ang wagas na pagibig daw ay bunga ng dalawang taong nagmamahalan. dalawang taong handang gawin at ibigay ang lahat sa ngalan ng pag mamahal. ngunit hanggang saan nga ba ang pag ibig? papaano kung ang pagibig na inyong ipinaglalaban ay nagkaroon ng hangganan
papaano kung ang inyong pagmamahalan ay hindi na maaaring mag bunga kailan man.
matapos ang ikalawang digmaang pang daigdigan matapos pamunuhan ng mga hapon ang bansang pilipinas bago ito nakalaya ay umugong ang mga usap usapan ukol sa kababalaghan sa iilang tagong mga lugar sa pilipinas.
tulad ang sitio magdalena.. ang asyendang pagmamayari ni matias sa gitnang visaya. ang lugar kung saan nag simula ang lahat.. ang lugar na walang kanyon at mga baril ngunit nakakatakot ang lugar na pinagmulan ng lahi ng mga aswang.
limang taon ang lumipas matapos ikasal si corazon at daniel dahil narin sa pag uudyok ng manghihulot na si aling lenya ay di nga nagdalawang isip sila corazon at daniel na tumongo sa dos yrmanas upang doon ay huminge ng tulong kay aling herminya na tulungan silang mag kaanak. mula don ay sinabi ni aling herminya na manalig lamang sya sa santong taga pag ugnay sa dyos at santo ng mga gustong mag kaanak ang santong si herardo. lumipas ang labing dalawang araw at gabi matapos mataimtim na magdebosyon ni corazon sa isang masulak ka kagubatan ay tinupad nya ni san harardo ang kanilang kahilibgan. at makalipas nga ang siyan ng buwan ay dumating nga ang gabing inaantay nila ang gabing isisilang. na ni corazon ang kanilang anak. ngunit ang katahimikan ang biglang bumalot sa kanilang kapaligiran " patay ang anak nyo" mga salitang nagdala sa kanila sa kalungkutan, mga salita ng pagsisi na bakit parang pinaasa lamang daw sila ng may kapal. mga salitang nagalis ng katinuan ni corazon at mga saritang sumira ng kanilang mga pangarap.
lumipas ang ilang araw ay biglan na lamang nawala si corazon kasama ang kanyang anak. pilit sya g hinahanap ng kanyang asawang si daniel ngunit hindi nya na ito makita. isang gabi sa gitna ng kagubatang doon ay isinumpa ni corazon na mula sa gabing iyon ay wala nang batang iiyak bago nya kainin ang kanyang sariling anak na ilang araw ng patay. matapos iyon ay nabalot ng takot ang sitio magdalena dahil ilang araw narin na sunod sunod na may natatagpuan batang patay na kapwa wala nang lamang loob. ang pangyayari iyon isinisi lahat kay matias hanggang may isang araw ay nalaman ng iilan na si corazon ang may kagagawan ng karumaldumal na pangyayaring nagaganap sa sitio magdalena na pinatutuhanan naman ni matias nang makita nya mismong kung papanaong patayin ni corazon ang kanyang anak. kaya agad na pinuntahan ni matias si daniel upang doon ay ilabas nya si corazon ngunit nang hindi nila makita roon si corazon ay ipinabugbog ni matias si daniel sa kanyang mga tauhan.ngunit sandyang malakas si daniel dahilan kung bakit nya nagawang takasan ang mga tauhan ni matias.
ilang oras lamang ang lumipas sa loob ng tahanan ni matias matapos nitong ipasunog ang bahay nila daniel ay laging gulat nya mula sa kanyang kaliwa ay lumitaw si daniel at itinarak sa kanyan ang isang mahabang itak na dahilan ng pagkamatay ni matias. mula doon ay nakita si daniel ng mga tauhan ni matias kaya kaagad syang hinabol ng mga ito patungo sa kagubatan. nang mga oras din iyon ay pinaghahabol na rin si corazon ng mga taga sitio magdalena. at sa di inaasahan sa gitna nag kagubatan ay nakita nila ang isat isa .pilit man itaboy ni corazon si daniel papalayo dahil sa di na magandang itsura nito ay hindi iyon naging dahilan para iparamdam ni daniel ang pagmamahal nya para kay corazon, ang magulong mga buhok nito ang nangingitim at malalaking mga mata ang marungis ,malansa,at dunguang katawan nito ay di naging hadlang upang muli syang yakapin at hagkan ng daniel.
mula doon ay hawak kamay nilang iniwan ang sitio magdalena.