sa milyong milyong tao sa buong mundo. lahat tayo ay may kanya kanyang mga pangarap.iba iba man ng kagustuhan maliit mam o malaki ay pilit nating itong pinagsusumikapan upang matupad..ang maging doktor, abugado.. ang marating ang ibat ibang panig ng mundo ang maging mayaman, ang magkaroon ng bahay at lupa.. ng kotse at kung anu anu pa. yan ang pangarap ng mga nakararami sa atin ..na naabot na ng iilan..?? nang iilan??
minsan nakakalungkot lamang isip na sampung taong nangangarap sa buong mundo.. isa o dalawa tao lamang ang naaabot ang kanilang mga pangarap..at ang iba... ay naghihintay nalang ng himala o manalig na lamang sa swerte upang makamit ang kanilang mga pangarap.
sa malaking lungsod sa kalakhang maynila ay magsisimula ang lahat..
isang mamasa masang umaga ang gumising sa lahat ng taong napapadaan sa lunsod ng san juan. sa araw kasing iyon ay ipinagdiriwang ng bayan ng san juan ang pesta ni san juan bautista o mas kilala sa katawagang watta watta.. kung saan ay masayang silang nagbabasaan ng tubig, nambabasa at binabasa. ang taonang tradisyong ito ay namana pa ng mga taga san juan matagal na panahonna. sinasabing pinapakita dito kung papaano basbasan ni juan bautista si jesus sa ilog jordan ayon sa biblia.
a nuebe ng septyembre araw ng lunes abalang araw para sa lahat.. isang maliit na kumpanya ang nabubuo ng mga panahong iyon.ang pag hahatid at pag kuha ng mga pakete ng kanilang mga kleyente ang trabahong araw araw nilang ginagawa o mas kilala sa tawag na " courier" itong ung mga rider.. o motorista na nagpipick up o nagdideliver ng mga package gamit lamang ang mga motorsiklo nila. alas nuwebe ng umaga.. isang malas na araw parang kay andess
" oh adress ang aga aga nakasimangot ka" tanong ng isa nyang katrabaho na si jc. "pano ba naman ang aga aga na huli ako beating the red light daw ako..kahit..hindi naman" kwento ni adress. " parang di ka naman nasanay sa mga yan... naghahanap lang ng pang almusal yang mga yan.." wika ng isa nya pang ka trabaho na si bryan. " oh lunes na lunes bat parang walang mga rider" tanong ni adress. " o nga pala di mo alam.. ilang araw ka kaseng absent eh..lumipat na tau ng opisina malapit lang dito..pag akyat mo don sa reraon kumaliwa ka. dulong bahay na may green na gate number 32 mapapansin mo iyon kase malaking bahay iyon na medyo may kalumaan" wika ni bryan bago umalis matapos kunin ang iba nya pang mga gamit. sa mga sandaling iyon ay agad na pumasok si andress sa kanilang dating opisina para kunin din ang iba pang mga gamit don. mula sa kanyang kinatatayuan ay tila may napansin syan isang babae na nakatayo mula sa hagdanan. kaagad nyang kinuskos ang kanyang mga mata.. ngunit sa pagmulat nito ay naroon muli ang babae na tila tumatakbo mataas at tila tinatawag sya. kaya sa pag kakataong iyon ay kinabahan na si andress. ngunit ganon pa man ay dahan dahan nyang inakyat ang hagdanan. nang biglang. "andress,,,ano pang ginagawa mo dyan tara na wala ka nang kukunin dyan... wala na rin tao dyan tara na" sigaw ni jc habang nasa labas na nagpagulat kay andress. ngunit ng agad nyang lingunin ang hagdanan ay wala na roon ang babaeng kanyang nakita. kaya agad syang umalis sa lugar na iyon.