Chapter 7 - CHAPTER FIVE

NANATILI lamang nakadungaw sa labas ng bintana si Kendra mula sa kinauupuan.

Kahit kalat na ang dilim at halos wala ng maaninag sa labas, malinaw na malinaw pa rin ang nakikita ni Kendra sa labas. Mariin siyang napapikit habang hinayaan niya ang sariling makiramdam sa kanyang paligid.

Maski ang ilang kilometro ang layo mula sa kaniyang kinaroroonan ay malinaw niyang nadidinig. Ang mga huni ng sasakyan sa mga iba't-ibang panig at mga taong naglalakad na magkausap, habang nakikisabay sa daloy ng trapiko.

Mga iba't-ibang klase ng ingay na nagbibigay ng malakas na pakiramdam sa kaniya. Kaya upang lalong maging aktibo ang mga senses niya. Minsan nagagamit niya ang kakaibang kakayahan sa pagligtas ng mga taong nangangailangan ng madaliang tulong. Katulad nalang sa babaeng nailigtas niya noong isang gabi mula sa lalaking muntik ng manamantala rito.

Speaking of isang gabi, ilang beses na siyang nagpabalik-balik sa kakahuyan kung saan niya nakita ang estranghero. May bago siyang misyon ngayon, kailangan niyang malaman ang pagkakakilanlan nito. Dahil magmula ng makita niya ito--- never na siyang natahimik. Parang may kung ano itong naisaling sa kaniya na hindi niya mabigyan ng paliwanag.

Tila may laging bumubulong sa kaniya na may ibig ipahatid sa kaniya ang lalaki. Na malaki ang magiging papel nito sa buhay niya.

Buhat sa naiisip ay bigla nalang siya mangingilabot, kasabay ng biglang pagragasa sa kaniya ng mga kakaibang damdamin...

Damdamin na katumbas ng pangungulila sa isang nawawalang alaala ng nakalipas, tila missing piece sa isang puzzle jigzaw ito. Na kung 'di niya mahahanap, manatili siyang kulang...

Napatigil sa paglilimayon ang utak niya ng marinig niya mula sa hallway sa labas ng kanilang classroom ang papalapit na yabag patumbok sa kinaroroonan nilang silid-aralan.

Laking pagkamangha niya ng makita niya mula sa nabuksang pintuan at iniluwa niyon ang lalaking patuloy na gumugulo sa kaniyang isipan.

Nanatiling nakababa ang hood ng kaniyang suot na itim na jacket mula sa kaniyang ulo, habang kitang-kita ng dalawang mata niya ang bawat galaw nito sa harap. Marahan nitong ipinatong sa lamesa ang mga dala-dalang nitong kagamitan, agad itong nagsulat sa white board.

"Timothy Grae" mahinang usal ni Kendra.

"So siya ang bago naming prof sa agham."naiusal ni Kendra mula sa isip. Biglang lumipad ang tingin nito sa kanya, tila narinig nito ang sinabi niya mula sa isip. Agad niyang binura iyon sa isip, imposible iyon.

Agad niyang inalis ang hood ng jacket niya, ayaw niyang masabihan na bastos siya. Unang beses pa naman itong magtuturo sa klase nila. Ang pananahimik niya mula sa kaniyang kinaroroonan ang siyang naging hudyat upang malinaw niyang marinig ang mga nasa isip ng mga kaklase. Lalo na sa mga babaeng kaklase na kilig na kilig sa bago nilang prof.

Sabagay napakakisig nito.

Mabilis niyang itinuon sa nagsasalitang si Timothy ang pansin niya.

"I'm Timothy Grae, 30 years old at.."pagpalakilala nito ngunit naputol ang sasabihin nito ng agad na sumabad si Craeyah. Ang spoiled brat na bitch sa batch nila.

"Are you married sir?"malandi nitong tanong rito.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkairita sa mga sandaling iyon, ewan niya kung bakit nakakaramdam siya rito ng kung anu-anong damdamin. Bukod sa napakamisteryuso nito sa kaniya ay hindi pa niya ito lubusang kilala.

"I'm not yet married, so if you don't have any question. We can start our class now. So stop asking about me, because I'm not here to tell about who am I. I'm here to teach you and to build you up, to learn." Suplado nitong sabi, kasabay niyon ang paglabas ng isang papel.

Agad nitong ipinasa sa isang estudyanteng nakaupo malapit rito.

"Write your full name, age, adress and email add then sign in the last column. It's your attendance today class."malamig nitong tugon na nagpatahimik sa buong klase nila.

Habang nagsusulat isa-isa ang mga kaklase ni Kendra mataman naman silang nagtitigan, hanggang sa mapadpad nga sa kaniya ang papel. Mataman pa siyang nag-isip kong isusulat nga niya ang buo niyang pangalan. Pero kalaunan ay inilagay nalang niya iyon.

At dahil nasa hulihang upuan si Kendra ito na mismo ang nagbigay rito ng attendance sheet. Agad niyang ipinatong iyon sa harapan ni Timothy, nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan ng hindi niya sinsadyang maidikit niya ang palad niya rito.

Mabilis ang naging reaction niya, agad niyang inilayo ang kamay na tila napaso mula sa pagkakadikit sa balat nito. Agad siyang naglakad pabalik sa kaniyang upuan ng makabawi sa pagkabigla, ramdam niya ang tingin nitong nakasunod mula sa kaniyang likuran.

Agad siyang umupo, pabagsak ang ginawa niya. Kaya upang gumalaw ang lamesa niya at umingay iyon. Nasa mga mata naman ng binata ang pagkaaliw sa pagkakakataranta niya.

Tumaas ang sulok ng labi nito, nagsalubong ang kilay ni Kendra. Mukhang pinagtritripan siya ng bago nilang guro. Mukhang makakatikim ito sa kaniya mamaya ng sapak.

Napasinghap siya kasabay ng pamumula niya ng pisngi ng tuluyan itong ngumiti and my God napakaguwapo nito. Maski ang mga babae niyang kaklase ay ganoon din ang naging reaksiyon.

Tang ina kung ganito ba naman kaguwapo ang magiging teacher mo sa panggabing klase, gaganahan ka ngang talaga na pumasok.

Ibinaling nalang niya ang pansin sa labas, habang patuloy ang pagtatawag ni Timothy ng mga pangalan na sinasabayan naman ng mga natawag ang pagtataas mg kamay at pagsasabi ng katagang "Present" tanda na ito ang kanilang pangalan.

Gustong humalakhak ng binata dahil sa mga kakatwang ikinilos ng isa niyang estudyante. Nagalak siya ng labis na ang babaeng nakita niya sa kakahuyan at ito ay iisa. Minabuti na lamang niyang magtawag ng pangalan ng mga magiging estudyante niya.

Sa mga nakalipas na araw ay pinag-aralan niya ang buhay sa mundo ng mga tao. Madali lang naman dahil meron siyang nakilalang mortal bago siya makalabas ng kakahuyan. Ito rin ang nakuhanan niya ng pansamantalang trabaho ngayon. Kumbaga front lang ang lahat, mabuti nalang at nagawa niyang mahipnotismo ito.

Nagtataka lang siya sa mga kakayahan na ngayon niya lang natutuklasan habang tumatagal. Ang sabi ni Merlous ng makausap niya ito mula tubig ng talon ay walang kakayahan na makabasa ang mga lahi ng lobo sa isip. Maski ang magteleport ay hindi rin nila nasasakop iyon. Pakiramdam niya unti-unting nag-iiba ang lahat sa kaniya na tila may nais kumawala sa kaloob-looban niya. Muli niyang ibinalik ang pansin sa babaeng nakasuot ng itim na jacket. Nasa labas parin ang pansin nito, hindi alintana ang pagkakatitig niya sa kabuuan nito. Bigla siyang nakaramdam ng kung ano habang malagkit niyang tinititigan ang maganda nitong mukha, lalo ang mamula-mula nitong labi na alam niyang natural ang pagkakapula. Tila kay sarap nitong halikan, muli... iniwas niya ang pansin sa babae.

Huling pangalan nalang ang babanggitin niya at alam niyang sa babaeng iyon ang nagmamay-ari. Memoryado na rin niya ang bawat mukha at pangalan ng bawat estudyante niya, naging matalas ang memorya niya; magmula ng dumating siya sa mundo ng mga mortal.

Agad na niyang ichineck ang huling pangalan, natigilan si Timothy matapos niyang makita at mabasa ng buo ang pangalan nito. Napalunok siya kasabay ng biglang pamumuo ng mabigat na emosyon sa kaniyang dib-dib. Bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang sa mga sandaling iyon.

"Sandoval, Kendra..."marahang bigkas ni Timothy. Agad na lumingon si Kendra kasabay ng pagtataas ng kamay nito.

"Present!"

Sa isamg kisap-mata'y biglang tumigil ang lahat. Bagamat nabibigla si Kendra ay hindi naman makaapuhap ito ng mga salita, labis-labis ang kabang sumalakay sa kaniya ng mga oras na iyon.

Napalunok siya ng nanatiling nakatitig ang mga mata ni Timothy sa kaniya na may lakip ng galit.

"Mag-uusap tayo Kendra, pagkatapos ng klase..."marahan na bigkas nito. Kasabay ng paggalawan muli ng lahat.

Pinagpawisan ng malapot si Kendra, pakiramdam niya hindi magiging maganda ang kahahantungan ng kanilang pag-uusap.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag