"Sa isang paglalakbay, Hindi mo kailangang tahakin ang pinakapatag na daan dahil ang tunay na paglalakbay ay ang pagpili ng nararapat na daan kahit pa lubha itong mapanganib at may bahid ng kadiliman."
------
KABANATA 1:
Viaje Encantado
Agad na namilog ang mata ni Stella ng makita ang kaibigan na nasa gilid ng karwahi. Pinanlakihan niya ito ng mata, Na wari'y tinatakot ngunit hindi naman tinablan ng takot ang binata at sinuklian pa siya ng isang nakakalokong ngisi.
Marahil ay hindi napansin ng kanyang mga Ina na ang taong maghahatid sakanga ay si Aswell. Kilala ito ng kaniyang mga Ina, Dahil sabay na silang lumaki ng binata at ito ang kauna-unahang lalaking pinalapit nila sakanya.
"Yabang, Anong --"
Hindi na niya naitapos pa ang salitang nais bigkasin dahil mabilis na pinagbuksan siya nito ng pintuan ng karwahe. Hindi parin maalis ang nakakalokong ngisi sa labi ng binata na nagbibigay kay Stella ng hindi magandang pakiramdam. Sa tuwing makikita niya kasi ang ngising iyon ay tiyak na may gagawing hindi maganda ang binata.
Tandang-tanda pa nga ni Stella, Ang unang pagkakataon na nakita niya ito. Muntik na silang hatawin ng palakol ng matandang si Mang Gustin ng matuklasan nito na sila ang kumuha ng biik niya. Bagaman, Alam niya na siya ang may kagagawan ng lahat dahil sinabi niya kay Asi na gusto niyang mag-alaga ng biik ay hindi niya naman inaasahan na seseryosohin ng kaibigan ang sinabi at ninakaw nga ang biik ni Mang Gustin na noon ay nag-iinit na sa galit.
"Wag ka ng magsalita, Panget na prinsesa ng Emerald. Pumasok ka na, Baka gabihin tayo sa biyahe ahehe."
Mas lalong tumindig ang balahibo ng dalaga ng marinig ang kahindik-hindik na pagtawa ng binata. Gusto niya itong batukan upang matauhan na wag ituloy ang balak nitong gawin pero ng tumingin siya sa likuran ay nawala lahat ng masamang balak niya. Tahimik na nginitian at tinanguan siya ng kaniyang mga Ina. Si Leviana ay itinaas pa ang kamay at kumaway sakanya.
Hindi na siya nagdalawang isip na sundin na sumakay sa karwahe. Inalalayan pa siya ng kaibigan. Nang makaupo siya ng maayos sa loob ng sasakyan ay agad na nandilim ang paningin nito. Muntik na siyang mapasigaw buti na lang at may kung sinong nagtakip ng bibig niya.
Masamang titig ang ipinukol niya kay Lira ng makita ito sa tabi niya. Matapos niyang alisin ang kamay ng kaibigan sa kanyang bibig ay binalingan niya ng tingin ang lalaking nasa harapan. Hirap na hirap na ito, Nakagapos ang mga kamay at paa, Nakatali pa ang bibig upang hindi makapagsalita. Alam ni Stella kung sino ang taong yun. Ang lalaking dapat na maghahatid sakanya sa Luna.
"Anak ng --"
Bago pa makapagsalitang muli ang dalaga ay naitabon na niya sa mga mata ang palad. Sino ba naman ang hindi mawiwindang kapag nakita mo ang kalunos-lunos na sinagip ng matanda sa kamay ng kanyang mga kaibigang, Lira at Asi? Wala na itong saplot pang-itaas at pang-ibaba, Tanging naiwan ang manipis na tela na nagtatago ng kanyang pagkalalaki. Marahil ay kinuha ni Asi ang damit ng matandang ito at iyon ngayon ang kanyang suot.
"Bathala ng liwanag, Lubayan niyo na sana ng kasamaan ang mga kaibigan ko."
Narinig niyang humalakhak si Asi, Kahit nasa labas at nagpapatakbo ng kabayo ay rinig na rinig parin niya ang pagtawa ng binata. Hindi sumagi sa isip niya na makakayang gawin ng kaibigan ang bagay na ito. Alam na niyang may lahing bakiw at magnanakaw ang lalaki pero hindi niya inaasahan na maging ang saplot ng iba ay magagawa niya ring nakawin. Idagdag pa na, Isinama pa ng kaibigan ang walang kamuwang-muwang na Lira.
"Ano bang nangyayari, Lira?" Kunot-noong tanong ni Stella sa kaibigan na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sakanya. "B-Bakit? Hindi niyo ba naisip na mapapatawan kayo ng parusa kapag nalaman ng mga Ina ko ang ginawa ninyo?"
"Makining ka muna saamin, Prinsesa. Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi mo kami iiwan pero ikaw itong mang-iiwan sa huli." Malumanay na sagot ni Lira habang pinaglalaruan pa ang palad na pinagpapawisan na. Kinakabahan kasi siya sa sinabi ni Stella, Iniisip niya kung anong parusa ang ipapataw sakanila ng anim na prinsesa sa oras na malaman nila na hindi sa Luna Academia ang naging destinasyon ng Prinsesa Stella.
"Sinabi ko ng kailangan hindi ba? May tungkulin akong dapat gampanan bilang isa sa walong prinsesa ng Emerald. Marahil ay hindi ko pa alam ang misyong kailangan kong pagtagumpayan pero naniniwala ako na sa aking paglalakbay ay matutuklasan ko rin ang mga sagot sa katanungang iyon."
"Kailangan mo rin ba kaming iwan? Parte rin na iyon ng sinasabi mong misyon mo, Prinsesa?"
Hindi nakapagsalita si Stella sa tanong na ipinukol sakanya ni Lira. Ang isip niya ay tila nahati sa dalawang sagot. Ang kailangan at hindi dapat. Isa na namang katanungan ang dunagdag sa koleksyon niya na hindi niya malaman ang sagot.
Napabuntong-hininga na lamang si Stella, Nanahimik na lamang siya. Ganoon rin naman ang ginawa ni Lira. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, Si Lira ay isa na sa mga bituin niya. Bituin na gumagabay sakanya sa madilim na gabi. At, Tinatanong niya ang sarili. "Kailangan ba talagang iwan ang bituin na kung tutuosin ay siyang gabay ko?"
-----
Halos Isang oras na nilang tinatahok ang mabatong daan. Hindi parin kumikibo ang kahit na isa man sakanila. Nais kausapin ni Lira ang dalaga ngunit minabuti na lamang niyang itikom ang bibig. Nakatingin lamang sa labas ng karwahe si Stella, Puros mga puno ang nadadaanan nila. May mga kabahayan rin naman ngunit iilan na lang, Alam niyang hindi pa sila nakalagpas sa Emerald dahil hindi niya nakikita ang Batong Marka.
Batong marka, Ang palatandaan ng teritoryo ng Emerald. Noong bata siya ay tanda niyang pinagbabawalan siya ng kanyang mga Ina na lumagpas rito at ngayon ito na ang magiging kauna-unahang pagkakataon na lalagpas siya rito.
Huminto ang karwahe sa isang patag na daan, Nagtatanong ang dalawang dalaga na nasa loob ng karwahe ngunit wala sa kanilang dalawa ang umimik. Nag-alangang binuksan ni Stella ang pinto ng karwahe at tumalon papalabas, Sinubukan siyang pigilan ni Lira pero huli na. Naisip rin naman ni Lira na nasa labas din si Asi, At hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa Prinsesa.
"Anong nangyari?"
Tanong kaagad ni Stella ng makita si Asi, Kumakain ito ng mansanas. Tuloy ay nagutom siya pagkakita sa prutas na iyo. Halos ilang oras narin naman ang nakakaraan ng huli siyang kumain.
"Alam mo, Panget. Napapagod din naman ang mga gwapong tulad ko kaya nangangailangan rin kami ng pahinga."
Mabilis na umikot ang mata ng dalaga sa ere pagkarinig sa kayabangan ng kaibigan. Hindi talaga sila magkasundo kaya nga nakakapagtaka na hanggang ngayon ay magkasama parin sila. Siguro ay dahil ang pag-aaway nila ay hindi ganoon kalala kagaya ng pag-aaway ng iba, Simpleng inisan at pikunan lamang ang nangyayari.
"Atsaka, Nakakapagod din kayang bumiyahe lalo na kapag alam mong panget na prinsesa ang pinagsisilbihan mo."
Napakayabang talaga ng kumag na'to. Kaya nga hindi niya mawari kung bakit marami paring mga kababaihan sa Kago at sa buong Emerald na nagkakagusto sakanya. Kilala ang binata sa buong Emerald dahil bukod sa may itsura ay magaling din ito sa pakikipaglaban. Ito nga ang kauna-unahang lalaki na hinamon ni Stella ng dwelo, Nakakapagtaka na magkasabay lamang silang tinuruan pero mas mabilis na natuto si Asi kesa sakanya.
"Hindi ko kailangan ng mayabang na tagapagsilbi, Lalo na kung ang pangalan ng mayabang na yun ay Aswell."
"Buti na lang Asi ang pangalan ko!"
Inis na inis na stella sa binata pero pinipigilan niya ang sarili na saktan ito dahil isa pa, Gutom na siya at gusto na niyang kumain. Manghihina siya kapag hindi siya nakakain at talagang takam na takam na siya sa mansanas na dala ng binata.
"Pahingi."
Sinubukan talaga ni Stella na maging magalang pero nagmukhang utos parin iyon, Nakalahad sa harap ni Asi ang kamay niya. Nakakalokong ngisi lang ang isinagot ng binata sa dalaga na pabalik-balik ang tingin sa kanya at sa mansanas na hawak.
"Bakit gutom na ba ang panget na prinsesa ko? -- este! prinsesa ng emerald? hihi." Pang-iinis ni Asi. Muntik na niyang suntokin ang sarili dahil napahiya pa yata siya kay Stella sa sinabi nito pero kahit na.. Hindi parin naalis sa binata ang nakakalokong ngisi nito.
"Bigyan mo na ako, Pag namatay ako sa gutom! Ikaw ang sisisihin ng lahat! Inuutosan kita! Bigyan mo ko ng mansanas!"
"Hindi tatalab saakin ang pananakot mo, Panget. Kung gusto mong kumain nito, Sabihin mo. 'Si Asi ang pinakagwapong nilalang na nabubuhay sa mundo'."
Kung may tao mang gustong kitilan ng buhay si Stella, Yun ay ang lalaki sa harapan niya ngayon. Mamamatay na lang ata siya sa gutom, Kayabangan parin ang inaatupag ng binata. Dahil sa matinding pagkalam ng sikmura, Wala na siyang ibang pinagpilian kundi ang sumunod sa gusto ng binata. Atsaka, Wala namang mawawala sakanya kung sasabihin niya iyon hehe.
"Si Asi ang pinakamayabang -- este! Pinakagwapo pweh! na nabubuhay sa mundo."
Sinamaan siya ng tingin ng binata. Ito lang ang nag-iisang tao na kayang tingnan siya ng masama maliban sa mga Ina niya. Nagpalitan sila ng nagbabagang tingin, Kung sino ang unang kumurap siya ang talo. Hirap na hirap pa sa pagtingala si Stella dahil matangkad talaga si Asi, Hanggang baba lang siya nito.
"Ahem!" Agad na umiwas ng tingin si Stella ng marinig ang pagtikhim ni Lira sakanilang dalawa. Binalot ng hiya ang mukha niya na kinamatis narin. Hindi narin matigil sa malakas na pagpintig ang puso niya. Napahawak pa siya rito. Bago tuluyang bumalik sa loob ng karwahe ay binigyan siya ng nakakalokong ngiti ni Lira. Iyong ngiti na parang may kakaibang ipinapahiwatig.
Hindi mawari ni Stella kung bakit hindi parin matigil sa malakas na pagtibok ang puso niya. Inisip niya na lang na dala lamang ito ng gutom.
Muling bumukas ang pinto ng karwahe ay iniluwa noon ang walang emosyon na si Asi, May dala siyang isang basket na puno ng iba't ibang klase ng prutas. May mansanas, Kahel, Ubas, Santol, Saging at iba pa. Walang ano-anong inilapag iyon ni Asi sa kanyang tabi at marahang binuhat ang matandang lalaki na nagpupumiglas. Wala naman siyang nagawa dahil likas na malakas si Aswell.
"Saan mo siya dadalhin?"
"Ibababa ko na siya, Hindi natin siya pwedeng isama sa pupuntahan natin."
"Saan ba tayo pupunta?"
Tinalikuran siya nito at maingat na bumaba sa karwahe upang hindi masaktan ang matandang dala niya. Kumunot naman ang noo ni Stella ng mapansin ang tipid na ngisi sa labi ng binata, Kahit pa nakatalikod ito.
"Kahit saan basta kasama ka."
Nagulat si Stella sa isinagot ng binata, Hindi niya rin maisip kung ito ba talaga si Asi o nasapian na ito ng mabuting espirito, Salamat naman! Ngunit, Kahit na simpleng mga salita lamang ang binitiwan ng binata ay labis naman itong nagpakabog sa puso ni Stella.
----
Papalubog na ang araw, Kay ganda pagmasdan ang kulay kahel na langit. Unti-unti naring nagpapaalam ang liwanag. Naisip ni Stella na kung isa lamang siyang pintor ay nais niyang ipinta ang magandang imahe ng araw na papalaubog na nasasaksihan niya.
Muli silang huminto sa isang pamilyar na lugar, Ang Kago. Ang teritoryo ng mga magnanakaw, Dito nakatira si Aswell at hindi rin naman naiiba ang lugar para kay Stella dahil madalas siya rito. Bumaba siya ng karwahe, Nakasunod lamang sakanya si Lira na nakahandang bunotin ang espada oras na may magtangkang hindi maganda sa kanyang Prinsesa, Stella.
"Magagalit ang mga Ina kapag nalaman niyang dinala mo na naman ako dito." Kahit na nasiyahan siya na dinala siya ni Asi sa lugar ay hindi parin mawala ang takot sa dibdib ng dalaga lalo na at yung huling parusa na pinataw sa binata ay kamatayan.
Na hindi naman natuloy dahil sa tulong ng kanyang Inang Adelta, Malapit narin sa anim na prinsesa si Aswell. Sinanay rin ng mga ito ang binata ngunit kung matigas ang bungo ni Stella ay mas matigas ng pitong beses ang ulo ni Asi. Hindi siya takot sa kamatayan, Sa mga prinsesa ng emerald. Isang bagay lang ang kinatatakutan ng binata, Isang sekreto na lihim niyang tinatago.
"Wala ka bang tiwala saakin, Panget?"
"Magbigay ka nga ng tatlong pangalan ng mga taong nagtitiwala sayo."
Agad namang natahimik si Asi at nag-isip. Mukhang wala itong maisagot kay Stella, Sino ba naman kasi ang magtitiwala sa isang pilyong binata na hindi pinag-iisipan ang mga bagay na ginagawa nito?
"Si Kuya, Si Aries. I-Ikaw? Wala ka bang tiwala saakin?"
Umakyat ang inis sa ulo ng dalaga ng marinig ang pangalan ng babaeng haliparot na aaligid-aligid kay Asi. Si Aries, Bata pa lang ay ayaw na niya talaga sa babaeng yun. Hindi niya alam kung bakit, Siguro ay dahil kung makakapit ito sa kaibigan ay animo'y linta na sumisipsip ng dugo at parang sanggol kung makakapit.
"Wala! Ayos na yung nagtitiwala sayo si Aries."
Humalakhak ng nakakaloko ang binata na mas lalong kinainis ni Stella. Mabilis siyang naglakad papunta sa tirahan nila Asi, Tahimik na nakasunod sa kanya si Lira na nakaalisto lang. Talagang seryoso ito sa pagprotekta sa prinsesa ng emerald.
Alam niya kung saan nakatira ang binata, Malapit din naman ang dalaga sa Ama ni Asi. Mabait ito at walang bahid ng kayabangan. Alam ni Stella na hindi tunay na ama ni Asi ang pinuno ng mga magnanakaw, Raigo Last. Bagaman ito ang nagpalaki sakanya at kinilala niyang ama.
"Isang magandang gabi, Bumalik na ang napakagwapong si Aswell! Magbigay pugay!"
Natigilan lahat sa kani-kaniyang mga ginagawa at tumingin kay Asi. Binalot naman ng hiya si Stella habang ang kaibigan na walang hiya ay pilit paring binibida ang sarili. Talagang maraming tao ang tahanan nila Asi, Sanay na siyang pinagtitinginan ng mga magnanakaw, ng mga Masasamang tao kapag pumupunta siya rito.
"Aba! Nakabalik ka na pala, Asi! Kay ganda ng suot mo, Saan mo nadekwat iyan?" Tanong ng isang maskuladong matanda na may hawak pang alak. nilapitan naman siya ni Asi at inakbayan ito, Aakalain mong magkumpadre lang sila.
"Kanina kasi habang naglalakad ako sa gitna ng napakaraming tao. Bigla akong pinagtinginan ng mga kababaiban at pinagkaguluhan! Hindi yata sila sanay na makakita ng napakagwapong nilalang dahil sa kanilang kasabikan na malapitan at mayakap ako ay nasira ang aking suot na damit, Binilhan nila ako ng napakaraming magagandang damit pero ito lang ang kinuha ko. nakakahiya namang kunin ko ang lahat hindi ba?"
"Sana kinuha mo na lang ang lahat, Asi. Nakakahiya sa mga binibini ang pagtanggi sa isang regalo."
Napakasinungaling at napakayabang talaga ng kumag na'to, Isip-isip ni Stella. Gusto niya sanang sabihin na ninakaw niya lang yan sa tagahatid sana niya sa Luna Academia pero baka masira ang kayabangan ng binata kaya wag na!
"Oo nga, Pero bakit iyan pa ang napili mo? Para kang magmamaneho ng karwahe ng prinsesa niyan."
Halos matawa si Stella sa komento ng isang matanda pero agad niyang naitikom ang bibig ng makita ang matalim na titig sakanya ng Kaibigan.
"Isang taksil, Walang galang! Paparusahan ko na ba siya, Prinsesa?"
Mas lalong natawa si Stella dahil sa OA na reaksyon ni Lira. Nakita niya rin siguro kung papaano lamang samaan ng titig ni Asi si Stella. Kung ang mayabang na si Asi at ang OA na si Lira ang makakasama niya sa kanyang paglalakbay ay tiyak na hindi magiging maganda pero masaya ang paglalakbay na iyon.
Nakahanda na ako sa Viaje Encantado , Ang marahuyong paglalakbay.