Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

PSA: Innocent Rose

shlgrc30
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.7k
Views
Synopsis
Rose Marasigan, an innocent woman whose life will be changed because of a tragedy.

Table of contents

Latest Update1
Rose4 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - Rose

Dalawang taon. Dalawang taon na rin akong nakakulong. Nakulong dahil sa isang kasalanang di ko ginawa. Ano pa nga bang aaasahan ko? Bulok ang sistema para sa mga katulad kong inosente. Inosente nga ba? Sa pagkakaalam ko, oo. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, oo. Pero sa mata ng mga tao, makasalanan ako. Sa mata ng batas, kriminal ako. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na yun at kung bakit ako nasa sitwasyong yun. Inosente ako...inosente ako.

Ako si Rose Marasigan, dalawampu't limang taong gulang at nakakulong. Nakulong ako sa salang pagpatay. Pinatay ko raw ang boyfriend ng step sister kong si Lauren. Wala akong maaalala kung hindi ang senaryo sa utak ko na may hawak akong kutsilyo at may isang lalaki sa harap ko. Duguan siya at sa unang tingin pa lang ay malalaman mong patay na. Puro dugo rin ang mga kamay ko at damit. Nakabalik lang ako sa diwa ko nang may tumapat na ilaw sa mukha ko. Sa pagkakataong yun di ko na maaalala ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko na namalayang andito na ako sa piitan. Kasama ang mga kriminal na sigurado sa mga ginawa nila at mga nagsasabing inosente sila.

"Uy Rose! Tulala ka nanaman diyan. Pag nakita ka ni warden alam mo na kasunod nun." sita ng kasama ko sa kulungang si Tere. "Oo nga, kanina ka pa naglilinis dyan. Tulungan mo na kami dito, kosa." dagdag ni Luz. Kosa. Kosa ang tawagan naming mga nakakulong dito. Iba-ibang mga kaso, pagpatay, pagnanakaw, at marami pang iba. Pumunta ako sa pwesto nila at tumulong sa paggawa ng pamaypay. "Iniisip ko lang kasi, kosa. Dalawang taon na rin ako dito pero walang usad ang kaso ko." Ngumisi si Luz. Ito talaga ang kaibigan kong mapang-asar. "Eh bakit ba kasi umaaasa ka pang makakalaya ka? Ang bigat kaya ng kaso mo. Pumatay ka." Huminga akong malalim saka nagsalita. "Di ko naman ginusto yun. Ni hindi ko nga alam kung paano nangyari yun." Nagkatinginan si Luz at Tere. "Hindi kaya sinet up ka para magawa mo yun? O di kaya drinoga ka kaya wala kang maaalala pagtapos?" sabi ni Tere. "Nung nasa labas pa kasi ako, marami akong maririnig na drinoga kaya nawala sa sarili. Syempre pag nawawala ang isang tao sa sarili niya, nakakagawa talaga nung kung anu-ano, diba kosa?" Siniko niya si Luz, dahilan para mahulog ang ginagawa ng huli. "Ay lintik ka!" sambit ni Luz. Natawa ako. Kahit kasi magkakaiba kami ng ugali rito sa loob ay magkakasundo pa rin kami. "Pero alam mo, kosa? Sa unang tingin ko pa lang sayo ay mukha ka namang inosente." sabi ni Luz. Tumango si Tere sa pagsang-ayon. "Baka nga tama ang hinala nitong si Tere. Baka wala ka lang talaga sa tamang pag-iisip nun." Napaisip ako sa mga sinabi ng mga kakosa ko. Posible kayang wala ako sa sarili ko nung gabing yun? Para na rin maliwanagan ako, agad kong tinawagan ang abogado ko. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong maaalala kung bakit at paano ako nakapatay. Kailangan kong malaman kung tunay nga ba akong inosente.