Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

On A Friday Night

đŸ‡”đŸ‡­Nekohime
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7k
Views
Synopsis
Heartbreaks + Drinks = A night of mistake. Alaundra and Tyrell are childhood friends. After their hot encounter on a Friday night, will they friendship remained the same or another door will open for them to take their friendship into another level?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1 - What If

"What if I want us to be more than friends?"

Alaundra

Sierra University

One of the most prestigious university in the city of Fortuna. Pahirapan makapasok dito dahil sobrang hirap ng exam, but luckily nakapasok ako. Worth it lahat ng pagkamatay ng brain cells ko at yung pagpupuyat gabi-gabi para sa pagrereview makapasa lang dito. Everything feels surreal. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na dito ako nag-aaral. Nasa huling taon na ako ng college. Malaking tulong din talaga kapag may inspirasyon ka sa pag-aaral.

"Morning babe."

Well, talk about ispiration. None other than my handsome boyfriend, Andrei Villanueva. I couldn't help but smile when I saw him waiting for me in the locker hall of our university.

"Hi babe!" I greeted back, giving him a quick kiss on his lips.

At sa pagkakataong yun, nagtaasan ang kilay ng mga babaeng kasama namin sa locker hall. Tatlong taon na kami ni Andrei, pero ang dami pa ring may ayaw sa relasyon namin.

Well, Andrei's a bit popular and everyone's man of their dreams. Matangkad, gwapo, charming, maganda pa ang pangangatawan dahil sa pagiging athletic nito. Samantalang ako, isang patatas. Sinong mag-aakala na magiging boyfriend ko ang lalaking ito na halos sambahin na ng ibang kababaihan? Hindi raw ako bagay sa kanya.

Nerdy. Iyon nga ang tawag ng iba sa akin dahil sa suot-suot kong makapal na salamin. Malabo lang talaga ang mata ko pero hindi naman talaga ako nerdy gaya ng sinasabi nila. Grade conscious lang. Lagi pang naka-messy bun ang mahaba kong buhok. Parang lagi daw akong galing sa sabunutan. Wala rin daw akong sense of fashion. Baduy. Hindi ba pwedeng simple lang talaga akong manamit? Hindi ako maporma gaya ng iba. Long skirt or dress, okay na ako dun. Wala kasi kaming uniform kaya yung iba wagas pumorma. Hindi gaya ko, minsan paulit-ulit pa ang damit. Anyway, nandito naman ako para mag-aral at hindi para pumorma lang. Susuotin ko kung saan ako comfortable at walang nakasaad sa batas na bawal yun. Am I right?

"Pasok na tayo?" Andrei cooed sweetly.

Ipinasok ko muna sa locker ko ang ilan sa mga gamit ko bago tumango. He held my hand so I smiled proudly. We're both taking Business Ad at magkaklase pa kami.

I, Alaundra Perez, ang pinakamaswerteng babae sa mundo. Walang magagawa ang pagtutol ng iba. Boyfriend ko ang pinagpapantasyahan nila. Andrei loves me and I love him to death.

"Laundry!" bati sa akin ni Trixie nang makapasok kami sa room. She looked gorgeous as always. Minsan nahihiya akong tumabi sa kanya dahil napaka-gandang babae. Simple, pero hindi nakakasawang pagmasdan ang maliit na mukha niya.

"It's Alaundra. Ginawa mo naman akong labahan," pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"Peace," natatawang saad niya. Saglit siyang tumingin kay Andrei at gaya ng dati, inirapan niya lang ito. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Kahit kailan ayaw niya kay Andrei para sa akin.

"Anyway, may itatanong pala ako sa'yo." Bigla siyang sumeryoso. Hinila niya ako papunta sa upuan namin kaya napabitaw na lang ako sa pagkakahawak ni Andrei sa kamay ko. Ngumiti na lang siya at naiiling-iling na umupo na rin sa upuan niya sa bandang likuran ng classroom.

"Look, sino tong babaeng 'to?" naiiritang tanong ni Trixie habang may pinapakita sa akin na picture sa phone niya. It was a picture of my childhood friend Tyrell na may ka-holding hands na babae. Nag-stalk na naman ata siya sa facebook nito.

"His girlfriend," tipid na sagot ko.

"May girlfriend siya? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Halos sumigaw na siya sa tainga ko kaya itinulak ko palayo ang mukha niya. Para na siyang maiiyak. Palibhasa, crush na crush niya ang kababata ko. 

Kung level lang ng kagwapuhan, aaminin kong di hamak na mas gwapo si Tyrell kaysa kay Andrei. Hindi ito alam ng karamihan pero naging model ito ng isang sikat na brand ng damit noong highschool kami. Yun nga lang tahimik at masungit ito, kaya ilag ang mga kababaihan sa kanya.

"Hindi ko din alam. Akala ko nililigawan palang niya. Sila na pala for 3 months. Kahapon niya lang din inamin sa akin na sila na," I stated. Natawa ko nang tuluyan na ngang umiyak si Trixie. Kulang na lang maglupasay at gumulong-gulong siya sa sahig.

"Move on na. Marami pa namang ibang lalaki diyan." I tried to console her but she just gave me a deadly glare. 

"Si Tyrell lang gusto ko. Uwaaaaaah! Bakit nag-girlfriend siya? Sira na ang pangarap ko. Huhuhu." Panay ang pag-ngawa niya. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga kaklase namin.

"Joke lang. Bunsong kapatid niya yan," bawi ko. Mas lalo naman siyang nagwala. Sinabunutan pa ako dahil sa labis na inis niya sa akin. Tawa lang ako nang tawa sa kanya. Ang sarap sarap niyang pagtripan.

No girlfriend since birth ang kababata ko. Hindi ko alam kung pihikan lang ba talaga siya sa babae o focus lang muna sa pag-aaral. Minsan nga gusto ko nang isipin na baka lalaki din ang gusto ni Tyrell. Huwag naman sana. Sayang ang lahi, panganay pa naman siya. Sundalo pati si tito. Baka mabaril siya ng wala sa oras kung sakaling bumaliko siya.

"Ang sama sama mo! Kainis ka!" Tangap lang ako nang tanggap ng mga hampas at mahinang sabunot ni Trixie. Hirap talaga biruin ng isang 'to. Masyadong pikon, nananakit pa. Natigil lang siya sa pagwawala niya nang dumating na ang terror na prof namin sa Income Taxation.

Hay, impyerno na naman.

*****

"Tara sa bahay? Wala ang parents ko, nag-out of town. 2 weeks silang wala," bulong ni Andrei sa tainga ko habang papunta kami sa parking lot.

Wala ang professor namin sa last subject kaya maaga kaming naglabasan.

"Akala ko manunuod tayong sine?" tanong ko.

"Sa bahay na lang tayo manuod ng movie. Mas enjoy yun," he winked.

Napalunok na lamang ako habang pinagbubuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Hanggang sa makaupo ako sa front seat ay parang may mga naglalarong daga sa dibdib ko. Nakakapunta naman ako sa bahay nila pero laging nandun ang mga magulang niya. Ito ang unang beses na pupunta ako sa kanila at walang ibang tao kundi kami lang.

"You looked tense," he chuckled.

"M-Manunuod lang tayong movie di ba?" mautal-utal kong tanong.

Tumingin siya sa akin nang may naglalarong pilyong ngiti sa labi niya. 

"Bakit? May iba ka bang gustong gawin, babe? Ayos lang naman sa akin kung gusto mo nang gawin natin yun."

Namula ang mukha ko dahil sa tono ng boses niya. Ang sexy sobra. Iba rin siya makatingin ngayon, parang nang-aakit. Agad akong nag-iwas ng tingin. Kung hindi lang malakas ang kontrol ko sa sarili ko, baka bumigay na ako sa kanya dati pa at naisuko ko na ang hindi dapat isuko.

"Mag-drive ka na nga," utos ko. Pinatatag ko ang boses ko. Nagpanggap na hindi ako apektado sa mga titig niyang parang apoy na naglalagablab. Hinding hindi ako magpapatukso sa kanya. I love my boyfriend, pero hindi pa ako handa na ibigay sa kanya yun. Isa pa, conservative ang family ko. Baka itakwil nila ako kapag ginawa ko yun nang hindi pa ako kasal.

Dumaan muna kami ni Andrei sa drive thru para bumili ng makakain. At nang makarating kami sa kanila, hinila niya agad ako papunta sa napakalaking sala ng bahay nila. Excited naman ata siya masyado. Pinatay niya pa ang ilaw at naiwang bukas lang ang tv.

Nanlaki ang mata ko nang ma-realized ko na 50 Shades of Grey pala ang movie na isinalang niya. Hindi ako mahilig sa ganitong klaseng palabas. Nakakailang pa dahil kasama ko ang boyfriend ko na nanunuod nito.

Kung saan-saan ako tumitingin. Nagulat ako nang kinabig ako ni Andrei palapit sa kanya dahil ang layo ng agwat namin sa isa't isa. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko kaya hindi ako makawala.

Nag-init ang buong mukha ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. He was playfully biting my ear. Mas lalong nagwala ang puso ko sa matinding kaba nang hinarap niya ako sa kanya at mapusok niyang angkinin ang labi ko. Para akong na-estatwa. Hindi ko magawang tumugon sa mga halik niya dahil bago sa akin ang ganitong pakiramdam. He always kissed me with so much care and gentleness but this time, his kisses were rough and hard. Walang pag-iingat.

"A-Andrei...wait," I pleaded between our kisses. Ngunit parang wala siyang naririnig. Sinamantala niya ang pagbuka ng bibig ko para ipasok ang dila niya. Napahawak ako nang mahigpit sa balikat niya nang magsimulang galugarin ng dila niya ang loob ng bibig ko.

Sinubukan ko siyang itulak dahil kinakapos na ako ng hininga pero mas lalo niyang pinalalim ang paghalik niya sa akin. He was sucking my tongue. Naramdaman ko na lang ang malambot na sofa sa likod ko. Naihiga na niya ako. Hindi ako makakakilos nang pumaibabaw siya sa akin. Saglit siyang tumigil sa pag-angkin sa labi ko. Nakatitig lamang ako sa kanya habang hinahabol ang paghinga ko.

Napaawang ang bibig ko nang bigla na lang niyang hubarin ang pang-itaas na damit niya. Gusto kong mag-iwas ng tingin sa kanya ngunit hinuli ng kamay niya ang mukha ko at pilit na pinapatitig sa matitipunong dibdib niya.

"Don't look away babe."

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang hubarin niya ang pantalon niya at itinapon ito sa sahig. Naiwan na lamang ang boxer shorts niya.

Nahigit ko ang paghinga ko nang bumaba ulit ang mukha niya.

"I want you so bad, babe. Please." he whispered. Tila naputol na ang lahat ng pagpipigil na meron siya. His eyes were burning with carnal desire.

Nakaramdam ako bigla ng takot nang pumasok ang isang kamay niya sa loob ng damit ko at pilit na tinatanggal ang pagkaka-hook ng bra ko habang ang isa naman niyang kamay ay humahaplos sa pagitan ng mga hita ko.

"Wait," pigil ko sa kanya pero parang lumalabas lang sa tainga niya ang mga pakiusap ko.

"Andrei please don't," naiiyak na ako. Hindi pa ako handa. Ayoko pa.

"Ssshhh. It's okay babe. I'll be gentle."

Hindi talaga siya nagpapigil. Muli niya akong hinalikan ng marahas sa labi, pababa sa leeg ko. He was sucking and licking on my exposed skin. Nag-iiwan ng marka. Tumingin ako sa mga mata niya, it was filled with lust. Nataranta ako nang matanggal na niya ang pagkakahook ng bra ko at inangat ang damit ko.

I covered myself but then he forcefully pinned down my hands on top of my head. I can't move. And I'm scared. Parang ibang tao ang kaharap ko. Andrei looked like a wild beast.

He kissed me hungrily, ravaging my mouth, sucking and nibbling on my lower lip. Para siyang uhaw na uhaw. Panay ang pagprotesta ko sa kanya nang bumaba ang labi niya sa dibdib ko. Hindi ko siya magawang itulak dahil hawak hawak niya ang dalawang kamay ko.

"P-Please...stop," I cried but he keep on sucking and kneading my breast. I feel so violated.

Ang isang kamay naman niya ay humahaplos sa ibabang parte ng katawan ko. May pagmamadali sa kilos niya na mahubad ang pantalon ko. Mas lalo akong natakot sa susunod niyang gagawin. Alam ko kung anong kakahantungan nito. Tinipon ko ang natitira ko pang lakas sa katawan.

Malakas ko siyang nasipa nang ipasok na niya ang mapangahas niyang kamay sa loob ng pantalon ko.

Tila nagulat siya sa ginawa ko. Nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon ng mukha niya. Halatang dismayado siya.

"I'm sorry," kagat labi kong sambit.

Marahas siyang napabuntong hininga. Tumayo siya at pinulot ang damit niyang nagkalat sa sahig at isinuot ito ulit.

"Umuwi ka na," malamig na tugon niya bago umakyat patungo sa kwarto niya.

Inayos ko ang sarili ko. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko kahit nang makalabas ako ng bahay nila. Napatingala ako sa bintana ng kwarto niya. Ganun na lang yun? Hahayaan niyang umuwi ako ng ganito? Galit siya dahil lang hindi ko naibigay ang gusto niya.

Kinuha ko ang phone ko at nagsend ng message sa kanya.

Alaundra:

I'm sorry babe. I love you.

Naghintay akong magreply siya pero sineen niya lang ako. Sumakit ang dibdib ko. Hanggang sa makauwi ako sa dorm, iyak lang ako nang iyak. Hindi talaga siya nagreply.

*****

9:40 p.m

Tyrell:

Bakit gising ka pa?

Alaundra:

Nag-rereview ako.

Tyrell:

Wala kayong exam, huwag mo kong lokohin.

Tara sa 7/11. Malungkot ka daw.

Alaundra:

Utot mo. Sinong malungkot?

Tyrell:

Sinabi sa akin ng roommate mo. Friend kami sa fb. Umiiyak ka daw.

Bakit?

Bumaba ako sa double deck para sigawan sana si Krissy dahil sa ginawa niyang pagsusumbong sa kababata ko kaso ang sarap sarap na ng pagkakatulog niya. Gusto ko siyang batuhin ng unan. Humanda talaga ang babaeng 'to sa akin bukas. Napakadaldal!

Mahirap pa naman magpalusot kay Tyrell. Hindi ako titigilan nun hanggang hindi ako nagsasabi sa kanya ng problema ko. Ugh!

At hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang ginawa sa akin ni Andrei kanina. Baka basagin niya pa ang mukha nito. Nakakatakot pa naman magalit si Tyrell.

Halos mabitawan ko ang phone ko nang mag-ring ito at nag-flashed ang pangalan ni Tyrell sa screen.

"O bakit?" tanong ko.

"Tara, 7/11 tayo. Hindi pa ko inaantok. Nasa labas na ko," sagot niya sa kabilang linya.

"Oo na. Wait lang."

Kumuha ako ng jacket sa drawer ko at dahan dahang bumaba. Nasa 2nd floor kasi ang kwarto ko. Nang makarating ako sa gate, nasa labas na nga si Tyrell. Katapat lang kasi ng dorm ko ang apartment na tinutuluyan niya. Suot suot niya ang camouflage na jacket niya. Regalo ko sa kanya ito nung birthday niya 2 years ago pa. Maingat talaga sa gamit ang isang 'to.

"Ang pangit mo. Parang kinagat ng ipis ang mata mo," bungad niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Kahit nakasuot ako ng makapal na salamin pansin pa rin niya pala ang pamumugto ng mata ko.

"Mas pangit ka," ganti ko.

"Gwapo ko. Dami kayang may crush sa akin," pagyayabang niya.

Napangiwi na lang ako.

"Oo na. Gwapo ka na. Libre mo ko. Wala kong dalang pera."

"Ano pa nga ba? Ako naman lagi ang taya," reklamo niya pero ngumiti din naman.

Umakbay siya sa akin kaya umakbay din ako sa kanya. Mas matangkad siya sa akin kaya halos nakatingkayad ako habang naglalakad kami papunta sa 7/11.

*****

"So what happened?" usisa niya habang nakaupo kami sa labas ng convenience store at pumapapak ng fried chicken.

"Wala may pinagtalunan lang," pagsisinungaling ko.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Sigurado ka?"

Tumango-tango na lang ako.

"Kapag may ginawa siyang foul, sabihin mo lang sa akin. Gagawin kong punching bag ang mukha niya," seryosong saad niya.

"Thanks bro, but I can handle myself," I said reassuringly.

"Okay. Sabi mo eh."

"Oo nga pala. Wala ka bang balak mag-girlfriend?" pag-iiba ko ng usapan. Nabitin ang paglamon niya ng fried chicken at kunot noong tumingin sa akin.

"Si Trixie. She's pretty and she likes you. Bakit di mo siya ayain mag-date? Malay mo mag-click kayo."

"Binubugaw mo na naman ba ako? Hindi mo na kailangang gawin yan. May iba na akong gusto," diretsong saad niya bago bumalik ulit sa pagkain.

"Sino? Bakit wala ka atang naikukwento sa akin?" I asked curiously.

"Huwag mo nang alamin kung sino. Imposible rin naman. Manhid eh."

"Sige na, malay mo matulungan kita," pangungulit ko pero hindi na siya umimik.

Ang daya! Lahat ng sikreto ko alam niya tapos siya ayaw niya magsabi kung sino ang babaeng nagugustuhan niya. Hampasin ko siya ng upuan eh!

"What if I want us to be more than friends?" he said out of the blue.

Bigla akong kinabahan. Naguguluhang napatitig lang ako sa kanya.

"Huh?"

"Ayun o, nakasulat." May itinuro siyang parang poster na nakadikit sa pinto ng convenience store, nakasulat doon ang mga salitang binanggit niya.

Yun lang pala. Akala ko kung ano na.

"Kadiri," bulalas ko dahilan para makuha kong muli ang atensyon niya.

"Yeah. Kadiri nga. We can't be more than just friends. Ang awkward nun," mahinang sambit niya.

"Kahit ikaw na lang ang lalaki sa mundo, hindi kita papatulan no. Para na tayong magkapatid. Incest yun," natatawang sambit ko.

Bigla siyang tumahimik. Napansin ko ang biglang pagsama ng timpla ng mukha niya. Bigla siyang tumayo at nagyaya umuwi kahit hindi pa niya nauubos ang pagkain niya. Moody talaga.