Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Mafia Game

🇵🇭Nekohime
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13k
Views
Synopsis
"It's all fun and games, until someone dies." Isang masayang pagtitipon ng dating magkakaibigan. Isang simpleng laro sa isang gabi ng kasiyahan. Paano pala kung ang larong ito, ay maging totohanan? Paano nila lalabanan ang nagbabadyang kamatayan? At sino sa kanila ang dapat pagkatiwalaan?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1 - The Mafia Game

A/N: Collab namin ng SR Oldies. Hahaha Dedicated kay Serialsleeper kasi siya ang inspiration naming lahat. 😂 Yung Cast nasa dulo.

Helga

"WHO DIED?"

It was written in bold capital letters kaya imbes na iignore ko na lang dapat ang mga chat sa gc namin, napahinto tuloy ako para maki-chismis kung ano bang ganap.

Ngayon na lang kasi umingay ulit ang gc namin, ang tagal nitong nanahimik. Buhay pa pala ang mga taong nandito, tagal ba namang walang paramdam. Maya maya lang ay nagrequest ng video call si CJ. Ayan na, dapat na ata naming ihanda ang mga tainga namin dahil magsisimula na ang pagratrat ng bunganga niya.

"Hey guys! Alam niyo na ba ang balita?" pagsisimula niya. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Yung iba naman naming kabarkada mukhang hindi naman interesado at naghang-up na.

Ako, si Haru, Raine at Riz na lang ang natira sa group call ni CJ. Hashtag Team Chismosa...este Team Matiyaga, kasi ganun kami katiyaga na pakinggan ang kadaldalan ni CJ.

"Sinong namatay?" pag-uulit ko sa tanong na nabasa ko sa gc.

"Heto na nga mamsh! Remember ate Kyra? She passed away yesterday. Heart attack daw," pagkukwento ni CJ gamit pa ang matinis niyang boses.

"Si ate Ky? Yung role model natin nung highschool?" tanong pa ni Raine. Mukhang nagbebake pa ata siya habang kausap kami dahil may harina pa sa pisngi niya.

"Yes siya nga," biglang lumungkot ang boses ni CJ.

"Shocks!" yun lang ang nasabi ni Haru.

Halos wala nang makapagsalita sa amin. Binalot kami ng nakakalungkot na katahimikan.

Ate Kyra was the perfect student. Halos lahat ng estudyante sa school, tinitingala siya. Sobrang taas ng respeto namin sa kanya, kumbaga ang mga gago, nagtitino dahil sa kanya kasi nga gusto nila maging kagaya niya.

"Punta tayo sa lamay?" mungkahi pa ni Riz.

"Okay. Hindi naman ako masyadong busy. Naka-leave pa ako," pagpayag ko.

Tumingin ako sa iba, waiting for them to answer. Raine nodded slowly, while Haru seems hesitant at first kaso majority wins, kaya napatango na lang din siya.

"Okay. Sasabihan ko na rin ang iba. I'm sure pupunta din ang mga yun. Naging malapit din naman sila kay ate Ky noon," sambit pa ni CJ.

"So this gonna be a reunion, huh? Finally, magkikita kita din tayo," medyo sarkastiko kong saad.

"Yeah. Kalungkot lang na kailangan pang may mamatay para lang mabuo ulit tayo kahit sa isang araw lang," may lungkot sa boses ni Riz nang sinabi niya yun.

She's kinda right though. I don't know what happened to us. Dati naman halos hindi mapaghiwalay ang barkada namin, ang dami naming oras para sa isa't isa pero ngayon inabot pa ng maraming taon bago kami makapag-usap ulit ng ganito.

Kahit hindi namin aminin, our friendship fell apart, a long time ago.

*****

Driving my red chevrolet, I parked outside Raine's house. I decided to pick her up para may kasabay na ako papunta sa chapel kung saan nakalagak ang labi ni ate Kyra.

I keep on tapping my fingers on the steering wheel as I patiently wait for Raine. Sinarado ko na din ang bintana ng kotse ko dahil ang lamig ng hangin. It was a cold Saturday night, I don't know why pero parang iba ang pakiramdam ko sa gabing 'to.

I shrugged those thoughts away. Kabado lang din siguro ko. After all these years, makikita ko ulit yung lalaking yun.

Few minutes passed, nakita ko na si Raine na papalabas ng bahay. She's wearing a black pants and plain white shirt. Lamig na lamig siya kahit may suot na siyang itim na jacket.

Nang marinig niya ang busina ko, nagtatatakbo siya agad papasok sa kotse ko.

"Naks. Ganda kotse. Yayamanin. Big time na talaga, Ms. Stewardess," kantyaw niya agad.

"Mag-seat belt ka na. Baka isakal ko pa yan sa'yo," biro ko na lang.

Mahina naman siyang tumawa.

"Some things don't really change, huh? Mainitin pa din ulo natin, Hel?" pang-aasar niya pa.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinaandar ko na ang kotse ko.

"Pupunta si Liam sa lamay ah. Yieeeee~ Pag-ibig," pag-iingay ulit ni Raine.

Saglit kong inihinto ang sasakyan ko at sinamaan siya ng tingin. "Titigil ka ba o pabababain kita at iiwan sa gitna ng kalsada?"

Nakita ko siyang napalunok. Mukhang nasindak ata. Good.

"Ito naman, no chill. Galit agad. Oo na, tatahimik na!" pagmamaktol niya.

Ibinaling na lang niya ang atensyon niya sa labas ng bintana. Buong biyahe kaming tahimik. Hindi na niya ulit binuka ang bibig niya. Lumipas ang isang oras, nakarating na din kami sa destinasyon namin.

Ipinarada ko sa labas ng chapel ang sasakyan ko. Paglabas namin ng kotse ni Raine, napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa lamig. Nakalimutan kong magdala ng jacket kakamadali kanina.

"Ayan, denim dress pa more. Mamatay ka sa lamig."

Napalingon kami sa lalaking nagsalita. Nakasandal siya sa may hamba ng pintuan ng chapel. Nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng gray hoodie niya. It matches his black pants and gray combat shoes. Mukhang may hinihintay siya at inip na inip na ang itsura ng mukha niya.

"Liam!" bati agad ni Raine sa kanya. Nakasunod lang ako sa likod niya.

Pasimpleng sumulyap ako kay Liam. Mas lalo ata siyang tumangkad ngayon. Nagkalaman na din siya, hindi gaya noong highschool kami, isang ihip lang ng hangin mukhang liliparin na siya dahil sa kapayatan niya. He's wearing a round specs. Gwapo ng hayup.

"Tagal niyo. Kayo na lang hinihintay," nababagot na sabi nito.

"Sorry naman. Grabe ang traffic kaya," pagtataray ko.

Tinapunan naman niya ko ng tingin bago tumango. Niyaya na niya kaming pumasok sa loob. Ito namang si Raine halos ipagtulakan na ko palapit kay Liam. Sapakin ko na 'tong babaeng 'to eh. Itulak ko din siya sa bangkay ni ate Ky. Joke lang po. Huwag mo kong multuhin ate Ky.

Ang daming tao sa loob, lahat nakasuot ng kulay itim maliban lang ata sa barkada namin. Mabuti na lang malaki ang loob ng chapel, kayang i-accomodate ang lahat ng nakiramay.

Marami talagang nagmamahal kay ate Kyra, namumukhaan ko ang ibang schoolmates namin noong highschool pati mga naging teachers namin noon. She was loved by many. At gaya nila, ganun din namin kamahal si ate Kyra.

"Kararating niyo lang?" tanong agad ni CJ nang makita niya kami. Tumango na lang ako.

May tatlong bakanteng upuan sa tapat ni CJ, ni-reserved niya ata talaga para sa amin. Kahilera nun ang inuupuan naman nila Haru, Riz at Mona.

Nilapitan na lang muna namin ang ataol ni ate Kyra para silipin siya at saglit na mag-alay ng dasal. Nakakapanghinayang talaga ang pagkawala niya. Napakabait pa naman niyang tao.

Nang matapos kaming magdasal, hinila na ako ni Raine para umupo sa may bakanteng upuan, hindi kalayuan sa harap ng altar.

"Uy, Helga! Musta? Long time no see ah."

May kumalabit sa akin kaya napalingon naman ako. Si Rory lang pala. Gaya ng dati, nakabungisngis pa din siya.

"Okay lang. Ikaw? Musta?"

"Medyo busy sa life. Alam mo na, adulting," tipid na sagot naman niya.

"Balita ko stewardess ka na. Naks naman! Bigatin ka na friend," singit naman ni Lyca na katabi ni Rory.

Ngumiti na lang ako. Pagkatapos ng saglit na kamustahan, nilibot ko ang paningin ko. Isa isa kong tinapunan ng tingin ang mga barkada ko. Kumpleto nga kaming lahat.

Nasa kabilang upuan ang mga lalaki, ang iingay nila. Mukhang kung anu-ano na naman ang pinagkukuwentuhan. Rinig na rinig ang malakas na boses ni Arlan, sa sobrang lakas baka bigla na lang bumangon si ate Kyra sa kabaong niya.

Magkatabi naman sina Jace at Yeshua. Parang hindi na naman sila mapaghiwalay gaya ng dati. Sila kasi talaga ang partners in crime. Si Liam naman, tahimik lang din na nagmamasid sa paligid.

"Matunaw. Huwag mong titigan," pang-aasar ni CJ mula sa likuran ko.

"Si Arlan kaya tinitignan ko."

"Sus, palusot. Huling huli kita, mamsh!" pagpipilit niya.

Daldal talaga nitong si CJ. Hindi na nagbago. Hindi kaya naiingayan ang mga pasenyente niya? Nurse kasi ang babaeng 'to, akalain mo yun?

"Tagal na panahon na ah. Hanggang ngayon crush mo pa din?" usisa pa ni Kass.

Yung totoo? Bakit ako ang ginigisa nila? Hindi lang naman ako ang tao dito. Pabirong inirapan ko na lang silang lahat.

"Nasaan sina Jennie at Lui?" tanong ko kay Haru. Mukhang dapat hindi siya ang tinanong ko dahil busy siya sa phone niya at may nakapasak na earphones sa tainga niya.

"Nag-cr lang ata yung dalawa." Si Mona ang sumagot. She still has that gentle smile on her face.

Yeah, right. Some things don't really change.

Kumpleto nga talaga kaming lahat ngayon. Isang napakalaking himala.

*****

Lumalalim na ang gabi. Pasado alas-onse na. Umuwi na ang ibang nakiramay. Ang barkada na lang namin ang natitira kasama ang ibang kamag-anak ni ate Kyra. Hindi naman nila kami sinusuway kahit na napakaingay namin.

"Tara laro tayong Mafia Game!" pagyayaya bigla ni Liam. There's a goofy smile written on his face.

"Ano tayo? Bata? Balik highschool lang?" kontra ko.

Naalala ko, madalas naming laruin ito nung highschool kapag vacant namin.

"Eh di huwag kang sumali. KJ." ganti niya pa.

"Chill. Ang iinit ng ulo niyo parehas. Pag-untugin ko kayo eh," awat naman ni Haru. May nakakalokong ngiti siya sa labi niya nang tignan niya ako.

What? Nakataas ang isang kilay ko na tinignan siya. Subukan niyang mang-asar, F.O ko na talaga siya.

"Tara dali! Game na. Tagal na nating hindi nalalaro 'to eh," excited na sambit ni CJ. Naglililikot na naman siyang parang kiti kiti.

"Uy sali din!" sambit din ni Jennie. Nagtaas pa ng kamay ang loka, feeling recitation.

"O, lahat kasali ha. Walang KJ." Natatawang pasaring pa sa akin ni Raine. Humanda siya. Iwan ko talaga siya mamaya kapag nag-uwian na kami.

Wala na kong nagawa kundi sumali na lang nang lahat sila ay isa isa nang nagsalampakan sa sahig. Gumawa kami ng isang malaking bilog. Palibot kaming nakaupo.

Nasa magkabilang gilid ko sina Jennie at Raine. Katapat ko naman si Liam. Nakakailang, Lord. Pwede ba lumipat ng upuan?

Naririnig kong nagbubulungan at naghahagikgikan naman sina Haru, Mona at CJ habang palipat lipat ang tingin sa akin at kay Liam. Problema ng mga 'to?

"Naks! Magkatapat ang HelLiam. Labteam!" panunukso ni Arlan.

Can these guys please shut up? Nabubuko ako! Hindi naman alam ni Liam ang Liam kong pagtingin sa kanya mula highschool. Yes, pun intended. Okay, korni ko.

"HelLiam?" tanong naman ni Jace, habang inaayos ang suot suot niyang salamin. Kanina pa siya tahimik. Ngayon lang siya nagsalita. Sana nanahimik na lang siya! Sakalin ko siya eh.

"HelLiam! Helga and Liam! O, di ba parang Helium lang?" Arlan beamed, clapping his hands like a seal.

Kainis 'tong lalaking 'to. Manghuli na nga lang siya ng kriminal. Balita ko promoted itong si Arlan bilang police superintendent.

"Maglaro na tayo!" singhal ko na lang.

Napatingin ako kay Liam na napapailing iling na lang. Okay, ako lang affected. Bwisit.

"Ako na moderator!" Nagtaas ng kamay si CJ. Ang hyper hyper niya talaga.

"Hindi. Ako na lang," sabat naman ni Riz. Nagpupumilit ito kaya pumayag na lang si CJ. Baka mamaya pati pagiging moderator lang pag-aawayan pa nila.

"Pikit na kayo, mag-aassign na ko." utos ni Riz gamit ang malamig niyang boses. Tinali niya pa muna ang buhok niyang samu't sari na naman ang kulay.

Isa isang pumikit ang mga kasama ko, kaya ginaya ko lamang sila.

"Walang sisilip ha. Ang mangdaya, mumultuhin ni ate Kyra," pananakot pa ni Riz.

Mariing pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Ang tahimik naming lahat. Para kaming mga maaamong tupa. Hanggang nagsalita na ulit si Riz.

"Game. Tapos na ko mag-assign. Walang masyadong madaldal pwede?" pakiusap pa nito.

Sabay sabay naman kaming tumango. Isa isa ko silang pinasadahan ng tingin. Ang seryoso nilang lahat. Masyado naman ata nilang sineseryoso ang game. Sa dami namin, mukhang hindi mahihirapan ang killer na pumatay gamit ang pagkindat niya.

"I'm dead!" biglang pabagsak na humiga si Jennie sa sahig. Humawak pa siya sa dibdib niya. Umaarte na kinakapos pa siya ng hininga.

"Hala! Ang bilis naman! Sino kang killer ka?" pag-iingay ni CJ. Mahinang hinampas na lang ni Haru ang braso niya para manahimik.

"Please, killer. Huwag mo muna ko patayin. Marami pa kong pangarap!" pag-iingay din ni Mona.

"Si Raine! Si Raine ang killer! Hulihin mo na yan pulis!" natatawang bintang pa ni Yeshua.

"Hoy! Bakit ako na naman? Nanahimik ako." Raine retorted.

Wala na. Ang liligalig na nila.

"Aaaaah. Goodbye my friends!" gaya ni Jennie ay bigla na lang ding humiga si Rory sa sahig. Feel na feel talaga nila.

Pagkalipas pa ng ilang saglit si Lui naman ang nagsalita gamit ang napakahinhin niyang boses. "I'm dead."

Tinignan ko sila isa isa. Sino kaya ang killer?

"Adios mi amigos," sambit din ni Lyca.

"Hoy! Ano na pulis? Galaw galaw namamatay na kami!" sigaw ulit ni CJ. Wala talagang makakapigil sa bunganga nito. Para na siyang naghuhuramentado, laro lang naman 'to.

"Sabi sa inyo si Raine talaga yang killer!" sigaw ulit ni Yeshua.

"Si Hel! Siya killer! Ang tahimik eh," baling naman sa akin ni Raine.

"Oo, mapapatay kita ng killer eyes ko kapag di ka tumahimik!" banta ko. Nagpeace sign naman siya agad.

"Baka si Liam ang killer, patay na patay si Helga eh," singit naman ni Arlan.

"Ay boom! Nareveal!" sabay na sigaw naman nina CJ at Haru.

Shit sila! Sarap nila ilibing lahat!

"Sssshhhh. Huwag maingay," suway ni Riz. Wala na namang kaemo-emosyon ang boses niya. Huhu Thank you, Riz. You're mah savior!

Magaling yung killer namin. Ang bilis niya kumilos. Ilang saglit lang ay ubos na kami. Iilan na lamang kaming buhay. Ako, Haru, Raine, Arlan, Mona, CJ, Yeshua, Jace at Liam. Lagot ang pulis kapag hindi niya nahuli ang killer, may consequence siya.

Yun nga lang, hindi na namin natapos pa ang game dahil biglang nagkaroon ng emergency si Arlan at kailangan na niyang umalis. Nag-ayawan na rin yung iba.

Sabay sabay na lang namin ulit na sinilip si ate Kyra bago kami nagpasyang umuwi dahil pasado alas tres na ng madaling araw.

Sa gitna ng aming pagkakasiyahan kanina, wala kaming kamalay malay na bahagi na pala ito ng mga plano niya.

Ang larong ito pala ang siyang magdudulot sa aming lahat ng kamatayan.

*******

Characters:

Patrick as Arlan

Edelyn as CJ

Haze as Haru

Chii as Helga

Peter as Liam

Monique as Mona

Robilee as Rory

Love as Lyca

Jayson as Jace

Josh as Yeshua

Charisse as Riz

Bie as Raine

Jovel as Lui

Jen as Jennie

Kath as Kass