Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Roommate Romance (Boys' Love)

🇵🇭loveisnotrude
--
chs / week
--
NOT RATINGS
15.8k
Views
Synopsis
BLURB: "Sometimes, two people fall apart to realize how much they need to fall back together." Richie "Chie" Enrile is contented with the life he has. Despite of his sexuality, he still found true friends who fully accepts him; and a boyfriend who sincerely loves him. Wala na siyang mahihiling pa. Isa na lang ang kailangan niyang gawin para masabing tuluyan na siyang maging masaya: ang makapagtapos ng pag-aaral. But when his boyfriend broke up with him, tila gumuho ang kanyang mundo. Umalis siya sa part-time job na pinagtatrabahuhan niya, nawala ang kanyang focus sa pag-aaral, at tinulak niya palayo ang kanyang mga kaibigan. His life became mess, so he is. Naisip niya na wala nang saysay ang kanyang buhay. Pero nang maubos ang lahat ng savings niya at bigla siyang paalisin sa apartment na kanyang tinutuluyan, doon niya na-realize na hindi niya dapat sinisira ang kanyang buhay dahil lang sa isang lalaki. That's the time he decided to be happy and contented again. He then decided to fix his life. At nang mag-offer ang kanyang kaibigan na pansamantalang titirahan niya habang wala pa siyang nahahanap na trabaho, hindi na siya nag-dalawang-isip pa na tanggapin ito. Ngunit sa pagtira niya roon, lingid sa kanyang kaalaman na 'yon na pala ang simula ng talaga namang pagbabago ng kanyang buhay. Lalo na't magiging roommate niya ang lalaking matagal-tagal niya na ring pinapatay sa kanyang isipan. Ano nga ba ang magiging ganap ng lalaking 'yon sa buhay ni Chie? Siya na kaya ang makatulong sa tuluyang paghilom ng sugatan nitong puso? O baka isa na naman pala itong panibagong sugat na naghihintay lamang sa kanya?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

PROLOGUE

I'M HAPPY in my life. I'm genuinely happy with what I have right now.

In other words, I am contented.

I'm doing good in school. Pinag-aaralan ko ang gusto ko talagang course which is Business Administration major in Marketing Management. Pangarap ko kasing makapagpatayo ng coffee shop balang araw. Actually, pangarap namin ng parents ko . . . before they passed away. It was a car accident four years ago. Dead on arrival.

Since then natuto na 'kong tumayo sa sarili kong mga paa. Wala naman kasi kaming malapit na kamag-anak dito sa Pilipinas. Halos nasa ibang bansa na lahat, banda sa Europe naninirahan at nagtatrabaho.

Dagdag pa sa pagiging masaya ko ang pagkakaroon ng mga totoong kaibigan. I met them when I was in freshmen. Sina Julius, Karen, Maris, at Paolo. Tanggap kasi nila kung sino at ano ako. Walang sabi-sabi na tinanggap nila ako pagkatapos kong umamin na hindi ako tunay na lalaki at may puso akong babae. Hindi nagbago ang trato nila sa akin at mas lumalim pa ang pagkakaibigan naming lima.

At ang pinakarason kung bakit ko nasabing masaya ako ay ang boyfriend ko for two years, si Victor. I met him when I was in Senior High School. He's a bisexual. At first, akala ko pinaglalaruan niya lang ako. Alam niyo 'yon, 'yong typical na sasakyan ang trip ng mga nasa paligid dahil lang nalaman na may gusto ako sa kanya. Oo, I had a crush on him. Sino ba naman kasing hindi? He's a good guy after all. Plus factor na lang ang pagiging gwapo at mas matangkad niya sa akin. All in all, he's a boyfriend material . . . for me at least.

That's why when he confessed his love to me, hindi agad ako naniwala. Hindi agad ako nagtiwala. I mean, yes, he's capable to fall for me kasi nga bisexual siya. Pero hindi 'yon 'yong concerned ko that time. I was scared. Baka kasi . . . hindi niya naman talaga ako mahal. Baka . . . baka confused lang siya. Kaya no'ng pinatunayan niya talagang sincere siya sa akin, ayon, tuluyan na kong nahulog. Wala, e. Marupok din kasi 'tong puso ko.

"Love, why are you spacing out? Anong iniisip mo?"

I stopped thinking when I heard my boyfriend's voice. Nakahiga ako sa lap niya habang dahan-dahan niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

Nandito kami ngayon sa apartment ko. Saturday kasi ngayon. Pareho kaming walang pasok sa eskwelahan at trabaho.

Hindi man kasi kami magkapareho ng eskwelahang pinapasukan, nasa iisang convenience store naman kami nagtatrabaho. Actually, that was his idea; na magsama kami sa iisang part-time job. Para raw kahit hindi kami araw-araw nagkikita (dahil nga hindi kami magkasama sa iisang eskwelahan), gabi-gabi naman kami nagkakasama.

Victor is an HRM student. Sa ibang bansa nagtatrabaho ang Mama niya habang wala naman na ang Papa niya. Sumakabilang bahay na. Sa Auntie niya siya nakatira ngayon dahil hindi siya pinayagan ng Mama niya na tumira mag-isa katulad ko. Kung ako nagtatrabaho dahil kailangan kong pag-aralin at buhayin ang sarili ko. Siya naman, out of boredom lang daw. At may pinag-iipunan din daw kasi siya. Mabuti nga at pinayagan siya ng Mama at Auntie niya, e.

"Hey, love. May problema ka ba? Kanina ka pa tahimik at nakatulala. Ni hindi ka na nga ata nanonood, eh," muli niyang pagsasalita kaya napatingin na ko sa mga mata niya.

Bumalik din ang atensyon ko sa pinapanood namin sa Netflix. Kanina pa kasi kami nagma-marathon ng iba't ibang movies hanggang sa nawala na ang isip ko at kung saan-saan na napadpad.

"I'm just reminiscing our moments together," nakangiting sagot ko at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakahiga. "Alam mo na, inaalala ko lang kung paano nga ba tayo napunta rito. And I was amazed na ang layo na talaga ng narating nitong relasyon natin."

"Are you happy, love?" seryoso niyang tanong.

"I'm more than happy, love, especially when I'm with you," nakangiti ko namang sagot na siyang ikinangiti niya rin.

He was about to kiss me nang pareho kaming magulat sa ingay na nagmula sa TV. Oh right, we're watching nga pala.

Dahil hindi natuloy ang kiss namin, binalik na lang namin ang atensyon sa pinapanood. We're currently watching Call Me by Your Name na siyang pinagtalunan pa namin ng ilang minuto bago panoorin.

Paano, hindi naman kasi ako fan ng mga novels na in-adapt into movie. Bukod sa nasisira lang ang imagination ko sa libro, nadi-disappoint pa ko kapag hindi nakukuha 'yong tamang timpla na hinihingi ng eksena. Masyado akong nasasayangan sa ganda ng libro.

Nabasa ko na kasi 'yong book version. And when I saw the reviews in the movie after its release, nagdalawang-isip na kong panoorin ito. Halos hindi kasi maganda 'yong mga review.

Pero dahil excited na excited 'tong boyfriend ko, pinagbigyan ko na. Katatapos lang kasi naming panoorin ang Love, Simon (na medyo disappointed din ako dahil nga nabasa ko na 'yong libro at ang daming natanggal na scenes pagdating sa movie) at dahil nabitin daw siya sa romance nung mga bida, naghanap siya ng isa pang movie na may temang boys love. That's why we ended up watching CMBYN. Nabanggit ko kasi na maraming mature scenes sa movie kaya ang loko tuwang-tuwa.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood sa isa sa mga sex scenes nila Elio at Oliver nang mahikab ako. Hindi pa ko natatapos humikab nang makaramdam ako ng pagkurot banda sa tagiliran ko.

"Bakit ka nangungurot?" tanong ko habang pinanlalakihan ko siya ng mga mata.

"Ang KJ mo kasi! Bakit ka humikab? Nasira tuloy 'yong momentum," asar na tugon niya.

At pagkasabi niya ng word na momentum, agad akong napatingin sa ibaba and I was right. May kaunting umbok na sa ilalim ng boxer shorts niya. This guy . . .

Magsasalita pa lang sana ako nang may biglang kumatok sa pinto. Agad na napakunot ako ng noo.

Tatayo na sana ako para buksan 'yong pinto nang pigilan ako ni Victor. "Ako na," aniya.

Nag-focus na lang ulit ako sa panonood. Well, I admit na bagay naman ang mga kinuha nilang artista for Elio and Oliver's character. Bukod sa nag-uumapaw sa kagwapuhan, maayos din ang pagdadala nila sa mga character nila. Ayon nga lang, hindi talaga ako satisfied sa adaptation nito.

Mayamaya lang bumalik na si Victor bitbit ang isang box ng pizza from Shakeys at plastic kung saan, sa tingin ko, nandoon ang paborito niyang lasagna. Hindi naman kasi mawawala 'yon sa tuwing kumakain o nag-o-order kami sa Shakeys.

"Ba't nag-order ka na naman ng pizza? Kakakain lang natin ah," I said while putting the pizza on the center table.

"Nagutom ako, e. Saka ayaw mo naman kasing magpakain kaya iba na lang kakainin ko," aniya habang nilapag na rin ang dalawang lasagna sa table.

Agad ko siyang binato ng unan na nahawakan ko dahil sa kamanyakan na naman niya. At ang loko, tinawanan lang ako.

Totoo naman kasi 'yong sinabi niya. Kanina pa siya nag-a-attempt na landiin ako pero laging failed. Gusto ko kasing mag-focus kami sa pinapanood namin hindi 'yong mauuwi na naman kami doon katulad last time.

"Ang landi mo talaga!" asar na sabi ko bago bumalik sa panonood.

I tried to focus on watching pero nakalimutan ko pa lang kapag nagsimula na siyang lumandi, magtutuloy-tuloy na. "Mahal mo naman," aniya habang kinakagat ang tainga ko.

As expected, alam niya ang kahinaan ko. When he started kissing me down to my neck, hindi ko na talaga napigilan. Agad ko nang sinalubong ang mga labi niya. Puma-ibabaw na rin ako sa kanya. Now, I felt his hardness.

Nasa kalagitnaan ng paglalakbay ang aking mga kamay nang muli na naman siyang magsalita. "Tsk. Magpapakain ka rin pala bumili pa ko ng pagkain. Sayang sa pera."

Dahil doon, tinignan ko siya ng masama. Ito talagang lalaking 'to, puro kalokohan ang lumalabas sa bibig.

"Alam mo, nawalan na ko ng gana—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya kong sunggaban ng halik. Marahan niya pang kinagat ang ibabang parte ng labi ko na siyang naging dahilan para mapaungol ako. "Fuck, Victor . . ."

"Nawalan pala ng gana, ha . . ." He teased me in the middle of our intimate kissing.

Hindi na ko nagsalita pang muli at nag-focus na lang sa pakikipaghalikan sa kanya. This is one of the reasons why I'm always looking forward to meeting him after we became busy with our own personal stuff. Ito kasi ang sarili naming version ng quality time. Making love in the most romantic way.

"I love you, Victor," I sincerely said when I stopped kissing him and started drowning myself into his stares.

Victor is my first boyfriend and hoping to be the last. Wala na kasi akong mahihiling pa. Na sa kanya na ang lahat. And I know that he truly and madly in love with me, so am I.

Bakit ko pa papakawalan ang taong tanggap kung sino at ano ako, 'di ba? He's my everything now. At hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko kung mawawala siya.

"I love you too, Chie," and by that, dahan-dahan niya na kong binuhat papunta sa kwarto ko.

Victor is not that muscular pero dahil once a week naman siyang nasa gym compared sa akin, medyo may laman ang katawan niya. Average body type lang kasi ang mayroon ako kaya madali niya lang akong nabubuhat.

Nakapulupot ang mga binti ko sa baywang niya at nakasandal ang ulo sa kanyang balikat nang muli na naman niya kong bulungan bago tuluyang makapasok sa kwarto. "Are you ready to be destroyed again, love?"

Pagkarinig ko non, agad ko siyang hinampas sa braso. Hanggang kailan niya ba ko aasarin sa pagbanggit ko ng, "oh, fuck! Destroy me, Victor. Please . . ." when we first have sex?!

Siraulo talaga, e.