"Ano daw??" May mali bas a pandinig nya?
Hindi siya maka paniwala na nakatakda na pala siyang masakal. Oo tama, masakal. Hay!, ang bata-bata ko pa kaya. Ang dami pa niyang gustong gawin. Isa na don ang akyatin ang pinakatoktok ng Mt. Everest at maranasan ang magka frostbite. For the likes of them, staying at a zero degree's place is very troublesome. Troublesome but not dangerous at all.
Frost bite? Oo, frostbite. Weird pero tama, wag kang kokontra brain.
"Oo, kaya mag handa-handa kana" sabi ng kanyang Tita Claire. Bago pa man sya makapag tanong ay nawala na ito sa harap niya.
'Mag handa? Ikakasal ho ako, hindi sasabak sa gyera.'
Kainis naman, hindi man lang sinabi kung fafa-licious ba yung groom. Shit! Paano nalang kung kamag anak ni Shrek or worst, mukhang si Shrek. Nah. Their kind are almost known for beauty kaya imposible.
Almost. 'Haisst! Kawawa naman ako pag nagka ganun.'
Makaliwaliw nga sandali, imbis na isipin ang pagpapakasal sa kung sino man yung lalaking yun. Maka punta nga kina Vash, ang mabait at gwapo niyang kaibigan.
......
......
Sa bahay nila Vash.
"Bakit sandamakol na naman yang mukha mo. Sige ka! gusto mong maging kuraspat ang beauty mong wala na ngang ka dating-dating" sabi ni Vash sa kanya.
She glared at his direction.
Ang walang H! na Vash na ito. Ma stampede ka sana. Ba't kailangan pang ipa ngalandakan nito na wala siyang ka appeal appeal. Shoots, Kuu! Kung di ko lang 'to kaibigan. Makakatikim talaga ito sa kanya.
"Hahaha! Joke yun?" tugon niya sabay tingin sa kawalan. Naging seryoso naman ito nang makita nito ang seryoso niyang mukha.
Hindi naman kasi ako ganito, masayahin kaya ako kung di lang sa news na hatid ng Tita niya. Sabi pa nga ni Vash immature daw siya which is not true. She strongly object.
"Seriously, anong problema?" habang nag se-sepra nang bagong kanta nang One OK Rock at sinabayan pa nito nang pag kanta. Hindi man lang siya tiningnan nito.
Sa ganda kung 'to. Hay! Ok lang, alam ko naman kasing maganda talaga ako at baka kapag tiningnan nya ako, eh hindi sya makapag pigil, baka maka pag tapat sya nang purorot nyang pag ibig sa akin! Joke lang! May girlfriend na si Vash, si Sinon. Tinulungan ko pa ngang umakyat nang ligaw ang bruho.
"Malapit lang naman akong ikasal sa bampirang di ko kilala na baka kalahi pa ni Shrek" (no offense meant Shrek). Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi nya. Hah! Nakuha ko rin atensyon mo.
Pero laking pagka dismanya niya ng - "Hahahahaha!" malakas na tawa ang nakuha niya mula rito.
Di nya alam pero na inis siya sa reaksyon nito, sarap umbagin.
"Talaga? dapat masaya ka na may bampirang gustong makasal sayo kahit na kalahi pa ito ni Shrek" tawa pa rin ito nang tawa.
Ang bruho, anong akala niya sakin kamag anak ni Princess Fiona. Sayang ang alindog niya kung magka ganun man. Hooo! ba't ba kasi ang ganda niya.
"Sige!, tumawa ka lang!".. ma iyak-iyak na sabi niya.. Echuuz! drama lang. Tumigil naman ito sa katatawa, mamasa-masa pa ang mga mata nito at sapo-sapo pa ang tiyan sa kakatawa!
Syeet talaga. Umbagin ko na nga ang isang to.
"Tama lang naman na ikasal ka na,sa tanda mong yan." sarkastikong sabi nito at iniripan pa siya ni Vash.
"Aba! Anong matanda?! Wala sa edad edad yan kundi sa itsura! Kita mo naman! kahit isang kulobot sa mukha ko, wla kang makikita, oh!" dinutdot pa niya ang mukha palapit sa mukha ni Vash. Lalo lang siyang inirapan nang bruho at pa sampal pa na inilayo ang pag mumukha niya mula rito.
Ang gwapo talaga nito, ang hirap spellingin kaya sarap sakalin.
Deyymm itt.
"Hay! Hindi lang halata pero ilang daang taon ka na nga ba, ninang!?" pang aasar pa nito na ikina tahimik niya habang tawa na naman ito nang tawa sa naging reaksyon niya. Kuu! Kung hindi ko lang ito inaanak, na hambalos nya na ito, at malamang K.O. pa ang aabutin nito sa hambalos niya.
Teka sandali, inaanak?
Yep, you read it right. Inaanak, as in ninang at bestfriend nang 24 years old na walang respetong Vash na yan at mamaya ko na isasawalat ang lahat dahil mahaba-habang estorya iyan.
"Hindi pa ako handa, hindi ko pa nahahanap ang one true love ko, Vash!"
"Hay! Eon naman! Kasi siguro hindi mo mahanap-hanap dahil hindi ka nag hahanap! At kung meron man, hindi ito naka-kapasa sayo dahil ginawa mo ba namang pamantayan si Naruto at si Saitama sa lahat nang man liligaw mo! Saan ka ba naman makakakita ng tao na marunong mag kagi bunshin, mag rasengan at mg pa tumba ng halimaw sa isang suntok lang?!" Mahabang pagpa- paliwanag nito.
Oo nga, tama nga naman ito. Sinabihan ba naman nya ang kanyang mga manliligaw na sasagutin lang nya sila pag alam na nilang mag ala Naruto moves! (Evil laugh)
Anong magagawa ko,eh sa may pagka anime lover ako. Anime is life, my friend.
"Grrrr! Eh, sa gusto kung katulad ni Naruto ang maging boyfriend ko. O, kaya ay katulad ni Kaito ko." parang nana naginip nang gising na wika niya.
"Wala ngang tao na katulad ni Naruto pero asong ala nine tails meron pa siguro" saglit itong natigilan. "At sino naman yang si Kaito na yan? Naka mulagat nitong tanong, hindi talaga ito maka paniwala sa pinag sasabi niya.
"Ay! si Kaito yung kaibigan ni Gon- "
"Tama na!, nag sisimula ka naman eh" pasigaw na pag puputol sa sasabihin niya. "Kaya wala ka talagang makitang true love dahil sa pagka childish mo". Tinirikan pa ako ng mata nang gago. Siya kaya ang nag tanong, sinagot ko lang naman ah.
"Sana maka-kita ako nang katulad ni Kakashi o Itachi o kaya ni Kenshin o silang tatlo na lang kaya para hindi na zero ang love life ko!"
"Umiwi ka na nga! matutuyuan ako nang dugo sayo" habang sinasabonutan ang sariling buhok. Napuno na ata sakin. Kawawang bata. Tuluyan ko kayang patuyuin ang dugo nito. Harrumph! Ayaw ko nga, stinky kaya sya para sa katulad namin hindi tuloy nya mapigalang ngumiti.
"Bakit ka naka ngiti? Ano na naman ang binabalak mo?"madilim ang mukhang tanong nito sa kanya.
"Wala" pa sweet na sagot niya rito na sinimangutan lang siya ng lalaki.Ang sarap talaga nitong inisin.
"Umuwi ka na at mag pasakal para matahimik na ang buhay ko, pwede?"
Aba! Sumosobra na ang bruheldo.
"Hoy! Vash! Kundi dahil sakin, nanahimik ka na sana habang buhay!"
Niligtas nya ang batang Vash sa masasamang damo noon bukod kasi sa kagandahan kung hindi matanggi-tangihan. Powerful din kaya ako. Yes, you read it right. POWERFUL! As in maka pangyarihan!, hindi naman sa pagmamalaki ano, pero parang ganon na nga.
Galing kaya sya sa lahi ng mga Pureblood Vampires! Pero hindi ako masama ha, I am a good vampire and Vash is a good dog and the rest of his family! Pag nalaman ito ng iba kung kalahi malamang naging abo na ako pero takot lang nila sakin. Hmmp!
"Oo na, utang na loob namin yan sayo kaya nga ikaw ang paborito kung ninang, eh" piniga pa ako sandali at nginitian habang tinutulak ako palabas nang kwarto at pabagsak na inisara ang pinto.
Tama ba naman yon. Pinag tulukan sya papalabas at pabalabag na isinara ang pinto?
Ang sama nito! Pinag tulukan talaga sya palabas! Gagong inaanak yun ah! Maka uwi nga. Evil smile. Talagang balak niyang inisin ang batang yun. Hindi naman malaking problema sa kanya ang mag pakasal.
Seryoso mode: Ang totoo, dumaan lang sya saglit kay Vash bago sya umuwi sa bahay. Tapos na kasi nyang maka usap ang mga magulang nito para sabihin ang mga ilang importanteng bagay. Gusto lang talaga niyang maka usap si Vash at inisin kahit isang beses bago sya umalis.
Naging malapit kasi ito sa kanya palibhasa ina-anak niya ito, taga sagip nito at guro na rin. Siya kaya ang nag turo kay Vash nang ala Nine tail moves at ilang mga techniques sa paki-kipaglaban, sa madaling salita: Master niya ako (wala nga lang respeto sakin pag minsan minsan) kakaiba nga naman, may bampira bang tinuturuan ang isang lobo. Sabagay na iiba nga naman siya.