Tatlong taon na ang nakakalipas pero bakit parang kahapon lanh nangyari ang lahat. Mga pangyayari'y sariwa pa sa kaniyang puso't isipan. Hanggang kailan niya ikukulong ang sarili sa madilim at nakakatakot na nakaraan? Walang araw at oras na hindi niya sinisisi ang sarili.
"Aries!" sigaw ng isang lalaki dahilan para matuon duon ang kaniyang atensyon. "Kanina pa kita hinahanap nandiyan ka lang pala." binigyan niya lang ito ng ngiti at hinintay na makalapit sa kaniya ang lalaking tumawag sa kaniya.
"Bakit mo ako hinahanap?" wika niya.
"Hinahanap ka ni coach Val." sagot naman nito.
"Sabihin mo hindi ako interisado na bumalik ulit sa Volleyball team, hindi na ako magkalalaro."
"Aries, tatlong taon na, tatlong taon na ang nakalipas at tatlong taon ka na ring nagtatago sa nakaraan. Tapos na 'yun, hindi mo kasalanan ang nangyari sa nakalipas na tatlong taon. It's not your fault." halata ang lungkot sa mata ng lalaki.
"TJ, it's all my fault. Kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari ang lahat ng 'yon. And please, paki-sabi kay coach Val na kahit anong pilit pa ang gawin niya, hindi ako babalik sa team. I just wanted to be a normal students ayokong mangyari ulit ang mga nangyari sa nakalipas na—"
"Okay fine. It's your choice, men. Hindi ko mababago ang desisyon mo kahit na maglumalpasay pa ako rito sa harapan mo. Pero, kung gusto mo bumalik sa team ikinagagalik ko at ng team." hindi na pinatapos ni TJ si Aries dahil lagi nalang ito ang sinasabi ng kaibigan. Lagi niyang sinisisi ang sarili niya dahil duon. Hindi na niya hinintay na makapagsalita pa si Aries, lumakad siya palayo. Halata ang lungkot sa mukha ni Aries.
Mag-isang kumakain sa canteen ang binata. Ilang na siya sa mga tao at gusto mapag-isa. May mga babaeng lumalapit sa kaniya pero sabayan siya pero tumatanggi siya, kung minsa'y papayag siya na tumabi ang mga babae sa kaniya pero hindi siya titingin sa mga 'yun at bibilisan para makaalis na ruon. Malakas kasi ang appeal ng binata at hindi maitatangging guwapo, kilala sa buong university dahil sa angking galing sa larangan ng volleyball.
Pagpasok niya sa room ay nagpaslak siya sa kaniyang taenga ng earphones para hindi masiyadong makarinig ng maingay. Tahimik lang siya sa classroom, matalino at class president din. Pagbukas niya sa drawer ng table niya ay nakita niya ang limang bundle na chocolates at may mga love letters pa. Hindi na bago para sa kaniya 'yun, ni hindi niya nga alam kung bakit kailangan siyang pag-aksayahan ng pera kaya ang ending binabalik niya ang mga chocolates except the love letters. Hindi niya binabasa 'yun, kung makikita mo lang ang drawer ng table niya, limpak-limpak na ang love letters na nandoon pero ni isa wala siyang binasa, wala siyang panahon para duon. Mas gusto niya raw basahin ang mga libro na may kapupulutan na aral kesa magbasa ng mga letters na kapupulutan ng kaartehan at ka-cheessyhan.
"Aries?" napaangat ang ulo niya sa babaeng nasa harapan niya.
"Bakit?" tipid niyang sabi.
"Gusto ko lang sana itanong kung ano..."
"Hindi ako free tonight, meron kaming family dinner. Isa pa maraming projects ang ipapasa next week, sorry pero mas uunahin ko 'yun at isa pa you should do our project first and after that sasamahan kita lumabas if you want." malaki ang ngiti ng babae sa sinabi ni Aries.
"Sure ka ba?" kinikilig na tanong niya. Tanging tango lang ang isinagot ni Aries tsaka sinalpak ang sa magkabilang tenga ang earphones niya pagkatapos ay muling yumuko. "Thank you, baby." tuwang tuwa ang babae tsaka masayang umalis sa harapan ni Aries.
"Good afternoon class." sabay sabay na tumayo ang buong klase at bumati rin sa kanilang guro. "Seat down."
Nang maka-upo na ang buong klase ay nagsimula na mag-discuss ang kanilang guro. Makalipas ang mahigit kinse minutong discussions, "We will be having a group activity, three persons per group. Kayo ang mamili na humanap ng ka-grupo niyo dahil mag-iinarte nanaman kayo kapag hindi niyo nagustuhan ang ka-grupo niyo." Nagtawanan ang buong klase sa sinabi ng kanilang guro. "Sige na hanapin niyo na mga gusto niyong maging ka-grupo." Nagsimula na tumayo ang buong klase upang maghanap ng grupo. Maingay at magulo na hindi naman naiiwasan sa tuwing may group activity sa eskwelahan. Naka-upo lang si Aries sa upuan niya at hinihintay na matapos na makahanap ng grupo ang buong klase. Lahat ay may grupo na at kumpleto na siya nalang ang walang ka-grupo.
"Okay lahat ba may grupo na?" tanong ng teacher.
"Yes po, ma'am except kay, Aries." sigaw naman ni Jopay.
"O, Bakit wala kang ka-grupo, Aries?" tumayo siya at tsaka sinagot ang tanong ng guro.
"Hinintay ko lang po na makahanap ang lahat ng ka-grupo at kung sakaling may grupo na kailangan pa ng member ay duon nalang ako sasali." pagpapaliwanag niya.
"Okay, sige grumupo ka na nga sa grupo nila Jopay. Napabait mo talaga dahil diyan plus ten points ka sa Activity."
"Hala!" sigaw ng buong klase.
"Charot lang, selos agad kayo." nagtawanan ang buong klase.
"Welcome sa grupo namin, Aries." wika ng babaeng kinausap siya kanina."
"Okay." tanging sagot niya.
"Sige na class since 5 minutes nalang ang natitira sa oras natin e, paliliwanag ko na. Okay for your group activity, you need to search about Martial law and sa Wednesday we will be having a debate. That's all good bye."
"O my gosh! Debate! Yari kayo sa amin." nagkagulo ang buong klase sa group activity. Si Aries ay tumayo na at lumabas ng room, hilig niyang lumakad lakad sa hallway ng school kapag free time. Sinalpak niya ulit ang kaniyang earpods at sa kaniyang paglalakad ay may isang babaeng tumatakbo dahilan para mapagilid siya. "Anong problema niya?"
"Hoy! Bumalik ka rito. 'Di pa kami tapos sa 'yo." hindi naman kalakasan ang volume ng earphones niya kaya narinig niya ang sinabi ng tatlong lalaki na humahabol sa babae. May masama siyang kutob kaya sinundan niya ang tatlong kulokoy na 'yun. Napatago siya sa gilid nang makita ang babaeng walang kawala ngayon.
"Hindi ka na makakawala sa amin. Ibigay mo na kasi 'yang ano mo." natatawang wika ng isang lalaki.
"Puwede ba Andy tigilan niyo na ako. Kapag ako nabuwiset yari ka saken!" wika ng babae.
"Really? Masasaktan na nga siya tapos may lakas ng loob pa siyang buwisiten ang kulokoy na 'yon."
"Sige! Suntukin mo ako! Pero hinding hindi mo makukuha ang virginity ko, bastos!"
"Aba, gago 'to ah!"
"Hoy!" sigaw ni Aries dahilan para mapalingon sa kaniya ang tatlo. "Tigilan niyo na nga siya. Gusto niyong i-report ko ito sa Guidance para mabigyan kayo ng parusa." seryosong wika nito.
"Really?" he chuckled. "Kilalanin mo ang kinakalaban mo, pre. Mukha ka ngang bakla e, "Ay, sabi ko na barbie e." nagtawanan pa ang tatlo. "Suntukan nalang, pre."
"Puta para kayong mga elementary e. Tagal magsapakan!" hinablot ng babaeng kanina'y mukhang Maria Clara gumalaw ang kaliwang braso ng lalaking nagngangalang Andy at sinuntok sa mukha, binigyan ng mag-asawang sampal. "Huwag puro kuda, biwset. Ano papalag ka pa?" hawak niya ang isang braso neto at tila gustomg baliin.
"Aray sorry na, Tori. Aray!"
"Kayo gusto niyo ba na baliin ko rin 'yang mga kamay niyo? O baka gusto niyong basagin ko 'yang mga bugok niyong itlog kagaya nito," tinuhod niya ang itlog nito dahilan para mamilipit sa sakit at mapa-upo sa sahig. Dahil sa takot nagsitakbuhan ang dalawa nitong kasama.
"Tol, 'wag niyo akong iwanan." pagmamakaawa nito habang hawak parin ni Tori ang braso.
"Bahala ka diyan. Ayaw namin madamay sa kalokohan mo." wika pa ng isa habang lumalakad ng mabilis palayo.
Si Aries ay natulala sa ginawa ng babae. "O, ikaw? Nakatingin ka lang diyan, feeling nasa sinehan?"
"Ah... Eh... B-bye." dali-daling lumakad palayo si Aries. Pagdating niya sa gilid ay huminto ang binata para silipin ang susunod na mangyayari.
"O ikaw, sa sususnod na gawin mo ito ulit sa akin, sisiguraduhin kong naka wheel chair ka na o kaya'y naka-semento na itong dalawang braso mo! Understand?" habang nagsasalita siya ay mas lalong niyang iniikot ang braso nito.
"Aw! O-o-oo hi-hindi na! Aray! Promise."
Ngumiti ito sa lalaki, "Good." binitawan niya ang lalaki sa pagkakahawak niya sa braso nito. "Wait, may nakalimutan ako." dinuraan nito ang mukha ng lalaki.
"Yuck." nandidiring bulong ni Aries.
"Fuck! Tori! Look what you did, ang baboy mo!"
"I know right, bitch." nag-flip hair pa siya bago lumakad papunta sa kinaroonan ni Aries.
"Oh, you're still here. Have you enjoyed it?" hindi na sumagot si Aries at lumakad ng mabilis pabalik sa classroom.
"Weird." wika ni Tori tsaka lumakad na. Iniwan niyang nag-iinarte at namimilipit si Andy.