We all know the story of Cinderella, but this is exceptional.
Though, I have my stepmom and my step sister. They hate me for being born, Idunno Why.
But one thing for sure this is not a typical story of Cinderella.
Not all Princes' are good.
Some born stupid
Some born brats
some born hideous.
Cause, this is not a typical Cinderella story.It might be ruin your childhood.
Let be friends, okay?
"Anong ginagawa mo? Scarlet?" -Alice
"Huh? n-nothing."
"You look like introducing something. Are you at filming? Can I join? "
" Alice! Scarlet! may mga customer tayo. Remember? "
" Andiyan na po!! "
lumabas agad kami galing storage room. Akala pa naman nitong si Alice nagfi-filiming ako? Ano ako artista.
Maagang natapos shift namin kaya pagkatapos sa cafe sa convenience store naman ako. Mahirap lang ako kaya hanggat kaya pa trabaho lang.
"Bossing. Kumusta po?" bungad ko nang makarating ako sa store.
"Anong kamusta? Dito ka na sa kaha. Magbantay ka." Mabait naman talaga yang si bossing.
" My sinasabi ka? "
" Boss, yung mage-expire nga pala na mga pagkain bukas, pwede akin na? Promise kakainin ko lahat. " wag mo kong titigan na para bang naiirat ka boss. Pacute tayo para may bonus na di pa maeexpire.
"Sige! sige! basta magtrabaho ka ha?!" sumaludo agad ako.
"Yes boss!! Salamat po ulit."
Kapagod ngayong araw. Gusto ko nang umuwi at magpahinga.
anim na oras lang ang trabaho ko sa store. Nakaschedule na lahat ng trabaho ko mula lunes hanggang linggo. Bawal ang pahinga. LABAN!!
Umuwi agad ako pagkatapos ng shift ko pagkadating sa bahay kumakain ng fried chicken at fries ang mag-ina. tsk! ang sarap siguro niyan.
"Andito na po ako." kahit papaano nirerespeto ko parin sila alang alang kay papa. tsk! gaya parin ng dati walang response.
pumunta agad ako sa balcony ng bahay. Dito na ako natutulog. simula nang kunin nila lahat ng pagkakataon sa akin, pero ayos lang. Malalampasin ko rin ito. Fighting!
Gaya nga nang sinabi ko kay boss kanina kinain ko lahat ng dala kong pagkain. Kailangan ko mag-ipon nang apat na million para sa college.
Magkano na kaya laman ng bank account ko. excited akong binuksan ang bank book ko, eh? 10,500? may monthly pays pa ako sa funeral ni Mama. Di bale na,magtatrabaho ako ng doble ay hindi! 5x a day! pero bukas na yun, pahinga muna ako.
Good night Mama, sabi ko sabay haplos sa litrato niya. Namimiss na po kita sanay masaya ka diyan sa langit. I love you.
KINABUKASAN maaga akong nagising para sa susunod kong trabaho.
"Hmmm.. Ano bang araw ngayon? mmm tama! Wednesday, oras na para magdeliver. "
Hindi na ako kumain naligo lang ako tapos punta agad sa trabaho.
Gusto kong mainis sa mundo, dahil mahirap lang kami pero hindi. I should be grateful dahil naranasan ko to lahat. Mas mahirap pag mayaman ka, kase kung naubusan ka ng pera wala kang mapupuntaha dahil di ka sanay sa kahirapan. Tama ba?
"Magandang umaga po."
"Aba! Scarlet, ang aga natin ah?"
"Naman po. Dapat ang delivery girl, di nalalate baka magalit ang mga customer."
"HAHAHAHAHA. Patawa ka talagang bata ka. Kumain ka na ba? " Sakto.
" Ahh.. hindi pa nga po e. "
" Naku! maling hindi kumain sa umaga. Halika't samahan mo kami sa loob mag almusal, mamaya pa naman tayo magbubukas. "
Ang bait talaga ni bossing Vic. hihi
" May mga customer pa bang siraulo? " Tanong ni bossing.
" Naku! boss wala nang siraulong customer. Lahat sila matitino na dahil kay Scarlet. "
" Sapakin ba naman kapag hindi nagbayad. "
" Alam naman nilang mahirap magdeliver lalo na't gabi."
" Baka mawalan tayo ng customer niyan. "
" Hindi ho! Lagi nga po silang umuurder nang marami. "
" Kay galing galing ng batang eri eh! "
Puno ng halakhakan ang aming umaga, ganito din sana kami nila papa. Never paman din kami sabay sabay nakain.
"Tapos na po ako. doon lang po ako sa may desk."
"Sige. buksan mo na rin ang tindahan."
pizza ang dinideliver namin. pagkabukas ko palang ng store may umurder na agad.
"Hunter Pizza delivery how may I help you?.... One pizza with pepperoni... meron po. Isa din po ba? Sige po... meron din po ... Yun na po lahat? Uulitin ko lang po order niyo, 1 Pizza w/ pepperoni, 1 Hawaiian pizza and 2 pizza w/ bacon and spring onion. Expect your order within 30minutes Sir. "
Ininit ko nalang yung mga pizza total maaga naman tong naluto.
" May umurder po na apat na box magdedeliver na po ako." Sigaw ko baka kase di pa sila tapos e.
"Sige! Mag-iingat ka."
"Salamat po."
Sa may park lang naman yung order kaya malapit lang. Umarangkada na agad ako, para maaga palang makarami na.
.Ang luag pa ng kalsada ang ganda ng timing. Wala pang tatlumpung minuto narating ko na agad ang park. Geez! Ang guguwapo ng naglalaro.
"PIZZA DELIVERY!!"