Chereads / Ella and Chester (BBF) / Chapter 2 - chapter 1

Chapter 2 - chapter 1

Pag uwi ko sa bahay nag bihis ako agad. At hindi parin nag sisink in sa utak ko ang mga nangyari ngayong araw hindi ako talaga makapaniwala.

Humiga ako sa kama ng bigla nag vibrate ang phone ko may nag text pala sakin. Pero number lang kaya tinanong ko kung sino ito

After a minute nag reply ito 'Chester to' basa ko sa message niya. Hindi ko naman maitago ang kilig ko paano ba naman yung crush ko nag message sakin. Kinikilig parin ako ng tumawag ito.

Umayos muna ako ng upo bago ko sinagot yung tawag niya "Hello Chester" bungad ko "Napatawag ka, may problema ba?"

"Wala naman, so nakauwi kana ba?"

"Oo kanina pa, ah Chester may tanong pala ako" Tatanungin ko na lang ngayon curious na talaga ako eh.

"Ano yun?"

"Kanina nung sumasayaw kayo bakit ka naka poker face dati naman lagi kang naka smile pero kanina poker face ka may problema kaba?" feeling close lang eh noh?

"Ah yun ba? Kasi naman kanina may katabi kang lalaki dapat ako lang ang tumatabi sayo, kasi ako lang may karapatan" huh? pinag sasabi ng lalaking to? Pero kinilig parin ako sa sinabi niya.

Pero wait nag seselos siya kay Miguel? "Selos kaba?" tanong ko

"Masyado naman ata akong gwapo para mag selos mas gwapo naman ako kaysa doon, ayaw ko lang na may ibang tumatabi sayo" ay hindi ko yata gets pinag sasabi niya?

Napangiti na lang ako "Ah sige" wala na akong masabi pa sa kanya kaya pinatay ko na ang tawag

Napapasigaw na lang talaga ako dahil sa kilig ko

"Briella anong nangyayari sayo?" sabi ni kuya habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko tumaya ako agad para pag buksan siya, napalakas ata pag sigaw ko binuksan ko ang pinto at ngumiti kay kuya

"Wala po yun kuya hehehe" sabi ko sabay peace sign

"Bumaba kana ngang bata ka"

"Opo baba na po" sabi ko sabay kaming bumaba ni kuya mag di-dinner na ata kami

Umupo ako sa tabi ni kuya kaharap namin si mommy

"Anak bakit ka sumisigaw kanina?" tanong ni mommy, naku po pati ba naman si mommy narinig niya pag sigaw ko? kakahiya

"Wala po" sabi ko at yumuko

"Okay lets eat now" sabi ni daddy hay salamat naman para hindi na sila mag tanong pa

After namin kumain pumunta naman kami sa sala si daddy ay nag babasa ng new paper si mommy may kinakausap sa phone si kuya nanonoud ng basketball at ako wala man lang magawa hayss boring naman this life

Pumunta na lang ako sa kwarto, tinignan ko ang phone ko hala daming message naman at lahat galing kay Chester

'Kain kana 😊'

'Matulog ng maaga may pasok pa bukas 😪😪'

'Kita na lang tayo bukas ha Miss na kita'

Waaaahhh! Miss na daw niya ako makatulog na nga para pag gising ko bukas na para makita ko na ulit si Chester.

KINABUKASAN

Nagising ako bigla ng may malakas na toktok sa pinto ko bumangon ako at pinag buksan kong sino man to

"Mag bihis kana may bisita ka sa baba" si kuya at seryoso siya. Hala bakit?

Naligo ako agad at sinuot ang uniform ko saka bumaba. Laking gulat ko na lang ng nakaupo si Chester kaharap ng pamilya ko. Sh*t anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman ang bahay namin?

Baka sinabi nanaman nila Ria kainis sila!

"Maupo ko Briella" sabi ni daddy. Dahan dahan naman akong umupo sa tabi ni Chester pero syempre may space tinignan ko si kuya at dad ang seryoso nila noong tinignan ko naman si mommy ngumiti siya sakin kaya nginitian ko din siya.

"Ako nga po pala si Chester good morning po"

"Good morning din iho" sabi ni mommy na nakangiti buti pa si mom

"What's good in the morning?" ay taray ng tatay ko ah "Ano bang kailangan mo at ang aga mo pang pumunta dito?"

"Dad" suway ko kay dad kakahiya kay Chester wala naman siyang ginagawang masama

Tumingin naman siya sakin na parang sinasabing tumigil ako "I'm not talking to you Briella" yumuko na lang ako, kainis naman eh!

"Tito nandito po ako para sana ligawan ang anak niyo" napatingin naman ako kay Chester, ano daw? Ligaw? Ha?

"Okay that's it siguraduhin mo lang na hinding hindi mo sasaktan ang anak ko dahil malalagot ka sakin" tumayo na si dad "Tara na sa kusina kakain na tayo dito kana din kumain" ay ganun na lang yun? Walang galit na magaganap? Tanggap agad ganun? Wala man lang siyang ibang sasabihin? Pero buti na lang at hindi nagalit

"Tara na kain muna tayo" pag aaya ko kay Chester pumunta na kami sa kusina umupo ako sa tabi ni kuya at umupo naman si Chester sa tabi ko

Kumain lang kami at nag paalam na kila daddy para pumasok

"Kinabahan ako doon akala ko hindi sila papayag na ligawan ka" sabi niya pag labas namin nginitian ko naman si Chester kahit naman ganun kinakabahan parin ako.

"Ikaw naman kasi hindi mo sinabi na pupunta ka sa bahay"

"Para nga surprise eh" ngumiti ako ulit

"Buti na lang talaga hindi nagalit si daddy paano na lang kong nagalit siya"

"Edi liligawan parin naman kita eh wag kang mag alala" sabi niya tumahimik na lang ako hanggang sa naka rating na kami sa school

"Bakit ang daming tao ang pumupunta sa gym?" tanong ko kay Chester

"May laro ngayon ng basketball"

"Bakit hindi ka sumali diba marunong ka mag laro ng basketball?" nakita ko kasi siya noon na nag lalaro ng basketball

"Eh bakit mo alam sinusundan mo ba ako?" sabi niya na nakangiti

"Oo sinundan kita noon at ang galing mo pa nga mag laro eh" inamin ko na lang wala namang mawawala sakin pag inamin ko eh diba?

"Ah stalker din pala kita" kainis to tawanan ba daw ako

"Bahala ka nga" sabi ko at nag lakad na papuntang gym manonoud na lang din siguro ako

"Hintayin mo naman ako" sabi niya at tumakbo papunta sakin.

Nag hanap kami ng mauupuan sa gym at sakto nakita ko sila Rose at Ria kasama mga friends ni Chester doon na kami umupo

Syempre yung mga mata ng mga fangirl ni Chester ang sama kong makatingin sakin akala mo kong sino silang magaganda. Kaya inirapan ko sila.

"Uyy mag kasama sila kayo na ba?" mapang-asar na tanong ni Ethan

"Hindi pa pero malapit na" si Chester na ang sumagot at umupo na ito sa tabi ko. Ay siguradong sigurado siya oh!

Naka ramdam naman ako ng uhaw "Guys sa canteen muna ako ha may gusto ba kayong ipabili?" tanong ko sa kanila pero lahat sila sinabing wala daw.

"Samahan na kita Ella" si Chester

"Wag na Chester manoud kana lang babalik ako agad" sabi ko at umalis na

Nag lalakad ako sa hallway ng parang may nakatingin sakin tumingin ako sa likod pero wala namang tao kasi sure akong nasa gym silang lahat

Binilisan ko na lang ang pag lakad papuntang canteen malapit na ako sa canteen ng may mga babaeng humarang sakin

"Bakit mo kasama si fafa Chester ha?" maarteng tanong ng isang bakla, siguro mga nag kakandarapa sila para mapansin sila ni Chester. Well b*tch don't me!

Nilagpasan ko na lang sila ng biglang hinawakan ng isang babae ang braso ko at hinarap sa kanya.

"Wag mo kaming tatalikurang babae ka ha kinakausap kapa namin!" sigaw ng kung sino mang babaeng to.

"Ano bang kailangan niyo sakin wala naman akong ginagawang masama sa inyo" sabi ko ngunit tumawa lang silang lahat

"Yaan ang alam mo inaagaw mo si Chester!" galit na sabi babae. Sasampalin na niya sana ako ng may humawak sa kamay niya si Mica pala

"At sino naman ang nag sabi sayo na inaagaw niya si Chester kung in the first place hindi naman kayo at hindi mo naman siya pag aari I'm I right?" matapang na sabi Mica, takot ata silang lahat kay Mica eh buti nga sa kanila!

"Sorry po miss Mica hindi na po mauulit" sabi nilang sabay sabay

"Dapat lang mag sorry kayo kay Briella"

"Sorry Briella" sabi nila na sabay sabay nanaman at umalis na

"Thank you Mica" sabi ko humarap naman siya sakin at ngumiti ang ganda niya talaga

"Wag kang mag papaapi sa kanila Briella kasi ikaw lang din ang kawawa" Tama siya

"Okay" masayang sagot ko

"Bakit kaba mag isa saan si Chester?"

"Nasa gym sila nanonoud bibili sana ako"

"Bumili kana hihintayin kita para sabay na tayong pumunta sa gym" pero na badtrip na ako mas gusto ko ng umuwi

Umiling naman ako "Hindi na aalis na ako paki sabi na lang sa kanila na masama pakiramdam ko" at dali daling umalis sa school.