Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Yearbook

jackietejero
--
chs / week
--
NOT RATINGS
19.7k
Views
Synopsis
Sampung tauhan, may sampung lihim Sampung tauhan, may kanya-kanyang nakaraan Sampung tauhan, isa-isang mawawala Sampung tauhan, konektado sa bawat isa *Ang Cameraman *Ang Writer *Ang Bestfriend *Ang Sister *Ang Model *Ang Scholar *Ang Youtuber *Ang Groom *Ang Bride *Ang Brother Sino sa kanila ang tunay na may sala? Sino sa kanila ang handang sumugal para sa Stranger's Challenge?
VIEW MORE

Chapter 1 - Aimee (Part 1)

Aimee Acidera

(The Scholar)

 

Part One

 

 

MAHAL NA MAHAL KO SI JIM. Alam ko, masyado pang maaga pero pakiramdam ko ay siya na nga ang lalaking itinadhana para sa akin. Hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa. Pareho kaming twenty-two years old, at kasalukuyang graduating na ng College this year. Pero hindi ko maiwasan ang mag-alala kapag sumasagi sa isipan ko ang tungkol sa estado ng buhay namin. Maliit pa lang ako ay namamasukang nang kasambahay ang Nanay ko sa pamilya nila. Noon pa ay alam kong nang hindi magiging madali sa amin ang lahat. Kaya mas minabuti na lang naming dalawa na ilihim muna namin ang aming relasyon. Pero sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko alam kung papaano ko aaminin sa kanya na buntis ako.

"Ano'ng plano mo ngayon?" nag-aalalang tanong sa akin ng tinuturing kong bestfriend na si Nikki. Siya ang unang sinabihan ko tungkol sa sitwasyon na kinahaharap ko ngayon. Siya lang kasi ang matiyagang nakikinig sa mga hinaing ko sa buhay. At siya lang ang lubos na pinagkakatiwalaan ko. "Dapat sabihin mo na 'yan sa kanya sa lalong madaling panahon," dagdag pa nito.

Tanging pagbuntong-hininga na lang ang naging tugon ko sa mga sinabi niya. Ang totoo rin kasi, gulong-gulo pa ang isip ko. Pero dahil sa ilang payong sinabi sa akin ni Nikki, kahit papaano ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

Nasa malalim akong pag-iisip ng mga sandaling iyon nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng mumurahin kong cellphone. Nakita kong may text message sa akin si Nanay.

"Pwede ka bang umuwi ng maaga ngayon? Umuwi kasi ng probinsya si AlingTasing. Tapos, sinabihan ako ni Ma'am Juliet na may mga bisita silang darating mamayang gabi."

Ang Ma'am Juliet na tinutukoy ni Nanay sa kanyang text message ay ang Mommy ni Jim. Kapag may ganitong okasyon ang pamilya Gomez, o nauwi ng probinsya ang ibang kasamahan ni Nanay sa trabaho ay ako na ang sumasalo sa mga naiwang gawain ng mga ito.

"Mauna na ako sa'yo!" pagpapaalam ko na kay Nikki, "Maaga akong pinapauwi ni Nanay. May bisita daw kasi sa bahay mamaya."

"S-sige…" tango na lang si Nikki.

Simula nang mamatay ang Tatay ko sa sakit na diabetes ay kinupkop na kami ng Pamilya Gomez. Sa poder na ng mga ito kami nakatira. May sariling Law Firm ang mga magulang ni Jim. Kapwa mga abogado ang mga ito. Sa tulong naman ng Daddy ni Jim na si Sir Lucas Gomez, nakakuha kami ng scholarship ng nakakabata kong kapatid na si Jaime, na kasalukuyan namang first year College sa university kung saan din ako nag-aaral. At bilang utang na loob sa mga ito ay nagkukusang-loob kami ni Jaime na tumulong sa mga gawaing bahay. 

Wala akong ideya kung sino ang bisita ng mga Gomez nang gabing iyon. Kaya naman nang makita ko ang schoolmate kong si Kathleen ay hindi ko maiwasan ang magulat. Si Kathleen Tan ang kasalukuyang President ng Student Council sa aming university. Siya ang nag-iisang anak na babae ng kasalukuyan naming Congressman na si Mr. Erwin Tan.

"Ano'ng me'ron bakit kompleto ang buong family?" nagtatakang bulong sa akin ni Jaime habang sabay naming inaasikaso ang ilang putahe sa dirty kitchen.

"Hindi ko alam," tugon ko na lang sa kanya. Maski ako ay lihim na nagtataka. Sa sobrang abala kasi ng mag-asawang Gomez sa kanilang trabaho, madalang lang makumpleto ang mga ito sa hapagkainan.

"O, ate…" ani Jaime sabay abot niya sa akin ng isang pitsel ng orange juice, "…Ikaw na ang magbigay sa kanila n'yan. Shy type ako eh, hindi ako na-inform na darating din pala ang family ni Congressman!"

"Kaloka ka!" natawang reaksyon ko sabay kuha ko ng naturang pitsel na naglalaman ng orange juice na tinimpla nito. Pagkaraan ay dumiretso na ko sa dining area kung saan masayang nag-uusap ang lahat. Hindi naman sinasadyang nagkatiningan pa kami ni Jim pero ako ang kaagad na umiwas. Ayoko kasing ipahalata sa lahat ang namamagitan sa aming dalawa. Finocus ko lang ang aking atensyon sa pagsasalin ng orange juice sa kani-kanilang mga baso.

"After ng graduation, pwede na nating planuhin ang kasal! Bakit pa natin patatagalin? Doon din naman ang tungo ng dalawang ito, eh! Tama ba ako, ijo?" ani Congressman Erwin, at kay Jim ito nakatingin.

"O-opo…" nahihiyang tugon naman ni Jim sabay ang sulyap niya sa akin.

               

Hindi ko napigilan ang biglang pangangatog ang mga kamay ko dahil sa aking mga narinig. Halos napabulaslas naman ang lahat nang hindi ko sinasadyang matapunan ng juice ang magarang damit ni Kathleen.

"Ija, magdahan-dahan ka naman!" galit na sita sa akin ni Ma'am Juliet.

"I'm sorry! I'm really-really sorry!" natatarantang sabi ko habang pinupusan ko ang nabasa kong damit ng dalaga.

"Ako na lang, ija…" kaagad naman akong sinaklolohan ni Nanay, at mabilis nitong inagaw ang pitsel sa akin, "…Doon ka lang muna sa kusina."

               

Hindi na ako umimik. Nagmamadali na lang akong umalis sa silid na iyon.

"Okay ka lang?" salubong na tanong sa akin ni Jaime.

"O-oo…" pag-iwas kong tugon saka na ako dumiretso sa likod ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin. Para kasing nahihirapan akong makahinga. Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng pagdadalang-tao ko, o dahil ito sa mga narinig ko kanina. Ang daming tanong ang biglang nagrumble sa utak ko. Pakiramdam ko ay para na akong sasabog. Pero hindi ko naman alam kung kanino ba ako dapat magtanong kung ano nga ba talaga ang nangyayari? Kung tama ang pagkakaintindi ko kanina? Mukhang pinagkakasundo na sina Jim at Kathleen ng kanilang mga magulang? Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pagiging magkaibigan ng dalawang pamilya, pero hindi ko rin talaga akalain na magkakaroon ng Arrange Marriage ang mga ito para sa kanilang mga anak. Ang buong akala ko, sa mga teleserye lang nangyayari ang mga ganito.

"Langit-Lupa, impyerno? In-In-Impyerno! Saksak-puso, tulo ang dugo! Patay! Buhay!"

Halos mapatili ako sa sobrang pagkagulat nang biglang may humawak sa magkabilang balikat ko. Pagkaraa'y narinig ko ang pagbungisngis ng nakakabatang kapatid ni Jim na si John.

"Ano ka ba?!" halos pasinghal kong saway sa kanya.

"Grabe 'yung reaction mo ah!" natatawang sabi nito.

"Nakakagulat ka kasi!" irap ko sa kanya.

Halos isang taon lang ang agwat ng edad ni John sa kapatid nitong si Jim. Kaya madalas na napagkakamalang kambal ang dalawa. Pero kahit ganoon, malaki ang pagkakaiba ng ugali ng mga ito. Mature na kung mag-isip si Jim. Samantalang si John naman ay sadyang may pagkaisip-bata. Para rin itong laging may sariling mundo.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Baka hanapin ka nila sa loob!" pagtataboy ko sa kanya.

"Hindi noh!" tugon nito sabay ang pagngiti, "Hindi naman ako ang i-engage eh, si Jim!"

"S-so totoo nga?" umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Nasa sinapupunan palang sina Jim at Kath ay pinagkasundo na silang dalawa!" humalakhak ng malakas si John.

"Masaya ka pa?" may pagkainis kong sita sa kanya.

"Natatawa lang ako!" katwiran nito, "Para kasing cliché na teleserye ang buhay ni Jim ngayon! Saka— Wait, umiiyak ka?"

"H-hindi ah!" deny ko sabay ang pag-iwas ko ng tingin sa kanya, "Tears of Joy lang ito!"

Itutuloy....

----------♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥----------

AUTHOR'S NOTE:

Please, LIKE, SHARE and Follow Me!!!

INSTAGRAM: @jackietejerostories

YOUTUBE: @jackietejero

BOOKLAT: @jackietejero

Maaari nyo ring mabasa ang "Yearbook" at "Horror Short Stories Compilation" ko sa Webnovel...

Stay Safe and Stay Healthy po tayong lahat! At labanan natin ang kumakalat na virus ngayon! Always Pray!

HAPPY READING PO!!!

----------♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥----------

DATE PUBLISHED: April 4, 2020