Bata pa lamang ako ay pinapangarap ko ng makapasok sa isa sa pinka tanyag na paaralan dito sa mundong ginagalawan namin.
Ang Lugsinns Academy, isa sa 4 greatest school of magic. Halos lahat ay nangangarap na makapasok sa apat na pinaka tanyag na paaralan ngunit pili lamang ang nakakapag-aral dito.
Sa mga paaralang ito hinuhubog ang paggamit ng mahika.
Dito nag-aaral ang mga sorcerers na gaya ko. Pero ang mga nakakapasok lamang dito ay ang may angking talento na wala ako.
"Balang araw makakapasok ako diyan" iyan ang mga katagang binitawan ko sa sarili ko.
I may not have the talent pero may diterminasiyon naman ako. I will do everything that i can para makapasok sa paaralang yan.
Alot of people have said to me "Wag ka ng umasa. Hindi ka makakapasok diyan."
"Wala ka namang talent. Kahit anong gawin mo walang mangyayari"
Even my parents were not convinced that I will make it. Yes, it was hard lalo na't pati ang mga magulang ko'y walang tiwala sa kakayahan ko.
"Nag pra-practice ka nanaman Kahel" bungad saakin ng isa kong kaibigan.
Nandito ako ngayon sa may kakahuyan at nag eensayo para sa nalalabing entrance examination ng Lugsinns Academy na nagaganap kada taon.
"Ikaw pala Jeriel" bigkas ko't tinigil ang ginagawa ko.
Umupo muna ako sa isang tabi at pinunas ang mga pawis na tumatagaktak sa mukha ko.
"Ano't nang iistorbo ka nanaman dito? Hindi ka ba naghahanda? The entrance exam is just around the corner."
Lumapit ito saakin at sinimangutan ako. "Puro ka na lang practice, practice, practice. Gayahin mo kaya ako tamang relax lang"
Ano pa bang maasahan ko dito. Inayos ko na lang ang mga gamit ko't nagpahinga muna ng saglit.
Dalawang taon na ang nakalipas simula nung napag desisiyonan kong pumasok sa Lugsinns.
I have experienced alot of hardships along the way. May times na kahit ano talagang gawin ko hindi ko pa rin magawa ang isang spell. Giving up on that particular spell once crossed my mind pero hindi ko ginawa.
My firm conviction to succeed made me invoke that particular spell at dahil don pinagpatuloy ko pa rin ang aking practice.
Sabi nga nila "Hardwork beats talent when talent fails to work hard"
"Sa totoo lang Kahel. Ano ba talagang gusto mong magi? To be a student in Lugsinns o to be the most powerful sorcerer?" Tanong ni Jeriel
"Pwede both? " natatawang tugon ko dito
"Kaya mo naman. Actually ikaw nga yung pinaka magaling na sorcerer dito sa bayan natin sa edad mo. Ewan ko lang dun sa most powerful pag dadasal na lang kita dun"
"Sige na at may pinapabili pa sakin si mama sa bayan. Gusto mo sumama? " sabi ko dito habang kinukuha yung mga gamit ko sa lapag.
"Hindi na baka kagalitan pa ako ni tatay. Tumakas nga lang ako sa bahay eh" nakakalokong sabi nito habang nag lalakad papalyo. "Sige una na ako! "
Nagsimula na akong maglakad papunta ng bayan para bilhin yung pinapabili ni mama sakin na muntikan ko nanamang makalimutan. Maigi na lang at dumating tong kaibigan ko.
Ang bayan namin ay hindi ganun kalakihan at hindi din naman maliit.
Masasabing vibrant at bustling itong bayan namin sapagkat maraming stalls na nakahanay sa street at maraming tao ang mga bumibili dito.
Sa right side makikita ang mga pagkaing paninda, meron din na wand shop, at bookstore na pinipilahan at pinupuntahan ng mga bumibili. Sa left side naman ay may mga hayop na paninda, may potion shop at basic necessities .
Mabilis kong nahanap at binili ang mga binilin sakin ni mama at umuwi na agad sa bahay namin.
Matatagpuan sa gilid ng buhol ang bahay namin kalapit ng isang rumaragasang ilog. Gawa ito sa kahoy at maliit lamang para s a pamilya namin, ako, si mama at si papa.
Lumipas ang mga araw at ang itinakdang araw para sa entrance exam ay papalapit na ng palalapit.
"Mag-iingat ka anak. Huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo" naiiyak na bigkas ni mama habang yakap yakap niya ako sa mga malalambot niyang bisig.
Paalis na ako sa bayan namin para tahakin ang daan patungo sa pag gaganapan ng entrance exam ng Lugsinns Academy.
Nakaka excite dahil ilang taon akong naghanda para lamang dito... Ngunit nakakalungkot rin pala.
Lumaki ako dito sa bayan na ito at dito ako nanirahan ng 12 years. Ang dami kong ala-ala na nabuo dito kasama ang mga kaibigan at pamilya ko.
Hindi ko pa man alam kung matatanggap ba talaga ako sa Lugsinns pero mami-miss ko ang bayan na ito pati na ang mga kaibigan at pamilya ko.
Yinakap ko si mama at papa ng mahigpit at matagal. Nararamdaman kong naiiyak na si mama. Napaka iyakin talaga ni mama napapa iyak din tuloy ako.
"Bye ma, pa. Don't worry, pangako mag-iingat ako ng husto. Hindi ko pababayaan ang sarili ko." Pinahid ko ang mga luha ko't matatag na tinignan sa mata sina papa at ngumiti.
"Kaya mo yan, nak. I know that there are times na hindi namin na ipadadama ang suporta namin at nag kakaroon kami ng doubt sayo. Pero alam kong malakas ka. Kakayanin mo to. Makakapasa ka. " nakangiting wika sakin ni papa.
Yinakap ko muli sila ng mahigpit sa huling pagkakatoon at nag simula ng maglakad.
This is it. This is the start of my journey.