Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Unexpected Love

🇵🇭charmedsnts
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.3k
Views
Synopsis
Aso't pusa. Minsan na ring napaisip si Liarene o mas kilala bilang Lia kung saan galing ang idyomang aso't pusa. Hindi niya rin alam kung saan galing ang alamat nito at kung bakit nga ba magkagalit ang dalawang hayop na ito. Ito lang ang alam niya. Higit pa sa galit ng aso sa pusa at vice versa ang nararamdaman niya para kay Hanz Ivan Tolentino. "How dare you!" Naiinis at namumula ang kaniyang mukha habang pinupulot niya sa sahig ang nagkalat niyang underwears na humalagpos mula sa kaniyang maleta. "Sabi ko naman sa'yo Miss, I'm not a bad guy. Napag-utusan lang ako rito." He looked at me from head to toe and smirked. "Hindi kita type." Feeling niya ay umakyat sa kaniyang ulo ang lahat ng kaniyang dugo. Paalis na sana siya nang muli siya nitong tinawag. "Hey! May nakalimutan ka!" Paglingon niya, she saw her panties in his hands. Niladlad pa nito na para bang walang ibang tao roon. Sobrang lawak ng ngisi ng damuho! "Hmmm. Powerpuff girls. Cute." Napakayabang! Napakabastos! Nakakainit ng ulo!
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: The Flight of Love

"Liarene, dalian mo! Baka ma-late kayo sa flight ninyo! Nandito na rin si Gregg. Diyos ko pong bata ka!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa sala. Dali-dali kong siniksik ang iba ko pang underwears na nalimutan kong itupi at ilagay kagabi sa maleta. Wala na akong paki kung 'di ko man na ito naisalansan nang maayos.

"Yes Ma. Saglit na lang 'to." Medyo natataranta na rin ako. Bakit naman kasi sa sobrang excitement ay nagulo ang isipan ko. Sa lahat baga naman din nang malilimutan ay 'yong bra and panties ko pa. Nang matapos, mabilis kong sinarado ang zipper ng aking maleta at binitbit pababa ng sala.

"Hay naku naman pong talagang bata ka, oo! Hindi ka na nahiya sa kinakapatid mo't pinaghintay mo pa. Oh, basta anak, mag-iingat kayo sa San Francisco ha? Kapag may kailangan at problema, tumawag kayo sa akin agad," naiiyak na sabi ni Mama habang tinutulungan kami nitong ayusin ang mga maleta ko sa kotse ni Gregg. Hindi ko na rin napigilan maluha dahil ilang buwan din kaming hindi magkikita ni Mama.

Ako si Iris Liarene Medina. Fourth Year HRM graduating student. Kaparehas ng aking kinakapatid at bestfriend na si Greggorio Madlangsakay. At since graduating students na kami, we were required to do an intership training, OJT. Dahil na rin siguro na pareho kaming achiever ni Gregg, we applied for a more challenging intership program. Our college is affiliated to different hotel and restaurant across the Philippines and one in San Francisco where we can do our OJT. So we decided to go to the latter. Bagaman, malalayo kay Mama, I am definitely excited but of course nervous. Buti na lang talaga ay kasama ko si Gregg.

"Yes Ma. Ma-mimiss ko po kayo," hindi ko na rin mapigilan ang mapaiyak. Paano ba naman, sa loob ng mahabang panahon, si Mama lang ang tangi kong kasa-kasama. Mag-isa lang akong pinalaki ni Mama dahil pitong taon pa lang ako ay iniwan na kami ni Papa.

"Yung vitamins mo anak ha? Oh Gregg, ikaw na bahala dito sa kinakapatid mo. Tatawag kayo ha?" Isang beses pa kaming niyakap ni Mama bago kami tuluyang nakasakay sa sasakyan.

"Bye, Ma. Ingat!"

"Bye, Ninang!"

Hindi na raw sasama si Mama sa mismong airport at baka raw magbago ang isip niya at hindi niya ako payagan.

"Akala ko 'di na tayo papaalisin ni Ninang," natatawang ani ni Gregg.

Siya naman si Greggorio Madlangsakay. Ayaw na ayaw nitong tinatawag siyang Greggorio, kasi mabaho raw. Kapag gusto kong asarin si Gregg ay tatawagin ko lang ito sa buo niyang pangalan. Gregg is my bestfriend, savior and life coach. Susunod kay Mama, si Gregg ay 'yong isa pang tao na hindi pwedeng mawala sa buhay ko. Since elementary, Gregg has always been there by my side. Nagkakilala kami dahil si Ninang, 'yong Mama ni Gregg, ay bestfriend naman si Mama. Siguro dahil nga wala na akong Papa, Gregg's protective personality is so comforting. Para naman kay Gregg ay kami ang kaniyang pamilya. Gregg and his parents are not that close. Kaya noon pa man ay lagi nang nasa bahay si Gregg. Laging busy ang mga magulang ni Gregg sa kanilang negosyo, an engineering firm na malayong malayo sa kursong kinukuha ni Gregg kaya mas lalong lumayo ang loob nito sa kaniyang mga magulang.

"Anong sabi nila Tita? Okay na ba kayo? Support na ba sila?" tanong ko rito.

"Asa ka naman sa mga iyon. They never even show up. Parang 'di aalis 'yong anak nila at 'di babalik ng tatlong buwan. Hindi man nga nila dinagdagan 'yong allowance ko. Can we survive for three months?" nag-aalala nitong sabi. Ang sagot lang kasi sa amin ng aming college ay ang air fare at internship fee. Though may sahod naman sa papasukan naming hotel at resto pero mas maliit kaysa sa regular employee dahil nga interns lang kami. The rest ay sagot na namin.

"Hayaan mo na. Mapaparaanan natin 'yan. I can do a part time job during our off days," ani ko rito. "Tipid lang. Kaya ikaw, subukan mong gumimik roon, patay ka sa akin."

"Yes, babe," natatawa nito sabi sabay yakap nang mahigpit sa akin.

Maraming mga kaklase at kaibigan ang nag-aakalang mag-on kami ni Gregg. Napaka-unsual naman kasi dahil mag-bestfriend kami pero babe ang tawagan namin sa isa't isa. Kaya maraming babae ang may galit at masama ang tingin sa akin sa school. Why? Because Gregg is one of the campus hearthrobs. Gwapo, habulin at matalino. Noong minsan tinanong ko siya kung bakit nga ba babe ang nakasanayan niyang itawag sa akin, ang sabi niya lang ay, "Hayaan mo na. That way, hindi ka na nila i-bully. Subukan lang nila. Ako ang makakaharap nila."

Ngumiti lang ako rito at tumingin sa kabilang dako. I looked at the tall buildings. Kung 'di mga malls ay mga five star hotel and restaurants. Mas lalo lumawak ang ngiti ko. Once our intership is over at kapag nabigyan na kami ng recommendation ay tiyak tuloy-tuloy na ang aming success. Nabibigyan ko na rin ng magandang buhay si Mama.

"Nga pala babe. Sino nga ulit 'yong susundo sa atin sa San Francisco?" tanong ko kay Gregg.

"Si Ivan. Anak ni Ninong Lance. He works and stays at San Francisco, isang taon na. Sabi ni Papa, may rooms available pa raw sa tinutuluyan ni Ivan. Susunduin niya tayo sa airport."

"Kilala mo ba siya?"

"Not really. Hindi man din kasi sinasama ni Ninong Lance kapag pumupunta sa amin. I just saw his picture on the internet. So I guess, I can know him when I see him. Ito tignan mo, nag-print rin ako ng picture niya."

Mataman kong tinitigan ang picture ng susundo sa amin kaso hindi ko masyadong maaninag ang

itsura nito. Sa pagmamadali ata ay maling salamin ang nasuot ko. It was my eyeglasses long before I entered college. Hindi na sakto sa current grado ng aking mata.

"Hindi ko masyadong makita. Ang labo ng salamin ko."

"Ow. Don't worry. From the last text I received from him, he said he'll be wearing blue shirt. Just stick right next to me."

Tumango ako rito. Bahala na.

*******************

"Ivan! Bro! How could you do that to Elisse?" Coline snapped at me. Walang ano-ano itong pumasok sa apartment at agad akong sininghalan. Coline is a half-African American and a Filipino.

I tried to stand up even though my head hurts like hell. Kinuha ko ang bathrobe mula sa rack and papasok na sana sa banyo nang mapansin ko ang titig nito. Coline is just eyeing me, dumbfounded. "What?"

"Bro, chikababes na 'yon. Inayawan mo pa?"

"Bro, ang sabi ko, sophisticated. I didn't say....you know." Muli ko na namang naalala ang itsura ni Elisse mula kagabi. The lady is sure pretty but she's way too liberated for me. Mantakin mo, it was our first time meeting together last night and she's already telling me to sleep together. What the heck!

"She's just not my type," balewala kong saad dito. Dumiretso na uli ako sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay nandoon pa rin si Coline.

"I'm just curious. It is your off today, right? E saan ka pupunta?"

"Susunduin ko sa airport 'yong kinakapatid ko at bestfriend niya. Dito raw mag-iintern. Gusto mong sumama?"

Few days ago, I received an email from Dad that his inaanak and his bestfriend will be staying here for three months. Ang sabi rin ni Dad ay uupahan ng dalawa ang vacant units sa kaniyang inuupahang apartment. From what I heard, their names are Gregg and Liarene. Truthfully, I'm really not familiar with Gregg even though he's my father's godson.

"Yeah, sure. Do you have any picture? Para naman mamukhaan ko."

"Here." Pinakita ko rito ang pictures na sinave ko sa aking cellphone.

"So ito 'yong kinakapatid mo? Gwapo." Tumango-tango ito. "This girl is her bestfriend?" natatawa at hindi makapaniwalang saad nito. "She looks like my grandmother." Hindi na napigilan ni Coline na mapahagalpak ng tawa. Kahit ako ay napangisi na rin.

The girl before the picture wore rimmed eyeglasses and a lousy at 'mula sa ataul' na dress.

"May ganito pa palang babae sa mundo. You don't like Elisse but I'm sure you don't like this girl either," natatawa pa ring saad ni Coline. Napakipit-balikat na lang ako.

"Let's go bro baka nandoon na sila."

We hurriedly went down from our taft and rode my mini van. After a few hours ay nakarating na rin kami sa airport kung saan maglalanding ang flight noong dalawang aming susunduin.

"Hurry up Cols! We're thirty minutes late." Dali-dali kaming bumaba mula sa sasakyan. "Here's the placard." I handed him placard's with Gregg's and Liarene's name written on it. "Come on, let's go!"

We went inside the arrival area and raised our placards. Few more minutes ay may tumapik sa may balikat ko mula sa likuran.

"Hey, are you Ivan?" tanong ng lalaki. Ngumiti ako rito because for sure, based on the pictures, he is Gregg.

"Yeah, bro. Buti nakita mo ako agad. Ano, let's go?"

"Kaso pre, may problema." Napakamot ito sa batok.

"What?" Napakunot-noo na rin ako. Napansin ko rin that Gregg is not with his bestfriend.

"Hindi ko makita si Liarene. Nawawala."