Chapter 2 - Entry 2

WARNING:The chapter ahead may be disturbing to some readers.Reader discretion is strongly advised

Sync's POV

What the fuck was that?!!!

"Takbo!!!"

The moment that my body can move,I did not hesitate anymore.Kaagad na kong tumakbo at sumigaw papalabas ng C.R.Tumakbo na rin ang mga kasama ko. My name is Lucifer Syntax Buenaventura. Sa labing-limang taon kung nabubuhay ngayon ko lang naexperience tong kalokohang to.

Lahat kami ay takot na takot at parang naguunahan pa sa bilis ng takbo. Sa ngayon ay wala akong ibang naiisip kundi ang umalis muna dito sa putanginang school na to. I can't even think properly right now. We ran from the hallways to the stairs,from the stairs to outside and finally the quadrangle of the school.

Di kami nag-usap at madaling kinuha ang mga bag namin sabay takbo ulit papuntang gate.Pagkarating namin ng gate ay saka lang kami nakahinga ng maluwag nung nakita namin yung mga security guard na nagbabantay.They looked at us with eyes full of doubt as if wondering kung anong nangyari samin at nagsisitakbo kami na parang tanga.Hingal na hingal kaming lahat dahil sa pagtakbo.Si Samuel nga nakaluhod na. Nagtitinginan kami ng mga kaklase ko pero walang nagsasalita samin.I'm still trying to process what the fuck just happened. Was it a prank? No,That was way too fucking elaborate for a prank.Sinong gago magdedress up as a white lady tapos mag-aantay hanggang gabi para lang makapangtrip?

Not to mention the strange thing that happened to me.For a few seconds,I wasn't able to move at all. That was definitely something illogical. I know myself enough. Natatakot ako pero I know that I can move if it means protecting myself.Not to mention the next that happened was even stranger. Tangina gumalaw ako against of my own will.Habang nag-iisip ng mga bagay ay nakarinig ako ng boses.

"Anong ginawa niyo at bakit kayo nagsisitakbo?Nakakita ba kayo ng multo?" Pagalit na sabi ng isang guard na may halong biro.

That's because we really fucking did.We saw a goddamn ghost in the flesh! Wait, ghosts have no flesh. Shit Why am I even joking at a time like this.

Of course hindi ko to masasabi ng harap-harapan because that would be outrageous.Imposibleng maniwala sila sa multo.Kung ako nga di naniwala bago makakita mismo, sila pa kaya?

"Nakakita kami ng mul-" Sasabihin sana ni Sapphire pero mabilis na tinakpan ni Vincent ang kanyang bibig.

"Ah ano po multa.Natakot po kasi kami na baka iwanan niyo kami dito sa school kaya mabilis kaming tumakbo papunta dito baka may penalty eh." Palusot ni Vincent na aminin na natin,walang naniwala.

"Ano bang pinagsasabi niyo?Ay nako ewan ko sa inyo nauna na mga kaklase niyo umuwi tapos kayo andito pa. Umayos nga kayo mukhang taga higher section pa naman kayo! Sige labas na at isasara na tong gate!"

Holy fuck!I can only thank our luck na hindi na kami kinwestiyon masyado ng guard.Kahit medyo pagod pa ay isa-isa na kaming lumabas ng school.Pagkalabas namin ay agad na nagtanong si Crescere.

"Huy ano na gagawin natin?"

"Ano pa ba gagawin natin edi uuwi na tayo" Sagot ni Altair

"Teh nakakatakot umuwi pagkatapos nung nakita natin." Crescere

"Tangina di nga natin alam kung ano nakita natin eh pero parang White Lady."Darrius

"Beh tangina niyo di ako makakatulog mamayang gabi baka magpakita siya."Vincent

"Huy Sync ayos ka lang?parang di ka okay" Tawag sakin ni Oliver.

Tiningnan ko siya sabay sabi na medyo pautal-utal

"Huh?O-okay lang ako.Nabigla lang ako unti.Tangina ako pa talaga yung pinakamalapit kanina."

Sabi ko na may halong pagbibiro.

But honestly,I'm not fine.Definitely not.I'm making jokes in my mind to ease my emotions but I'm still frightened by what I saw right now.Pilit na pilit kong kinokontrol ang katawan ko na nanginginig sa takot.Mabuti at nakajacket ako ngayon at hindi masyadong halata yung panginginig ko.But this won't do.I need to remain calm.

Gusto kong kumalma pero everytime na maaalala ko yung nangyari kanina di ko mapigilang matakot.Lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga mata niya.Di ko masyadong naaninag yung katawan ng "white lady" pero malinaw na malinaw sakin yung mga mata niya.Kulay itim na nagliliwanag.

Fuck!Calm down Sync.

"Sigurado ka bang okay ka?"Tanong ni Crescere na may halong pagkabahala at biglang akong niyakap.Isa si Crescere sa mga kaclose kong babae sa classroom.Di ko rin alam kung paano kami naging close pero for some reason,mahilig palagi siyang mangyakap.Di ko alam kung dahil sa unti-unti ko ng nakukumbinsi ang sarili ko na kumalma o dahil sa yakap ni Crescere o baka pareho,kumalma na rin ako sa wakas at nakapag-iisip na ulit ng maayos.Alright Sync time to be logical and rational again.

"Okay gusto ko yung yakap mo pero unti na lang magseselos na si Matthew."Pabiro kong sabi kay Crescere sabay tawa.

"Gago ka." Sabi naman ni Crescere at tumawa rin.Tumigil na siyang yumakap ngunit nakaakbay parin.It may seem subtle but I can also feel her shaking a little bit.She must also be scared out of her wits right now but also trying to control herself.

Dahil sa interaksyon na yun mukhang medyo nawala rin ang takot ng iba naming kasama.It looks like I need to take the lead.

"Okay kung ano man yung nakita natin.I think for now di muna satin magpapakita yun.Di ako sure ha pero feeling ko lang naman.Mas mabuti pa na umuwi muna tayo at baka pagalitan pa tayo ng mga magulang natin." Sabi ko

"Alright.Bukas na lang natin pag-usapan kung ano man nakita natin kanina.Tapos para safe kung pwede may kasama kayo pauwi." Sabi ni Altair.

Come to think of it,all this time parang di siya takot. Even kanina na harap-harapan naming nakita yung multo. Seryoso ang mukha niya pero parang hindi ko masyadong napansin yung takot.Damn,this guy has balls of steel.

"Ge magsiuwian na tayo tangina may curfew pa ako.Saka na yung multo mas nakakatakot mga magulang ko."Oliver

"Beh same." Sang-ayon ni Sapphire.

"O kaya nga tara na at umuwi."Sabi ni Orio

Unti-unting ng naglilighten yung mood.Kahit papaano ay nabawasan ulit ng kaunti ang takot naming lahat dahil sa mga biruan.

Pagkatapos nun ay nag-usap pa kami kung sino ang mga magkakasama pauwi at kung walang kasabay ay ihatid kahit papano ng may parehas na daan.Kanya-kanya na kaming nagsiuwian.Bukod sa traffic,naging matiwasay naman ang biyahe ko pauwi at walang nakitang "White lady".Pagkauwi ko ay sinabihan ako nila mama at papa pero di naman galit dahil sanay na sila sakin na halos gabihin umuuwi kapag may groupings.Napagdesisyunan kong wag na lang sabihin muna sa kanila yung tungkol sa nakita namin.

Dumiretso ako sa kwarto ko at naghilamos ng unti sa banyo.Medyo natakot pa ko na baka magpakita sakin sa salamin yung white lady pero di naman nangyari iyon.Pagkatapos kong maghilamos ay dumiretso na ko sa higaan ko.

I'm trying to piece out everything that just happened.Napaisip ako ng malalim buong gabi dahil hindi rin ako makatulog.Tangina kumalma na ko kanina pero nakakatakot pa rin yung nangyari kanina.Ilang oras rin akong nag-isip hanggang sa di ko namalayang nakatulog na ako.

Kinabukasan

5:45 A.M

Dumating ako sa school ng puyat nanaman dahil sa kakaisip kagabi.Paggising ko pa nga ay kinwestiyon ko pa ang sarili ko na baka panaginip lang yun.However,alam naman nating hindi yung panaginip at kahit totoo man,wala akong choice kundi pumasok pa rin sa school.Medyo natatakot pa rin ako pero di na ganun kalala nung kahapon.Kung makikita ko yung white lady siguro makakapag-isip na ko ng maayos kahit papaano.

Papalakad ako sa gate ng school namin ngayon at habang kinukusot ang mata ko dahil sa antok.Kaunti pa lang ang mga estudyanteng pumapasok.Papasok na sana ako ng bigla kong makita bandang loob ng eskwelahan ang pamilyar na pigura.

What the fuck!Sa isang saglit ay parang nakita ko ang white lady na nakita namin kagabi.Nakatitig sakin sa malayo at walang emosyon ngunit pag kurap ko ay wala na siya. Kung ano-ano na nakikita ko tangina. I'm probably experiencing hallucinations right now because of stress. At least I hope so.

Sa pag-iisip na baka ilusyon nga lang iyon,dumiretso na lang ako sa classroom namin pero medyo mabilis ang paglakad dahil mamaya kung ano pang makita kong kababalaghan. Pagdating ko sa room ay nakita ko sila Darrius,Altair at iba ko pang kaklase. Nakatipon sa isang sulok ng classroom yung mga kasama ko kagabi.Siguro pinag-uusapan nila yung nangyari kagabi.

Pumasok ako sa loob ng klase at ibinaba ang bag ko sa upuan ko.Sasama pa sana ako sa kanila pero bago pa ko makasali ay dumating na si Ms.Torres na first sub namin ngayon.Fucking hell,Ang galing naman ng timing ni ma'am.

Lumipas ang klase at as usual,wala pa rin masyadong ganap except sa pagpapaalala ng english teacher namin na bukas na raw yung performance ng speech choir. Lumipas pa ang ilang oras at finally recess na.Pagkaalis ng teacher namin ay agad na lumapit ako kila Altair para makipag-usap.

"Hoy mga gago ano pinag-usapan niyo kanina?"Sabi ko.

"Madami tangina ka late ka kasi."Sagot naman ni Darrius

"Pinag-usapan namin kung bakit ambobo mo."Altair

"Tangina niyo puyat ako.So ano nga pinag-usapan niyo?"Ako

"Pinag-usapan namin kung sino yung nakita natin kagabi.Sabi nila yung multo na yun ata yung sikat na rumor dito.Yung about sa babaeng estudyante na narape dun sa C.R.Sabi rin nila yun yung dahilan kung bakit nagsara yung C.R na yun up until now."Oliver

"So nagpakita siya satin kasi nagambala siya ganun ba?something along those lines?"Sagot ko

"Yun rin pinag-uusapan namin kanina.Anyways,yung mahirap kasi baka magpakita satin ulit anong gagawin natin?"Dagdag ni Oliver

"Good point." Ako

Nagpatuloy pa ang pag-uusap namin at habang nag-uusap kami ay hindi maiwasan na mapansin ito ng iba rin naming kaklase.Di ko namalayan halos lahat ng kaklase namin ay nakikinig na sa usapan.Nag-usap kami ng iba't ibang bagay dito at yung iba pa nga mga total conspiracists na sobrang mema.

I was really focused into the conversation ng biglang may kumalabit sakin.Nabigla ako at out of reflex ay lumingon ako ng mabilis sabay sakal sa kung sino man iyon.Nagulat ako ng makita ko si Samuel yung nasakal ko.What the fuck hindi ko yun sinasadya. Akala ko kung ano nanamang multo.Kaagad ko siyang binitiwan at nagsorry.

"What the fuck Samuel! Sorry akala ko kung sino.Fuck!Sorry tlga."Sabi ko

Mukhang napalakas ata pwersa ng sakal ko at inuubo pa siya nung nabitawan ko.

"Oks lang Sync tangina mo talaga.Libre mo ko mamaya gago ka."Sabi niya na may halo pang pagbibiro.Napatitig rin samin yung mga kaklase ko dahil sa bigla kong ginawa.Damn that was embarassing.

"Uhhhh Bigla niya kong kinalabit akala ko multo rin.Ahahahaha."I said while akwardly laughing.

Di na masyadong nagpush yung mga kaklase ko at agad na bumalik sa usapan tungkol sa multo.Nag-usap pa kami ng iba't ibang detalye at impormasyon tungkol sa mga paranormal stuff.Pagkatapos ng ilang minuto ay napansin naming patapos na ang recess kaya't nagsipagbalikan na kami sa mga kanya kanyang naming upuan.Pagkaupo ko ay wala pang teacher at inaantay namin ngayon yung next sub.

Kinuha ko muna ang phone ko para magbrowse muna sa Twitter pero bago ko pa buksan ang cellphone ko ay napansin ko sa screen nito na may nasa likod ko.Akala ko kung sino lang kaya't lumingon ako pero mali ang akala ko.

Tumambad sakin ang duguang puting tela at buhok na umaabot sa bewang.Nakatitig sakin ang mga mata niyang walang emosyon at nakatikom ang bibig.Oo nakita ko nanaman siya.Nagulat ako sa nakita ko at medyo naglag ang utak ko at nagtitigan lang kami ng ilang segundo.

This is weird.I should actually be scared but I can't feel that right now.She definitely looks frightening with all that blood even though the sun is at its peak yet we're still staring at each other and her eyes still emotionless.But for a moment,parang biglang nagiba ang emosyon niya pero nagulat ako dahil may narinig akong yapak at napatingin sa pintuan ng classroom.

Nandiyan na pala yung next sub teacher namin.Tumingin ulit ako sa likod ko pero pagtingin ko wala na siya.Tiningnan ko ang iba kong kaklase pero parang wala lang sa kanila as if they didn't see her but i don't think what I have been seeing are mere hallucinations.I saw her again and the image was too vivid to be a hallucination.I decided to put all those things at the back of my mind for now because class is starting again.

At lumipas nanaman ang ilang oras at uwian na.Nagsimula na kaming mag-impake.Habang nag-aayos kami ay nagsalita si Francheska.

"Walang practice ngayon.Magpahinga muna kayo since bukas na yung performance.Umuwi ng maaga at utang na loob wag kayong iinom ng malamig. Masisira boses niya o mapapaos kayo!"

Well,That is certainly good news. That aligns with my plans for today.Naghiyawan ang mga kaklase namin na tuwang-tuwa dahil makakauwi ng maaga samantalang kitang-kita ko naman ang mga mata nila Darrius at Samuel na para bang may ibang kahulugan.

"Alam niyo ba naiisip ko?" Sambit ni Darrius.

"Pre wag na sabihin tara na diretso na."Samuel

"Tangina niyo nakakita na tayo ng multo gusto niyo pa rin magcomputer ge tara."Calypso

"G" Altair

Mga siraulo.Wala talagang pinapalagpas na araw basta walang practice.Diretso comshop agad ang nasa isip.Damn,now I'm tempted to play too but I have something more important to do. This thing is still bothering me so I need to do it today.

"Pass ako mga sir may gagawin ako ngayon."Sambit ko

"Sama ka na pre wala namang gagawin."Orio

"Pass talaga ako ngayon importante lang mga sir.Una na ko.Bukas na lang kung maglalaro ulit." Sagot ko

Bago pa sila makapagsalita ay nagpaalam na ko at umalis ng classroom.Naglakad ako papuntang kabilang building at umakyat sa second floor.Mga ilang minuto lang at nasa second floor na ko at kasalukuyang naglalakad papuntang library. Oo sa library ako papunta ngayon.Balak kong magsaliksik ng kung ano mang meron dun na pwedeng konektado sa nakita namin.Di ko rin alam kung bakit ko to ginagawa ngayon.Maybe because what happened yesterday really bothers me. Medyo nakamove-on na yung iba kong kaklase maliban sakin.Anyways, let's not pay too much attention to that.

Patuloy pa rin akong naglalakad ng bigla akong nakaramdam ng hininga sa likod ko.Pamilyar sakin ito at alam ko na agad kung sino tong huminga.Lumingon ako and my expectations were not wrong because I saw her.Clad with the same bloodstained white dress,emotionless black eyes and noticeable chains on her feet.This time wala na masyadong takot sa loob ko.Medyo lumayo ako sa kanya para makita ko ang kanyang kabuuan.Kumurap ako ngunit pagtingin ko ay nandun pa rin siya.

Well,I actually don't know what to do now so I tried initiating a conversation

"Kanina ka pa nagpapakita sakin,crush mo ko no?"Sabi ko ng buong lakas and goddamn that was actually embarassing.

"Errr so umm bat mo ko sinusundan?Do you want something?"Dagdag ko ngunit tahimik pa rin siya at di nagsasalita.Wait,can ghosts even talk?What if what I'm seeing right now is just really my imagination?

Hindi pa rin siya nagsasalita at nagtititigan pa rin kami pero bigla niyang tinaas ang isang kamay niya.She moved her hands in a motion as if telling me to follow her.She's still not speaking but before I can even react she started running.

"WAIT!"

Sabi ko sabay takbo para sundan siya.Tumakbo lang siya ng tumakbo at sinundan ko naman.Kung saan-saan kami nagpasikot-sikot sa eskwelahan hanggang makita ko siyang lumiko sa isang liblib na lugar sa school.

Seriously?Diyan talaga?If this was a movie.That would definitely be a goddamn deathflag!Balak ba ko patayin ng multong to.Medyo natakot ako bigla sa naisip ko ngunit realidad ito.Maaaring delikado tong ginagawa ko pero I decided to follow her there.My curiosity got the better of me and I'm about to discover if the cat was really killed because of it.

Pumunta ako sa sulok na yon ngunit nung paliko ako ay nakarinig ako ng mga boses.Isang babae at lalaki.Para silang nagtatalo.I was caught off-guard and immediately hid.Dahil sa pagkabigla ko ay napatago ako sa likod ng tatlong trash can na nakita ko.Did she lead me here?What the fuck wag mong sabihing pinapunta niya ko dito para manood ng LQ ng magjowa.

I don't think she is that shallow.I decided to stay put for now and see where this is going.

"Jane isang chance lang naman yung hinihingi ko."

"I thought we were over this? Break na tayo Levi!"

"Jane look I'm sorry okay?Please come back."

Damn. I hate to say this but this is really cringe.Are all couples like this?This is so cliche!I still continued to eavesdrop even though it is hard to bear. I still need to know why thst ghost sent me here.

"No,you cheated on me too many times!I thought we were here for closure but I guess not.I'm leaving Levi."

Habang nagtatalo sila ay kitang kita ko lahat sa pagitan ng dalawang basurahan.Habang papaalis ay nakita ko ang mukha nung Jane at nakita kong isa pala to sa mga kaklase ko ngunit bago umalis ay mabilis na hinawakan nung Levi ang mga kamay ni Jane at walang anu-ano ay biglang sinuntok ang tiyan niya.Nabigla si Jane at napaungol bigla sa sakit.

"Ang sabi ko hindi tayo break! Naiintindihan mo ba!!!" Sabi ni Levi

Hindi makasalita si Jane dahil sa sakit at napaungol lang.Wala siyang lakas at bigla ko nakitang sinimulan ni Levi na alisin ang pagkakabutones ng uniporme ni Jane.Kung ano mang gagawin niya,hindi yun maganda.

Sa oras na ito, nawala sa isip ko ang multo.Nakatalikod si Levi.Kalmado ako sa labas pero sa loob ko ay sumasabog na ako sa galit.Ngunit kahit galit ay kailangan kong maging rasyonal.Base sa nakita ko hindi naman ganun kalaki ang katawan ni Levi.Mas matangkad ako sa kanya at hindi sa pagmamalaki ngunit mabilis ang reaction speed ko.

Pero hindi lang yon.Madaya ako makipaglaban.

Kailangan kong gamitin ang utak ko kaya't tumingin ako sa paligid ko at sakto ay nakakita ako ng kahoy.I guess I definitely live up to my name Lucifer.

Lumapit ako ng dahan-dahan at walang emosyong hinampas ng malakas ang kahoy sa kanyang leeg.

*BAAAM!*

Agad siyang natumba at nawalan ng malay.

To be more precise,I hit him somewhere near the carotid sinus.One of the pressure points of the neck that can easily knock a person into sleep.Anyways,I did not hit him that hard to actually cause a permanent issue.

Pagkatapos kong patulugin ang gago ay napatingin ako kay Jane.Medyo nanghihina pa siya ngunit halata ang gulat sa kanyang mukha.Tinitigan ko siya sabay sabing:

"Wag ka mag-alala di ko siya pinatay."At bigla akong napangiti ng di ko rin alam ang dahilan.Pakiramdam ko mukhang hindi magandang tingnan ang ngiti ko ngayon.

Ipagpapatuloy...

Author's note:

Yo may legit ba nagbabasa neto?Drop comments naman please para maencourage ako lalo magupdate thanks.