Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

IF ONLY

🇵🇭xzychopath
--
chs / week
--
NOT RATINGS
9.5k
Views
Synopsis
A story of us that never was. Naranasan mo na bang umibig sa isang taong magkaibang-magkaiba ang relihiyon nyo? Ako?oo at isa lang ang sigurado ako at yun ay ang ang tinitibok ng aming mga puso. Isang kasalanan umano ang umibig ang isang kagaya ko na Kristiyano sa isang Inglesia ni Cristo. Ngunit mas malala pala ang umibig ako sa parehong kasarian ko. Uulitin ko, naranasan mo na ba? Started:April 10,2020 Finished:
VIEW MORE

Chapter 1 - TEASER

"Segurado,Jerald.With highest honor."

Natuon ang atensyon ko sa stage nang tawagin ang pangalan ko.Tumayo si Mama.Bakas na bakas ang tuwa dahil habang naglalakad paakyat sa stage ay nakatingin siya saakin habang pumapalakpak.Bago pa man kami magsang-abot ay kumuha siya ng panyo sa bulsa at pinunasan ang namumuong luha sa mga mata niya.

"Anak ko," sabi niya habang maluha-luha.Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Proud na proud ako sayo." ilang salita ngunit grabe ang haplos nito sa puso ko.

"Ma,pano ba yan nakapagtapos na ako.Meron ka nang future napaka-gwapong piloto." taas noo kong sabi nang nakangiti habang tumutulo pa rin ang mga luha sa mata.Natawa naman siya.

Tinignan ko ang mga tropa ko at ilan sa mga school mages ko.Malungkot habang pinagmamasdan akong naglalakad.Bakit naman sila malungkot eh kasama ko naman ang Mama ko.

"Anong gustong regalo nang napaka gwapong future piloto kong anak?" tanong saakin ni Mama.

"Ikaw." maikling sagot ko na nakapag pa-wala ng napakatamis na ngiti niya kanina.

"Anak kasi----" hindi na niya natapos ang sasbaihin nang muling magsalita ang Dean.

"All rise and let's give Mr.Jerald Segurado a warm of applause!" tuwang-tuwang sabi ng Dean habang kinakamayan ako.

"WOOOOOH TROPA NAMIN YAN!"

"YES NAMAN!"

"LIBRE! LIBRE! LIBRE!"

Sigaw ng mga mukhang unggoy kong tropa habang pumapalakpak.Aba dapat lang maging proud sila kasi meron silang kaibigan na tulad ko na ubod ng kagwapuhan.

"Jerald don't you have anyone with you?" pabulong na tanong ni Dean.

"No Dean I'm with my Mom----" ngunit nang lumingon ako wala na siya.Wala na akong kasama.Wala na si Mama.

Nawala ang kaninang napakatamis na ngiti sa mga labi ko at napalitan ng mapait at pilit na ngiti.

Death anniversary pala ni Mama ngayong araw.

Naging mabilis ang mga pangyayari.Ang Dean na lang ang nagsabit ng medalya sa akin.Kitang-kita ko sa mga mata ng mga taong nakakakilala sa akin ang awa kahit na nakangiti sila habang kino-congratulate ako.At 'yon ang ayaw ko.Ang kinakaawaan ako.

Inaaaya ako ng mga tropa ko na mag party mamayang gabi ngunit tumanggi ako at ibinigay na lang ang card ko para gamitin nila bilang libre ko sa kanila.Nung una ayaw pa nila tanggapin at mas pipiliin daw nilang kasama na lang ako pero di ako nagpatalo,kaya sabi ko babawi na lang ako sa susunod.Mas importante ang pupuntahan ko ngayon.

Pumunta na ako sa parking lot para hanapin ang kotse ko,di naman nagtagal at nahanap ko na rin ito.Palabas na ako ng campus nang makita ko ang ilan sa mga batch mate ko naglalakad kasama ang mga magulang nila.

"Ano kayang pakiramdam nang buo ang pamilya?" tanong ko sa sarili ko.

I erased that thought and focused driving on the way to the cemetery.Tumigil muna ako sa isang flower shop at bumili ng paboritong red roses ni Mama.

Nang makarating ako agad kong pinarada ang sasakyan at bumaba bitbit ang biniling bulaklak.Wala masyadong tao ngayon.Tirik na tirik ang araw.Nakadagdag pa sa init ng katawan ang suot ko ngayon.Hindi ko inalis ang toga at suot ko pa rin hanggang ngayon ang medalya.

Naglatag muna ako bago tuluyang maka-upo.Pinagmasdan ko ang head stone kung saan nakasulat ni Mama.

"Gloria Tejero---" at yung dulong pangalan na nakasulat na tuluyang nabura.

"Ma,thank you kanina ha.Nagpakita ka ulit.Nakausap kita ulit.Sayang lang hindi ikaw yung nagsabit ng medal sakin kanina,pangarap natin yun diba?na balang araw magiging proud na proud ka sakin dahil nakapagtapos na ako.E-Eto na yun ma oh." sabi ko habang pinipigilan ang mga luha na tumulo habang hawak ko ang medalya at pinapakita na parang may buhay ang kausap ko ngayon.

"Ma..I love you Ma." tanging nasabi ko bago tuluyang mag unahan sa pagtulo ang mga luha sa mata ko.

Hindi muna ako umalis at kinwentuhan ko muna si Mama ng kung ano-ano habang nakahiga at pinagmamasdan ang kalangitan habang nakangiti.Mga halos isang oras rin 'yon.

Wala sa sariling nai-kwento ko ang tungkol sa love life ko.Alam ko maiinggit ka unahan na kita.Sana all may love life.

"Siguro pag nakilala mo Siya matutuwa ka sa Ma promise.Sayang nga lang kasi...." tumayo na ako at nagpaalam na kay Mama.Babalik naman ako sa susunod na buwan.

Paalis na sana ako nang maisipang silipin ang isang sariwang-sariwa na puntod.Naglakad ako papunta rito,di naman ito ganoon kalayo.

Palapit ako ng palapit,pabigat rin ng pabigat ang pakiramdam ko.Na para bang nagsasabi na ang bawat hakbang ko kapalit nang muling pagdurugo ng puso ko.Pero ngayon wala na akong pake.

Tinitigan ko ang puntod.Dito,tumulo muli ang mga luha ko ngunit di ito katulad kanina.Pinipiga ang puso ko.Masakit?hindi.Sobrang sakit.

Pinikit ko ang mga mata ko habang nakaluhod sa puntod Niya.

And then a story of how two hearts promised forever but ended not what they expected flashed...