Chapter One
Nagluluto ng nilagang baboy at sinigang na baka itong si Anne Drew sa kusina kasama ang assistant nito at bestfriend na si Regeena. Napakarami ng mga costumers itong si Anne Drew sa kanyang restaurant at tanging ang dalawang putahe lamang ang kanyang recipe, ngunit nagtutulakan at nag-aagawan ng mauupuan ang mga costumers para makakain at makahigop ng sabaw ng sinigang na baka at nilagang baboy.
Si Anne Drew ay hindi isang binata o baklang kusinero, hindi rin siya isang matandang lalaki na master chef. Siya ay isang napakagandang dilag at may maalindog na katawan, 25 anyos, may mahabang buhok naabot baywang at may bangs na halos umabot na sa kanyang mga mata, morena at masarap kung magsalita.
Panay ang pagkain ng mga costumers. At patuloy lang din ang pagluluto ng dalaga. "Anne!!" sigaw ng cute na cute at sexy na si Regina, 25 anyos din, maputi, straight ang buhok hanggang tenga, na panay ang paghiwa ng kamatis at bawang sa lababo. "Yes!!" sagot ni Anne Drew mula sa kusina. "Wala na tayong pechay!! Mag-aalas tres emedya na sa hapon!! Marami pa rin tayong costumer!! Pa'no na ngayon 'yan!!" sagot pa ng kaibigan. "It's okay!! Repolyo na lang ilalagay natin o kung walang pechay, malunggay na lang din if ever!" sagot din ni Anne Drew. Nagulat si sagot ng bestfriend. "Ha!? Puwede ba 'yon?!" tanong ni Regina. Napangiti lang ang kusinera at sumagot ng "OO!".
Alas singko emedya na sa hapon at natapos din ang nakakapagod ngunit masaya at masarap na trahedya ni Anne Drew sa loob ng kusina. Marami pa rin ang gustong pumasok sa restaurant para kumain ngunit ang nasabing oras ang end time para magluto at makikain sa restaurant. Inaaway pa ni Regeena ang mga costumers na gusto pang pumasok sa restaurant para kumain. "Sige na, humanap na lang kayo ng ibang restaurant." Sabi ni Regina. "Anak ng-makikikain lang eh!" sigaw ng matapang na binata. "Tanga ka ba?! O talagang gago ka?!" banat ni Regina, "Hindi mo ba nakikita na, close na nga kami!!" sagot pa Regina sabay turo sa manila paper na nakadikit sa pintuan ng restaurant na may nakasulat na, "Close na kami!!!". Wala namang magawa ang binata kundi umalis. Umalis pa ito at umiwan salitang "Bitch." sa dilag. Narinig iyon ni Regina at sumagot ng, "Asshole." sabay sara ng pintuan. Panay ang pagtawa ni Anne Drew sa gilid. Nakita siya ng kaibigan. "Anong tinatawa mo diyan?" tanong ni Regina sabay ngiti. "Wala, natatawa lang ako tuwing inaaway mo ang mga costumers natin kapag magsasara na tayo." Sagot ni Drew. "Ay! 'Wag nila akong aawayin dahil mahilig ako sa away. Wala na tayong karne ng baboy at baka para iluto sa kanila, eh anong ipapakain natin sa kanila? Botcha?! baka type nila, ipapalamon ko sa kanila." Sagot ni Regina. Natawa lalo si Anne sa sagot ng bestfriend. Natawa na din si Regina dahil sa pagtawa ni Drew. Nang biglang may kumatok sa nakasarang pintuan. Napatigil ang dalawang babae sa pagtawa. Nagalit ulit si Regina. "Hey! Stay calm!" sabi ni Anne sa kaibigan. "Ah.. gusto nila talaga ng away.." sabi ni Regina sabay bukas ng pintuan. Ngunit ng bumukas ang pinto, ibang mga tao ang kanila nakita at napangiti silang dalawa. Ang kanilang nakita ay ang kanilang mga guwapong nobyo na sina Greg at Lee. Ngumiti ang dalawang binata. "Parang ayaw niyo 'ata kaming papasukin at makita!?" sabi ni Lee kay Regina. "Lee!!" sigaw ng assistant cook sabay na tumalon sa boyfriend at kinarga naman siya agad ni Lee. Pumasok sa loob ng restaurant si Lee sabay karga si Regina. "Akala ko kung sinong costumer, ikaw lang pala." Sweet na pagsabi ni Regina sa nobyo. "Well I'm a regular costumer," sabi ni Lee, "in your heart." Dugtong pa nito. Kinilig naman ang dilag. "O.A.? haha!, ikaw talaga eversince lovable ka." Sabi ng kusinera sa half Chinese-half Pinoy na boyfriend. Habang si Greg ay panay lang ang titig kay Anne, at hindi pa pumapasok sa loob ng restaurant. "What? Hindi ka ba magha-hi o maghe-hello sa akin bago ka pumasok?" tanong ni Drew sa boyfriend. Ngumiti lang itong si Greg Afonzo at ipinakita sa nobya ang tinatagong mga pulang rosas at nagsabi ng, "Happy Birthday, Love." Nagulat ang lahat pati mismo si Anne Drew. Pumasok si Greg sa loob ng restaurant, ibinigay kay Drew ang mga red roses at hinalikan ang nobya sa kanang pisngi. Nabitawan ni Lee si Regina dahil sa gulat at napagapang at tumakbo si Regina papunta sa bestfriend. "Bes! Di ko alam, oh God! I forgot! Birthday mo nga talaga ngayon! So sorry! Happy birthday bes!" sabi ni Regina sabay halik sa pisngi at yakap sa kaibigan. "Anne, sorry too. Happy birthday girl." Sabi ni Lee. "Dude, I thought the roses you bought were only for saying, 'I love you' to Anne, may iba ka pa pa lang reason." Sabi pa ni Lee. "Yap. You know it. Actually bukas pa birthday niya, inunahan ko lang kayo sa pagbati sa aking nobya." Sagot ng nobyo ni Anne Drew, sabay ngiti. Napatigil si Regeena sa pagyakap sa bestfriend, Napatingin ito sa kalendaryo na naka dikit sa pintuan at may naka markang 'Happy Bes B-Day' sa bukas na petsa. Tinitigan siya ni Anne Drew sabay bigay ng pekeng ngiti at napatigil ito sa pag-yakap sa kusinera ng hinay-hinay dahil hindi nito naalala ang birthday ng bestfriend niya. "Ay, oo nga pala, bukas pa nga pala birthday mo, hehe, pasensiya na. Peace." Sabi ni Regeena sabay ngiti sa bestfriend at nagpakita ng 'peace' sign sa kaibigan dahil sa hiya. Napaupo ang chef sa upuan dahil sa gulat na birthday nga niya talaga bukas. "Oh my-kaarawan ko nga talaga bukas," sabi ni Drew, "how come na- Last year, nakalimutan ko din birthday ko. I have to do something para hindi ko na makalimutan ang birthday ko." Dugtong pa nito. "Dahil 'yan sa pagiging busy mo, at wala kanang inatupag kundi ang bakat' baboy mo." Sagot ni Greg at umupo katabi ng nobya at niyakap. "You have to enjoy naman your life with me. Marami naman kayong naipong pera dahil sa maangas at sikat ninyong restaurant, so, sa tingin ko it's time to pahinga muna. Relax kung baga." Sabi pa ni Greg. Huminga ng malalim ang cook at napatanong sa boyfriend ng, "Can you suggest some other things na makakapagpapasaya sa kaarawan ko?" tanong ng dalaga. "Oo." Sagot ng binata. "Ano?", napangiti si Greg at sumagot ng "Ako." Napangiti at kinilig ang lahat. "Hindi, common thing ka my love. I mean 'other things' naman." Sagot ni Greg. Ilang sigundo lang ay nagkaroon ng flash ng camera mula sa labas ng restaurant. Nagulat ang lahat dahil sa biglaang pagkakaroon ng spark ng ilaw at napapikit at napatakip sila ng kanilang mga mata gamit ang kanilang mga kamay. Nakita ng magkakaibigan ang isang misteryosong lalaki, nakasuot ng sunglass, naka-sombrero, at may hawak na camera. "Hoy!!!" sigaw nina Lee at Greg. Napatakbo ang lalaki papalayo at hinabol siya agad ng mga binata. Ngunit sa bilis nito kung tumakbo, nakapasok agad ito agad sa sasakyan niya at nag-drive papalayo sa restaurant. Bumalik na lamang sina Greg at Lee sa kanilang mga nobya. "Ang bilis! Hindi namin nahuli!" sabi ni Lee sa mga dilag. "Matagal na 'yan dito sa restaurant, palagi 'yan nagte-take ng pictures sa 'min dito." Sabi ni Regina. "Baka paparazzi ng restaurant niyo?". Sabi ni Lee. "Malamang, sikat nga naman kasi ang karenderya namin." Sagot ni Regina. "Napag-isipan na rin nga namin ni bes na magpalagay ng bodyguards diyan sa entrance dahil sa taong 'yon." Sabi ni Anne Drew. Napangiti si Greg at sumagot ng, "Well. I'll guard you, if you want to." Sabi ni Greg sa girlfriend. Kinilig ang lahat. Natawa at ngumiti ang dalawang dalaga. Napansin ni Greg ang rilo nito, at nakita niyang, mag-aalas 6:00 sa gabi. "Oh, it's almost 6 pm na pala, uuwi pa ako sa Visayas. My house is waiting there." Sabi ni Greg sa kasintahan. Nagulat na naman si Anne Drew sa sinabi ni Greg. "Ha?! Uuwi ka na naman? Palagi ka nalang umuuwi sa inyo sa Visayas, daily ha! Hindi weekly at hindi monthly! Daily!, at ang layo pa ng Manila papunta ng Visayas! Dito ka nalang matulog, bukas ka nalang umuwi, total birthday ko naman bukas. Ibigay mo na lang sa akin ang araw mo. Please." Nagmamakawang pagsabi ni Drew sa nobyo. "Love, I have to check pa ng mga gamit doon baka na nakaw na, and I have my own boat naman pauwi ng bahay ko." Sagot ni Greg. Nagulat na naman ang lahat lalo na ang cook sa sinabi ni Greg. "Boat? Sasakay ka ng 'boat!, pauwi ng bahay sa Visayas?" taas-kilay na tanong ni Anne Drew. 'Guys!" sambit ni Regina, "Why don't we just join Greg pauwi ng kanyang bahay sa Visayas sakay ang kanyang 'boat'!" dugtong pa ng assistant cook. Tumitngin lahat kay Regeena. "What?! Birthday naman ni bestfriend Anne drew bukas at di pa natin nakikita o nararating ang bahay ni Greg sa Visayas, so! Let's celebrate the kaarawan of my matalik na kaibigan sa house of her kasintahan, papa Greg!" sagot ni Regina sabay ngiti sa saya at galak dahil para sa kanya, may punto siya. Ang lahat ay napatulala at nagkaroon ng enlightenment sa sinabi ni Regina. "Dude, I guess my girl's suggestion is pretty nice." Sabi ni Lee kay Greg. Napatitig lahat kay Greg, pati mismo ang nobya nito. Ngunit parang ayaw ng binata at nakikita ito sa mukha at galaw niya. "Pero ang layo ng Manila sa Visayas." Sagot ni Greg. Nagulat na naman ang lahat at napataas-kilay na namn si Anne Drew dahil din sa gulat. "Parang kasasabi ko lang ng linyang 'yan ah," sabi ni Drew, napatayo at nagsabi pa ng, "okay kung ayaw mo, edi 'wag, magluluto na lang ako ng botchang baka't baboy sa kaarawan ko bukas-" dugtong niya sabay lakad papunta sa kusina ngunit hinila siya ni Greg pabalik at niyakap. "Sorry, it's just that, baka sumuka ka o sumakit ang tiyan mo dahil sa kalayuan ng biyahe natin." Sabi ni Greg. "Don't worry, I love traveling at kahit ang bahay mo ay nasa Middle East o sa Antarctica, hindi sasakit ang aking tiyan o susuka dahil kasama kita." Sagot ng nobya. Kinilig sina Lee at Regina. "Okay!," sabi ni Greg, "'Wag na natin paantayin ang Visayas, Let's go!" dugtong pa ni Gregorio.