Chapter 4 - CHAPTER TWO

KASALUKUYAN...

MATAMANG nakatitig mula sa madilim na kalsada ito, kitang-kita niya ang lalaki na palihim na sumusunod sa dalagang may kausap sa hawak nitong aparato.

Nasa itaas siya ng puno ng narra kung saan kasalukuyan siyang nakatayo at pinagmamasdan ang bawat galaw ng lalaki na tila may masamang binabalak sa babaeng sinusundan.

Sa isang mabilisang galaw agad na nakalapit ang lalaki sa babae, hindi ito agad nakasigaw dahil mabilis na tinakpan ng lalaki ang labi nitong mamula-mula pa; dahil sa lipstick. Nagpumiglas ito ngunit bigla itong nanigas dahil sa agad itong tinutukan ng lalaki ng patalim sa beywang.

"Huwag ka ng pumalag, kung ayaw mong isaksak ko itong hawak kong patalim sa'yo!"marahas at may lakip ng gigil na anas ng lalaki. Nagpalinga-linga pa ito, upang masigurong walang tao.

"P-para mo ng awa k-kuya, kunin mo na ang lahat sa a-akin... huwag mo lamang ako sasaktan!"impit nitong pagsusumamo sa lalaki, kasabay ng pag-uumpisa na nitong maiyak.

Ngunit tila bingi ang lalaki at agad siyang kinaladkad papunta sa madilim na parte ng kalsada, kung saan ang daan papunta sa abandonadong lote.

Nagpapalag na ang babae sa labis na takot, nakikinita na nito ang malagim na dadanasin niya sa lalaki.

Napasadsad sa lupa ang babae, habang patuloy ang pagtangis at pagmamakaawa nito sa lalaki. Tigma-tigma na ang luhang pumapatak sa malabanos na mukha nito, unti-unting naghulasan ang make up nito.

Halos masuka ang lalaki sa nakita, makapal lang pala ang make up nito kaya napagtakpan nito ang naglalakihang pimples. Maski ang black heads nito.

Ngunit no choice siya, tigang na tigang na siya. Wala siyang kita ngayon sa pagbebenta ng droga, dahil lalong humigpit ang seguridad sa kanilang lugar.

"Maawa ka k-kuya please, may pamilya pa akong binubuhay!!!"

"Tumahimik ka at ako'y libog na libog na tang ina mo!"pinanlakihan niya ito ng mga mata, agad itong nag-alis ng mga kasuotan. Pagkatapos agad niyang sinunggaban ang babaeng labis na sinakmal na ng takot at pag-aalala sa sarili na sasapitin niya sa rapist.

Ngunit sa isang iglap mabilis na naibato sa gilid ang lalaki, agad ang pagkawala nito ng malay. Tulalang napatitig ang babae sa nilalang na nakatayo sa mismong harapan niya, nakasuot ito ng itim na jacket na may hood. Kaya upang hindi niya magisnan ang mukha nito, mabilis na naglakad ito palapit sa lalaking nais bumiktima sa kaniya. Sa isang kisap-mata'y mahigpit ng sinakal nito ang lalaki at agad nitong iniangat. Upang tuluyan itong mabitin sa ere, agad na napadilat ang lalaki kasabay ng pagkawag-kawag nito.

Pilit nitong inaalis ang kamay na ngayon ay humahawak sa kaniyang leeg. Ngunit masiyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya.

Unti-unting pinangapusan ang lalaki, hanggang sa tuluyang tumirik ang mga mata nito at mawalan na ng hininga. Binitiwan naman agad ito ni Kendra, kasabay ng paglapit niya sa babaing muntik ng mapagsamantalahan sa gabing iyon.

Nanginginig pa rin ang babae matapos niya itong malapitan, agad na pinagpupulot ni Kendra ang mga gamit ng babae at saka marahan nitong ibinigay sa babae na tigagal pa rin sa nangyari rito.

Naawa siya rito pero mas lamang ang inis na naramdaman niya, may kasalanan din naman kasi ito. Kung sana magsuot man lang sana ito nag mas disenting damit, tiyak hindi ito mapapahamak.

Saka dis-oras na ng gabi pero heto at pagala-gala pa sa labas, tanga lang ba. Pero hindi na niya dapat pang sisihin ito, siguro naman ay nabigyan na ng leksyon ito. Kaya upang 'di na ito umulit maglakad sa dilim na halos kadangkal lang ang iksi ng damit sa katawan.

Napapiksi pa ang babae matapos na iabot nito  ang mga gamit nito na pinulot niya.

"S-salamat..."nauutal pang bigkas ng babae sa kaniya. Tinulungan niya itong tumayo, kaya upang kahit paano ay napagmasdan saglit ng babae ang mukha niyang itinatago niya sa itim na hood. Biglang nanlaki ang mga mata nito habang nakatunghay sa kaniyang pulang pares na mata. Nagkatitigan sila, bigla ay naging tuod ito, biglang naging lutang ito sa mga sandaling iyon.

"Umuwi ka na sa inyo, ang nangyari sa iyo ngayong gabi ay tuluyan mong kakalimutan..."mahinang bulong na utos ni Kendra. Nag-umpisang tumalikod ito sa kaniya at agad ng naglakad palayo, halos hindi kumukurap ang mga mata ng babae. Tuluyan itong napasailalim sa hipnotismo ng dalaga.

Matapos niyang tapunan ng maiksing sulyap ang babae ay mabilis na niyang binalikan ang lalaki. Mabilis niya itong pinasan mula sa likuran at agad siyang tumalon paitaas.

Patuloy ang pagdapo niya sa matataas na puno at bubungan.

na kaniyang nadadaanan. Sa isang iglap naroroon na siya sa bahay nila, agad niyang pinagana ang isip upang tuluyan mabuksan ang pinto. Idinaan niya ito mula sa likuran, kung saan naroon ang silid kung saan siya nageembalsamo.

Iyon ang pangunahing ikinakabuhay nila ng Mama niya at ng Tita Trinity niya. Mabilis niyang ibinagsak sa lamesang bakal ang katawan ng lalaki, agad niyang inalis ang suot na jacket. Bumagsak ang malago at mahaba niyang buhok, nakita niyang may kasalukuyan ini-embalsamo ng Tita Trinity niya.

Agad siyang naghugas ng kamay, naghilamos na rin siya para kahit paano magising ng diwa niya. Madami silang aasiksuhing bangkay ngayon. Nakita niya ang pagsok ng Mama Aliyah niya na may tangan na tatlong kape, alam na alam talaga nito kung ano ang oras ng uwi niya.

"Mukhang ginabi ka yata masiyado iha."agad na bungad ng tita niya. Nagpupunas na siya ng kamay, agad ang pagkuha niya ng kape na dinala ng Mama niya.

"Tita naman, alam mo naman ang dahilan kung bakit ginagabi ako minsan."iiling-iling na sagot ng dalaga rito.

"Hoy malay ko ba kung baka may boyfriend kana at nakipag-love make kana!"balik-sagot nito sa kaniya upang matigilan sa pagsusuot ng gloves ito.

"B-boyfriend?manliligaw nga wala eh... syota pa kaya!"natatawang sabi sa.

"Imposible 'yang ganda mong iyan wala?"tila hindi naniniwalang sabi ni Trinity nito, patuloy lamang ito sa ginagawang pag-aalis ng dugo sa bangkay.

"Itigil mo na muna iyan Tita, lantakan mo muna itong bago kong huli para sa iyo. Habang sariwa pa."

Masigla namang napangiti ito ata agad na nitong hinubad ang suot na gloves. Mabilis itong lumapit sa lalaking kapapatay niya lamang, agad  na nagsilabasan ang matutulis na pangil ng Tita niya, kasabay na pagkagat nito sa leeg ng lalaki. Tila hayok na hayok, hinayaan lang naman nilang mag-ina iyon. Kahit paano ay nakikinig na ang Tita Trinity niya sa kaniya, dati-rati'y naghahanap pa ito ng mabibiktima. Hilig nito dati ang mga bata, mas sariwa raw kasi ang dugo ng mga ito.

Sa ngayon ang dinadali na lamang ng dalaga para ibigay sa Tita niya ay ang mga tao na wala ng silbi at salot sa mundo ng mga tao.

Ngunit hindi siya katulad ng Tita Trinity niya na may purong dugo ng bampira. Kapatid ito ng ama niya, wala pa siya sa mundo ay matagal na itong namalagi sa mundo ng mga tao. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung bakit  mas pinili nitong mabuhay ng mag-isa.

Ang tanging alaala lang niya sa mundong pinagmulan ay  ang pilat na kalmot ng hari ng mga lobo sa kaniya noong sanggol pa lamang siya. Nararamdaman niyang muli siyang babalikan ng mga alaala ng nakaraan, kung saan patuloy siyang tatakas sa mga kamay ng kalaban.