Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

the goldigger meet mr.kupido

Erica_QC
--
chs / week
--
NOT RATINGS
6.7k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter One

"pakkkk" isang malakas na sampal ang lumapat sa mukha ni Rose. Pakiramdam niya parang muntikan ng mabali ang leeg niya sa lakas ng impact. Madiin na napahawak ang kanang kamay niya sa kanang pisngi.

" kulang pa yan sa pangangabit mo sa asawa ko, pero hindi ko aaksayahin ang oras ko sa isang katulad mong haliparot,makati at mababang uri. Isa lang ang gusto kong iparating sayo at maganda mong gawin sa mga oras na toh, lubayan mo ang asawa ko or else titira ka sa kulungan." gigil na gigil ang mga boses ang pinakawalan ng isang ginang na nanlilisik na nakatingin sa kanya.

Walang lumabas na boses sa bibig ni Rose. Bahagya siyang napatingin sa lalaking nasa tabi ng ginang. Mga tingin niyang humihingi ng saklolo. Pero alam niya sa sarili niyang hindi siya tutulungan nito kaya minabuti nalamang niyang umalis.

Pagkalabas niya ng hotel ay dumeretso siya sa 7/11 at bumili ng 2 beers at junk food. Habang naglalakat bitbit ang pinamili, nang gagalaiti siya sa sarili nya.

" Ang tanga tanga mo talaga Rose kahit kelan" saad niya sa isip lamang habang hinahampas ng bahagya ang kaniyang ulo.

Hindi ito yung gusto nyang gawin sa buhay. Yung maghanap ng mayaman at patusin kht na may asawa. Kahit papaano nagpapasalamat parin siya dahil sa lahat ng mga legal wife na naka face to face niya ay wala pang nagtangkang ipakulong siya. Marami naring nagsasabi sa kanya na balang araw kakarmahin din siya pero laging ang sagot nya lang ay "hindi ako naniniwala sa karma".

"hoy!"

"aaahh!" napatili siya sa gulat ng biglang may narinig siyang napakalakas na busina na kamuntikan naring ma ihagis ang daladala niya.

" Ano ba!" sigaw niya dito

" Miss Universe, wala ka sa entablado para maglakad sa buwan habang umeekes ekes yang paa mo sa paglalakad,mukhang hindi ka naman lasing diba?" maangas na sigaw ng lalaking napadungaw s bintana ng kotche.

" Hoy! mr. hari ng kalsada FYI hindi ako lasing dahil hindi ko pa naiinom etong beer na kabibili ko lang. At FYI naglalakad ako dito sa gilid wala ako sa gitna" mataray na sigaw niya sabay tingin sa kinatatayuan niya. at napalunok laway siya ng makita niyang malapit lapit na siya sa gitna ng kalsada.

"talaga?" simpatikong taas kilay na tanong nito.

" e~ oo na kasalanan ko na,, obvious naman diba kitang kita." sabay irap. " oh, ayan na dumaan ka na mr.hari ng kalsada" nagmalaakting na lamang siya nagbigay daan na parang prinsipe ang daraan.

Napa iling iling nalamang ang supladong lalake at nagpaharurot na ng sasakyan.

" bwisit!!" nanggagalaiting sigaw niya dito ng matanaw na niyang nasa malayo na ang sasakyan.

"hayyy,bwisit na araw toh! ahhhhgggg!!!!" nang gigigil na hinaing niya sa sarili. Pahakbang na siya paalis ng biglang tumunog ang cellphone niya at sabay kuha. "isa ka pa!! gigil mo si ako" gigil na gigil na kinusap ang cellphone. nakita niyang number lamang eto at napa kunot nuo. "At sino naman kaya eto?" saby sagot sa tumatawag.

"Hello, beshie ako toh ang yong pinaka magandang beshie sa buong mundo" tumatawang saad ng nasa linya.

" putik ka besh ikaw lang pala,akala ko kung sino kasi number lang. nagpalit ka na naman." natatawang naiinis na tugon nya.

" besh,alam mo naman na napaka haba ng hair ko." himagikhik sa tawa ang nasa linya.

" ewan sayo,isa isa lang kasi pinagsasabay mo kasi lagi sila". pabirong tugon nya dito." bakit ka nga pala napatawag?

"kasi beshie si mother gusto nyang sunduin ko daw ung pinsan ko at samahan umuwi ng cebu"

Sa sinabi ng beshie nya ay parang nababasa nya na ang susunod na sasabihin sa kanya. "oy!oy! besh, mukhang alam ko na kung anong sasabihin mo,uunahan na kita a-yo-ko."

" aray naman besh! manghuhula ka na pala ngayon" sabay tawa ng malakas ng nasa linya. " pero besh siryoso,sige na please ikaw na lang sumundo sa kanya may lakad kasi kami ng bhebhe loves ko." malambing na panunuyo sa kanya.

"besh ok lang sana yung sumundo pero ung sabihin mo na samahan ko pauwi ng cebu? no way!" naiinis na pagmamatigas niya.

" oh,sige sige besh kahit sunduin mo na lang tapos hatid mo muna sa bahay ha? si mama na ang bahala sa kanya, ha? please???" pag pupumilit parin nito sa kanya.

Napabuntong hininga siya " haaayyy naku beshh! ewan ko,hindi ako makapagisip ng maayos ngayon.mamaya na lang tayo magusap ha?please ang sakit ng ulo ko ngayon naiistress ako.mamaya tatawagan kita mag rerefresh lang muna ako ng utak." pakiusap nya dito

"beshie naman eh,, o sige mamaya ha tawagan mo ako ha? please?" pagmamakaawa parin nito sa kanya.

"opo opo tatawagan po kita mamaya,,,,hayyy!! isa karin nagpapasakit ng ulo ko" may panggigigil sa boses niya na sagot.

"love you beshie ko,muwahhh. oh,sya mag unwind ka muna.bye bye my beshie talk to you later muwahh" tuwang tuwa na nagpaalam ang nasa linya.

Napanguso na lamang siya pagkatapos ng tawag sabay buntong hininga." hayy,buhay!".

Pumunta siya ng bus station pauwi ng Cavite. Naisipan niyang tawagan ang kanyang Ina.

"oh,nak napatawag ka?

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. " Ma,pauwi ako ngayon diyan". sagot niya.

"Oh, bakit biglaan ang uwi mo?" nagtatakang tanong ng nasa linya.

" a~a~no kasi ng, binigyan ako ng leave ng amo ko. M~masiyado daw kasi akong workaholic." Nauutal na sagot niya. Wala na kasi siyang maisip na alibay.

"Oh, siya. Dito na lang natin pagusapan yan.Magingat ka sa byahe. Patayin mo na yan baka ma snatch pa yang cellphone mo." pagaalala ng nasa linya.

"Sige ma,magtext na lang ako pag malapit na ako." sagot niya at naramdaman niyang nangilid ang mga luha niya. Sa mga oras na ito gusto niyang maramdaman ang yakap ng kanyang ina. Nakakaramdam na naaman siya ng guilt dahil sa kanya na namang nagawa. Pero andoon parin ang panghihinayang niya dahil maraming plano sa kanya ang lalaking nakarelasyon niya. Hindi niya nga lang lubos na maisip na sa isang iglap mawawala ang lahat. Kahit alam niyang kahit anong ingat ang gawin wala paring lihim na hindi mabubunyag. Sa mga oras na ito ang tanging niya lamang magagawa ay ang magpalamig, kalimutan ang mga ngyari at magrelax muna hanggang sa maka move on na siya sa mga ngyari. Pagkasakay niya sa bus ay pinatay na muna niya ang cellphone para wala munang mangabala sa kanya. "opppss!" binuhay niya ulet ang cellphone dahil bigla niyang naisip ang kanyang bestfriend. Minessage nya muna ito na hindi niya magagawa ang pakiusap nito sa kanya. Pagkatapos niyang masend ang message ay pinatay nya na ulet ang cellphone dahil alam niyang mangungulit ng mangungulit ito. Pagkatapos niyang itago na sa bag ang cellphone ay inihilig nya ang ulo niya sa nakasarang bintana ng bus at ipinikit ang mga mata at pinilit niyang makaidlip kahit konte.

1:06 ng hapon ng makarating si Rose ng Dasma Bayan. Isang sakay na lang at malapit na siya sa bahay ng kanyang ina. Habang nagaabang ng sasakyan ay binuhay nya na ulet ang cellphone. Sunod-sunod na tumunog ang cellphone. Nakita niyang naka ilang missed call ang bestfriend niya pero di niya pinansin ito. Ewan ba niya parang wala siyang ibang gustong makausap kundi ang kanyang ina. Hindi rin nya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam nya lahat ng gawin niya,lahat walang kuwenta. Na sa araw araw gumagawa siya ng kasalanan. Ang totoo niyan hindi siya masaya. Oo nakukuha nya mga gusto nya,mga luho,pera ng walang kahirap hirap dahil ang puhunan lang naman niya ay ang kanyang alindog, pero hindi parin sya masaya. Pakiramdam niya may malaking pang kulang sa buhay niya. Gusto niyang maranasan yung totoong masaya, yung malaya sa lahat.

Nakita nyang may tumigil na jeep sa harap niya at sumakay na siya. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan niya ang kanyang ina para sabihing malapit na siya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na ang jeep sa last destination nito at bumaba naman siya at nag lakad ng konti. Hanggang sa narating na niya ang gate ng bahy ng mama niya.

"Maaaaa," sigaw niya at kinalampag ang gate.

Dali-daling lumabas ang mama niya. "Parang ang bilis naman ng biyahe mo." puna nito sa kanya habang tinatanggal sa pagkakapadlock ang gate.

" nakatulog ako s bus kaya diko na namalayan.panigurado maluwag ang kalsada kaya mabilis ako." sagot niya habang papasok ng bahay. Nilapag niya ang sling bag na dala dala sabay upo at napa buntong hininga.

" Sandali lang at kukuha lang ako ng makakain mo." nagmamadaling dumeretso ng kusina. " ano palang ngyari at biglaan naman ang paguwi mo dito?" tanong nito habang kumukuha ng pinggan.

" e~h kasi pinagleave muna ako kasiii,,,ano ng, ng, nagalit kasi sakin yung amo ko. kasi hindi naging maganda yung presentation na ginawa ko sa meeting namin kanina,,, ay kagahapon pala." napakamot ng ulo tuloy siya dahil di niya alam kung paano papapaniwalain ang kanyang ina sa mga kwentong sasabihin niya dito.

"ahhh! eh, pano yung sinabi mo na may meeting kayong pupuntahan sa Puerto prensesa? edi cancel na yun?" tanong ulit nito habang nilalapag ang pinggan na pagkakainan niya pati n ulam at kanin sa lamesa.

Agad namn siyang umupo at nagsimula ng sumandok ng kanin." Hindi na matutuloy kasi dahil sa,, sa,, presentation ko pati yung meeting sa Puerto nadamay kasi,, kasi magkaibigan pala yung cliente namin at ng kameeting namin". Sagot niya sabay subo ng pagkain.

"Ay ganun? naku sayang naman. edi pano yan? ilang days ka pinag papahinga? at saka ng dahil lang sa hndi magandang presentation ba yun?eh leave na agad?" ma usyosong tanong nito sa kanya.

" kasi nga,hindi naman dw ako ganito magtrabaho, bakit daw parang nawawala ako sa konsentrasyon. at malaki ang nawala sa kanya dahil bukod sa,,, bukod sa nag back out ung kameeting namin kagahapon eh,,eh pati yung sa pwerto eh nadamay na rin,kaya imbis na sigaw sigawan daw niya ako eh,magleave dw muna ako at balik na lang daw pag refresh na yung utak ko." walang kahirap hirap na naisip na sagot niya sa kanyang ina at sunod sunod na sumubo.

"oy! dahan dahan lang s pagsubo." nagulat ito ng makita siyang sunod-sunod ang subo. Maya maya ay napabuntong hininga na lamang ito." hayy! wala naman tayong magagawa kung yan ang gusto ng amo mo. Wag ka magalala wala kang ibang gagawin dito kundi magpahinga at magrefresh ng utak. Wag ka kasing masiyadong workaholic.paminsan minsan mag enjoy ka naman."nakakunot nuong pangangaral sa kanya nito.

Ngiti na lamang ang isinagot niya at nagpatuloy na siya sa pag kain. Di niya masabi ang totoo sa mama niya dahil alam nyang magagalit ito ng husto sa kanya. At natatakot siya na isang araw itakwil na lamang siya nito at di magtagal maaring kumalat din ang kwento ng buhay niya d2 sa lugar ng mama niya at maging dahilan pa ito para ikahiya siya ng pamilya niya.Wala siyang ibang gusto kundi araw araw maging proud ito lagi sa kanya. dahil ang pamilya na lamang niya ang bukod tanging malinis ang tingin sa kanya.

RINGGGG~~~RINGGGG~~~RINGGGG~~~

May naririnig siya ngunit ayaw nyang idilat ang mga mata niya, kaya lang ayaw paring tumigil ng tunog hanggang sa hindi na rin siya nakatiis. Iminulat nya na ang mga mata niya at napatingin sa cellphone niya na matinggkad ang ilaw dahilan para di niya maimulat ng masiyado ang kanyang mga mata. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita niya ang pangalan ng bestfriend niya. tinitigan nya ng mga ilang minuto ang cellphone hanggang sa tumigil ang tawag at tumawag ito ulet. Paniguradong galit na galit eto sa kanya. Napatingin siya sa bintana ng sala. Nakatulog pala siya at medyo nagdidilim na. Tiningnan nya ulet ung cellphone at huminto na ang tawag. Ewan ba nya pakiramdam nya talaga ngayon ay napaka walang kwenta ng buhay nya, nakakaramdam siya ng pagod sa buhay. Umilaw ulit ang cellphone niya,tumatawag ulet ang bff niya. Ung daliri nya nagkusa ng sagutin ang tawag at ipinatong sa ibabaw ng kaliwang tenga niya habang siya ay nakatagilid na higa.

"besh" garalgal at mahina ang kanyang boses

"besh ok ka lang ba? hindi ako sanay ng ganyan ka." tinig na nagaalala

"besh,,, nakakapagod na" garalgal parin at mahinang sagot niya. Boses na parang nawawalan na ng pagasa sa buhay.

"oy besh, wag ka ngang ganyan. Alam ko na yan,,nahuli ka na naman ano?" nagaalalang tanong nito.

" as usual, ganun na nga.." malungkot na sagot niya.

" haaaaayyy! ewan ba sayo besh,bakit gustong gusto mong trabaho ang mangabit s mga lalaking mayayaman. Sinabihan na kita na kung magjojowa ka rin lng ng mayaman ay yung wala sanang sabit. Dahil kahit anong gawin mo kahit balibaliktarin mo pa ang mundo pag legal wife wala kang laban,makukulong ka pa sa ginagawa mo." pasigaw na mando nito sa kanya.

" oo alam ko naman yun besh,kaya lang mahirap maghanap ng mga single na mayayaman." maslalong hininaan niya ang boses sa pagsagot. Tinungo nya ang labas para hindi siya marinig ng kanyang ina.

"besh,mas masarap sa pakiramdam yung pera ay galing sa pinaghirapan mo. kung gusto mong yumaman pagtrabahuhan mo,huwag mong i asa sa iba. Sa ginagawa mo nagmumukha kang bayarang babae." pangangaral nito sa kanya.

" wow ha,ikaw ba yan besh?" pabiro niya.

"hoy! kahit ako Two timer matino parin ako,matino parin ang pagiisip ko,dahh!"natatawang proud na proud sa sarili. "pero besh,tanungin kita. Sa lahat ba ng naging bf mo lahat ba sila minahal ka?pinili ka ba vs sa legal wife nila? sa bawat pag bigay nila ng pera sayo at pagbibigay ng lahat ng luho mo masaya ka ba? sige nga sagutin mo nga?" siryosong tanong nito sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago siya sumagot. "syempre,hanggang ngayon ako parin ang talo,hindi nila ako minahal dahil katawan ko lang ang kailanga nila,binigay man nila lahat ng luho ko pero kahit kelan hindi ako naging masaya." malungkot ang boses niya habang sinasabi niya ito sa bff niya. Nakakaramdam siya ng galit. Galit dahil hindi siya kayang panindigan ng mga nakakarelasyon niya na halos lahat ibinibigay na niya pero wala parin hindi nya parin maramdaman na worth it syang tao.

" akala ko ang laki mo ng tanga at manhid dahil hindi mo kayang makita yan at maramdaman. Besh,kung gusto mo maging masaya at malaya gawin mo kung ano ang tama. Tigilan mo na yan,pagtrabahuhan mo ang pera at higit sa lahat wag mong tingnan sa stado ng buhay ang isang tao dahil minsan kung sino pa ang mahirap sila pa ang uma asenso." pagpapalinaw na pangangaral nito sa kanya.

Pakiramdam niya naliliwanagan na ang isip niya. Gusto niyang gawin ang mga sinasabi sa kanya ngunit hindi niya alam kung saan at paano siya magsisimula.

"besh,paano? gusto kong subukan yung sinasabi mo. Gusto kong ituwid ang mga pagkakamaling nagawa ko. Gusto ko ng magbagong buhay at maging masaya." ang boses nya tila nagpapasaklolo. Naramdaman niya ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha nya. Ang puso niya wari'y gusto ng makawala sa hawla.

" besh,matutulungan kita diyan. Punta ka dito bukas sa bahy ko at dito natin pagusapan kung ano ang dapat mong gawin or maganda mong gawin. Atttt,, wag kang magalala sasabayan kita sa pagbabago mo." tuwang tuwa na napahagikhik sa tawa na para bang mas excited pa kesa sa kanya.

" baliw ka talaga" tatawa tawa siya habang pinupunasan ang mga pisngi niya dahil sa pagiyak nya. "papaputol mo na ba sa akin yang mahaba mong buhok?"pabiro niya.

"damn! yes! pero wag mo masiyadong iklian ha," tatawa tawang sagot nito.

"wag ka mag alala walang masasayang na hibla ng buhok mo kasi kakalbuhin tlga kita para matigil narin yang kalandian mo." napahagalpak siya ng tawa pati ang bff nya hindi napigilang humagalpak sa tawa.

" bwiset!! wag ganon besh maawa ka naman sa kagandahan ko." nagmamakaawang pabiro nito at sabay pa silang humagalpak ng tawa.

"Rose,Rose" isang boses mula sa likod niya.

Nasa likod niya pala ang kanyang ina. " oh,sige na besh bukas na lang byee!!" sabay patay sa tawag. "k~kanina ka pa ba jan ma?" kinakabahan siya.

"kakarating ko lang,tinatawag kita kc kakain na tayo. Sino yung kausap mo?.tanong nito s kanya.

"Ahh, si Milay. Tinawagan ako magkita daw kami bukas." maagap na sagot nya.

"Ahh, edi aalis ka rin pla bukas. Sayang naman balak ko pa naman magluto ng bilo-bilo."

"Lah,bukas mo na ng umaga gawin yun. saka baka gabi pa ako aalis non." himutok niya.

"Sige subukan ko na lutuin yun bukas ng umaga. At baka pag natikman mo yun baka makalimutan mong may lakad k pa." tatawa tawang may pagmamayabang na sagot nito sa kanya.

"edi wow!" natawa bigla siya sabay hawak sa braso ng kanyang ina.