Inantay ko lng silang makaalis. Feeling ko mas bumigat ung dala ko na pilit kong hinihila papunta sa laundry shop. 'Iiyak ka n nmn nito pagbalik mo' sabad ng isip ko. Bat ba kasi umiiyak ako sa lalaking yun e wala namang kami.' Tama ng isang beses kang nasaktan. Wag na yong paulit ulit self kasi katangahan nayun! 'Pagpaintindi ko sa sarili ko.
Nung araw nayun. Maliban sa pagdadrama e wala ng iba pang magandang nangyari.
Kinabukasan tanghali nako bumangon. Around 9am siguro yon. Nagmamadali kasi ako kaya diko na masyado nacheck ung oras dahil nga bukod sa late na e 'magpapaalam din ako kung pweding ibigay nalang muna nila sa iba ung max target na binigay sakin dahil kelangan ko ngang umuwi. Hnd nmn nako nag'aalangang mag paalam dahil alam nila ang sitwasyon ko At madami nadin nmn akong naiambag sa company kaya kahit ilang beses ako magpaalam for Vacation.
ika nga nung iba kong katrabaho -_-" e papayagan nila ako as long as babalik ako On or before sa napagusapang araw ng pagbalik ko. Two weeks vacation kasi sinabi ko at one week lng itatagal nung New Project na dapat sana e pagtutulungan namin ni Marco. Kaya panigurado pagbalik ko , New Project n nmn ang maaabutan ko.
Kasalukuyang nasa HR department ako nung biglang sumulpot sa likod ko si Marco. Feeling ko hindi ako komportable pero hindi lng ako nagpahalata. Pagkatapos kong pumirma at makuha ung vacation allowance ko nagpasya nakong lumabas .
"Jaz" habol sakin ni Marco. Pero hindi ko lng sya pinansin at nagtuloy'tuloy pababa sa hagdan. Pero pinigilan nyako sa braso
"Ano ba? " me pagkainis kong tugon pagharap ko sa kanya. Bumakas nmn sa mukha nya ung labis na pagtataka.
"S-sorry, do we have a problem? " pagtatakang tanong nya
"Wala ok,? . Jan kana," tinalikuran ko na sya
"Eyy, Galit kaba sakin? " habol nya parin.
"Sa tingin mo bat ako magagalit geh nga? " napangisi nmn syang tila nagugulumihanan. Kasalukuyang nasa hagdan parin kami, wala nmang masyadong dumadaan dito maliban sa mga Utilities.
"Diko alam. Is it bcoz of what happen last night? " d daw alam pero nahulaan nya-_-'
.
"Bat, ano nga bang nangyare?" Mataray kong pag mamaang'maangan
"Ah so nakalimutan mo na? "
"Actually hindi, its you.! Ikaw tong unang umastang parang walang nangyare" naiinis ako sa kanya. Para kasing ang dating wala lng talaga sa kanya ung nangyari samin lastnight. :\
"Jaz. Im sorry. what happened last night was just a mistake." Para akong tinarakan ng kotselyo sa dibdib ko.Nung marinig ko un mula mismo sa kanya. :'( Pagkakamali lang pala ? Na totoo ngat libog lang at walang ano mang espesyal sa nangyare samin? Pero ano nga bang dapat kong iexpect, e halos 2days pa ngalang kaming magkakilala diba? Bumigay agad ako sa kanya. And thats a mistake :'( its hard to admit pero tama sya.
Marupok ako :'(
Tinalikuran ko sya at d na lumingon pa. Sobrang sakit pala pag sinampal ka ng katotohanan ToT
Hindi ko na napigilan at hinayaan ko ng dumaloy ang mga luhang dinulot nya.
Ang tanga ko! Ang tanga 'tanga ko! ToT
___MARCO's POV___
Hindi ko gustong saktan si Jaz. Sinabi ko lahat ng yon without hesitations dahil straight ako at lahat ng nangyare last night ay dala lang siguro ng kalasingan ko. Alam ko maraming magagalit sa inyo dahil sa ginawa ko. Pero lalaki lang ako, Me pangangailan din
At si Jaz ung nandon. Kung iniisip nyo na baka gaya nya rin ako? Let me tell u straight. 'I AM NOT'.
Alam kong parte sya ng LGBTQ, i tried to research bout don sa kantang iniyakan nya. At don ko nga nalaman. Hindi ako nag'take advantage sa kanya kung yon yong iniisip nyo... Totoo ung intensyon kong makipagkaibigan, lahat ng gulot pagtatanggol na ginawa ko ay para sa pagkakaibigan namin. Wag nyo sanang lagyan ng malisya yon at isa pa, me Girlfriend ako. At si Stacey yon, hnd ko kayang igive up ung relasyong meron kami para kay Jaz. Masama na kung masama. Pero Sana lang maintindihan nya.
Ayokong mawala ung pagkakaibigan namin pero sa naging reaksyon nya. Mukang mahihirapan na ata akong ibalik pa yong tiwala nya.
___LUCAS POV___
Nasa kotse ako nung makita ko si Jaz na lumabas sa isang building. Walang pangalan ei siguro private. Itsuharang hotel :D
Ano nmn kayang ginagawa nito dito? Siguro me kinita to.
Naisipan kong sundan sya.
Pittt!!! pittt!!! pittt!!!
Umiral n nmn pagiging siraulo ko. tawang tawa ako sa reaksyon nya. Kala mo nmn mababangga talaga ei x'D halos mapaigtad sya sa gulat xD
Naisipan kong ibaba ung windshield.
"Huy bakla. Wag kang kakalat kalat dito. Baka matokhang ka! " pang aasar ko. Pero imbis na pansinin ako ei nagpatuloy lng sya sa paglalakad.
Sinundan ko parin sya at napansin kong umiiyak sya. Punas sya ng punas nung panyo nya sa ilong! sa mata! , samukha! Kadire amp! Isang panyo lng gamit putik. Problema kaya nito? ' Gusto ko sanang ayaing sumabay sakin kaso panigurado tatanggi to. Mainit dugo nito sakin ei. Pero subukan. Daanin nalang natin sa look, ;)
"Pssst! Jaz, huy! " tawag ko habang sinusundan sya. Pero deadma parin.
"Pssst! Jaz, tara sabay kana" pangungulit ko.
pero hnd parin namansin. Hnd ako sanay ng napapahiya kaya gumawa nako ng paraan.. Iwan ko lng kung d pa tumigil kakalakad toh.
Hinarang ko ung sasakyan ko sa daraanan nya. Gusto nyang makalusot pero syempre d ako pumayag... Hanggang sa tumigil sya at sinipa yong kotse ko. Nakangiti lang ako sa kanyat parang matatawa na
" Ano ba problema mo ha? D mo b talaga ko lulubayan?! " bulyaw nya. eskandaloso talaga tsk
"Sumakay ka nalang kasi. Dito natin pagusapan yang problema mo" offer ko uli. pero this time mahinahon at sincere na.
"Me tubig yang utak mo noh? Sa tingin mo talaga sasakay ako? Me amnesia kaba? Nakalimutan mo na pinaggagawa nyo sakin?! " inis na inis nyang sabi. Bigla namang nag flashback sa utak ko lahat ng yon. At unti unting nabura ung kaninang masayang reaksyon sa mukha ko. Nakramdam ako ng pagkaguilty, pero medjo lng nmn. Dala lang nmn kasi ng barkada kaya nangyari lahat yon. Katuwaan lang kung baga. Pero diko alam na Ung simpleng katuwaang un pala ei malaking issue sa mga kagaya nya.
Dahil sa kakaflashback ko, hnd ko namalayan na nakadaan na pala sya. Agad akong bumaba sa kotse para habolin sya.
"Jaz saglit," pigil ko sa kamay nya. agad nya nmn yong binawi
"Ano ba huh? d kaba titigil? di mo talaga ko titigilan? kotang kota kana ah,ano kulang oa ba huh? kulang paba ? d kapa nakontento?" hindi agad ako nakaimik .kahit gustohin ko mn parang wala akong maisip sabihin. nakita ko sa mga mata nya yong sakit na nararamdaman nya. hnd ko alam ang dahilan pero alam ko hnd lng dahil sakin yon o kung ano mang ginawa naming magbabarkada sa kanya. gusto ko pa sana syang habolin pero tila nanigas ako sa kinatatayuan ko't nakuha nlng na panoorin sya habang naglalakad palayo sakin.
Bumalik ako sa kotse at umuwi ng bahay . inutusan lng ako ni mama na bumili ng bulaklak para base nya pero kahit yon nkalimutan ko pa. ewan b pero si Jaz lng talaga laman ng isip ko buong byahe.
__JAZ POV__
Ang wierd ,sobrang wierd ng nangyari kanina . muka syang seryoso ,pero i cant trust him. lalo pat nakita nyako sa ganung kalagayan so i guess me masama n nmn syang balak magaling lng talaga syang mag'drama .
Im talking about Lucas btw. sobrang wierd nya talaga kasi kanina . but btw lets forget him.ayoko syang itopic dahil mas lalo akong naiinis . im crying because of Marco and not because of Lucas.
Para akong tanga sa kanya. Ni hindi ko na alam kong bat ko paba sya iniiyakan?
Yah Girlfriend nya si Stacey at wala nakong magagawa don. Sino ba nmn ako? im just a foolish bi that quickly fall inlove sa taong kelan ko lng nmn nakilala. Me nalalaman pakong sya na ung magtutuwid sakin or magiging dahilan para ipaglaban ung kasarian ko pero hnd nmn pala. Dahil straight sya at hnd nyako mahal! :(
Pilit kong pinahid ang mga luha ko at hinarap ang sarili sa salamin. bumuntong hininga at kinausap ang sarili.
"Tama ng iyak ok? relax, cheer up ! kaya mo yan. yong malalaking problema nga nalalampasan mo db? for sure kaya mo rin toh cheer up,!" sabi ko sa sarili ko at pilit na ngumiti.
From that day inayos ko na ang sarili ko at binago rin ang pananaw ko .Sinabi ko sa sarili ko na simula ngayon hnd nako basta² magpapadala sa bugso ng damdamin ko .Na simula sa araw nato mas titigasan ko na ang puso ko para hnd agad ako mafall. Sa tingin ko mahihirapan ako pero alam kong kaya ko at magagawa ko.
Sa ngayon need ko munang umuwi sa Cavite at para tulungan si mama na alagaan si papa.