GINAMIT niyang muli ang kakayahan upang maglaho sa isang iglap sa harapan ni Kendra. Hindi niya mawari kung bakit nagawa niyang nakawan ito ng halik.
Una estudyante niya ito, pangalawa hindi sila magnobyo, pangatlo bawal siyang makaramdam ng kung ano rito.
Dahil isa itong bampira, unang pagkikita palang nila ay alam na niya. Tanging lahi lang ng mga bampira ang nakakagawa ng mga nagagawa ni Kendra. Maski siya'y gulong-gulo na rin, bakit tila ang mga kakayahan na nagagawa ng bampira ay nakakaya rin niyang gawin? Ilang katanungan na nagpapagulo ngayon sa kaniyang utak na hindi niya kayang bigyan ng kasagutan.
Marahan niyang iminulat ang mga mata, muli nasa harapan na siya ng talon. Kung saan mula sa ilalim ng tubig nito ay may daanan papunta sa mundo ng Acerria.
Balak na niya sanang tumalon ng marinig niya ang tinig na iyon na nagmula sa kaniyang likuran, bigla siyang natigilan dahil sa matalim na bagay na natutok sa may bandang leeg niya.
"Sino ka at ano ang kailangan mo kay Kendra?"
Pinakiramdaman muna niya ang babaeng nasa likuran niya, base na rin sa boses nito kaya nalaman niyang babae ito.
Marahan siyang bumuntong-hininga, kasabay ng mabilis niyang paghawak nang mahigpit sa kamay nitong may hawak na patalim na mismong nakatutok sa kaniyang leeg. Umikot siya kasabay ng pagharap niya rito, mabilis niyang ikinurba ang kamao pasuntok dito. Ngunit natigil ang paglipad ng kamao ni Timothy ng makita niyang nakatutok sa kaniya ang isang riple sa lalaking nahypnostismo niya noong nakaraang gabi.
Patuloy na bumabasa ang malamig na tubig ulan sa kanilang tatlo, nagpakiramdaman sila sa bawat sandali. Matamang nag-isip si Timothy kung paano lalansihin at tatakasan ang mga ito.
"Huwag mo ng balaking tumakas, dahil sinasabi ko sa iyo mabibigo ka lamang!"pagbabanta ng babae sa kanya.
Muli ay nagsalubong ang mga mata nila ng binata at ni Trinity, habang si Edmundo ay nanatiling nakatutok kay Timothy ang ripleng hawak niya. Anumang oras ay ipuputok niya ito sa lalaki kung magtatangka itong lumaban. Ibinilin na ni Trinity na kapag may ginawa itong maling hakbang, tinitiyak niyang pasasabugin niya ang ulo nito.
Nanatili lamang nagtitigan sina Trinity at Timothy nasa anyo ng bawat isa ang pag-iingat, anuman sandali ay susugod ang isa sa kanila.
Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid, bagamat natamaan sa kaliwang balikat si Timothy ay hindi ito nagpatinag. Mabilis itong tumakbo palayo sa dalawa, ngunit mabilis namang humabol si Trinity. Nagpalukso-lukso ang dalawa sa bawat sanga na nadadaanan nila, mabilis ang bawat galaw. Sa isang hakbang paitaaas ay naglaban mula sa ere ang dalawa. Tanging mga mararahas na hampas ng hangin ang maririnig sa buong paligid.
Si Edmundo'y nanatiling nakamatyag lamang sa likod ng isang malaking puno. Rinig na rinig niya ang hiyawan ng dalawang nilalang. Tila mga halimaw na umaatungal sa gitna ng kakahuyan, magaalas-dose na ng gabi kaya lalo siyang kinikilabutan. Dahil patuloy lang rin ang mabigat na ulan na sinasabayan pa ng malakas na kulog at matatalim na kidlat na nagmumula sa madilim na langit.
Napadapa si Edmundo kasabay ng paggapang niya sa basang lupa. Bigla siyang napasigaw ng may isang puno ang natimbawang sa kanyang harapan, kamuntik na siyang madanagan nito kung hindi siya tumigil.
Patuloy pa rin ang labanan nina Trinity at ni Timothy lalong nangilabot si Edmundo ng makarinig siya ng sunod-sunod na alulong ng lobo sa may 'di kalayuan.
"Halla! Ba't may ganoon?"puno ng kilabot na anas ni Edmundo sa kawalan.
Labis siyng nagtataka sa tinagal-tagal na niyang naninirahan sa kakahuyan ay ngayon lang siya muling nakarinig ng alulong ng isang lobo. 'Di yata at tama ang sinabi ni Trinity sa kanya na hindi pangkaraniwang nilalang lamang ang lalaking kalaban nga nito ngayon.
Natakpan ni Edmundo ang mga mata ng makita niyang malakas na naihampas sa malaking puno ang lalaki. Kasabay niyon ang pag-ipit ng malakas ni Trinity sa leeg ni Timothy gamit ang kanang braso.
Napangiwi naman si Timothy kasabay ng mariing pagpikit nito ng mata, kitang-kita ni Edmundo ang labis na natamong mga sugat ng lalaki. Natitiyak niyang labis na itong nanghihina, dahil halos 'di na matanggal ng lalaki ang braso ni Trinity.
Nanatiling nakatunghay si Trinity kalakip ng nanlilisik na mga matang namumula. Si Timothy ay tuluyang bumalik sa dati, ang mga mata nito'y naging asul na uli.
"B-bitiwan m-mo a-ako!"paputol-putol na sambit ni Timothy sa kaharap na babae.
Hindi niya aakalaing napakalakas nito, lalo siyang nagulat dahil bukod kay Kendra ay may isa pa palang kalahi nito ang natira. Ang masaklap ay tila hindi basta-basta ito ordinaryong bampira kung 'di isa ito sa mga purong bampira nabuhay pa. Pinagmasdan ni Timothy ang kaharap, kasabay ng biglang paglalakbay sa hinaharap ng isip ni Timothy.
Kitang-kita niya sa balintataw ang masayang mukha nito na nakayakap sa kaniya, habang binibigkas ang mga salitang never niyang na-expect. Bigla naman siyang nabitiwan ni Trinity.
Agad ang pagbulusok ng binata mula sa basang lupa. Mabilis na sumagap ng hangin si Timothy, nanatili pa rin nakatutok sa babae ang kanyang paningin. Nanatili ito mula sa itaas ng puno, natulala na ng tuluyan sa mga sandaling iyon.
Kahit madaming natamong sugat ay minabuti na ni Timothy ang tumakbo kasabay ng pagtalon nito sa tubig sa ibaba ng talon. Agad namang itinutok ni Edmundo sa lalaki ang riple habang patuloy ito sa pagtakbo, ngunit sa pagkabigla nito'y nasa tabi na niya si Trinity. Nasa mukha nito ang kalituhan, agad siya nitong pinigilan bago pa man niya makalabit ang gatilyo.
"B-bakit Trinity? Kita mo nakatakas na!"naguguluhang bigkas ni Edmundo na napapasmirk pa.
Gusto niyang hampasin si Trinity gamit ang hawak na baril, dahil hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukute nito at hinayaan nitong makatakas ito.
Mula sa pagbaling ng tingin ng binata, nakita niya ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa mata nito. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala rito, mahalaga kay Edmundo si Trinity hindi dahil sa may utang na loob siya rito. Sapagkat kung hindi dahil dito ay matagal na siyang wala rito sa mundo, iniligtas kasi siya nito ng minsan atakehin siya ng mabangis na hayop dito sa mismong kakahuyan. Ang pangunahing libangan niya dati ay panghuhuli ng mga wild animals.
Bagamat hindi ito pangkaraniwang nilalang ay hindi iyon hadlang para mahalin niya ito. Higit pa sa pakikipagkaibigan ang nais ni Edmundo, ngunit nanatili lamang pagtinging kaibigan ang nais ibigay ni Trinity sa kaniya. Naintindihan naman niya ito kahit sobrang sakit lang na nalaman niyang hanggang doon lang talaga sila nito.
Ang sabi nito ay hindi pa kasi ito nakakalimot sa lalaking minahal nito dati sa mundo ng mga ito. Labis itong nasaktan dati, dahil mas pinili nitong lumayo sa piling niya ang lalaking minahal nga nito.
Napakunot-noo si Edmundo ng tila wala sa sarili itong naglakad palayo mula sa kaniyang kinaroroonan. Kasabay ng bigla nitong pagtimbawang sa kaniyang harapan.
Mabuti nalang at maagap si Edmundo, dahil bago pa man ito mapasadlak sa lupa ay nahawakan na niya ito.
"Hindi m-maari, p-paanong nangyari iyon?"tila wala sa sariling sabi ni Trinity. Dahan-dahan niya itong inalalayan.
"Ang alin?"maski siya'y naguluhan na rin dahil sa paputol-putol na pagsasalita ni Trinity.
Napatingin si Trinity sa mga mata ng kaharap. Naipinid niya ang labi, kasabay ng pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan kung saan kahit saglit ay naramdaman niya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.
Pagmamahal na natagpuan niya sa hari ng mga lobo, ang lalaking minahal niya sa unang pagkakataon at hinayaan niyang makapasok sa kanyang buhay...
PS.
Sa mga nagbabasa po neto. Naka-PTR na po kasi ito sa Dreame. Naroon po ang kabuuan niya. Pasensya na po at salamat sa pang-unawa. Spread Love not hate po tayo! ❤️😘
SOON TO BE PUBLISHED UNDER RM PUBLISHING HOUSE Narin po ito. Just DM me to my Gmail account @eloizafernando7@gmail.com thankyou if want niyo po ng physical book copy maka avail po kayo. Check niyo na lang po niyo ang FBpage account ko: @babz07aziole