Chereads / LEFT IN HARROW / Chapter 3 - PROLOGUE

Chapter 3 - PROLOGUE

"Haya," malambing na boses ng babae na bumubulong sa aking tenga. Para itong boses ng anghel na humehele. Nararamdaman ko rin ang bawat paghaplos niya sa aking buhok.

She is humming a song, and that song makes me feel calm.

"Nanay," wika ko. Ganito ang ginawa sa akin ng aking Ina sa tuwing pinapatulog niya ako. I feel at peace because of it.

Subalit, mabilis na putok nang baril ang umalingawngaw. Nawala na ang paghele. Nawala na ang paghaplos nito sa aking buhok. Naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang paghawak sa aking balikat.

"Haya!" tawag nito, ngunit dinig ang takot. "Haya! Gising!" niyuyugyog niya ako.

"Haya, gising! Haya! Andiyan na sila!"

"HAYA!"

Namulat ko bigla ang aking mata sa huling tawag na iyon. Nanlalaki ang aking mata habang mabilis na kumakabog ang aking dibdib. Pilit kung hinahabol ang aking bawat paghinga. Tila, parang isang masamang panaginip ang nangyari sa akin.

Ano yun?

Sino yun?

Pilit kong kinakalma ang aking sarili. It's just a dream, Haya. It's just a dream. Sabi ko na pinipilit ang aking sarili na panaginip nga lang iyon.

Pero, mas lalo lamang lumakas ang kabog nang aking dibdib nang aking mapagtantong, nakadapa ako sa lupa. Mabilis akong tumayo mula sa aking pagkakadapa at inikot ang aking mga mata sa lugar.

Nasaan ako?

Tiningnan ko ang aking sarili. Nakasuot ako ng puting bestida habang may bakas ang aking pulsuhan, siguro sa mahigpit na pagkakatali. Ang aking paa ay naka-kadena at wala itong sapatos man lamang.

Anong nangyari sa akin?

Tinatalasan ko ang aking pag-iisip para maalala kung paano ako napunta sa lugar na ito. Nasa gitna ako ng kakahuyan. Malalaki ang mga puno at matataas ang mga talahib.

Ano ba kasing ginagawa ko rito? Ano bang lugar to?

Suddenly, the crows caw at mabilis silang nagliparan. Para silang mga asong nakawala dahil sa uri nang kanilang paglipad, tila may nang gambala sa kanila.

Sinundan nang aking mga mata kung saan iyon nang galing.

"Hello!" sigaw ko. "May tao ba diyan?" Mabilis ang pagkabog sa aking dibdib. "Nasan po ako?"

Sinubukan kong tumayo at maglakad nang dahan-dahan. The chains in my ankles are too heavy dahilan para mahirapan akong lumakad. Mabuti nalang may mga puno sa paligid para aking maging balanse. Tinahak ko ang daan kung saan nang galing ang mga uwak.

Medyo madilim na rin dahil lumubog na ang haring araw, ngunit hindi iyon ang magpapatinag sa akin para makaalis sa lugar na ito.

I want to go home. Baka hinahanap na ako ng aking mga magulang.

Then, I saw a bridge. Sira-sira ito at parang kapag dadaanan mo pa ito ay wala ka pa sa kalagitnaan babagsak na lamang sa malalim na bangin. Ang daan nito ay gawa lamang sa kahoy, at halos bungi-bungi na rin. Isang mahabang tali na lamang ang nagdudugtong sa kanila.

I looked everywhere and see nothing but this is the only way. The path trail also ends here, kung kaya't wala akong choice kundi dito talaga dumaan.

I bite my lower lip and exhaled.

Wag ka nalang tumingin sa ilalim, Haya. I said in my mind just to make me brave to pass through.

Nakahawak ako sa tali at dahan-dahang lumalakad sa tulay na ito. The chains in my ankles make a clang sound sa tuwing magdidikit ang aking mga paa. Medyo masakit na rin dahil sa bigat ng mga ito.

But, that will not stop me to pass through.

As I reach the end, I saw an arc.

Nanlaki ang aking mata sa aking nabasa. Nagtaasan rin pati ang mga buhok sa aking katawan. Tila, nanlamig na rin ako kasabay ng pagsimoy ng hangin.

Sinong nagdala sa akin dito?

Hindi maaari.

"Maligayang pagdating sa Harrow, Haya," said the voice from behind.

I slowly turned around. My heart is thumping and I am shaking. Natumba na lamang ako sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan ko sila. Hindi ko na alam ang aking gagawin.

I'm dead.

Their pale skin that is covered with their black clothes, their eyes are color red and they are looking straight through me. Their claws are sharp and their fangs appeared. They are ready to kill me.

Tila nanginginig na lamang ako sa aking pwesto.

Mabilis ang sumunod na pangyayari and the last thing I remember was...

... black.