Chereads / Love and Switch (Tagalog) / Chapter 17 - Kabanata - XVII : Act of True Love

Chapter 17 - Kabanata - XVII : Act of True Love

RINIG ko ang malakas na sigaw ni Mr. Valdez, halos hindi na ako makahinga dahil sa kapal ng usok, ang sakit ng dibdib ko gusto kong sumuka, para akong nilalason ng usok na nalalanghap ko. Wala na akong makita hindi ako makatayo gusto ko nang huminto. Nanghihina ang buong katawan ko, pakiramdam ko paralisado ang buo kong katawan ni daliri ko hindi ko na maigalaw.

Pumipikit na ang mga mata ko pero, may naririnig pa rin akong ingay sa paligid. Wala na akong lakas, gusto ko pang magsalita ng tulong, hindi ko na… kaya… pakiusap… t-tulong…

"Lipartum Elegrum!"

May naririnig pang tinig ang tainga ko, a-anong salita iyon? Magic spell? T-Teka, s-sinong nariyan?

"Charlotte! Nandito na ako, huwag kang mag-alala ililigtas kita! Charlotte! Pakiusap, huwag kang susuko! Mahal kita, Charlotte!"

Narinig ko ang mga katagang iyon umalingawngaw sa isip ko ngunit, hindi na magawang gumana ng utak ko. Ang katawan ko'y ayaw nang kumilos, gusto ko nang matulog ugh…

***

NAGISING akong nakahiga sa kulay puting kama, nahihilo't palinga-linga sa paligid pinilit kong ibangon ang aking katawan.

"Huh? N-Nasa'n ako? Hindi naman ospital 'to, ah?"

Pagtataka ko nang maninag ang paligid, wala ako sa ospital na dapat sana ay naroon ako. Ano kayang nangyari? Ang natatandaan ko lang nahulog ako sa hagdan habang paakyat kami upang makaligtas sa kumakalat na usok sa building.

Teka? Parang narinig ko ang tinig ni Ervine bago ako mawalan ng malay? Bumalik na ako sa orihinal kong katawan? Kumusta kaya ang paa ni ate, dama ko pa rin ang sakit kahit wala ako sa katawan ni ate. Nakakapangilabot ang mga pangyayaring iyon, kumusta kaya ang lagay ng mga taong nailigtas, sina Kuya Erning at Sir Henry? Si Mr. Valdez kaya?

Nasaan ba kasi ako? kulay puti ang paligid, maging ang kama kulay puti, maliban dito ang lahat ay blanko na, para akong nasa walang hanggang dimensyon, walang katapusan ang nakikita ng mga mata ko. Nakakasilaw sa mata ang purong puting kulay, wala bang tao rito? Ate? Mr. Valdez? Ervine? Switch?

Nang banggitin ko ang pangaln ni Switch bigla siyang lumitaw sa harap ko. "Switch! Ikaw nga!" bulalas ko nang bigla siyang sumulpot sa harap ko.

"Nasaan ako? A-Ano'ng lugar 'to?"

"Nandito ka sa iyong kamalayan, isang dimensyon kung saan ang kaluluwa mo'y nahaharap sa isang pagsubok. Sa ngayon ang katawan mo'y natutulog at ang kaluluwa mo'y narito, kausap kita sa iyong isipan. Ang nakikita mong katauhan ko ay ilusyon likha ng aking mahika, sa madaling salita—mental telephaty! Ngayon makinig kang mabuti Charlotte, bumalik na ang kaluluwa ng ate mo sa orihinal nitong katawan. Binabati ko kayo! Napagtagumpayan ninyo ang pagsubok, nawala na ang sumpang ginawa ko sa inyong dalawa—"

"Talaga po?! K-kung gano'n hindi na po kami altenate na magpapalit ng kaluluwa ni ate tuwing sasapit ang hating gabi? P-pero paano nangyari? Bakit si ate lang?" naguguluhan kong tanong kay Switch.

"Act of true love, iyan ang nagpalaya sa ate mo sa sumpa! Panuorin mo, ipapakita ko sa 'yo ang pangyayari mula no'ng nahulog ka sa hagdan habang pilit n'yong tinatakasan ang kamatayan."

Hinawi ni Switch ang kanyang kamay, ang puting paligid ay napalitan ng mga alaala. "A-Ako 'yan? kaninong alaala ang mga iyan? Nawalan akong malay matapos kong marinig ang isang tinig, tinig ni Ervine?" alanganin kong tanong.

"Oo, kay Ervine ang mga alaalang nakikita mo, panuorin mong mabuti ang act of true love na nagpawala ng sumpa sa ate mo," seryosong litanya ni Switch, pinanuod ko ito mula umpisa.

Nang mahulog ako sa hagdan, hindi ako makatayo't makakilos dahil sa natamo kong bali sa paa, ang katawan ko'y hinang-hina dahil sa nalanghap kong usok na lumalason sa aking katawan. Nang marinig ko ang isang mahiwagang salita, isang magic spell. Si Ervine, dumating siya upang iligtas ako, ginamitan niya ng mahika upang mawala ang usok sa paligid. Siya rin ang tumulong mula sa loob upang maapula ang apoy! Habang ang mga nailigtas namin ni Mr. Valdez nakaakyat na sa rooftop, ligtas silang lahat.

Binalikan ako ni Mr. Valdez nang makita niyang akay-akay ako ni Ervine. Hindi nagtagal nanghina rin si Mr. Valdez dahil sa nalanghap na usok, pinilit pa niyang kumilos bilang lalaki naging matatag siya't matapang. Nagawa pa niya akong buhatin, tinulungan ni Ervine si Mr. Valdez upang magkaroon ito ng lakas, isang 'Elixir of Strength' ang pinainom ni Ervine kay Mr. Valdez.

Mas malakas ang elixir na ito kumpara sa normal na magic potion na ginagawa nila, bihira lang ito gawin at kung kinakailangan lamang inilalabas. Nagbibigay ito ng kakaibang pisikal na lakas sa taong uminom nito. Binuhat ako ni Mr. Valdez hanggang makarating sa rooftop, ligtas kaming lahat dahil kay Ervine.

Dinala kami sa ospital, nang makarating doon sumapit ang hating gabi't hindi kami nagpalit ng kaluluwa ni ate, tarantang-taranta siya't alalang-alala. Hindi malaman ang gagawin, ang sabi ni Switch ito ay negatibong reaksyon ng mahika. Hindi kami bumalik sa dati dahil may balakid na pumipigil sa pagpapalit ng aming kaluluwa.

Ang balakid na ito ay dahil sa negatibong emosyon na nararamdaman ni ate, galit siya sa sarili niya dahil sa nangyari sa akin.

"Kasalanan ko 'to! Ako ang dapat sisihin Charlotte, patawad! Kung hindi ako naging masamang ate, hindi tayo isusumpa, hindi mo mararanasan ang mga bagay na 'to! Charlotte, gumising ka na! Mahal na mahal ka ni ate!"

"Carmen," bulong ni Mr. Valdez

"Alejandro, patawad din! Patawad sa lahat ng ginawa ko sa 'yo simula noon hanggang ngayon. Sa mga katarayan ko, kasamaan ng pag-uugali lahat nang iyon, pinag-sisisihan ko na! Hindi ko kakayaning mabuhay kung mawawala sa akin ang kapatid ko! Alejandro!"

"Carmen, tingnan mong mabuti ang kapatid mo!"

"Ang crystal of truth ni Charlotte, nagliliwanag na kulay pula?"

"Maging ang sa 'yo, tingnan mo!"

"Ang ibig sabihin niyan, bukal sa kalooban mo ang paghingi ng kapatawaran, ang pagmamahal mo sa kapatid mo ang nagpawala sa sumpang nakapaloob sa 'yo, Carmen."

"S-switch? Kung gano'n maging ikaw, pinapatawad mo na rin ba ako sa ginawa ko sa 'yo noon? Nagsimula ang lahat dahil sa kasamaang ginawa ko sa 'yo sa Baclaran. Patawad!"

"Matagal na kitang pinatawad, Carmen…"

"Sa akin wala kang dapat ihingi ng tawad, minahal kita noon hanggang ngayon… mahal pa rin kita, Carmen."

"Alejandro, maraming salamat sa pag-ibig mo! Pangako, babawi ako!"