Chapter 6 - CHAPTER FOUR

NAGPAALAM na si Kendra sa kaniyang ina, mag-aalasyite na ng gabi kaya binilisan niya ang galaw. Mahuhuli na siya sa klase niya sa University na kaniyang pinapasukan.

Panggabi ang klase niya dahil mas kumportable siya sa gabi, sa umaga naman ay tumutulong siya sa Mama Aliyah niya at Tita Trinity niya sa pagiimbalsamo.

Mabilis niyang tinalunton ang kakahuyan na nasa likuran ng kanilang bahay, ito ang dinadaanan niya kapag kailangan niya ng short cut na madadaanan.

Habang tumatakbo ramdam na ramdam niya ang malamig na pagaspas ng hangis sa kaniyang mukha, pakiramdam niya malayang-malaya siya sa mga oras na iyon.

Maliwanag ang dinadaanan niya sapagkat nakatanglaw sa kaniya ang bilog na bilog na buwan. Maiksi pa niya itong tinapunan ng pansin habang mabilis siyang tumatakbo at lumulukso sa mga sanga ng nagtatayugang puno. Mabilis ang ginawa niyang pagtakbo ng tulad sa pangkarerang sasakiyan, dahil dalawang minuto na lamang ang nalalabi bago ang una niyang subject niya ngayong gabi. Ito na ang huling semester niya, kaya pinagbubuti na niya ang pag-aaral.

Isang mataas na pagtalon ang ginawa niya mula sa ere. Buhat sa kinaroroonan kitang-kita niya ang buong kakahuyan, pero biglang sumikdo ng pagkalakas-lakas ang tibok ng kaniyang puso.

Mula sa isang parte ng kakahuyan, kung saan may makikitang talon ay may naaninag siyang pigura ng isang tao.

Never pa siyang nakalapit roon dahil mahigpit siyang pinagbawalan ng ina na huwag lumapit roon. Ang sabi nito ay masiyadong delikado, kaya never talaga siyang nagbabalak na puntahan iyon.

Mula sa malayo kitang-kita niya ang mala-asul nitong mata na nakatitig din sa kaniya. Isa siyang bampira, kaya may kakayahan siyang makita ang kaliit-liitang bagay buhat sa malayo. Maski ang magaganap palang ay kaya rin niyang masilayan, sa maling tapak ng paa ay mabilis siyang sumadsad sa ibaba.

"A-aray ko naman!"malakas niyang daing matapos siyang lumagapak sa lupa. Mabilis ang naging pagbulusok niya paibaba, kaya upang hindi niya natantiya ang pagkahulog. Unang tumama ang balakang niya kaya hindi siya agad nakatayo.

Napaigik siya ng pinilit niyang tumayo, marahan niyang hinimas-himas ang nasaktang parte ng may isang pares ng binti ang tumigil sa kaniyang harapan.

Napadako ang kaniyang paningin sa nagmamay-ari ng mga binting iyon, napalunok siya ng makita ang kabuuan nito. Kahit nahihirapan ay pinilit na niyang tumayo, agad na nagpantay sila ng lalaking nasa harapan niya ngayon.

Labis siyang nagtaka kung paano nakarating ito kaagad mula sa kaniyang kinaroroonan. Tatlong kilometro rin ang layo ng talon mula sa kaniyang kinaroroonan, kahit may sasakiyan ito hindi ito agad-agad makakarating. Puwera lang kung hindi ito tao, baka isa rin itong bampira?

Inihanda niya ang sarili kung sakali man may balak itong masama sa kaniya.

Nanatili naman nakatitig si Timothy sa dalaga, kitang-kita niya sa mukha nito ang labis na pagkagulat ng makita nga nitong bigla na lamang siya sumulpot sa kung saan.

Alam niyang nakita siya nitong nanggaling siya sa talon, kaya hindi niya ito masisisi o magtataka ito kung bakit ganoon na lamang siya kabilis nakarating sa kinaroroonan nito.

Hindi niya aakalaing ang daan palabas ng Acerria ay hindi naman pala ganoon kapanganib, upang makarating sa mundo ng mga tao. Hindi man lang siya pinagpawisan na labis niyang ipinagtaka. Ngunit ang sabi dati ng Amang hari niya na si Zandrew ay madaming mga mababangis na hayop ang naglipana sa buong kakahuyan na kaniyang dinaanan ng minsan nagpunta nga ang mga ito roon.

Maski ng makalabas siya ay wala man lang siya nakita, baka marahil nang maubos ang mga lahi ng bampira sa Acerria ay tuluyan na rin kayang nawala ang mga mababangis na hayop. Ewan, hindi niya alam; ang importante sa kaniya ngayon ay mahanap niya si Kendra. Anak ng nasirang hari ng mga bampira, tanging palatandaan niya dito ay ang pilat na ginawa ng ama niya noong ito'y bago naitakas ng ina nitong mortal. Sigurado si Merlous na dito nagpunta ang mag-ina dahil wala naman silang mapupuntahan, bukod sa mundo lang ng mga mortal.

Napabalik ang isip niya ng marahan siyang tinapik sa pinsgi ng babae, napakunot-noo siya rito habang nakatitig.

Sa tingin niya tila 'di naman ito nasaktan sa nangyari rito. Ipinagtaka niya iyon, dahil masiyadong napakataas ng kinahulugan nito.

"Hoy sino ka at ano ang ginagawa mo rito?"agad na usisa ni Kendra may lakip na pagtataka ang mababaghan sa tinig nito. Maski ito'y ingat na ingat.

Hindi niya alam kung anong klaseng nilalang ang kaharap, bukod sa ibang klase ang pagkakadisenyo ng kasuutan nito'y ngayon lang din siya nakakilala ng tao na mala-asul ang kulay ng mga mata.

"Napadaan lang ako binibini, ang mabuti pa ay umuwi ka na. Gabi na..."agad nitong sagot sa tanong niya. Pinakatitigan siya ni Kendra, pilit niyang binabasa ng isip nito. Ngunit nabigo siyang alamin ang nasa isip nito.

First time na mangyari iyon na labis niyang ipinagtaka, lalo tuloy siyang naghinala na hindi ito basta-basta tao lamang. Kung 'di isa rin sa mga kakaibang nilalang na naririto sa mundo. Napaatras siya kasabay ng pagtalikod.

"Aalis na ako estranghero, sa muli nating pagkikita malalaman ko rin kung sino at ano ka talaga!"bigla niyang deklara, kasunod niyon ang bigla niyang pagtakbo papuntang dilim. Kaya upang agad itong naglaho.

Naiwan naman si Timonthy na hindi man lang nakahuma, tila nakaramdam siya ng panghihinayang sa mga sandaling bigla nalang nawala ang dalaga sa kanyang harap. Hindi man lang niya nalaman ang pangalan nito o kaya sana naihatid man lang niya ito kung saan man ito tumutuloy.

Ipinilig na lamang niya ang ulo, saka siya nag-umpisang maglakad palayo. Kailangan niyang magmadali nagbigay lamang ng ilang araw na palugit si Hanzul.

Mula sa itaas ng puno kitang-kita niya ang paglalakad ng lalaki, bukod sa mga napansin niyang kakaiba rito ay wala na siyang ibang napansin. Hindi niya lamang nagustuhan ang biglang pag-iiba ng pakiramdam niya magmula ng magtagpo nga ang mga mata nila ng estranghero.

May lakip na kaba at takot ang biglang bumalong sa buo niyang sistema, may isang bahagi niya na gusto pa niyang palawigin ang pakikipagkilala rito. Ngunit mas nanaig pa rin ang pakiramdam niya na 'wag siyang agad magtitiwala. Lalo ngayon, kakikita niya lang rito. Unang beses at sana huling beses na rin sana...

Nang hindi na niya matanaw ang lalaki, nagmadali na siyang bumalik sa kanilang tahanan. Nagtaka pa ang Mama niya at ang Tita Trinity niya kung bakit agad-agad siyang bumalik ng bahay.

Dumiretso muna siya sa kanilang ref. At agad niyang sinalinan ang baso ng malamig na tubig buhat sa pitsel na kinuha niya sa loob.

"Oh ano iha 'di ka na sumagot, mukhang namatanda ka na yata!"natatawang bigkas ng Tita Trinity niya.

Hindi siya tumawa sa sinabi nito, bagkus nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam na ngayon niya lang naranasanan sa tanang-buhay niya. Kahit kailan hindi siya natakot, pero magmula ng magtagpo sila ng lalaking iyon ay alam na niya ngayon ang pakiramdam na may kinatatakutang bagay.

"May problema ba anak?"agad na tanong ni Aliyah sa anak. Agad na tinapunan ni Kendra ang palad na dumaop sa kamay niyang nakapatong sa kanilang lamesa. Pinilit niyang ngumiti rito.

"W-wala Ma, hmmm sumama lang ang aking pakiramdam. Kaya hindi ko na itinuloy ang pagpasok."agad na alabi ni Kendra. Ngumiti pa siya ng pilit para lalong hindi na ito mag-usisa pa.

"Ah ganoon ba anak, kung ganoon pumunta ka na sa silid mo at ng makapagpahinga ka. Tatapusin ko lang din itong isang bangkay na idinating ngayon-ngayon lamang."pamamaalam ng kaniyang ina sa kaniya.

Patuloy lang siyang lumalagok ng tubig ng bigla niyang maibuga ito. Nanlalaki ang mga matang tumitig siya sa Tita niya.

"Saan mo siya nakilala Kendra, may sinabi ba ang lalaking iyon sa iyo?"puno ng pag-aalalang tanong nito kay Kendra.

"W-wala po, bigla po akong umalis t-tila nakaramdam ako ng..."ngunit 'di pa natatapos ang sinasabi ni Kendra ay agad ng sumabad si Trinity.

"Takot? Nakaramdam ka ba ng takot iyon ba Kendra ang naramdaman mo kanina."

Sa kawalang ng masasabi ay tumango na lamang siya, agad na umupo si Trinity sa kaibayong upuan. Mataman itong nag-iisip, wala talagang maililihim si Kendra rito. Dahil parehas silang may kakayahan na bumasa ng iniisip. Biglang natuon ang pansin ni Kendra sa Tita niya ng muli itong umimik sa kaniyang tabi.

"Basta lagi ka lang mag-iingat iha, nararamdaman ko muli tayong babalikan ng mga nilalang na iyon. Hayaan mo nandito lang ako hindi ko hahayahang magtagumpay sila!"mariin na bigkas nito.

Maski siya'y patuloy na binabagabag ng tungkol sa lalaking nakita niya sa kakahuyan, ang maamo nitong mukha at ang mga mata nitong nakakahalina...

Biglang napabalik ang pansin niya ng muling nagsalita ang Tita niya, nakatayo na ito at nag-umpisa ng lumabas ng kusina.

"Pero Kendra, alalahanin mo 'wag na 'wag kang mahuhulog sa isang iyon."punong-puno ng paalalang bilin sa kaniya nito. Na lalong nagpabilis ng pintig ng kaniyang puso.

Ano ang ibig sabihin ng Tita niya? Na maari siyang magkagusto sa estrangherong may mala-asul ang mata?

"No Tita, mark my word!"

Tinitigan siya nito ng matagal bago muling ipinagpatuloy ang pag-alis.

Nagpapatawa ba ito. Tawa lang niya, ngunit bakit pakiramdam niya tila mabuway ang kaniyang pagkakasabi.