JUDA, The Rebel Warrior(Completed)

🇵🇭AuraRued
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 109.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Part 1

*Hello! before I post the next chapter. You can find more of my stories in wattpad and dreame. Ito po ang mga account names ko: ♥️

Wattpad: @AuraRued

Dreame: Aura

***

HAWAK ni Lily Rose ang latest model na cellphone sa kanang kamay at sukbit sa kaliwa ang five digits worth niyang leopard handbag habang binabagtas ang daan papunta sa kasunod na kanto ng subdivision nila kung saan nakaparada ang mga pampasaherong padyak. She's off to rub shoulders with her girl friends since it's Saturday kaya nakaporma talaga siya. She chose to wear a beige spaghetti strap body hugging blouse tucked inside a flared skirt with floral designs. Siyempre hindi kompleto ang lakad niya kung hindi sisimulan ng selfies. She hurriedly walked towards the lawn na pag-aari ng kapitbahay nilang kapitan ng barko. Maganda kasi ang pagkaka-landscape sa labas kaya saktong pang background.

Itinaas ni Lily ang cellphone, tilted her head and pouted her lips a little, pinalamlam din niya ang mga mata para mas sultry tingnan then clicked. Kumuha pa ng isa sa ibang angle naman sabay kindat pagkatapos ay pumili ng magandang camera filter at nagpost sa Instabram.

"Perfect!" She's a member of the elite girls from Section 2B of Carlson University, ang prestihiyosong eskuwelahan ng San Antonio. Pawang magaganda at sikat sa campus nila ang anim na miyembro ng grupo. She's on her third year sa kursong Hotel and Restaurant Management, a polite student with average intellectual capacity.

Lily Rose needs to maintain the crown she's bearing, siya lang naman kasi ang nanalong 'The Girl With the Prettiest Selfie 2020' kaya dapat maganda lahat ng nilalatag niyang photos sa social media.

"Thank you ulit, kapitan!" sabi niya bago umalis kahit wala namang tao.

Nagpatuloy siya sa paglalakad nang matanaw si Ara, the weirdest pinsan of them all. Sa lahat kasi ng ka-batch niyang relatives, ito ang iba ang trip, introvert na hindi pa namamansin lalo sa kanya. Hindi niya mawari kung timid lang ba ito o may galit talaga sa kanya. Base sa memory niya, they used to be playmates during pre-school lagi pa nga nilang nilalaro noon ay ang Polly Pocket niya. Wala naman siyang maalalang nagkagalit sila nang malubha para i-snob-in siya nito hanggang sa lumaki na sila.

"Saan siya pupunta?" Nagtatakang sinundan ni Lily ng tanaw ang tila nagmamadaling babae. Papunta sa likod ng stage ng barangay covered court ang mga hakbang nito, may dalang backpack.

Her curiousity was stirred up, ewan niya pero ilang araw na niyang napapansin na nag-iba ang kilos nito. Kung noon ay slight lang ang pagka-weird, ngayon ay mukhang natuluyan na sa pagkabaliw. Mas bumuhira na ang paglabas nito, pagkagaling sa eskwela ay diretso na sa bahay. There's something in her actions that feels not right, parang lagi itong may malalim na iniisip at lutang. Aside kasi sa pagiging magpinsan nila ay classmate din sila sa ilang minor subjects kaya nakikita niya ang kinikilos nito. Ngayon nga ay mukhang may naisipan na naman itong out-of-this-world curricula.

Sa pagkakaalam niya ang puro damo at puno lang ang makikita sa likod ng covered court kaya hindi niya maisip kung ano ang posibleng gawin nito doon.

Pumuwesto si Lily sa gilid ng sementadong stage, sinilip kung ano ang sadya ng pinsan. Lumagpas ito sa puno ng cacao kaya nagtatakang sumunod siya roon. Halos isumpa na niya ang napiling outfit kasi dumidikit ang mga lintik na amorseko sa kanyang balat. Muntik pa siyang madapa dahil sumabit ang ribbon ng doll shoes niya sa damo.

'Shet! Ano ba kasing ginagawa ko rito? Kabaliwan lang 'tong lahat e,' angal niya sa isip habang kinakamot ang namumula nang binti. Ayaw na ayaw pa naman niyang magasgasan ang balat niyang alaga sa mga signature brand na lotion and cream na bunga ng isinakripisyo pang isang buwanang allowance kaya hindi niya ma-afford na magkapeklat.

Tatalikod na sana siya para umalis nang dumaan ang isang may kalakasang hangin.

'Huh' nagtaka siya. "Saan galing ang hanging iyon? Maalinsangan naman."

"Sigurado ka ba sa desisyon mo, Gavin?" narinig niyang sabi ni Ara na mas lalo niyang ipinagtaka.

'Sino'ng kausap n'on?'

"Kung ganoon, handa akong sumama sa iyo."

'Sumama? Saan?'

Na-curious siya sa kalokohan ng pinsan kaya ipinagpatuloy ang pagmamatyag. Napasinghap si Lily sa nakita nang hawiin niya ang dahon ng cacao, naitakip niya ang kamay sa bibig.

'Si Ara, may kausap na . . . halimaw?!'

Naloloka na ba talaga siya? Ano ba'ng tinira niya at nagha-hallucinate siya ngayon?

Hahampasin sana niya ang sariling pisngi pero naalala niyang katatapos lang ng peeling niya kaya manipis pa ang facial skin.

'Hmp, never mind, baka ma-irritate.'

Kinusot na lang ni Lily ang mga mata para magising pero iyon pa rin ang nakikita. Nawawalan ng lakas ang mga tuhod at balikat ni Lily sa nasaksihan kaya napakapit siya sa sanga ng puno. Pati gunita niya ay dahan-dahan ding nagsa-shut down.

'Ano 'yan, costume? Pero mukhang totoo!'

Hindi siya dapat mag-collapse. Inhale, exhale.

May premonition ang women's instinct niya. Kailangan siya ng pinsan, baka kung ano'ng gawin ng mga iyon sa babae.

Nagsalita ang halimaw sa lengguwaheng hindi niya maintindihan, at base sa kilos ng pinsan ay mukhang nakaiintindi ito.

'Ano na'ng nangyayari sa Earth? Nasakop na ba kami ng mga alien? Magkakaroon na ba ng giyera? Ano'ng say ni Digong about dito?'

Mayroong bilog na metal na medyo may-kalakihan ang naroon sa di-kalayuan sa kinatatayuan ng halimaw at ni Ara—sa pakiwari niya ay iyon ang spaceship ng mga ito. Ganoon na ganoon ang nakikita niya sa TV, may tatlong puting ilaw pa sa itaas. Ganoon talaga ang spaceship!

Nagsalita uli ang halimaw at inilahad ang magaspang na kamay with long deadly claws sa harap ng pinsan, na inabot naman ng huli.

'Ano ka, mukhang sasama talaga ang loka!'

Ano na'ng mangyayari kung hanapin ito ng pamilya? Ano'ng sasabihin niya? Nakatapak na ang dalawa sa nakabukang entrance ng spaceship at dahan-dahan na iyong nagsara.

Hindi puwede! Hindi niya hahayaang kunin nito si Ara! Kahit na weird ang babae at hindi sila close, kadugo niya pa rin ito.

Mariin siyang napapikit at nag-usal ng maikling dasal.

'Lord, please help me!' Pasigaw at buong bilis niyang tinakbo ang kinaroroonan ng mga ito at sinunggaban ang pinsan mula sa likod. Kita niyang sabay na napalingon ang dalawa bago siya bumunggo sa katawan ng dalaga. Pareho silang bumagsak sa sahig ng spaceship at gumulong pa siya na parang tissue roll. Sakto namang sumara ang pintuan niyon.

"Ouch!" daing niya dahil napuruhan yata ang balikat niya sa ginawa.

"Lily?!" tanong ni Ara na kakikitaan ng matinding gulat ang mukha. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Tinulungan naman agad siya nito.

"Ga louche?!" tila naalarmang tanong ng halimaw. Nagpakawala ito ng kahindik-hindik na ungol na gaya ng sa isang galit na leon. Dumagundong iyon sa buong silid.

'Hala, hala! Mukhang totoo nga!'

"Gavin! Pinsan ko siya, kapamilya," sagot ni Ara na inilahad ang kamay sa harap para pigilan ang aktong pagsugod ng halimaw.

"Ara, umalis tayo rito! Bumaba na tayo rito! Ki-kidnap-in niya tayo! Kakatayin niya tayo!" sigaw niya at hinila ang pinsan palayo sa nakakatakot na halimaw.

Sumulyap si Ara dito bago siya kinausap. "Lily, hindi totoo ang iniisip mo, mabait siya."

"A-anong mabait?! 'Yang itsurang 'yan? Kita mo, kita mo? Kakainin tayo niyan!" Walang tugon galing sa halimaw, mukhang huminahon na ito, nakamata lang.

"Lily, imposible ring makababa tayo. Lumilipad ang sasakyan. In fact, wala na tayo sa Earth."

"Ano?!" Tila kinalawang bigla ang utak niya at huminto sa paggana. "Anong pinagsasa—" Hindi na natapos ni Lily ang sinasabi dahil bumagsak na ang panga niya nang makita ang malaking bintana sa harapan. Purong kadiliman ang nakikita niya, may mangilan-ngilang maliliit na bato na nakalutang sa dinaanan. Humakbang siya palapit sa bintana at nakangangang tinitigan ang tanawin. Sa pagkakaintindi niya ay nasa kalawakan na sila. At ang mga batong nakikita niya ay meteorites. Iyon ang nakikita niyang stars sa gabi.

Hala, lumilipad nga sila at nasa labas na ng mundo! Ang kaninang pinipigilang kahinaan ay tuluyan nang lumukob sa sistema niya. Umikot ang paningin ni Lily at nagdilim na ang lahat.

NAGISING si Lily sa mahihinang tapik sa kanyang pisngi.

"Ara?" Itinukod niya ang siko sa sahig at bumangon. "Anong nangyari?"

"Nawalan ka ng malay, Lily."

A, oo. Nakakita siya ng halimaw at nasa outerspace na raw sila. Hahaha! Kalerki! Baka side effects ng bago niyang gluta drip.

Halos lumuwa ang eyeballs ni Lily nang pumasok mula kung saan ang halimaw na nakita niya kanina, may dalang bote. Kinuha iyon kay Ara at ibinigay sa kanya.

"Hoy!" sigaw niya, dinuro ito. "Huwag kang lumapit sa pinsan ko!" Tumayo siya at pahablot na inilayo ang babae. Totoo pala lahat ng nakita niya! Hindi siya nagha-hallucinate.

"Easy ka lang, Lily. Hindi niya ako sasaktan, hindi niya tayo sasaktan. Gavin, siya si Lily, family ko. Lily, siya naman si Gavin . . . boyfriend ko."

"Hu-huwaaat?!" Magkaka-lock jaw yata siya sa narinig. "Tama ba ang narinig ko? B-boyfriend?!" mahinang tumango ang babae, at nagblush pa! Ikinalaki iyon ng ilong ni Lily. "Nababaliw ka na ba, Ara?! Bakit mo jojowa-in ang nilalang na ito?!" turo niya sa halimaw na agad namang binawi dahil baka sakmalin bigla ang kamay niya, uuwi siyang pilay. "Ganoon ka na ba ka-desperada dahil walang nanliligaw sa iyo mula pa noon?"

Totoo iyon, dahil may pagka-conservative ito, wala masyadong social life, may Facebook pero bulaklak ang display photo. May itsura naman ang pinsan niya pero hindi maiwasang ipagkompara silang dalawa at malaki talaga ang diperensya.

The Princess and The Pauper ang magiging resulta.

She was the total opposite of her cousin. Bonggacious, nagniningning! Kompleto ang seven steps of skin care araw-araw, at hindi siya lumalabas ng bahay nang walang kilay, mascara, blush-on, at lipstick! Siyempre, sa panahon ngayon, hindi siya pahuhuli sa trends. Kaya ang mga nagtatangkang manligaw rito ay napupunta sa kanya.

"Huwag mong sabihin 'yan, Lily. Mahal ko si Gavin, at mahal niya ako. Ang totoo niyan, sumama ako sa kanya ngayon para pumirmi na sa planeta nila."

So, iyon ang narinig niya kanina.

"This is crazy!" tili niya sabay padyak. "You're crazy!"