag bakit parang nasasaktan ako.

I admit. Wala talaga akong balak na sagutin siya. Dahil ang akala ko sapat na itong ginagawa namin. Mali ba 'yun? Sinabi ko na rin sa kanya na gusto ko siya.

Pero ano ba pumipigil sa akin kung bakit parang hindi ko na kailangan siya sagutin? Ngunit tama naman si Boshie. Para saan pa ba ang panliligaw niya kung hindi ko naman siya sasagutin?

Bakit pa namin ito pinagpapatuloy?

Pero he likes me. And I really like him too. Ano ba problema para ayaw ko siyang sagutin?

Ano ba problema Camille? Gusto mo ba magpahabol? O gusto mo patunayan kung hanggang saan ang kaya ng lalakeng gusto mo? O ayaw mo lang masaktan?

Napatingin ako sa wrist watch ko habang kinakagat na ako ng mga insekto dito habang hinihintay siya. Kanina pa ako andito. He's 15 minutes late na.

Kunot noo akong nililibot ang paningin sa park. May naghahabulan na mga bata at may mga matatandang naglalambingan sa kapaligiran.

Huminga ako ng malalim at umupo sa bench habang naghihintay.

Dadating siya. Late lang siguro. Ganyan din naman ako kapag may mga usapan na pupuntahan. Palagi akong late. Ngayon lang ata ako hindi nalate. Baka siguro maaga lang talaga ako dumating dito.

Nilibang ko ang sarili ko sa paligid. Pinagmamasdan ang mga tao. Pero hindi ko mapigilan mapabuntong hininga at tumingin muli sa cellphone ko.

It's already 11:15 na. Magtatanghalian na. Dumating ako dito 9:30 dahil iyon ang usapan namin ni Zev kahapon. He told me to come here kahit medyo may off something kaming dalawa kahapon. Sinabi niya pa rin sa akin ang lugar at oras sa amin dalawa.

Pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Hindi pa rin siya dumadating. At mas lalong hindi ko siya matawagan dahil nakalimutan ko hingiin number niya at ang akala ko mas mauuna siya dito.

Napakagat ako sa labi habang mahigpit na hawak ang sling bag ko. Medyo bumibigat na pakiramdam ko. Kanina pa ako nandito. Ano? Hindi niya ako sisiputin?

Nanggilid ang luha ko at parang paunti unti sumasakit ang puso ko. Pilit ko kumalma pero hindi ko maiwasan isipin na ilang oras na ako naghintay dito. Para akong tanga dito.

"Lift your head, baby, don't be scared..Of the things that could go wrong along the way.."

Bigla tumulo ang luha ko at napatingin sa stage sa kalayuan mula sa akin. May mga taong patungo roon.

"Baby, you don't have to worry.. 'Coz there ain't no need to hurry."

Muli ko narinig ang malamig niyang boses tulad ng kahapon. Hindi ko masyado makita ang mga nagbabanda sa stage dahil nanlalabo ang aking mga mata sa luha.

"Girl I'll stay through the bad times..Even if I have to fetch you everyday."

Agad ko pinunasan ang luha ko at tumungo na din roon. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Hindi niya ako sinipot.

"We'll get by with a smile.. You can never be too happy in this life.."

Sumingit ako sa mga tao na dumadami habang pinapanood ang banda. Napatingala ako at nakita ko muli ang lalakeng kumakanta kahapon.

Siya nanaman.

Singer ba siya? Sa tuwing nakikita ko siya. Kumakanta siya. At aaminin ko napakaganda ng boses niya.

"In a world where everybody.. Hates a happy ending story.."

Sumabay ang mga tao sa kanta niya. Ako mas lalo sumasakit ang puso ko. I don't hate happy ending. I just hate the ending. Dahil tila parang may katupasan ang kasiyahan mo.

At hanggang ngayon bakit pakiramdam ko hindi na talaga ako sisiputin ni Zev. Dahil ba ito kahapon?

"Lift your head, baby, don't be scared.."

Napatingala ako sa napakalamig niyang boses. Nagtama muli ang mata namin ng lalake. Blanko ekspresyon niya habang pakiramdam ko pinagmamasdan niya mukha ko.

"Now it's time to kiss away those tears goodbye.." Kanta niya habang titig na titig na siya sa akin.

Kinabahan ako at umiwas ng tingin. Pakiramdam ko hindi niya 'yun kinakanta kundi sinasabi niya sa akin 'yun.

Agad ako umalis sa kumpulan ng mga tao doon at naisipan na umuwi na lang.

Siguro hindi lang 'yun sa akin nakatingin. Ang mga tao sa likod ko ang tinitignan niya. Atsaka hindi naman niya ako kilala.

Napabuntong hininga ako habang tumigil ang jeep sa tapat ng Cafe. Tumingin ako sa babaeng kaharap ko hanggang sa tumagos ito sa likuran niya sa labas ng jeep.

At para akong binagsakan ng langit na makita ang lalakeng kanina ko pang hinihintay sa park ay nakikipag tawanan lang kay Charity.

Umawang ang labi ko at tila ako kinapos ng hininga. Agad na lumarga ang jeep nang may sumakay na habang ako hindi ako makapaniwala.

Parang may sumuntok sa puso ko habang gulat na gulat pa rin sa nakita ko.

Pinaghintay niya ako sa park. Pinaghintay niya ako ng ilang oras doon. At makikita ko siyang may kasama siyang iba? Ano 'yun? Ano 'yun!!

Hindi ko napigilan ang sarili ko mapaiyak. Sobrang sakit na makita 'yun. Hindi ko aasahan na makita ko siya sa ibang babae habang ako naghihintay sa kanya. Ilang oras niya ako pinaghintay. Hindi siya sumipot. At nang isipin 'yun ay parang pinaghahati ang puso ko.

Dahil ibang babae pala ang pinuntahan niya.

Napahawak ako sa dibdib ko at kagat labi akong pinigilan ang mga luha kong nagtitipon na.

Ito ba sinasabi ni Boshie ha? Assurance? Wala din ako nun. So bakit ako nasasaktan? Bakit ako nagagalit? Wala rin akong karapatan para maramdaman 'yun diba? Dahil hindi pa kami.

Pero niligawan niya ako! Malinaw naman 'yun para sa aming dalawa na sa akin lang siya titingin diba? Pero anong ginawa niya? O hindi siya sumipot dahil sa nangyare sa amin dalawa kahapon?

Ito ba nararmdaman ni Zev kahapon? Ha? Kung ganun, ganito pala kasakit. Ganito pala masaktan. Sana kung pupunta siya sa iba. Sinabi sana niya sa akin noong una palang na hindi siya makakarating.

Dahil masakit maghintay. Masakit.

________

Updated.