Chereads / A Promise Fulfilled / Chapter 2 - Prologue

Chapter 2 - Prologue

Marahas na binuksan ni Kash ang pintuan ng opisina ng ama. Sa nagbabagang mga mata ay tumigil siya sa harap ng lamesa nito. Umangat ang tingin nito at nang makita siya ay tinigil nito ang ginagawa. Nahahapong itinabi nito ang mga papeles na hawak at sumandal sa swivel chair.

"Nasisiraan ka na ng bait, Papa!" sigaw niya at ibinagsak ang dyaryo sa lamesa nito.

Bumuntong-hininga ang ama. "Matagal na natin itong napag-usapan, hijo. Bata ka pa lang ay nabanggit na ito ng iyong ina. It's high time for you to fulfill the promise."

"Promise? E hindi naman ako ang gumawa niyan. Kayo!"

"Anong kaibahan? Isa kang Herrera. Ang pangako ko ay pangako mo na rin. At may isang salita ang pamilya natin, hijo. Huwag kang gumawa ng kahit anong makakasira niyon." May babala sa tinig nito na hindi naitago ng maliit na ngiti.

Napapikit siya sa narinig. Walang saysay ang pagpunta niya roon. Mukhang desidido na ang ama na ituloy ang pagpapakasal niya sa babaeng ni hindi pa man niya nakikilala ay kinamumuhian na niya. Anong kaibahan nito sa ibang babae na halos lumuhod sa harap niya para maangkin siya?

"Fine. Ituloy niyo ito. Pero kapag ang babaeng iyon ang mismong umayaw sakin, hindi niyo naman siguro ipagpipilitan ang bagay na ito?" aniya sa naghahamong tinig.

Hindi natinag si Vince Herrera sa narinig. Nahulaan na nitong ganoon ang magiging reaksyon ng anak. In a way, he felt nostalgic. Ganoong ganoon siya noong mga kabataan niya. Stubborn, hard-headed, ayaw mamanipula.

"Natural," sagot ng ama.

Hindi palagay si Kash sa kumpiyansa ng ama na hindi niya alam kung saan nanggaling. Pero hindi niya iyon pinansin. Ang mahalaga ay may paraan na sya para hindi matuloy ang kahibangan na iyon. All he needs to do is convice that God-forsaken woman to stop this farce. Kung hindi niya madadaan sa kalmadong usapan ay maraming ibang paraan.

"Good. Now who is this lucky woman?" he asked in masked distaste.

Binuksan ni Vince ang drawer at kinuha mula doon ang isang brown envelope. Ipinatong nito iyon sa ibabaw ng dyaryo na ibinagsak niya.

Binuksan niya ang laman at nakita ang file ng babae. Napataas ang kilay niya sa nabasa. The woman graduated from a prestigious university in US na hindi niya pinagtakhan. Normal na iyon sa sociedad na kanilang ginagalawan. Ang ikinamangha niya ay ang achievements nito na madalang sa mga babaeng nakatagpo niya.

Umupo siya sa tapat ng lamesa ng ama at itinuloy ang pagbabasa. Her hobbies were also not a normal girl would like. Polo? Archery? Reading? Where the fuck did this girl come from? Hindi ba't sa panahon ngayon, pagi-internet o kaya nama'y fashion ang pinagkakaabalahan ng mga babae?

Sa pinakababa ng pahina ay naka-bold letter ang salitang: Virign. Seriously? A woman like this exist? Hindi siya magtataka kung disiotso lang ang babae. But she's already twenty-three!

Kash looked at his father increduloduly. "Are you kidding me?"

"Do I look like someone who would joke around?"

"No," aniya, na mas sa sarili niya sinabi. "Have you read this?"

"But, of course. Is there something wrong, hijo?"

He shook his head. "Nah. Where are her photos? Bakit walang nakalagay dito?"

Vince's eyes sparkled. "It would take the surprise away if you see her before you meet her in person."

"Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa isip niyo, Papa," sabi niya na tumayo mula sa upuan at ibinalik sa lamesa ang envelope. "Pababalikin ko ang babaeng iyan kung saan mo siyang lupalop kinuha. Marahil ay pangit iyan kaya hindi niyo ipakita sakin ang litrato. Scared that I would run away?" Though it wouldn't matter if the woman turned out to be pretty.

"Ano bang sinasabi mo? Walang Herrera ang bahag ang buntot. No matter how you hate the family's belief or tradition, hindi mo tatakasan ito. You would rather face it head on and get destroyed instead of running away like a coward."

Hindi niya sinagot ang ama dahil tama ang sinabi nito. Umikot ang mga mata niya at tumalikod. Bago lumabas ay nilingon niya ito sa huling pagkakataon.

"And when would I meet her?"

"I'll contact you. Keep yourself available, son." sagot nito na muling inabala ang sarili sa mga papeles.

"Whatever." tanging sagot niya bago tuluyang lumabas ng opisina. Determinado siyang paatrasin ang babae sa kasal na magaganap. Hinding-hindi siya magpapakasal sa isang tao na hindi siya ang pumili.