Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Supernatural Records of Normal Students

🇵🇭1stDeadlySin
--
chs / week
--
NOT RATINGS
11.1k
Views
Synopsis
Sync,Altair,Samuel,Oliver,Calypso, Darrius and Orio are normal students going in a normal school. However, just as they hit 2nd year of Highschool,things took a mysterious turn as they suddenly began experiencing intriguing supernatural phenomena.With resolve in mind,they will start to uncover the truth behind this not so normal and twisted situation.

Table of contents

Latest Update2
Entry 24 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - Entry 1

*RIIIIIIIIIIING*

'Ah fuck Is it already time?Gusto ko pa matulog'

Sambit ni Sync sa kanyang isipan sabay tingin sa kanyang cellphone na kanina pa nagvavibrate para tingnan ang oras.4:30 A.M.Masyado pang maaga at makakapasok pa siya sa school ng on-time kahit matulog pa siya ng ilang minuto ngunit pinili niyang bumangon na.Ayaw niyang malate ngayon dahil noong mga nakaraang araw ay napapadalas ang kanyang pagiging late.

Pagkatapos niyang bumangon ay niligpit niya na ang kanyang higaan at nag-ayos na para pumasok.Pagkatapos ng ilang minuto ay nakaligo na siya at nakasuot na rin ng uniporme.Bumaba na siya mula sa kanyang kwarto para mag-almusal.

"Oh tapos ka na pala mag-aalmusal ka pa ba dito o kakainin mo na lang sa daan?Nauna na ang papa mo mamili ng mga kakailanganin." Sabi ng kanyang ina.

Tiningnan ni si Sync ang kanyang cellphone at nakitang 4:55 A.M na.Mas pinili niyang kainin na lang sa daan ang almusal para mas mabilis siyang makapunta sa eskwelahan.

"Sa daanan ko na lang kakainin ma.Baka malate pa ko."

"O sige umalis ka na at nandiyan na yung baon mo sa bag.Wag kang magpapagutom sa school ha?"

"Sige po ma una na ko."

Sabi ni Sync at lumabas na ng bahay papunta sa school.

Hindi naman siya natagalan sa kaniyang biyahe.Wala pang traffic dahil masyado pang maaga.Pagkarating niya sa tiningnan niya ulit ang oras at nakitang bandang 5:30 pa lang.Tama lang ang kanyang pasok.Nakita niya ang gate ng kanyang school na sa loob ng halos dalawang taon ay palagi niyang nakikita.Wala pa ring pinagbago.Parehas ang pintura at makikita mo pa rin ang security guard na kung makasaway sa estudyante ay dadaiigin pa ang mismong Principal.Sa pinakataas ay nakasulat ang 'Saint Raymond High School'.

Pumasok na si Sync sa loob ng school at nakita niyang wala pa masyadong estudyante.Dumiretso na agad siya sa kanyang classroom dahil Tuesday naman ngayon at walang Flag Ceremony.Tumungo na siya sa building ng kanilang classroom at umakyat.Nasa third floor ang room niya at habang padaan ay di niya maiwasang mapansin na may kakaiba.Nakita niyang nakabukas na ang mga C.R na dating nakasara sa third floor.Dalawang C.R yun at sa buong pamamalagi niya sa St. Raymond ay palaging nakasara iyon kaya't nakakapanibago ito para kay Sync ngunit di niya masyadong binigyang pansin dahil hindi naman ito ganun kaimportante.

'I mean atleast di na kami bababa sa 1st floor para lang umihi.Tangina nakakapagod rin akyat baba.' Sambit ni Sync sa kanyang isipan.

Habang papalapit sa classroom ay rinig na niya ang mga pamilyar na boses ng kanyang mga kaklase.Pagdating niya ay nakita niyang marami na rin ang nasa loob.Pagbungad niya sa pinto ay napatitig sa kanya ang ilan niyang mga kaibigan at para bang gulat.

"Whoa What the fuck Sync ikaw ba talaga yan gago ang aga mo."

Sambit ng isang binata na nakaupo sa bandang gitna ng silid.Medyo maputi.Saktong haba ng buhok at may pagka singkit.Isa to sa mga tropa niya na si Darrius.

"Fuck off ako dapat nagsasabi niyan bat maaga ka rin?"Sagot naman ni Sync.

"Mga tanga parehas lang kayong late palagi tas kayo pa talaga nag-asaran?"

Sabi naman ng isang binata na nakatayo sa bandang likod ng klase.Maputi rin at nakasalamin.Sakto ang ikli ng buhok na nakafade style.Kung titingnang mabuti ay iisa sa mga pinakagwapo sa room at matangkad.Isa rin to sa mga kaibigan ni Sync na si Altair.

"Aga-aga ang iingay niyo mga hatdog."

Singit naman ng isang pa nilang lalaking kaklase.Maikli ang buhok na naka-trim style at katatamtaman ang height.May pag ka kayumanggi ang balat at may itsura.Kasama siya sa tropa ni Sync.Si Gregorio o mas kadalasang tawag sa kanya ng lahat,Orio dahil daw masyadong makaluma ang kanyang pangalan kaya't ginawan na lang nila ng nickname.

"Tumahimik na kayo gusto ko pa makatulog kahit saglit kulang ako sa tulog para lang makapasok ng ganito kaaga" Sabi ni Sync at dumiretso na sa kanyang upuan sabay bagsak ng kanyang ulo para makabawi ng kahit ilang minuto man lang ng tulog.

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang kanilang teacher na si Ms.Torres.Balingkinitan ang katawan at maikli ang buhok.Maganda at medyo kapos sa height.Pagkadating niya ay ginising si Sync ng kanyang katabi na si Calypso.Isa rin sa mga pinakamatalik na kaibigan ni Sync.Kaagad na bumangon si Sync kahit medyo may bakas pa ng laway ang kanyang bibig ngunit pinunasan niya agad ito.

"Goodmorning Class."

Sabay-sabay na tumayo ang lahat

"Good Morning Ms.Torres!"

"Okay you may now sit.Now before we begin class,I just wanna remind you na malapit na ang 2nd periodical Test so I assume you are all studying properly in your homes.Well,That's all let's begin class." Sabi ni Ms.Torres at sinimulan na ang lesson niya para sa araw na to.

Mabilis na natapos ang klase at sumunod pa ang ibang mga teachers.Wala masyadong bagong ganap kaya't sobrang boring ng buong oras ng klase.Karamihan sa mga kaklase ni Sync ay patagong nagcellphone habang siya naman ay patagong natulog.Wala namang nahuli sa kanila dahil halos eksperto na ang mga mokong sa pagtago habang may klase.

Alas-dose na ng Tanghali at uwian na ngunit hindi pa talaga uuwi ang lahat sa klase dahil may practice para sa isang group project.Isa sa mga walang kamatayang paproject ng halos lahat ng teacher.Speech Choir.

"Oh walang uuwi!may practice tayo kumain muna kayo tas magkita sa tapat ng building na to dito na tayo magpapractice."Sigaw ng isa sa babaeng kaklase ni Sync.Maliit ang height.Kayumanggi ang balat,may itsura,at hanggang balikat ang buhok na may pagkakulot pero hindi talaga kulot.Si Francheska.

"O wala daw uuwi sabi ng bebe mo Orio!" Sigaw ng isa nilang kaklase at naghiyawan lahat ng nasa classroom.

Napatigil si Francheska sa kanyang pagsasalita dahil doon at si Orio naman ay namumula na na parang kamatis.Binilisan ni Orio ang paglakad niya at tinawag sila Sync para umalis sa classroom at bumili ng pagkain.

Siyempre at kasama rin si Sync sa mga nag-asar sa kanilang dalawa.Pagkatapos ng ilang minutong pang-aasar ay bumaba na nga silang magkakaibigan at lumabas sa school ng saglit para bumili ng pagkain.Sa labas ng school ay may malapit na nagbebenta ng shawarma at kung medyo lalayo pa ng unti ay mayroon namang Seven-eleven.Pansamantala muna silang naghiwa-hiwalay para bumili ng kaniya-kaniyang pagkain.

1:45 P.M

Tapos ng kumain sila Sync at nagsimula ng magpractice.Sa quadrangle sila ng school nagpractice.Naging normal naman ang takbo ng nito.Mga tipikal na kaganapan tuwing may ganito ang mga estudyante.Seryosong practice na may halong tawanan at asaran.Nakailang oras rin ang makalipas at di nila namalayan na ala-sais na ng hapon.Saka lamang sila napatigil ng talagang madilim na sa school at sinita na sila ng Guard na tinuringan nilang totoong principal ng eskwelehan dahil kung makasaway ay daig pa ang magulang mong parang machine gun na di nauubusan ng bala.

Sa ngayon ay tinapos na nila ang practice at humingi sa guard ng ilan pang minuto para magimpake na at magplano muna.Galit na galit pa ang guard ngunit sa huli ay binigyan rin sila ng extra 30 minutes.

"So para sa Costume naten kanya-kanyang plain black T-shirt na lang kahit manghiram na lang kayo kasi isang gamitan lang naman.So ayon lang naman pwede na tayo magsiuwian" Sabi ni Francheska na tumatayong leader ng klase.

"Teka!Diba sabi daw tuwing gabi dito sa school nagpapakita yung multong babae.Yung nagpapakita daw dun sa cr ng babae sa third floor.Tamang tama binuksan na ulit yung C.R dun ano sa tingin niyo dali na habang di pa tayo sinisita ng guard." Sabi ni Calypso sa buong klase.

"Tangina mo Caly naniniwala ka pa rin ba hanggang ngayon sa multo.Gusto ko na umuwi pagod na ko gusto ko na matulog." Saad naman ni Darrius na kating kati na umuwi.

"Dali na minsan lang to malay mo may multo talaga checheck lang naman natin."Dagdag ni Calypso

"Hala wag na teh baka totoo naalala niyo ba kinwento na namin to na nakakita kami ng legit na multo nung grade 7 uwi na lang tayo." Sagot naman ni Crescere na isa sa mga babaeng kaklase nila.

"Kukulit niyo walang multo.Umuwi na lang tayo maggagabi na."Altair

"Oo nga tangina may curfew pa ko dalian niyo na."Banat naman ni Oliver

"Pero sayang rin ayaw niyo yun isa sa mga memorable Highschool moments."Sagot ng isa sa mga kaibigan nila na si Samuel.

"Bahala na kayo diyan uuwi na ko."Sabi ni Astherielle na kaklase rin nila Sync sabay kuha ng kanyang bag at umalis na.

Parang hudyat ito sa iba nilang kaklase at nagsimula na ring kuhanin ang kanilang mga bag at umalis.Karamihan sa kanila ay umalis na dahil pagod na nga sila at kung mayroon mang multo,mas pipiliin na lang nilang wag na to makita dahil mas lalo lang silang matatakot.Paalis na rin dapat si Sync pero tinawag siya ni Calypso

"Uy guys dali na Sync,Altair,Orio,Oliver,Darrius at Samuel.Wala na kayong libreng barbecue sa kainan namin pag tumanggi kayo."Sabi ni Calypso

"Luh tangina anong klaseng blackmail to wala namang ganyanan."Darrius

"Pre maawa ka samin mga slapsoil lang kami."Sync

"Nubayan Caly tara na nga para tumigil ka na sa multo na yan."Oliver

"Crush na Crush yung multo amp.G na nga para makauwi na." Altair

"Ayown arat na."Tuwang tuwang sabi ni Calypso

"Teka sasama na rin kami medyo bet ko makita yung multo para maniwala na kayo.Sama na tayo."Sabi ni Crescere

"Ge na nga tara."Sabi ng isa pa nilang kaklase na si Vincent.

"Tangina naman teh uuwi na lang eh."Tila pagmamaktol naman ng isa nilang lalaking kaklase na si Sapphire na kaibigan ni Crescere na sa huli ay pumayag rin naman.

"Okay na ba?tara na."Sabi ni Sync at naglakad na papunta sa C.R sa thirdfloor ng kanilang building.

Habang naglalakad ay kinuha ni Crescere ang kanyang cellphone at nagvideo habang papunta sila bilang pruweba daw kung sakaling makakita talaga sila ng multo.Nakabukas ang flashlight nito dahil masyado ng madilim sa paaralan.Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa building at umakyat na.

Sa pag-akyat nila ay wala namang kakaiba ang naganap.Madilim nga ngunit wala ka namang mararamdamang kababalaghan o kung ano pa.Ilang saglit pa ay nasa harap na sila ng C.R na pambabae sa third floor.Nakasara ang pintuan ngunit hindi nakalock.

Binuksan ni Altair ang pintuan sabay sabing "Ano na?Pumasok na tayo para matapos na to."

"Teka lang natatakot ako wait lang naman."Crescere

"Wag na kaya natin ituloy tangina."Oliver

"Tangina sayang lang lakad natin dalian niyo na maya iwanan pa tayo ng guard dito."Darrius

"Beh nakakatakot sure na ba kayo dito."Sapphire

Sa isip ni Sync ay hindi naman talaga siya naniniwala sa multo at gusto niya na ring matapos ito para makauwi na kaya't siya na ang naginitiate at sinimulang maglakad papasok sa C.R.

"Ako na papasok tagal niyo." Sabi ni Sync habang patuloy na naglalakad papasok.

"Samahan na kita para matapos na to." Altair

"Ge papasok na rin ako.Ako nag-aya eh."Caly

Sunod-sunod na silang pumasok sa loob ng C.R at wala ng humabol pa.

Pumasok sila Sync sa C.R.Masasabing may pagkalawak rin ang C.R.

Sa gilid ng entrada ay mayroong mahabang lababo na may tatlong gripo at mahabang salamin at kung makikita ay may apat na cubicle na nakahilera sa iisang gilid.

Unang tiningnan ni Sync ang salamin.Wala siya masyadong maaninag dahil sa kakaunting ilaw na ibinibigay ng Flashlight ng Cellphone ni Altair.Inilabas na rin ni Calypso ang kanyang Cellphone para magflashlight din.Hindi ito ginawa ni Sync dahil lowbat na ang kanyang cellphone at di na kayang i-on ang flashlight.Sa labas ay rinig ni Sync ang daldalan ng iba pa nilang kasama ngunit di niya ito pinagtuonan ng pansin.Dahan-dahan siyang naglakad sa mga cubicle na sinamahan naman nila Altair at Calypso.Walang naganap na usapan ngunit para bang alam nila ang nasa isip ng isa't isa at agad na pumili ng kaniya-kanyang cubicle na titingnan.Ang una kay Altair,pangalawa kay Calypso at Pangatlo kay Sync.

Agad na binuksan ni Sync ang pinto ng cubicle ng walang kahit anong takot.Hindi talaga siya naniniwala sa mga multo.Kagaya ng kanyang nasa isip,Pagkabukas niya ay wala siyang nakitang bahid ng babae o multo.Ang tanging naroon lamang ay isang inidoro at rolyo ng tissue paper na nakadikit sa pader ng cubicle.

'I knew it.Wala talagang katuturan tong pinaggagawa naming ghost hunting.Dapat umuwi na kaagad ako pagod na ko gusto ko ng kumain.'Sabi ni Sync sa kanyang isipan.Isa siyang rasyonal at lohikal na tao na pinapaniwalaan ang siyensya.Para sa kanya ay isang malaking kalokohan tong ginagawa nila ngayon.

"Wala dito sa unang cubicle" Medyo pasigaw na sabi ni Altair para marinig rin ng mga nasa labas ang kanyang boses.

"Wala rin dito saken."Sabi naman ni Calypso.

"Wala rin sa pangatlo checheck ko tong panghuli para makauwi na tayo."Sabi ni Sync

Pumunta si Sync sa pang-apat na cubicle at kagaya ng ginawa niya nung una ay binuksan ang pinto nito.Ngunit ng itulak niya ang pinto ay natigilan siya dahil hindi niya ito matulak.Nagtaka dito si Sync ngunit hindi niya ito masyadong pinansin at itinulak muli ang pinto.Hindi parin ito bumubukas.Biglang napaisip si Sync sa mga pinagsasabi nilang kababalaghan ngunit mabilis niya itong binura sa kanyang isipan.Hindi siya naniniwala sa multo.Walang bagay na tinatawag na paranormal activity.Sabi niya sa kanyang isip sabay tulak ulit sa pinto at sa pangatlong pagkakataon ay dahan dahang bumukas ang pinto na nakapagtataka dahil medyo may kalakasan ang pwersa na ginamit ni Sync sa panghuling tulak.Pagkatingin niya ang bumungad sa kanya ay...

Wala

Ang tumambad sa kanya ay isang normal na cubicle na kahawig ng una niyang tiningnan.Wala kang maaaninag na kahit anong bagay na maituturing na 'Paranormal'.Mas lalo lang ito nagpatibay ng kanyang konklusyon na hindi na siya dapat sumama rito dahil wala naman talaga silang napala.

'Just as I thought,Wala talagang multo.'

"Wala rin dito sa pang-apat tara na umu-"

Sasabihin sana ni Sync ngunit napatigil siya sa kanyang mga salita ng makaramdam siya ng malamig na hangin sa kanyang leeg.Kung susuriin ay hindi nga ito hangin at parang hininga ng isang tao.Hindi nagpapaniwala si Sync sa mga ganitong bagay ngunit hindi niya nakontrol ang kanyang katawan at kusang kinilabutan sa kanyang naramdaman.Nabigla si Sync sa mga pangyayari kahit ito ay simpleng hinga lamang.Maaaring isa lamang ito sa mga kaibigan na gusto siyang asarin o pagtripan ngunit bago pa siya makalingon,ang konklusyong ito ay mabilis na nabasag dahil sa mga sumunod niyang narinig.

"Sync,wag kang lilingon." Sabi ni Altair ng mahina ang boses at halatang seryoso ang mukha samantalang si Calypso naman ay nasa gilid ni Altair na bakas ang takot.Dahan-dahang tumingin sa gilid si Sync at nakita niya ang mga ekspresyon sa mukha ng dalawa niyang kaibigan.Medyo nakikita niya rin ang ibang nasa labas na halata ang takot mula sa kanilang mga mata.Napasigaw pa si Sapphire at nabitawan naman ni Crescere ang kanyang cellphone.Alam na niya sa kaniyang isipan na hindi siya pinagtitripan ng mga to at may totoong kababalaghan ang nangyayari ngayon.

Nakaramdam ulit si Sync ng hininga na malapit sa kanyang leeg at nakaramdam rin ng kaunting hibla ng buhok sa kanyang likod.Mukhang kalmado sa labas si Sync ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpapanic ang kanyang utak dahil masyadong mabilis ang nangyayari at hindi niya ito maintindihan.

Talaga bang may multo?Bakit ako?Anong nangyayari?Samu't saring tanong ang pumapasok ngayon sa kanyang isipan ngunit wala siyang panahon para magisip.

"Sync dahan-dahan kang lumapit papunta dito."Sabi ni Altair.

Gusto ring gumalaw ni Sync ngunit ng sinubukan niyang igalaw ang kanyang paa ay napagtanto niyang di niya maigalaw ang kahit anong parte ng kanyang katawan.Maski salita ay hindi makalabas mula sa kanyang bibig.Hindi lamang ito basta takot.Para bang may kung anong mahika ang inilagay sa kanya at para siyang statwa na hindi kumikibo.Mas lalo pang nagpanic si Sync ngunit wala siyang magawa.Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili.

Ngunit hindi pa siya kalmado ay mas lalo siyang nagulat dahil kusang gumalaw ang kanyang katawan.Dahan-dahang siyang lumilingon at wala siyang magawa kahit pigilan niya ito.Habang dahan-dahang lumilingon ay unti-unti niya ring naaaninag ang mukha ng kung sino ang nasa kanyang likuran.

Una niyang nakita ang mahabang buhok nito at sobrang puting kamay.Puting telang nakatakip sa buong katawan ngunit punong puno ng bakas ng dugo at sa kanyang mga paa ay may mga kadenang duguan rin.Madilim ang paligid dahil hindi maitutok nila Altair at Calypso ang kanilang flashlight dahil sa takot ngunit dahil dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay kitang-kita niya pa rin ito.

Dahan dahan pa siyang lumingon hanggang sa ang buong katawan niya ay nakaharap na sa kung ano man ang nasa likod niya.

Isa itong babae.Mahaba ang buhok na hanggang baywang.Sobrang puti at tamlay ng kulay ng balat at punong-puno ng dugo ang puting tela na nakabalot sa kanyang buong katawan maliban sa kanyang mga kamay at ang duguang kadena na nakatali sa kanyang mga paa.

Ang kanyang mukha ay hindi masyadong makita ngunit kitang kita ni Sync ang mga mata nitong itim na parang nagliliwanag.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakaranas ngayon si Sync ng kababalaghan at kung mamalasin pa ay sobrang lapit niya pa dito at sentimetro lang ang layo.Walang emosyon ang babae at nakatitig lamang kay Sync at ganun rin si Sync.Takot siya ngunit mas pinili niyang kalmahin ang sarili.

Nakatitig pa rin ang babae ngunit biglang bumuka ang bunganga nito ng bahagya at biglang sumigaw ng sobrang lakas na para bang mababasag ang mga salamin.Sobrang sakit nito sa tenga ngunit para itong hudyat kay Sync at kasabay nito ay kaya na niyang igalaw ang kanyang katawan.Hindi na niya ito pinagisipan at kaagad na tumakbo papunta sa pinto at ininda ang ingay.

"TAKBO!"

Ang kanyang salita ay parang nagpagising sa kanyang mga kaibigan na puno ng takot at sabay-sabay na kumaripas ng takbo.

Ipagpapatuloy...