Parang nag dadalawang isip ang dalaga kung dapat ba niyang sabihin sa ama ang gusto niyang malaman.
"Okey just ask me what you want to know?"diretsang tanong ng ama.
"Is it true na may kakambal ako?"walang alinlangang tanong sa ama.
Halos hindi makapaniwala ang ama sa sinabi ng anak. Hindi niya alam ang isasagot sa tanong ng anak. Pakiramdam niya ay biglang lumamig ang kanyang buong katawan sa narinig na tanong ng anak. Dagdadalawang isip siya kung dapat ba niyang sabihin ang totoo.
"Anak bakit mo naman naitanong yan?Syempre ikaw lang naman ang anak namin ng mommy mo. Ikaw lang ang nag-iisang prinsesa namin alam mo yan."
"Bakit may nagsabi sakin na may kapatid daw ako." mahinahong wika sa ama.
Nag-aalangan naman ang ama sa isasagot ng ama.
'Dapat ko nga bang sabihin na sa kanya ang totoo. Pero kanino niya nalaman ang totoo. Sino ang nagsabi sa kanya. Alam kong walang ibang nakakaalam ng totoo kundi kami lang ni Larona.
"Anak, hindi ko alam kung sino ang nagsabi sayo niyan pero---"
"Dad please just tell me the truth!"pasigaw na wika ni Santina habang unti unting tumulo ang luha.
Natigilan sandali ang ama. Nag-iisip kung dapat ba sabihin an totoo.
Mag-iisang taon na at naghahanda ang mag-asawa para sa birthday celebration ng kambal. Halos walang makitang pag kakaiba ang magkapatid. Kopyang kopya ang bawat anggulo ng magkapatid. Napakaganda ng magkapatid. Tuwang tuwa ang mag asawa dahil hindi sila makapaniwalang magkakroon sila ng kambal na anak. Matagal din silang naghihintay para magkaroon ng anak.
"Hon, tingnan mo sina Santina at Sarah parang mga anghel na galing sa langit,"masaya tugon ng asawa kay Damaso.
"Oo hon, ang gaganda nilang pagmasdang magkapatid,"masayang sagot ni Damaso habang titig na titig sa kambal.
"Tama ka hon, ang sarap nilang pagmasdan" tugon ng asawa.
Makalipas ng ilang araw nagpaplano ang mag-asawa para sa kanilang pag bakasyon sa Italy kasama ang kambal.Kaya naman naghahanda ang mag asawa para sa kanilang pag-alis. Excited ang mag asawa para sa kanilang pag bakasyon. Isang sikat na business man at business woman ang mag-asawa. Sila ang nag mamay-ari sa isang malaking kompanya sa Pilipinas.Habang nasa daan ang mag pamilya papuntang airport sa hindi inaasahang pangyayari biglang naaksidente ang kanilang sinasakyan. Nagpaikot ikot ito hanggang sa mapunta sa gilid ng bangin. Halos mawalan ng malay ang mag asawa. Ang driver naman ay halos duguan na rin at wala na ring malay. Samantala ang mga kambal ay panay na ang iyak dahil sa pag kakaikot ng sasakyan. Wala namang natamong galos ang mga kambal dahil maayos itong nakaupo sa likuran ng sasakyan at naka seat belt. Dahil sa ilang beses itong nagpa ikot-ikot, unti unti namang natatanggal ang pagkakalagay ng seatbelt kay Sarah hanggang da tuluyan na nga itong natanggal at nahulog sa sasakyan. Kaya naman hindi namalayan ng mag-asawa na wala na pala ang isa niyang anak. Panay parin ang iyak ni Sarah na unti unti ring napapadulas na pala sa isang bangin hanggang sa hindi na ito makita.
Hindi nagtagal at unti unti narin nagkakamalay si Larona ngunit ang mga kasama nito ay wala parin malay maliban kay Santina na panay ang iyak. Pinilit ng Larona na umalis sa kinalalagyan upang malapitan ang anak na panay ang iyak ngunit hindi niya ito magawa dahil nanghihina pa ito.
"Sa---San--tina," ang nanghihinang wika ng ina na pilit inaabot ang kamay sa anak. Panay parin ang iyak ng bata at tuluyan na ngang nawalan ulit ng malay si Larona.
Isang mag-asaw naman ang naglalakad sa isang masukal sa bundok upang manguha ng kahoy upang gagamitin na panggatong ng makarinig siya ng iyak ng bata. Nung unay halos mapatakbo siya sa takot dahil akala niya'y may nananakot sa kanya. Hindi nahtagal ay pinakinggan niya itong mabuti kung saan nagmumula ang iyak ng isang bata. Hinanap niya ito kung nasan nagmumula ang iyak. Nagpatingi tingin sa mga damohan ngunit wala siyang makita. Hindi parin tumitigil ang pag iyak ng bata na animoy parang nasasaktan.
"Isang iyak ng bata nga iyon,"pabulong na wika ni Danilo sa sarili.
Kaya hinanap niya ito at tinunton ang iyak kung san nagmumula. Inisa isa niya ng mga nakakumpol na mga kahoy baka sakaling nandun ang bata ngunit hindi parin niya ito makita. Hanggang sa di na namamalayan na napaplayo na pala siya mula sa pagkukuhanan sana niya ng pang gatong.
"Nasan ba yon! May tao ba diyan!,"sigaw ni Danilo.
Nang di magtagal ay parang may napansin siyang gumagalaw sa di kalayuan mula sa kinatatayuan niya. Agad niya itong nilapitan at nakita niya ang isang batang babae na panay ang iyak.