Ang mga City Hunter ay kasulukuyang nakikipag laban sa mga Monster.
Ang bawat squad ng Hunter ay may mga miyembro ng ibat ibang ability.
Ang balanseng Hunter Squad at may dalawang Fighter, isang Tank, isang Healer, isang Mage, at isa o dalawang Enhance Type
Ang mga Ability ay mga basic role.
Hunting type, Tank type, Fighter type, Enhance Type,
Healing Type, Tank Type, Morph Type, Hybrid Type, Specials, Support Type.
Maraming uri ng mga ability, ibat iba kada tao, kaya naman ang mga general type na iyan ay hindi talaga mismo ability ng isang tao ngunit ito ang classification ng mga ito.
Ang isang hunter na may
Water type ability, ay maaring ma- classify bilang isang Healing at Enhance type , ngunit hindi lahat na uri ng Water Type ay kayang mag Heal ang iba ay kayang mag cast ng barrier ito ay isang Support at Enhance Type.
Ang classification ay mahalaga sa bawat Hunter dahil dito mababase ang kanilang ranking,
Kung ang isang ability ay Sword Manipulation type, Ito ay masasabing isang Hunting at Fighter type, Kung dalawang classification ang magagawang pasukan ng ability ng isang tao. At may isa o higit pang skill, sila ay makakapasok sa Rank B.
Ngunit maari ring pag basehan ang dami ng skill ng isang Hunter.
Ang Summoning ay isang Special Type, at ang skills ng Hunter ay nakadepende sa kung anong klaseng Summon ang mayroon siya.
Ang bawat grade naman ay nahahati sa C- , C, C+ , B, A, S, SS, at ang pinakamataas ay ang rank SSS.
Ang C- at C rank ay hindi pwedeng gamitin sa laban dahil ang mga ability na ito ay madalas ginagamit sa pag gawa ng mga armas o smith type at ang isa naman ay ginagamit sa production.
Ang mga isang tao ay kailangan mapalabas ang kanpilang ability bago pa sila umabot ng 18 years old.
Dahil kung hindi, hindi na ito lalabas pa sakanila.
Ang mga makakapag palabas ng ability sa edad na 10-14 years old ay tinatawag na early birds, sila ay madalas na Rank A at sila ang mga tinaguriang genius, ang mga 15-16 years old naman ay tinawag na normies, sila ay mga normal, sila ay maaring tawaging middle class, at ang mga late bloomer na late ang pag manifest ng ability na mataas ang porsyiento na sila ay production type at smith type , at ang huli ay mga untouchable, sila ay madalas na mga mahihirap at karamihan sa kanila ay nag papakamatay dahil wala silang ability, ang iba naman ay ginagawang test subject. Ang madalas nilang trabaho ay nagiging sex slave, at ibang di makataong gawain.
75% ng populasayon ay may mga may ability at ang natitira ay ang mga wala.
(Author's Note:
More info's po bawat chapter, and clues! Kaya Stay tune!)
...
[Malacańang Palace]
"Sira parin ba ang communication!" sambit ng presidente.
"Opo, Mr. President!" nanginginig sa takot ang Agent ng Information Department.
Hindi parin nila matukoy kung sino ang nag Jam sa communication channel sa Bo City.
Kahit na ang mga Enhance Type, na nakafocus sa long range communication signal ay walang magawa.
"Ipadala niyo na ang Special Hunters!" sambit ng presidente.
Bigla naman may lumitaw na tao mula sa anino ng Agent.
Ang Secretary ng Information Depeartment. Si Bong Bong,
isang Shadow manipulator, isang Special Type.
"May dala kaba Bong?" sambit ng presidente.
"Yes, Mr. President, nalaman ko na ang dahilan. May mga nag install ng jamming snail sa Tower ng Bo City, ngunit walang magawa may mga Rank S monster ang nag babantay ngayon sa tower."
"Kailangan ng tatlong Ranks S Hunter, o isang Rank SS, para mapatay ang isang Rank S Monster!, Mag bigay ng reward sa Bounty Hunter unit sa Co , Do, Eo City! At ipadala sila para linisin angg Tower!"
"Yes Sir!"
...
[Court]
Ilang oras lamang ng kapayapaan ang naramdaman ng mga estudyante.
Matapos mawala ng Ulan, ay may mga low ranked monster na ang nag tatangkang makapasok sa barrier.
Ngunit dahil sa mga faculty Teachers, wala ni isang nag tagumpay.
May iilang narin dumating na militar upang ilikas ang halos kalahating estudyante.
Ang mga naiwan nalang ay ang mga genius ng bawat section at ang mga wala pang ability.
"Marvin, halika nga rito, 'wag mong lamugin yang anghel na yan!" sabi ni ryle na nag coconcentrate upang mabalik ang nawalang spirit energy, dahil narin sa anghel na nasa uluhan niyan, mas napapabilis ang pag dami ng spirit energy nito.
Si Kris naman ay nag streching habang ang anghel nito ay nag checheer at nag papacute sa kaniya.
"Oy! Bakit parang ang sungit ng isa kong anghel? At walang pakpak? Tsaka bat may buntot to?"
Napatigil si Kris sa ginagawa niya at napansin na tila iba nga ang isang anghel ni Marvin.
Ang nasa kaliwang balikat ni Marvin ay normal na anghel samantala ang sa kanan ay tila naiiba.
"Hawakan mo 'yong ulo parang may umbok eh!" sabi pa ni Marvin.
Nilapat naman ni Kris ang kamay sa ulo ng anghel. Bigla itong nag sungit kaya naman nilagay nito ang braso sa leeg nito ay inipit 'Head Lock', sabay kinapa ang ulo nito.
Bigla naman napabuga ng apoy ang anghel nang ito ay masaktan!
Nagulat si Kris at nasabing
"Hindi 'to anghel!, Demonyo 'to!"
...
Sa tuktok ng covered court
"Jin, Magagamit mo na ba 'yang ability mo?"
"Opo, Sir Micheal"
"Sabihan mo ako pag may dumating na intermidiate level" sabay tumalon pababa ang teacher na iyon.
Naiwan naman si Jin at isang Enhancer na Class Presisent ng 12- C.
"Karen, Handa kana ba?" tanong ni Jin sa kaniyang kasama.
Inassemble naman nito ang pana, at nag simula ng gamitin ang kaniyang fire enhance ability.
Matapos niyang maasemble ang pana, sumenyas na siya kay Jin na handa na siya.
"Ilang minuto ka tatagal?"
sabi ni Jin
"Isang minuto at kalahati, pero dahil sa anghel na 'to siguro, dalawang minuto. Kung kasama na ang oras ng backfire, satingin ko aabot ako ng apat na minuto" sagot ni Karen
"Lintik talaga 'tong Time Limit na 'to" inis na sambit ni Jin.
Ang Time Limit ay isang mekanismo ng katawan upang hindi lubos ma mapinsala ng kanilang mga abilidad ang kaniyang sariling katawan.
Mawawala lamang ang time limit pag dating nila sa edad na 18, kung saan mag ma-mature na ang kanilang kapangyarihan.
Dahil narin dito, naiiwasan ang lubos na pag gamit ng Ability sa murang edad pa lamang.
Ilang sandali pa ay ginamit narin ni Jin ang kaniyang Clairvoyance Ability. Habang si Karen naman ay pumwesto na rin.
Nag katinginan ang dalawa sabay nag focus na si Jin upang makita ang kalaban.
"540 meters, 11 o'clock"
pag bibigay ni Jin ng direksyon.
Bagaman hindi ito masyadong makita ni Karen, alam niya na aabot ang palaso niya rito.
Habang hinihila ni Karen ang kaniyang pana nagkaroon ito ng umaapoy na palaso, na naging dahilan rin upang mag apoy ang pana, ngunit hindi ito na susunog, ito ang kapangyarihan ni Karen, ang Fire Enhance Type.
Patuloy lamang sila pag kitil sa buhay ng mga low level monster.
"600 meters, 7 o'clock!"
"340 meters, 4 o'clock!"
Matapos ang ilang minuto, hindi na kaya pa ng dalawang Class President na lumaban.
Dinala agad sila sa Clinic para ma heal ng teacher.
Oras na para sa susunod na grupo ng mga estudyante.
Ginagawa ito ng mga genius upang makapag bigay ng oras para sa mga mahihinang estudyante na makatakas.
Habang ang mga teacher naman ay nag hahanda sa pag dating nga mga intermediate level monster dahil hindi ito kakayanin ng mga geniuses.
Makaraan ng ilang oras, halos lahat ng geniuses ay sobrang pagod na sa laban.
Isa nalamang ang natitirang kayang lumaban sa mga geniuses, si Ryle, na halos dalawang oras na nag iipon ng battle spirit.
Si Ryle ang pangatlo sa pinakamalakas na estudyante sa buong Campus.
Ang Una at Pangalawang pinakamalakas ay kasalukuyang wala sa paaralan.
Kung walang time limit si Ryle ay magiging pinakamalakas sa buong Campus, ngunit ang Ability ng Una ay tinatawag na Copy Style Type , ang ability na iyon ay kayang komopya ng tatlong skill mula sa tatlong mag kakaibang ability
at ang tanging penalty nito ay stamina loss.
Napaka liit na kapalit, para mag karoon ng tatlong skill.
Kaya naman iyon ang nag hahari sa Campus.
Ang Pangalawa naman ay isang Tank, Fighter Type.
Reflect Barrier Type. Isang barrier na kung saan ang damage na natamo nito ay ibabalik sa umatake.
Kaya naman walang laban si Ryle sa Pangalawa, para bang ito ang perfect counter para sa kaniya.
"Ryle handa kana ba, kalangan ko ng limang minuto!" sabi ng Vice President.
Napatingin naman si Ryle dito, '5 minuto?, napakatagal nun' sambit nito sa kaniyang isip.
'Ano namang klaseng kalaban ang kailangan naming harapin sa 5 minuto?'
"Isang High Tier Monster,
Isang Orc" sambit ng tank type na Teacher.
"Ikaw lang ang primary damage dealer namin, Ryle, kayanin mo!" sabay kindat ng isang napaka gandang teacher, siya naman ay isang enhance type at healer type.
"Akong bahala sa inyo!" sagot pa ng isang teacher na may hawak na gitara, isa siyang support type.
"Tara na!" sabi ng tank type na teacher.
(Author's note:
Wag kalimutang mag send ng soul stone at mag comment!! support niyo rin po sana ilalabas kong novel naka english po yon! Lazy Jester title!!! Salamat po! )