Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

KJHI: Kalvin

Nver_Again
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.3k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Pagpapakilala

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin habang tinutulungan ako na damputin ang mga gamit ko. Ewan ko ba? May pagkatanga rin kasi ako minsan.

"Salamat." Ang matipid na tugon ko sa kanya. Di kasi ako sanay na makipagusap sa ibang tao. Yung feeling na ang hirap magtiwala sa iba.

"May kasabay ka ba mag recess? Tara sama ka sa amin." Pagyaya niya sa akin. Hindi ako agad nakasagot. Parang nasa life or death situation ako ah.

"James! Tara na mawawalan na tayo ng pwesto sa canteen!" Pasigaw ng kanyang kaibigan mula sa labas ng classroom namin.

"Eto na susunod na kupal!" Sagot niya sabay akbay sa akin. "Tara na boi. Nagugutom na ako" at dun nagsimula ang pagkakaibigan namin ni loko.

First day of class - senior high school

"I am James Lukas Y. Garcia. 16 years old. Mahilig maglaro ng basketball at L.O.L. pero girls wag kayo magalala kasi hindi ako naglalaro ng feelings ng iba. Pangarap ko maging isang Transport Engineer. Nakakapikon kasi traffic dito sa bansa natin. Kaya pag ako naging engineer meron kayo lahat libreng sakay!"

Nagtatawanan ang lahat. Halos lahat kasi kami kilalang kilala na si James. Nasa private school kasi kami kaya halos kami kami lang din hanggang pagdating ng senior high school. Ako nga grade 9 lang lumipat dito. Yung iba simula grade 1 kaklase na sya. Nakakasawa dba? Pero Hindi e. Masaya kasi kasama si James. Yung tipong magaan lang nakakawala ng problema at intindihin sa buhay.

"Nice one James! In fairness consistent ka." Comment ng adviser namin. "Sige para i-balance ang ka kulitan mo James. Mr. Jociña it's your turn."

Napakamot na lang ako ng ulo. Ano ba naman yan Ms. Aghop ako pa talaga. Sa totoo lang mahiyain ako. Pag di ako kinausap d ako nakikipagusap. Simple lang dba? Pero nagbago yun simula naging kaibigan ko si James. Niligtas nya ako sa kalungkutan ng buhay. D ko naman sinasabi malungkot ang buhay ko. Medyo lang. Pero marami nagbago nung naging kaibigan ko si James.

"Hello everyone! I am Kalvin Arx Jociña. Hindi naglalaro ng basketball at L.O.L. pero nanonood naman sa kanila. Mahilig ako manahimik at maglaro ng ML sa isang tabi. Medyo magaling mag chess. Pangarap ko maging Chemical Engineer. Yun kasi trabaho ng papa ko." Grabe ang pawis ko. Di pa rin ako ganun ka confident d kagaya ni loko.

"Ayos yun pre! Nagiimprove ka na ah. Humihirit na rin." Pangaasar sa akin ni James. Ganun din iba namin tropa mapangasar. Naninira pa ng porma. Ginulo ba naman buhok ko.

"O dba balance. Kung gaano kagulo si Mr. Garcia ganun naman kaayos si Mr. Jociña." Nakangiting sinabi ng among guro.

" D naman po Ms. Kung Alam nyo lang mas maloko pa si Kalvin kesa kay James." Di pagsangayon ni Heron. Yung tropa namin na every month iba ang girl friend. Malakas appeal e. Wala tayo magagawa.

"Oo nga Ms. Grabe sa ka-lokohan itong si Kalvin. Naninira sya ma'am ng pagkakaibigan." Dagdag ni Izcen. Yung tropa namin urban explorer kuno/ghost hunter. Yung tropa namin na moody na nakakatakot.

"Manahimik nga kayo!" Sigaw ni Ms. Aghop sa amin. "Hindi ba kayo nahihiya sa mga kaklase nyo?!"

Fun fact: Exclusive boys only at girls only ang grade school at Junior high school sa school namin. Guess what nagiging COEd lang pag senior high school at college. Although nagkakitaan naman kami minsan pag events at sa common areas pero restricted ang interaction sa opposite sex sa lower levels. Ang wierd dba? Ewan ko ba sa mga Madre dito.

Ayun natahimik kami. Meron kami ilan kilala or nakita na dati sa kanila. Pero karamihan mga bagong mukha. STEM class nga pala kami. Kaya karamihan sa boys magkakaklase from junior high school. Meron mga iilan from other sections. Yung girls iba iba rin e. 5 lang out of 20 ang kilala o nakita na namin.

"Ngayon pa lang. Sinasabihan ko na kayo. You're already in senior high school. So kung anuman kakulitan na meron pa rin sa mga nageevolve ninyong katawan ay dapat Alison nyo na!" Pagbilin ng masungit naming adviser.

After noon tinawag ni miss Yung ibang boys hanggang girls na.

"Hi I am Pretzel Berry G. Hernandez." Mahaba Yung buhok nya. Ang ganda ng mga mata at ang cute ng ilong. "I am your future Pediatrician."

"Aster Orchid Lee is the name you should remember." May kaangasan. Yung maldita na feeling maganda. Pero maganda naman talaga sya. Ang pula ng labi nya tapos chinita. Mukhang anak ng Chinese business tycoon. "I will be the best Architect there is and I will also be the future Miss Universe." Pangmalakasan si AO.

Tapos nagpakilala na rin yung iba. Meron shy type, meron musician, meron din cosplayer. Ang ganda ganda nilang lahat. Mukhang magiging masaya ang taon na ito.