TAHIMIK na pinagmamasdan ng hari ng mga Lobo ang mga bagong silang na alagad na nasa malalim na hukay sa tagong silid sa kaniyang palasyo.
Tuwang-tuwa siya sa nakikitang pag-aagawan ng mga ito sa karne na kaniyang ibinabagsak mula sa mataas na bahaging kaniyang kinalalagyan. Umaalingaw-ngaw ang mababalasik na huni ng mga ito, napatigil siya sa ginagawa ng marinig niya ang pagbukas ng pinto mula sa kaniyang likuran.
Nagsalubong ang kilay niya, pagkatapos ay agad ang pamumutla nito ng tuluyan na niyang mapagsino ang lalaking mapangahas na pumasok sa pribadong silid na kaniyang kinaroroonan.
"Kamusta ka na kaibigan?"
bungad nito, kasabay ng pagbabagong anyo nito.
Agad na nagpalit ng anyo ang lalaki, humaba ang nguso nito. Tinubuan ito ng mga pangil, matingkad na pulang balahibo ng lobo ang kulay nito. Habang ang mga mata naman nito ay kulay asul.
Agad nitong dinakma si Zandrew gamit ang matutulis nitong pangil, hindi man lang nakahuma ito dahil na rin sa labis na sindak na bumalot sa kaniyang sistema. Umalingaw-ngaw ang nagmamakaawa at nag-aagaw buhay na boses ng hari ng nga lobo sa buong silid. Kasabay ng patuloy na pagngasab ng estranghero sa kaniyang ibat-ibang parte ng katawan.
Tinigilan lamang siya nito ng humiwalay na ng tuluyan ang kalahating katawan nito, nagkalat ang bahagi ng katawan ni Zandrew sa iba't-ibang panig ng silid. Sinasayaran ng masagana niyang dugo ang lapag, ngunit nanatili pa rin na buhay ang hari, gumapang ito palapit sa estranghero na may lakip ng galit ang mga matang nakatunghay sa kaniya.
Sumuka na ng dugo si Zandrew, maski ang ilong mata at tenga ay inagusan na rin ng mapula nitong dugo. Bago bawian ng buhay ang hari ng mga lobo ay meron pa itong naibigkas na mga salita.
"H-hinding-hindi mo m-makakamit ang tronong matagal mo ng hinahangad! H-hindi ka p-payagan ni Timothy..."paputol-putol nitong bigkas, kasabay ng pangangapos nito ng hininga.
Unti-unting bumalik sa dating anyo ang estranghero ngunit nanatili pa ring nakapaskil sa labi nito ang kakaibang ngisi.
Isa-isa nitong pinagpupulot ang katawan ni Zandrew, tanging ang kalahating katawan lamang nitong may ulo niya ang hindi niya ginalaw. Dahan-dahan siyang lumapit sa malalim na hukay kung saan naroroon ang mga halimaw na bagong silang ng hari ng mga lobo.
Agad niyang inihulog roon ang mga parte ng katawan ng hari, sinakop ng maluwang na silid ang nakakakilabot nitong tawa.
Agad ang paglabas ni Merlous--- ang hari ng mga Zombie, yumukod ito sa kaharap.
"Maligayang pagbabalik Haring Hanzul, mukhang natagalan ang pagparito mo rito."masayang pagbati nito.
Nanatili namang nakatutok ang pansin ng lalaki sa ibaba, tila may malalim na iniisip.
"Mayroon lang akong inasikaso, siya nga pala nasaan s-si Trinity?"agaran nitong pagbubukas ng paksa matapos ang mahabang patlang.
Hindi agad nakaimik si Merlous, nagdadalawang-isip itong sabihin sa kaharap ang nalalaman niya sa babae. Kababalik lang nito, iba pa naman itong magalit.
"Merlous, inuulit ko... nasaan si Trinity!"mabalasik na pang-uulit nitong tanong kay Merlous.
Wala na itong nagawa kung 'di sabihin sa kaibigan ang nangyari sa babaing minamahal nito.
"H-huwag ka sanang mabibigla, hmmmm.. matagal ng wala dito sa mundo ng Acerria si Trinity. A-ang alam ko pinaslang siya ni Zandrew noong mga unang taon ng pagkawala mo."
Mabilis na napabaling ang sulyap ni Hanzul kay Merlous, sa isang kisap-mata ay agad-agad ang pagpapalit ng anyo nito. Muli naging isang mabangis na nilalang na naman ito, labas ang nagtutulisang pangil na dumamba ito kay Merlous.
"Bawiin mo ang sinabi mo Merlous, n-na buhay pa siya!"halos maglabas ng apoy ang mga mata nito habang nakatunghay kay Merlous. Labis-labis ang kabang namahay dito, mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya.
Ito ang orihinal na hari ng mga lobo mas triple ang lakas nito kumpara kay Zandrew. Pwedi siyang mamatay anumang sandali kung gagawin nito.
"Patawad H-Hanzul p-pero iyon ang totoo..."nginig ang tinig na naibulalas ni Merlous ang mga salita.
Unti-unti namang lumayo ito, kahit paano nakita niyang nagpigil lamang ito. Meron din naman itong soft side, alam nitong narito ang loyalty niya.
Mula sa kinatatayuan, kitang-kita niya ang pagmamalabis ng masaganang luha sa mala-asul nitong mata. Sadyang madamot ang kapalaran rito, maski ang nag-iisa nitong minahal na babae ay nawala pa dahil sa makasariling hangarin ni Zandrew.
Tanging si Trinity lamang ang nakakapagpatahimik rito kapag ganitong masama ang timpla ng kaibigan.
Parehas silang napalingon sa pintuan ng humahangos na tumakbo paloob si Timothy. Agad nitong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa, sa huli napako ang mata nito sa ama nitong si Zandrew.
"Ama! Ama ano ang nagyari? Merlous anong nagyari kay Ama!"nagsisigaw na tanong nito sa kanilang dalawa.
"Sinong may gawa nito kay Ama? Sumagot ka Merlous! Ikaw ba ang gumawa?"puno ng galit at hinanakit na bintang sa kaniya ng binata. Nang hindi sumagot si Merlous ay nagmadali itong lumapit kay Zandrew na nanatiling nakahandusay sa lapag, habang nakababad ito sa sariling dugo. Kalunos-lunos ang sinapit nito.
Nasa kasaganaan ng pagdadalamhati ang puso ni Timothy ng magsalita ang hindi niya kilalang bisita ng ama, actually siya ang nagpapasok sa lalaki dahil mukhang mapagkakatiwalaan naman ito. Ang totoo tila magaan ang loob niya rito na hindi pangkaraniwan para sa kaniya. Sapagkat unang beses pa lamang niya itong nakikita, tila pakiramdam niya matagal na niya itong nakilala. Hindi niya lang maalala kung kailan at paano nangyari iyon.
"Ako ang pumaslang sa kaniya."walang bahid ng emosyon na saad nito buhat sa kaniyang tabi.
Bigla ang pagsiklab ng galit mula sa kaibuturan ng kaniyang puso, agad na sana siyang magpapalit ng anyo ng bigla siyang hawakan sa braso ni Merlous, maiigi siya nitong pinakatitigan.
Tila ipinaparating nito sa pamamagitan ng mga mata na 'wag niyang ituloy ang gagawin. Kahit masamang-masama ang loob ay sinunod niya ito, ayaw niyang magpadalus-dalos.
Mabilis na lumakad palayo si Hanzul, muli nitong ibinalik sa mga bagong silang na halimaw sa malalim na hukay ang pansin nito.
"So ikaw ang nag-iisang anak ng kaibigan kong traydor na si Zandrew!"mabalasik nitong sigaw.
Bigla nakaramdam ng takot sa mga oras na iyon ng makita niya ang galit na galit na mata nito. Anumang oras ay tila papatayin siya nito. Muli ay itinuloy nito ang pagsasalita.
"Nang dahil sa ama mo ay kailangan kong umalis, ibinilin ko sa kaniya ang pinakaimportanteng babae sa akin. P-pero ano ang ginawa ng ama mo... pinatay niya ang nag-iisang babaing minahal ko, demonyo siya!"Gigil nitong sabi, kasabay nito ng mabilis na pagpapalit ng anyo nito. Agad itong sumugod sa natigagal na binata. Ngunit mabilis na humarang si Merlous.
"Tumabi ka Merlous kung ayaw mo na ikaw ang unahin ko!"pagigil nitong banta kay Merlous.
Ngunit hindi tuminag ito, nanatili lamang itong nakaharang.
"Hindi kita mapagbibigyan sa bagay na iyan Hanzul. Para ko ng anak si Timothy, kaya kung maari ay huwag mo siyang isali sa galit mo kay Zandrew. Iba si Timothy sa kaniya!"matatag nitong sabi.
Agad na iniiwas ni Hanzul ang sarili, mayamaya bigla itong nagsalita.
"Kung ganoon magsilbi siya sa akin, patunayan niya ang katapatan niya sa akin. Kung ayaw niyang pati siya ay agawan ko ng buhay. Nais kong papuntahin mo siya sa mundo ng tao at hanapin ang huling bampira na sinalinan ng hari ng mga bampira ng kapangyarihan para maging imortal!"deklara nito na nagpakaba sa kanila.
"P-pero paano ko siya papupuntahin sa mundo ng mga tao at dakpin si Kendra, kung ang natatanging daanan lamang ay ang kakahuyan. Na tanging lahing bampira lamang ang nakakapasok at nakakalabas ng buhay."mahabang eksplika ni Merlous.
Muli mahabang patlang na naman ang namayani, muling nagsalita si Hanzul na may lakip na ng sarkasmo ang tinig.
"Sundin mo na lamang ang inuutos ko, kung gusto niyo pang mabuhay. Kung ayaw niyong wasakin ko ng tuluyan ang Acerria..."pagtatapos nito, kasabay ng paglalakad nito palabas ng pintuan.
Nagtinginan silang dalawa, binalong ng pangamba at takot si Merlous sa mga oras na iyon. Alam niyang tototohanin ni Hanzul ang sinabi kapag hindi sila sumunod sa inuutos nito. Mabilis ang naging pagbaling ng tingin ni Merlous buhat sa mga salitang binitiwan ni Timothy.
"Huwag kang mag-alala Merlous, pupunta ako ngayon sa mundo ng mga tao. Ano man ang mangyari ay muli kong ibabalik si Kendra para sa kaligtasan ng mundong Accerria!"mariin nitong pagkakasabi, kasabay ng pagkakakuyom ng mga kamao ng binata. Habang nanatiling nakalingon ng matalim sa pintuang nilabasan ng totoong Hari ng mga lobo na si Hanzul.