"Hoy Jasper ligpitin mo nga yung higaan mo don! Ke aga aga nag momobile legend ka na naman dyan!" sabay bato ko ng matigas na unan sa matigas na ulo ng kapatid ko. Puro nalang ml ang ginagawa magdamag at buong bakasyon!
"Maaaaa may makakain na po ba?" Nasaan na ba yung nanay ko na yon?
"Wala si Mama ate nakina Auntie Minda" ano ba yan ang aga naman tumambay ni Mama sa kabilang bahay.
At dahil wala namang pagkain, naligo na ako at nagbihis
"Jas sabihin mo kay Mama punta lang ako kina Bea wala makain dito e."
"Aalis ka rin? Sige ingat ka sis"
Si Bea bestfriend ko yon simula nong elementary palang kami at don talaga ako palagi pumupunta kapag wala akong magawa at wala akong makain sa bahay HAHAHAHAHA
Naglakad na ako papuntang sakayan ng jeep at syempre nagbayad . Mabilis lang naman ako nakarating kina Bea kasi mga ilang kanto lang naman layo ng bahay namin sa kanila.
"O, Maxx bat ka andito? di nagpasabi ang loka" sabi nya ng medyo namumula mula pa ang mata. Teka, may mali e
"Wala makain at makausap sa bahay e atsaka anyare dyan sa mata mo? Wag mo sabihing mapuwing at nangati dahil sasabunutan kita" sabi ko habang nagkakalkal sa ref nilang maraming laman.
"Maxx" tawag nya na parang di narinig yong tinatanong ko
"Ano nga yon Beatrice?" lingon ko sa kanya ng nakapamewang pa ako pero bigla nya akong niyakap.
"Hoy hoy hoy Beatrice anong drama to?" "Tulungan moko Maxx" sabi ng umiiyak, oo alam kong umiiyak sya kasi nagcrack boses nya syempre.
"Anong tulong ba yan? May mapapala ba ako dyan?" tanong ko pero bigla nya lang akong hinatak pataas sa kwarto nya.
"Hoy teka lang ano ba?! pakain muna naman ako!" reklamo ko habang hila hila parin ako ni Bea.
"Manaaangggg pakidala naman po ng pagkain sa kwarto ko para samin ni Maxx, salamat po!" utos nya sa maid nila hmm sana all magsasabi lang sa maid tapos may pagkain na no?
So ayon nakarating na kami sa kwarto ni Bea at umiiyak parin sya. Nakaupo ako sa kama nya inaantay ang sinasabi nyang tutulungan ko sya.
"Ano ba yong tulong na gusto mo Bea? Naiinip na ako baka umayaw ako nyan"
Bigla nyang inabot saakin ang phone nya at pinabasa saken ang conversation nila nung kachat nya.
"Boyfriend mo ba to Beatrice? Bakit nagpapaapi ka? Sugurin natin gusto mo?!" galit na sabi ko pagkatapos ko mabasa ang convo nila nung lalaking yon
"Help me, Maxxx
Make him fall inlove with you then break his heart."
Di ako makagalaw sa sobrang gulat ko.
WWWWWHHHHHAAAAATTTTTT?!!!!!! IBANG KLASE TONG SI BEA! PERO GAGO YUNG LALAKING YON AH! TATANGGAPIN KO BA? HMP