Si Melissa ay isang magandang babae na nakatira sa isang parte ng Maynila. Siya ay 20 taong gulang. Ang mga mata niya ay parang diyamante kung kumislap. Ang kaniyang mga ngiti ay nakakasilaw. Noong bata pa siya, nakilala niya si Jake, isang lalaking nagpatibok ng puso niya. Araw araw niyang pinagmamasdan ang taglay na kaguwapuhan ni Jake. Pero bihira lang sila magkausap, at hindi naman sila naging magkaibigan.
Makalipas ang ilang taon, umalis na si Jake para mag aral ng medicina sa Japan. Habang lumilipas ang oras unti-unting nawawala ang feelings ni Melissa para kay Jake, at unti-unting na niyang nakakalimutan ang kanyang pagkatao.
Ngayon, nagtatrabaho si Melissa sa isang maliit coffee shop malapit sa high way. Pinili niya itong maging trabaho dahil hindi lang sa paborito niya ang kape, dahil na rin wala na siyang pangtuition para sa college. Wala na rin ang kaniyang mga magulang para gumabay sa kaniya.
Pero hindi niya alam na sa isang coffee shop niya muling makikita ang isang tao na naging espesyal sa kaniya.