-DREAM2-
dahil sa nasasaksihan kong pangyayari ngayon, pumasok nadin sa isip ko kong baka panaginip lang to. sinubukan kong tumayo at hawakan sa balikat ang lalaking may hawak na itak, pinilit kong tibayan ang loob ko, nang hahawakan kona sya, nagulat ako nang bigla syang humarap sa akin.
kitang kita ko ang mukha nya, sobrang pulang pula ang mata at parang sobrang saya nya sa ginagawang pag patay sa mga magulang ko, hindi ako makagalaw o maka hakbang manlang,
"bakit ngayon kalang prinsesa? hahahahhahahahahhahahahahhahahahahahahahhahah"
paulit ulit nyang sinasabi sa akin ang salitang yan,
maya maya pa ay lumapit sya s katawan ng nanay at tatay ko, hinila nya ang mga bangkay nila papunta sa isang kwarto,
sinubukan kong gumalaw para tumakas, naisip kong isama si aron, pero natakot nanaman ako dahil nakangiti din si aron at kumakanta ng "twinkle twinkle little star" para syang nababaliw at inuumpog ang ulo sa pader. tumakbo ako palabas ng pinto pero isang kwarto nanaman ang napasukan ko, babalik na sana ako palabas ng pinto pero parang kilala ko ang kwartong to, ito ang kwarto ko dati s dati naming bahay. parehas na parehas at maging ang mga libro kung saan ito dating nakalagay, napansin kong may naka upo samay dulo ng higaan ko at naka tingin samay bintana, isang babaeng nka dress na puti at parang nag sasalita.
unti unti akong lumapit papunta sa naka kanya,
isang hakbang
dalawa
tatlo
apat
lima
at sa pang anim na hakbang ay bigla akong napa baligkas ng katawan at natumba dahil nakita ko ang mukha ng sarili ko 10yrs ago, nakangiti sya at lumuluha ng dugo.
"maligayang pagbabalik iya!!"
may hawak na bato at ipapalo sa ulo ko, napapikit nalang ako at naramdaman kong ginigising ako ni kevin.
kevin: loveeeeee!! loveeeeee!!!!
gumising ka!!!!! anong nangyayari sayo?????!!!
hindi ako makagalaw at iyak ako ng iyak kaya niyakap ako ni kevin ng mahigpit.
kevin: loveeee!!! ano bang nangyayari sayo??????
tahan kana!!!
natatakot nako sa mga nangyayari sayo!!!
nakita kong naiyak nadin si kevin dahil sa nangyayari sa akin,
me: (habang naiyak) love! uwi nalang tayo! dko na alam nangyayari sa akin. kung ano ano napapanaginipan ko,
kevin: katulad ng ano? i kwento mo sa akin!
kinuwento ko nga kay kevin lahat mag mula sa baliw bago kami umalis hanggang sa napanaginipan ko kanina.
niyakap nanaman ako ni kevin ng mahigpit, at unti unti nakong kumalma. mga ilang minuto pa ay medyo naging maayos ayos ang pakiramdam ko, binigyan nya ako ng tubig at pinapakalma nya ako,
napansin kong naka hinto kami at sobrang dilim sa paligid, tanging ilaw lng ng sasakyan sa harap ang nag sisilbing liwanag namin, hindi mapakali si kevin at parang may iniisip.
me: love, sorry!!
kevin: love, okey lang ako! ako ang may gusto nitong umuwi tayo sa inyo dahil sobrang naaawa nadin ako sayo!
me: huh? anong ibig mong sabihin love?
kevin: saka kona ipapaliwanag love pag maka alis tayo dito.
at bigla nyang pinalo ang manubela ng sasakyan.
nagulat ako sa naging reaksyon ni kevin,
me: sige love,, pag usapan nalang natin to mamaya.
hindi padin iniistart ni kevin ang sasakyan kaya hinayaan ko lng muna sya ng mga ilang minuto,
halos 5min. kaming nka hinto at sinubukan ni kevin paandarin ang sasakyan pero ayaw mag start, paulit ulit nyang iniistart pero ayaw talaga umandar.
me: love anong nangyari? bat ayaw mag start ng sasakyan?
kevin: ito nga problema natin ngayon love, nag over heat sasakyan natin kanina. nauubusan tayo ng tubig s makina!
me: huh? pano to love? pano tayo makaka alis?
hindi nag sasalita si kevin at parang nag iisip kung ano ang dapat gawin.
mayamaya pa ay bumaba si kevin at binuksan ang harap ng sasakyan. kinuha ko ang cellphone ko at 1:30 na ng madaling araw, isa sa pinag takahan ko ay halos walang ka signal signal.
isinarado ni kevin ang harap ng sasakyan at pumunta sa likod, kumuha ng galon.
pumasok ulit sya s loob ng sasakyan at kinausap ako,
kevin: love!
me: bakit po love?
kevin: mag hahanap lng ako ng bahay ahhh manghihingi ako ng tubig para sa sasakyan.
me: huh? sasama ako love!
kevin: mas lalo tayong matatagalan kapag sumama kapa, at walang bantay dito sa sasakyan, kailangan natin maka alis agad dito dahil sobrang dilim at halos walang nadaan na sasakyan, hindi ko alam kung tama ba ang binigay na daan ng google map,
me: huh??? pero love, wag moko iwan dito! natatakot ako.
kevin: love! makinig ka, kailangan natin maka alis agad dito.
babalik ako kaagad, mag hahanap lang ako ng pwedeng mahingian ng tubig para maka alis tayo okey?
me: pero love!!
kevin: promise love, babalik kaagad ako!
me: babalik ka kaagad ahhh!
kevin: promise saglit lang ako, i lock mo ang pinto at bintana pag baba ko! wag mong bubuksan hanggat wala pako ahhh!
me: okey love! mag iingat ka ah!
kevin: oo love!
hinalikan nya ako at nag i love you. niyakap ko sya ng mahigpit at nag i love you too ako.
kumuha sya ng flashlight at bumaba na ng sasakyan,
humarap muna si kevin sa bintana at sumenyas na i lock ang mga bintana at pinto. nang mailock kuna nga ang mga pinto ay sinubukan nyang buksan at naka lock na nga.
bago sya umalis ay humarap muna sya sa sasakyan at nag babye, padirecho sa harap ng sasakyan ang lakad ni kevin at ilang saglit pa ay hindi ko na sya makita, takot na takot ako pero kailangan kong lakasan ang loob ko, sinubukan kong buksan ang radyo pero kahit isang stasyon ay walang masagap, nag patugtog nalang ako sa cp ko at nakita kong 30% nlang ang batery ko.
inantay ko si kevin hanggang sa maka balik sya.
halos 30min. na pero wala padin si kevin, sinubukan kong patayin music ng phone ko para hindi agad malowbat, sobrang tahimik, pero parang may naririnig nanaman akong kumakanta ng twinkle twinkle little star, sinubukan kong sumilip samay side mirror at may napansin akong naglalakad galing sa likod papunta sa harapan,
OH MY GOD! andito yung baliw at may dala dalang sako,
idinikit nya ang daliri nya at sinasadsad sa sasakyan hanggang maka punta sa harapan habang kumakanta.
"Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are. Up above the world so high. Like a diamond in the sky"
nang makapunta sya sa harapan, humarap sya sa akin at nakabaliko ang ulo habang nakangiti, kumakaway, sobrang dungis nya at hinihimas himas ang harap ng sasakyan.
kabang kaba ang dibdib ko sa nakikita ko,
patuloy sya sa pag kanta at unti unting umalis papunta sa dinaanan ni kevin.
takot na takot ako dahil baka mag kasalubong sila ni kevin sa daan at baka kung ano mangyari.
matagal nawala ang baliw at wala padin si kevin,
tumngin ako sa relo at 2:30am na.
kung ano ano na naiisip, gusto kong bumaba para puntahan si kevin pero mas natatakot ako dahil sa baliw dahil baka ako ang saktan.
maya maya pa ay may naaninagan akong papalapit sa saaakyan, nag dadasal ako na sana si kevin ang padating pero sobra akong nanlumo at natakot dahil yung baliw ang papalapit sa sasakyan, napansin kong parang nabibigatan na sya sa dala nyang sako at nang makalapit pa sya ay, napansin kodin na puro na dugo ang sakong bitbit nya.
huminto sya sa harapan ng sasakyan at inilabas ang laman ng sako. nanginginig na ang buong katawan ko sa takot at sigaw nako ng sigaw, halos mapa ihi nako sa sobrang takot.
nang ilabas nya ang laman ng sako,
tenga kaagad ang nakita ko, ulo ng isang tao ang laman ng sako, at inilapag nya sa harap ng sasakyan. nakatagilid ang lapag nya sa ulo kaya hindi ko malaman kung si kevin ba yun, iyak nako ng iyak at halos nag wawala nako sa loob ng sasakyan kalasigaw,
yumuko ang baliw at biglang nawala sa harapan ng sasakyan, maya maya pa ay parang gusto konang buksan ang pinto para tumakbo pero halos hindi ako makagalaw, nagulat ako dahil nasa gilid na ng bintana at pinapalo ng kamay nya ang bintana, pilit nyang binibuksan pero hindi nya magawa dahil nka lock nga ito.
nawala ng saglit ang baliw at halos mabaliw na ako dahil nakita ko ang baliw na may hawak na malaking bato at ipupokpok sa bintana para mabasag.
opsssssssss stop muna tayo dito😅 pasenxa po kung nabitin kayo ahhh😊
bago ko ituloy ang kwento, gusto ko kayo tanungin kung kayo kaya ang nasabkalagayan ni iya, ano ang pinaka gagawin nyo???
hehehehhe
next chapter na😅