SEZEL
Nakatingin lang ako sa mga kaibigan kong enjoy na enjoy na nag-uusap habang sumisimsim ng Mojito. Nagkakamustahan at tungkol sa latest happenings lang sa buhay ang topics. Not my cup of tea ---err glass of mojito I mean, so I decided to observed than to joined the conversation. For I am just plain observant not a conversationalist. My friends are used to it anyway.
Hindi man halata, pero masaya ako kasi nagkasama-sama ulit kami despite our busy schedules, we find ways para makapag-bonding. This time sa high-end bar kami nagkita-kita since gusto nilang mag-feeling sosyal ngayon although rich naman talaga sila ever since except me. I-suggest ko nga next time sa National Library naman ang meet-up.
"So kamusta naman ang aming expressionless but gorgeous friend?" biglang tanong sa akin ni CL.
She's Clemetine Loisse 'CL' Vergara. All I can say is, para siyang reporter. Kailangan updated siya sa latest life mo. As usual maganda, lalo na ang pinaka-asset nitong deep blue-eyes. Yun nga lang kinulang sa height.
"Ayun tahimik parin, expressionless parin, I.T programmer parin sa company namin. In short, walang pinagbago. Same old Serenity Hazel padin." si Joey na sumagot sa ang boss ko.
Rejoice Saavedra is her name. Joey nalang daw kasi masyadong girly ang name niya para sa katulad niyang gwapo. Meron siyang mala-anghel na itsura, may makinis at porselanang balat, pang-runaway model ang height, kalog at straight-forward magsalita. Sad to say, lesbian siya.
"Bakit ikaw ang sumagot? Spokesperson ka ba niya?" kontra ni CL kay Joey. Inirapan lang siya nito.
"Hindi. Pero alam naman natin na kung aantayin natin siyang sumagot, huh, good luck! Mabuti sana kong related yan sa trabaho niya, magsasalita yan"
"Sabagay, hindi uso kay Sezel ang word na "change'. If ever isang itong malaking HIMALA!" ani CL sabay tayo at taas ng dalawang braso sa ere habang nakapikit at nakatingala.
"HIMALA!" nagsigayahan naman ang tatlo niya pang kaibigan. Nagtinginan tuloy yung ilang tao malapit sa mesa namin. Nakakahiya sila sa totoo lang. Ganito na ba ang side-effect ng alak ngayon?
"See. wala pa rin reaction diba?" Nakaturong sabi ni Joey. Agree naman ang lahat.
"Sorry" I sincerely said. The good thing is, although I can't expressed my feelings through my face, I can manifested it through the tone of my voice. In that way, my friends can tell what I am trying to imply.
"Ano ka ba binibiro ka lang namin! Wag mo namang dibdibin, laki na nyan eh." turo pa ni Joey sa dibdib ko tapos tumingin kay Xyrene.
"Pasintabi po sa flat."
"Nagsalita ang isa pang back-to-back" Xyrene retorted and rolled her eyes.
"Syempre lalaki ako! Malamang wala akong dibdib. Unlike you, wait! babae ka ba talaga?"
"Oo babae ako! at ganun ka din! You're just denying it because you can't accept the fact that you are also flat-chested woman!"
"What the hell!" At du'n na nagsimula ang argument sa 'kung kanino mas malaki ang dibdib' kahit na pareho lang naman silang flat. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nawala sa akin ang topic.
That's Xyrene Sacramento aka 'back-to-back'. Mabait siya sa mabait pero nagiging amazona kapag naaasar. Maganda din as usual kasi wala namang pangit sa mga kaibigan ko except lang yata sa akin. Anyway, flat-chested talaga siya.
CL sighed. "Hay nako nagsabong na naman ang mga manok. O Luna, bakit kanina ka pa palinga-linga dyan. Tigil mo nga yan para kang giraffe."
"Shh, huwag ka ngang magulo CL! Hinahanap ko si Kristoff sa crowd. He must be here..." sita ni Luna na patuloy parin sa ginagawa niya. Napailing nalang si Cl habang sinisisim ang alak.
Last but not the least, Lucia Naleignn Lovinia aka 'Luna'. Ang babaeng kapag nagmahal, aalamin niya ang lahat ng bagay tungkol sayo at susundan ka kahit nasaang lupalop ka nang mundo. In short, STALKER. Well, sa isang tao palang niyang nagagawa yun. None other than Kristoff, one of our heartthrob schoolmate nung college.
"Hey! Do you see what I see?" Joey asked, scowling to someone in the crowd behind us.
Same goes with CL whose sitting next to her.
There expression is enough to tell me that they aren't please to see that person whom I think is approaching us. Bumaling din sa likod ang mga katabi ko. Ako? Not interested.
"Kristoff!" Luna loosen a shrilling voice as she mentioned his beloved name and ran towards him. Napatakip kami ng tenga ni Xyrene habang sina CL at Joey naman ay nagulat sa inakto nito. My poor eardrums!
"L-luna, ano ba! Bitawan mo nga ako!" rinig kong naiilang na sabi ni Kristoff.
Now I get it! If I'm not mistaken it was Luna who suggested this place. Gusto daw niya high-class bar daw para maiba naman, yun pala dahil nandito din sa lugar na ito ang beloved niya. Hayss...
Natigilan ako ng naramdaman kong may nakatingin sa akin. Labag man sa kalooban ko, bumaling din ako sa likod para sawayin ang taong yun dahil nakakailang ang ginagawa niya. Pero bumungad sa akin ang lalaking never kong hiniling na makita. Bakit sa dami-dami naman siya pa!?
That guy is now smiling boyishly at me, flashing his perfect set of white teeth.
"Long time no see, my Serenity"
DAMN!