Chereads / In a Parallel Universe / Chapter 1 - In a Parallel Universe

In a Parallel Universe

stoneheart08
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - In a Parallel Universe

Sabado yun, naglalakad akong mag-isa papunta sa isang Japanese restaurant. Minsan lang ako magawi sa lugar na yun. Medyo maaraw nun kaya naisipan kong lumabas. Maaraw pero malamig. Madalang lang magpakita ang araw sa panahon ngayon dahil winter pa kaya sinamantala ko ng lumabas.

Habang naglalakad ako, may napansin akong lalake sa di kalayuan. Mag-isa, at may bitbit na paperbag. Siguro nagshopping, araw kasi ng sweldo.

Habang papalapit sya, hinuhulaan ko sa sarili ko kung kapwa ko ba sya pinoy, muka syang pinoy pero hindi ako sigurado. Pwede din naman kasing vietnamese, or thailander, or indonesian. Napatingin sya sakin at nagkatinginan kame ng medyo matagal hanggang sa makalampas sa isa't isa. Parang gusto ko syang batiin ng "kabayan!"

"Hi, kabayan? pinoy?"

"Uhh..oo"

"ako din." Sabay ngiti. "mag-isa ka lang? Kumain ka na? Tara kain tayo! may alam akong Japanese restaurant dyan sa malapit, masarap yung ramen. Kumakain ka naman ng ramen?"

Napahinto sya ng sandali at tila naguluhan. Siguro sabi nya sino kaya tong babaeng to?

Sabay kaming lumakad. Hindi ko alam pero hindi ko akalaing sasama sya.

"teka ano nga palang pangalan mo? ako nga pala si rocky, short for raquel. ikaw?" Inabot ko sa kanya ang kamay ko.

"Billy." Sabay abot ng kamay nya, yung muka nya hindi ko mapaliwanag. Natatawa ako sa sarili ko ang lakas ng loob ko.

"taga-dito ka?" Tumingin lang sya sakin. "I mean, dito sa lugar na to. Matagal ka na dito?"

"2 years na"

"Ah talaga, ako naman magti- 3 years na sa june. Tara dito tayo, dito yung restaurant"

Nakarating na kame at nakaupong magkatapat.

"Bat nga pala mag-isa ka lang? Wala ka bang friends dito?"

"ikaw, bat magisa ka lang din? Wala ka bang friends?" Balik nyang tanong sakin.

"Meron naman, kaso ako lang kasi ang walang pasok ngayon, chaka sanay na kong mag-isa"

Tumingin lang sya sakin.

"uuy pasensya ka na ah, nabigla ka ba? Hahah ako din nabigla sa sarili ko eh. Di naman talaga ako ganito. Hindi talaga ako kumakausap ng strangers, haha ang totoo nyan dinare ko lang sarili ko. La lang trip lang"

"hahaha talaga ba?" Cute ng ngiti nya.

" Oo, mahiyain talaga ako, muka ka lang kasing pinoy kaya tinry ko lang iapproach ka, pero ang totoo hindi talaga ako ganun. First time ko nga lang ginawa to hahah"

Pinagpapawisan ako bigla. Biglang uminit, inisip ko na lang kasi dahil sa ramen na nasa harap ko. Parang gusto ko ng magsisi sa ginawa ko.

" Tara kain na tayo. Guten appetit!" Pumikit ako at nagdasal saglit. Pagdilat ko, nakita ko syang nakatingin sakin.

"Oh bakit? Di ka naniniwala sa sinasabi ko?"

Ngumiti sya, "Hindi sa ganun"

"oh eh ano?"

" Wala lang, first time ko rin kasi to..na sumama sa stranger"

" Hahaha actually di ko nga akalain na sasama ka eh hahah, so bakit ka sumama?"

" So, bakit mo ko inaya?"

"teka, ang daya! ako unang nagtanong, ako muna sagutin mo!"

"Well… nacurious ako, Chaka muka ka namang mabait, and gutom na rin ako"

"Wow… mukang mabait ah,. Baka sabihin mo, kasi cute naman ako hahah di joke lang. Well inaya kita kasi gusto ko lang subukan kung kaya ko bang mag-approach ng stranger, Chaka muka ka namang pinoy, muka ka rin namang mabait, kokonti lang tayong pinoy dito kaya i think di mo ko tatanggihan? Tama ba?"

Tumango tango lang sya.

"Chaka, di naman tau magkakilala after neto di naman tau magkikita na.. so para lang may kasabay akong kumain, para hindi malungkot"

"Pano mo nasabi?"

"Ang alin?"

" Na hindi na tau magkikita after neto?"

" aaah.. hihi kasi hindi ko totoong pangalan yung binigay ko sayo hahaha meaning kahit isearch mo pa ko sa facebook hindi mo ko makikita"

" Hahah galing ah! Sino naman nagsabi sayo na hahanapin kita sa facebook?"

" Hahah hindi ba? Wala lang malay mo macurious ka after neto, tapos isearch mo ko sa facebook hahaha ang assuming ko noh?! Joke lang"

" Hahah grabe"

" Tingnan mo nga sumama ka sakin kahit di mo naman ako kilala"

Napangiti sya. " so ano nga totoong pangalan mo?"

" Pagisipan ko muna. Di pa naman kita kilala eh, baka stalker ka or serial killer, mahirap na noh?"

" wow! Sya pa talaga ang natakot sakin. Di ba dpat ako yung matakot sayo?"

" bakit, muka ba kong nakakatakot? Hahah trust issues"

" Masarap nga yung ramen dito, di ko alam tong resto na to ah.. medyo tago. Pano mo nalaman dito?"

"Oh diba, sabi ko sayo eh.., nung namasyal kasi ako ng Barcelona, nakakain kame ng friend ko sa same resto na to tapos nakita ko may branch nga sila dito kaya niresearch ko.. kaya yun,"

" Ah talaga, mahilig ka pala mamasyal..san san ka na nakapunta?

" Uu mahilig ako, madami na.. yun nga dito sa Europe, Barcelona, Amsterdam, Belgium, Portugal, Paris syempre..Switzerland, pumunta ako sa St. Gallen lam mo ung movie na yun? basta madami dami na din"

"I see.. "

"Ikaw ba?"

" Ganun din, Belgium, Paris, Vienna, Switzerland pero hindi sa st. gallen, sa zurich… pero Barcelona hindi pa ko nakakapunta, pero kasama sya sa listahan ko."

" Oo, Maganda sa Barcelona, try mo, lalo na yung sagrada familia promise ang sarap lang nyang titigan, kahit siguro maghapon ako dun ayos lang. Try mo pumunta dun, sobrang ganda. Ingat ka lang sa mga magnanakaw, medyo madami kasing pickpockets dun.. parang satin, sa pinas.hehe"

" Oo nga eh.. sabi nga nila"

" Pero syempre mas matindi pa din magnanakaw satin sa pinas, hahaha anyway, yun nga,, sa st. gallen, pinuntahan ko lang sya dahil dun sa movie. Wala lang, and grabe ang ganda lalo na dun sa taas ng bundok yung kita mo yung buong st. gallen..haaayzz nakakainlove."

Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa taong to. For the first time hindi ako kinakabahan. Parang normal lang na magkaibigan lang kame, parang ang normal sakin na ang kapal ng muka kong kwentuhan at tanung tanungin sya. Siguro kasi alam kong hindi ko naman na sya makikita ulit.

"Ilang taon ka na nga pla?"

"31 na ko this year"

" Hahah talaga? Di halata"

"hahah alam ko na yan, muka lang akong 30?" Hahha

" Hahah ay grabe sya, basag trip.. inunahan mo naman ako hahaha pero tama ka.. muka ka lang 30 hahahah"

" sabi ko na eh" haha

" ako, ako, ano sa tingin mo ilang taon na ko?"

" hmmmm… 28,29?"

"weeeh hahha seryoso ka nyan? O nagpapatawa ka lang?"

" Bakit? Mali ba? higher??"

Tumingin sya ulit sakin. Teka bat ako kinikilig.

" cge.. 30, 30 ka na! Siguro"

" Hahha 31 na din ako, di halata no? i know.. I know.. "

" Hahah wala naman akong sinasabi.."

Parehas kaming nagtawanan, bat ang gaang kausap ng taong to?

"So,sinong kasama mong nag-St. gallen?"

" Ako lang"

" So single ka?

"Single ka?"

" Hindi, double ako… double, so single ka nga?" Pag-ulit nya.

" Double din, may nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Lumingon ako sa kanana at sa kaliwa ko.

"Bakit, pwede namang hindi ka single, wala lang sya.. nagwork ganyan"

Parehas kaming natahimik. Napainom kami parehas.

"Well, oo ang sagot sa tanong mo."

Napakunot ang noo nya. "Anong oo? Oo na single ka, or oo na kaya ka mag-isa ngayon kasi nasa work lang sya?"

"hahaha grabe ah, analytic. I like that! Pero dun ako sa una mong hypothesis"

" hahahaha"

"eh ikaw? Anong sagot sayo? Double ka talaga?"

" Bat ko sasabihin, di mo pa nga sinasabi totoong name mo eh"

"Eh di wow! Cge wag na. Iba na lang! Anong work mo dito?"

" Nurse ako."

" Talaga? San ka naman nagwowork? Sa hospital o sa nursing homes?"

" Sa hospital"

"Ikaw? Anong work mo?"

" Grabe busog na ko. Sakit ng tyan ko. San ka after neto?"

" Di ko pa alam, baka uuwi na. Ikaw ba?"

"di ko din alam, pero baka uuwi na din. Medyo malayo pa ko dito eh"

" Taga san ka ba?"

" Isang tren at isang sakay ng bus pa"

"Di ko naman tinatanong kung ilang sakay, tinatanong ko kung saan?"

" bakit, ihahatid mo ba ko? hahha"

" Hindi!"

" Hindi pala eh, eh bat inaalam mo pa? Joke lang"

" Hahah grabe sungit naman. Nag-iinitiate lang ako ng small talk."

" Hahah joke lang. taga wandsbek markt ako. Oh ayan sinagot ko na"

" Totoo yan o peke?"

" Aaay grabe xa, judgmental"

" Naniniguro lang.. hahah"

Lumabas na kame ng resto nun, at naglalakad. Medyo lumalamig na. Wala ng araw.

" Haaay nawala nanaman ang araw. Lamig nanaman, tagal ng summer"

" Bakit mo naman hinihintay magsummer?"

" Syempre, para hindi na lang lageng makakapal na jacket suot ko. Gusto ko namang mag-tshirt lang tapos shorts pag lalabas, parang sa pinas diba? Ayaw mo nun?"

" Oo naman, pero favorite ko lang kasi ang winter"

Napatingin ako sakanya. " Seryoso ba? Eh ang lamig lamig, anong maganda sa winter?"

" Yung snow! Lalo na pag pasko, white christmas." Napangiti sya.

" hmmp.. sa una lang maganda ang snow, pero pag tumagal na wala na, chaka ang lamig lamig noh"

" Walang basagan ng trip. Maganda para sakin ang winter. "

" ok.. sabi mo eh"

" Taga san ka nga pala sa pinas?"

" Ako?! Taga Manila ako. Ikaw ba?"

" Taga QC"

"Aaahh…"

Naglakad pa kame, malapit na sa sakayan ng train.

" May tanong ako, "

" Ano yun?"

" Pano kung hindi pala ako pinoy nung pagkalapit mo? Anong gagawin mo?"

" Pag ganun, eh di.. hello… goodbye.. sorry mali" hahha

"Hahahaha buti na lang pala pinoy ako noh?"

" Hahaha oo buti na lang pinoy ka hahha"

"ang lamig, gusto mong magkape?"

" Hindi ako nagkakape eh.."

" Bakit naman?"

" Hindi ako nakakatulog pag late na ko nagkape. Chaka hindi ako masyadong mahilig sa kape."

" Eh di.. hot chocolate"

" Hahah so itutuloy talaga natin to ah billy?"

" Oo naman, bakit hindi?! Wala naman akong gagawin, bukas linggo walang pasok.. ayaw mo ba?"

Malapit na kame sa train station.

"oh xa, mauna na ko. It was nice meeting you, billy." Inabot ko ang kamay ko at nakipaghandshake sa kanya.

" Nice meeting you too…??"

Tumalikod na ko. Ilang hakbang pa..

" teka, hindi mo talaga sasabihin totoong name mo? rocky?"

Huminto ako at lumingon. Ngumiti sabay iling.

" Ok sige, ganito na lang, penge na lang ng number mo" Nilabas nya ang phone nya habang papalapit sakin.

" Bakit mo hinihingi number ko?"

" Wala lang" hindi sya makatingin.

" Crush mo ko noh?!" Namula sya.

" Eh ayaw mong ibigay name mo eh, eh di number mo na lang.."

" Bakit nga?"

" Para sa susunod na magawi ako dito at mag-isa lang ulit ako at wala ka ulit kasama at nagccrave ka magramen pwede tayong magkita ulit dito, pwede din kitang tawagan.. "

" Ayoko nga. Baka mamaya mafall ka sakin, tapos pag nagkatuluyan tayo at tinanong nila kung anong lovestory natin sasabihin mo na ako unang nag-approach sayo at aasarin mo ko"

" Hahaha grabe advance magisip ah. Ang assuming mo sa part na yun!"

" Hahha joke lang.. kapal ko no hahha"

" Ok ok cge ganito na lang, why dont we start all over again?"

" huh?!"

" Ganito, umpisahan natin sa umpisa. Ako maglalakad dito tapos ikaw manggagaling ka dun, tapos magkakasalubong ulit tayo.. kagaya kanina.. uulitin natin.. ano, game?!"

Napapailing ako habang natatawa. " cge game!"

Sinimulan ulit namin sa una.

" hi!"

" Hi..??"

" kabayan? Pinoy ka? Ako Nga pala si billy," sabay abot ng kamay nya

" Rocky"

" Pwede ko bang makuha number mo?"

" Agad agad?! hahha"

" Eh kasi.. cge gusto mo ulit magramen?"

" Hahha cge na nga. "

" Oh ayan, ok na? Ako na unang nagapproach satin. Para pag nagkatuluyan tayo, version 2.0 yung ikukwento natin sa mga apo natin."

" Grabe apo agad?! hahaha.. akin na phone mo.. "

" Ayan na number ko" tatalikod na sana ako pero

" teka iriring ko muna, baka mamaya fake number naman pala"

" Ay grabe, trust issues? Oh ayan nagring"

" Ok ok.. "

" Elise. single" inabot ko kamay ko.

Napangiti sya. " Hi elise, im billy, also single"

" Single, hindi na double?"

" Hahaha hindi naman talaga double eh"

Papalapit na yung train.

"eh bat sinabi mo kanina double?"

"wala lang, kaw lang ba pwedeng mandaya? Ayaw mo kasi sabihin kanina name mo eh"

" Ah ganti ganti lang ganon? Hahah sige simula ngayon wala ng magsisinungaling"

" ok, deal"

" deal! Bye billy na single" sumakay na ako at kumaway sa kanya.

"bye Elise" kumaway sya.

Sumara na ang pinto.

PLOT TWIST:

Gaya nga ng sabi nung una, hindi talaga ako ganun.. so ang totoong ending nito ay mag-isa lang talaga akong kumain ng ramen. Hindi ko talaga sya inapproach. Siguro sa parallel universe ginawa ko un. Pero bakit somehow, hindi ko sya makalimutan. Saglit lang naman kaming nagkatinginan, pero hanggang sa makauwi ako nasa isip ko padin sya. Weird. Usually nakakalimutan ko kagad itsura ng mga nakakasalubong ko. Hindi ako magaling magmemorize ng muka ng tao at ng pangalan, but this time it was different. Parang gusto ko biglang magsisi, na sana pala inapproach ko sya. Pero kaya ko ba? Makikita ko pa kaya sya ulit? Anyway, I hope someday.. somewhere in a parallel universe we'll meet again.

To be continue...