Chereads / The Life of the Writer: Celindra / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 2 Getting 'Materials' in the Party

"Being in a loud happy crowd makes other feel joy, might as well experience it."

-UnleashingDesire

~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~

Pagkadating na pagkadating nila sa resort ay rinig na rinig na ang napakalakas na tugtog. Ten ng gabi na rin sila nakarating dahil nagshopping pa si Linda. Bumili na rin si Linda ng regalo sa kadahilanang nakalimutan nitong bumili.

"Linda! Akala ko ay hindi na kayo makakarating! Nasaan regalo ko?" Tumatakbong palapit na sabi ng birthday girl na si Harley. Narinig naman ni Celindra ang bulong ni Linda na nasa tabi niya.

"Buti na lang talaga bumili ako kanina. Yun lang yata ang dahilan niya kung bakit niya ako ininbita." Mukha ring narinig ito ni Harley dahil pagkatapos na pagkatapos nitong magsalita ay pinalo niya sa balikat si Linda.

"Regalo dali." Nakalahad pa nitong sabi kay Linda. Binigay naman ni Linda ang regalo niya. Binuksan agad ito ni Harley, na ikinatawa ni Linda.

"Ah! Buwisit kang Linda ka!" Pinagpapalo-palo ni Harley ang tong at lacy bra na regalo ni Linda. Syempre tuwang-tuwa naman si Linda dahil ilinabas pa talaga ito ni Harley. Tumawa na rin ang ibang mga bisita na nakakita ng regalo na ito.

"Hahaha. Ano ba!? Uy! Hahaha. Ayaw mo ba? Hahahaha. Akin na lang." Natawa-tawang sabi ni Linda habang umiilag sa panghahampas ni Harley.

"Hmp! Binigay mo na, kukunin mo pa?" Tinago na niya ito at tumingin kay Celindra. Bago pa siya makapagsalita ay binigay niya na agad ang regalo niya. Tinignan pa ni Harley si Celindra, na ikina-tango lang ni Celindra.

"Hmp! Pag-ito... Ah! My Loves! My one and only! Oh my Gosh! The best ka talaga Cel! May autograph! May authograph! Ah!" Tumakbo ito palayo sa kanila at pinakita sa mga kaibigan niya. Halata naman na nagustuhan nito ang regalo niya.

"Seriously? Kung alam niya lang na ikaw ang author nun, ano kayang gagawin nun? Hayst! Ang duga mo dun ah." Nagkabitbalikat na lang siya nang marinig niya ang bulong ng kaniyang kaibigan. Isa si Harley sa mga 'fans' ni Celindra. Pero hindi niya alam na si Celindra pala ang nasalikod ng pen name na author na pinakamamahal niya. Hanggang ngayon ay tago pa rin ang identity niya sa lahat, maliban lang sa editor niyang si Linda at tatlong trabahador ng kompanya na nakipag-usap sa kaniya. Marami rin siyang kopya ng bawat libro niya sa kwarto niya, kaya hindi na ito gumastos pa para sa regalo, pinirmahan niya na lang.

Bumalik si Harley sa amin dala-dala ang sangkaterbang kaibigan niya. Halata naman na gusto nilang malaman ang tungkol sa libro at authograph. Itinuro ni Harley ang authograph sa amin ng may kinang ang mata.

"Latest book ni Draco my loves ito. Hindi ako nakabili dahil mabilis na nasold out. Ang next production ay five months pa. Paano ka nakakuha? Yung authograph. Bawat series ng libro lima lang sa bawat lugar ang may authograph. Maghigpit pa ang pagbenta ng libro. Swertahan lang talaga sa makakakuha ng may authograph. Paano? Paano mo nakuha 'to?" Sunod-sunod nitong sabi. Draco ang pen name ni Celindra, marami rin na naga-akala na lalake ang nasa likod ng pen name na yon. Lalo lang dumami ang naniniwalang lalake siya nung napansin nila na mas maring point of view ang lalakeng main characters ng bawat story. Napansin ni Celindra na napahinto ng paggalaw si Linda ng marinig niya nag tanong ni Harley. Ngumiti naman si Celindra kay Harley.

"Isang taon na rin kasi tayong hindi nagkita. Naalala kong magbibirthday ka nung napadaan ako sa mga nagbebenta niyan. Sabi ni Linda ay hilig mong magbasa ng libro. Kaya pumila na ko. Ang dami ngang tao at ang haba ng pila. Buti na lang talaga wala akong gagawin nun. Naisip kong iregalo na lang yung libro sayo." A white lie. Totoong napadaan ako at pumila pero dahil sobrang tagal ay umalis na lang ako at kumuha ng libro sa kwarto. Ipinakita ko yung picture na kinuhaan ko habang nakapila ako at mga selfie. Buti na lang talaga ay nagtanong si Linda kung na saan ako nung araw na iyon. Dahil sa tinatamad akong magtype ay nagsend na lang ako ng picture.

"Ah!!!! Buti ka pa naabutan mo! May pirma pa! Thank you so much!" Yinakap siya ni Harley. Buti na lang talaga ay naniwala ito sa kaniya.

Nag-usap-usap lang sila ng konti at unti-unti na rin nagsi-alis ang mga kaibigan ni Harley.

"O sige na. Duon muna ako at manghihinge ng regalo. Mag-enjoy kayo." Tumango naman kami at umalis na si Harley.

"Hindi na ko magtataka na magkamag-anak kayo. Parehas kayong madaldal." Nagkibit-balikat si Linda ng marinig niya ang sinabi ni Celindra.

"Buti nga at umalis na siya no. Iinom at sasayaw lang ako. Ikaw?" Tumingin ito kay Celindra pagkatapos nitong magtanong. Kahit alam niya na ang sasabihin ni Celindra, tinanong niya pa rin ito. Nagbabakasakaling sumama siya sa kaniya. Tumango si Celindra.

"Sige lang. Maglalakad na lang ako malapit sa dagat, mukhang masarap dun." Hindi na pinansin ni Linda si Celindra at pumunta na sa bartender na kanina niya pa kinikindatan. Pogi naman. Well, mataas din kasi ang standard ni Linda. If it isn't pretty boys, then it's a hunk.

Before I can even walk away from my position, someone stopped me.

"Hi! I have been always in Harley's Party. Your new." Tinignan ko ito. Lalaki siya. Matangkad, maputi, asul na mata at blond ang buhok. Halata naman na may lahi siya at hindi nag gluta lang, nagpakulay o nag contact lens. Base on male rating of Linda, papasa 'to banda 9 points something. He's a hunk. Maganda ang ngipin at may dimple sa kaliwa. Matangos iyo at mapula ang labi.Well.... May lipstick ata. Common na yun eh. Lalaking nagmamake-up. Tumango ako dito.

"Ah... You don't speak english? Well.. I can still understand Tagalog a bit. I just can't speak it." Tinignan ko kung na saan si Linda. Mukhang busy pa makipag muah muah. Walang magreresque sa akin.

"I can speak English." Hindi naman pwedeng hindi ko siya sagutin, masyadong rude yun. Tinignan ulit ni Celindra si Linda na sakto naman ng tumingin ito sakanya hanggang nakikipaghalikan. Kumindat ito na ikinairap ni Celindra.

"That's great! Do you want some drinks?" The man again asked, grinning. Wow. Wala man lang pakilala? Drinks agad? Para no string attached? Hmp! Boys!