ITINAAS ni Bella ang mga kamay papunta sa batok ng binata. She moaned in pleasure when his tongue delved deeper into her mouth. Lalo pa nang lumipad ang mga kamay nito sa kaniyang dibdib. She could feel his warm hand through her clothes and that made her cherries hard.
His lips moved to the crook of her neck. Napahawak siya sa buhok ng binata at napapikit. Oh she's feeling it. Nasira lang ang momentum nila nang mag-ring ang phone niya.
Nagkatinginan silang dalawa ni Dean bago niya nilayo ang sarili mula dito at hablutin ang phone na nasa center table.
"Come on, babe. Mamaya mo na sagutin iyan." sabi ni Dean na niyakap siya mula sa likod. He rained kisses on her shoulders.
"Shh, it's Mama."
Tumayo siya at iniwan si Dean sa sofa. Hindi niya pinansin ang matalim nitong tingin bago ito humiga.
Lumabas siya ng balcony at sinalubong siya nang malakas na hangin. Niyakap niya ang sarili at tinanaw ang ganda ng Tagaytay. Manipis na ang fog kaya naman kitang-kita niya ang magandang tanawin doon.
Sinagot niya ang tawag. "Hello, Ma,"
"Isabela, anak, nasaan ka ba?" anito, may bahid ng pagtitimpi sa boses. Ginagamit lang ng ina ang buong pangalan niya kapag ginagalit niya ito.
Bella hated her true name Isabela. Sa tingin niya ay hindi angkop sa panahong iyon na ganoon ang pangalan niya. Well, it was a family tradition na hindi niya matatakasan. Maging ang ibang kapatid niya ay sinauna din ang mga pangalan. Ang kaibahan, some of them like their names while she despised hers. It reminded her of the duty that's forced onto them. That family is more important than yourself and words carry more weight than their feelings.
"I'm in Tagaytay. What's up?"
"Kailangan mo nang umuwi. Mamayang gabi ay magkikita kayo ng iyong kasintahan. Kailangan na niyong magkakilanlan."
She rolled her eyes. "He's not my kasintahan, Ma. Ni hindi ko pa nga nakakatagpo iyang lalaking iyan. So stop calling him kasintahan, okay? He's my fiance but he ain't my boyfriend."
"Hindi ba't ganoon na din naman iyon? Basta ay umuwi ka na kung ayaw mong galitin ang iyong ama." Pagkasabi niyon ay binaba na nito ang tawag.
Gustong ihagis ni Bella ang phone pero naalalang nasa 23rd floor sila. Sayang naman ang kaniyang phone kung itatapon lang.
Huminga siya ng malalim at sumandal sa railings. Tapos na ang maliligayang araw niya, huh.
Bata pa lamang silang magkakapatid ay mahigpit na itinuro sa kanila ang importansya ng pamilya. Ang mga ninuno niya ay hindi mayaman. Nagsikap lamang ang mga ito para marating ang tinatamasa nilang yaman. Ngayon nga ay ang pamilya nila ang isa sa pinakamayaman sa bansa. They were now being called old money after many centuries. But without sacrifices.
Ang mga lalaki ay hinuhubog para mamahala sa marami nilang kompanya. While the women, they were trained to be wed to other wealthy families. Tinuruan silang magluto, manahi, maglaba – everything about being a housewife.
And it didn't make sense to her. Mayaman sila bakit kailangan nilang pag-aralan ang mga bagay na iyon. Maaari silang kumuha ng katulong para gumawa non para sa kanila. Hindi naman mahirap ang mapapangasawa nila kung nagkataon.
Her parents turned deaf ears to her complaints. Sa mga anak ng mga ito ay siya lang ang kumukwestyon sa tradisyon ng pamilya. That's why she's the least favored. Hindi siya kayang kontrolin ng mga ito. At matalino siya. Kaya niyang mabuhay nang wala ang yaman ng pamilya.
She was grateful of the money has to offer but life was so much more than that. Hindi niya kayang ikulong ang sarili sa mundong kailanman ay hindi niya pinili. Pero iba ang mga kapatid niya.
Pito silang magkakapatid. Apat na lalaki at tatlong babae. Siya ay pangatlo sa magkakapatid at panganay sa babae. Ang sumunod sa kaniya ay babae din at siyang pinakamalapit sa kaniya dahil halos magkaedad silang dalawa. Si Esmeralda.
Nang maalala ang kapatid ay malungkot siyang ngumiti. Lahat ng ginagawa niya ay para dito. Maging ang pagpapakasal niya sa estranghero ay ito ang dahilan.
Umiling siya at pumasok sa loob. Naabutan niya si Dean na nanunuod ng TV.
"All done, babe?"
Tumango siya. "Let's break up, Dean." aniya sa nahahapong tinig. Kinuha niya ang bag at kumuha ng polbos para ayusin ang sarili bago umalis.
"What?" Nagulat ito. Tinignan siya at hinanap sa mukha niya kung nagbibiro siya o hindi. Pagkalipas ng ilang segundo ay umiling ito. "Fine. Call me if you need something, okay?"
Bella looked at him gratefully. He had been a nice friend. "Thank you."