Chereads / The Wife And The Mistress / Chapter 2 - Chapter 1: The Past and Present

Chapter 2 - Chapter 1: The Past and Present

Present:

Pumunta ako ng hotel na isa sa mga sikat sa Manila, pagbuklat ng glass door ay agad ko nasulyapan ang receptionist sa side sabay lakad papunta rito.

"Puwede ko ba malaman kung saan naka-check in si Noel Raymundo?" tanong ko sa babae, ngunit tumanggi ito. "Ma'am di ko po puwede ibigay ang information regarding sa mga naka-check in po dito."

"Pero puwede mo ba sabihin sa akin kung may kasama ba siyang babae?"

"Ma'am di po talaga puwede, against po yun patakaran namin at baka po matanggal ako sa trabaho." anang babae, parang ayaw talaga ibigay ang room number.

"Miss! Alam mo ba ang pakiramdam na pinagtaksilan? Miss kung di mo ibibigay sa akin ang room number ay baka maluka ako at di ko malaman kung sino ang babae ng asawa ko!" Halos tumaas na ang boses, nanginginig sa sobrang galit di na makapaghintay. Alam ko na may babae ang ang asawa ko pero di ko pa kumpirmado kung sino at anong itsura ng babae. "Please!"

"S-sige po! Ito po ang room number niya sa sixteen floor po, 1620 po." natarantang ibigay ang key room, pumunta ako sa elevator at medyo nakakainip sa bagal sa pag-akyat

Habang ang dalawa ay hibang na hibang sa isa't-isa, pinangangapusan ng hininga. Kinakabang di maipaliwag ang dahilan, sa wakas bumukas ang elevator ng 16 floor at naglakad ako sa mahabang hallway at hinanap ang 1620, linga dito linga doon.

Nakita niya ang hinahanap, kinabahan ako sobra! Pinihit niya ang pinto, sabay dahang-dahan pumasok sa loob. Luminga ako sa paligid, Isang maliit at kulay pulang bag ang nasa sofa. Dalawang basong wine na di pa gaano nauubos at isang boteng wine Margarita.

May mga nagkalat na damit sa sahig, isang pang amerikan suit, pangbabaeng sando-dress. Nakarinig siya ng Ingay mula sa kuwarto, naka-awang ang pinto ng kuwarto at pinihit yun dahang-dahan.

Nakita niya ang asawa at si 'Lucia?' nagtatalik sa kama, mukhang di pa siya napapansin. Tahimik akong umiyak at nagbalik sa isipan ko ang mga usap-usapan ng mga kapit bahay, di ko lang binigyang pansin. Marami nagsasabing kilala ko daw ang kabit ng asawa ko.

"Walanghiya kayo!" ang lambingan ng dalawa ay natigil dahil naagaw ang atensyon sa akin, nagulatang at napabalikwas di makapagsalita si Noel at tila naparalisa. Si Lucia naman ay nakangisi lang, di man lang guilty.

"Oh! Your wife is here!" sabay linga ni Lucia kay Noel, at tumingin ulit sa akin.

"Paano niyo nagawa sa akin to!?" tanong ko maluha-luha sulyap kay Lucia "Ikaw ang kabit ng asawa ko?"

"Yes! My dear BEST FRIEND!" bigay diin nito sa salitang best friend, sinugod ko si Lucia para sabunutan, kaladkarin sa galit pero humarang si Noel.

"Tama na! Tama na Emily!" awat nito sa kaniya, pilit ilayo ako kay Lucia. Si Lucia naman di natinag. "Walanghiya ka! How could you do this to me? Best friend kita pero inagaw mo at nilandi mo ang asawa ko.

Dahil sa kakaawat ni Noel siya ang napagbuntungan ko ng galit, pinagbabayo at tulak ang ginawa ko sabay angat ang kamay pagkatapos lumanding sa pisngi nito ang mag-asawang sampal na punung-puno ng galit.

Pak!

Pak!

Pak!

Humagulgol at hinang-hina ako sa kakasampal, bumagsak ako sa sahig dahil tinulak ako ni Noel. Nagulat ako sa ginawa niya, hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin yun. Pinagtaksilan at sinaktan na nga ang puso kong sugatan, sinaktan pa ako ng pisikalan.

"I'm sorry!" sabi niya, lalapitan dapat siya nito "Don't you dare touch me!" duro ko, humihingal pinapatibay pa ang loob.

"Noel! Mamili ka! SIYA BA O AKO!" di makasagot si Noel at nagisip pa, "GUSTO KO MALAMAN ANG SAGOT MO!" sigaw kong sabi.

"I'M SORRY, MAHAL KO NA RIN SI LUCIA!"

Nanghina nakakapanlumo ang lingaw ng sinabi nito, napayuko ako at binabaan ang tingin. "Oh! Okay! I guess, wala na ako pag-asa, magpakasaya kayo! Huh!"

Tumakbo ako papuntang elevator, di man lang ako sinundan ni Noel. Talagang di niya ako pinili, mas pinili pa niya kabit over me.

Nang bumukas ang elevator naglakad ako na parang robot, tulala, ubos na ang luha ko. Paglalabas ko ng hotel nakisabay pa ang ulan sa pagdadalamhati ko, humagulgol na sumalampak sa lupa parang movie o series lang sa palabas.

Tapos na ulan, dun lang ako tumayo. Naglakad papuntang kalsada at naghintay ng taxi. May humintong taxi sa harapan ko at kusa akong sumakay ng mag-isa. Di makaimik kahit kinakausap driver, nagbayad ako at saka kumuha ng card mula sa bag upang ipakita ang address sa driver kung saan ako nakatira.

Namalayan ko na nasa harap ng ako ng mansyon, bumaba. Pumasok ako ng bahay nang wala pa si Noel, tulog naman ang anak ko sa kuwarto at tahimik akong pumanhik papasok. Tahimik na iyak habang hinahaplos ko ang aking anak, nagising ito sa pagkakahimbing at bumaling sa akin "Mommy! Why are you crying?"

"Huh! Wala! Wala ito" sabay pahid ng luha.

"Your a lier, Mom! I know kapag nagsisinungaling ka, is it Dad?"

"Huhhuhh!!!" Napahagulgol ako, parang di ko kaya hapdi at sakit gawa ni Noel. Napayakap na ako kay Sydney.

Flash Back:

My name is Emily. The beauty and brains, top one student in University of the Philippines. She is the most popular and good with a heart. Kabaliktaran ko naman si Lucia, ang matalik kong kaibigan. Matalino rin naman siya ngunit hanggang top two, maganda din, mabait pero nasa loob ang kulo.

"Libre kita Lucia, kain tayo!" panayaya ko, tapos na ang klase at time na yun para ilibre niya si Lucia. Mayaman si Emily at mala-prinsesa samantalang si Lucia, mahirap lang. Ngunit di yun naging hadlang para di sila magkaibigan.

"Sige!"

"Saan mo gusto?" tanong niya palabas na sila ng gate.

"Libre mo ako Jollibee."

"Sige bah!"

Nang may humarang sa harapan nila, si Noel ang ang guwapo at matalino din at saka boyfriend ko, hinalikan siya nito sa labi. Di ko nakita ang masamang tingin at nagseselos ni Lucia.

"Bakit nandito ka?"

"Susunduin sana kita diba may usapan tayo."

"Ay! Oo nga pala sorry nakalimutan ko."

"Medyo nakalimot ka nga kasi nandyan si Lucia" sabay linga ni Noel kay Lucia.

Napalingon ako siya kay Lucia at kumunot noo "Lucia are you okay?" tanong ko, nakatingin kasi ito na para bang galit pero umaliwalas din. Baka imahinasyon lang ang nakita ko.

"Yahh!"

"Sigurado ka?"

"Oo naman! Tara libre mo na ako!"

Habang kumakain sila sa Jollibee, sweet sa isa't-isa sina Emily at Noel ngunit si Lucia naman ay di pansinan. Pilit ang ngiti ni Lucia kapag kinakausap ni Emily, kumuyom ang kamao di nagpapahalata.

Nakauwi na sina Emily at Noel ngunit siya pauwi pa lang, nakasalubong niya ang tatay na naglalasing at kainuman ang kerida. Di ko pinansin ang lambingan ng dalawa kahit tinatawag ang kaniyang pangalan, ang ina naman niya ay isang sugalera.

Halos bugbugin siya nito, kapag walang pera. Pag-nilatag niya ang pera sa palad nito, yun masaya nang lalabas para magsugal ulit. Kelan ba ako lalaya sa mala-impyerno at walang kuwentang pamilya na to.

Nagpupuyos siya sa galit, balang araw magsusumikap ako. Ibabangon ko ang sarili ko, kapag naka-graduate ako. Pupunta ako sa ibang bansa at gagamitin ko ang mga naipon kong pera. Ayoko na dito sa marumi, maputik at mabahong lugar na ito. Pinigil ko mga luha tumutulo sa kaniyang pisngi, humiga siya sa kama at nakatulugan yun.