Ako si Lucian, kinikilala nila ako bilang " Bad boy " Sa aming paaralan. Lahat ng studyante ay medyo natatakot saakin sa tuwing ako ay kanilang nakikita.
Ako ay naglalakad sa hallway noong araw na iyon, nang may narinig akong naghihiyawan na tila'y mga nakawala sa hawla. Napagisipan ko na sundan Ang hiyawan na iyon, ako ay napadpad malapit sa hagdanan papuntang Rooftop.
Nakita ko si Emma, Jeza at Ang bagong estudyante, ako'y napatunganga sa bagong estudyante. Imbis na mabighani ako, bigla akong sumigaw sa kanila " ANO BA?! KELAN BA KAYO TATAHIMIK?! KAYO MASYADONG MAINGAY! " Tumingin saakin Ang bagong estudyante, at siya'y humingi ng paumanhin " Patawad, Hindi namin sinasadya na magingay"
Bigla siyang tumakbo ng Hindi manlang nagpapaalam sa kanyang mga kaibigan, ako'y biglang na takot nang nakita ko Ang kanyang expression. Lumapit si Emma saakin at sinabi " Ano bang kasalanan nya sayo?! At Kung makasigaw ka ay tila iyong iyo na Ang eskwelahang ito! " Sinabi nya saakin ng pagalit
Lumapit si Jeza Kay Emma at sinabing " Kumalma ka, Hindi naman niya siguro sinasadya ". Tumakbo si Emma ng mabilis at iniwan si Jeza kasama ako