Chereads / 205 Years Gap / Chapter 4 - Chapter Three

Chapter 4 - Chapter Three

Chapter 3

--

Year 1832

-Espina-

Madaling araw pa lamang kami ay naghahanda na ng aking asawang si lenor upang maglakbay patungo sa bayan, papunta kay marina..

Nasa kasuluksulukang parte ito ng bayan at kailangan ng kalahating araw sa paglalakbay kaya't kami ni lenor ay nagbaon na nang aming makakain.

Nang kami ay makarating, kalahating oras ang aming hinintay bago lumabas si marina..

"nabalitaan ko nga ang pag-alis ng prinsesa sa palasyo..." tango tango niya nang magsimula kaming magkwento

"at ngayon ay samin siya nakatira ngunit sa biglaan naming pagbalik sa aming tahanan ay bigla na lang nawala ang prinsesa at ang painting na ito na lamang ang aming nakita na nasa sahig" sabi ko at ibinigay ang painting.. kinuha naman niya ito at sinuri

"isa itong makasaysayang painting binibining espina!! galing pa ito sa sinaunang tao sa mundo ng mga tao!! alam mo ba ang kwento sa likod ng painting na ito?" umiling ako.. hindi ko alam at hindi sa akin naikwento

"kung gayon, hayaan mong ikwento ko sayo..." tanging tango na lamang ang aking naisagot

" Noong unang panahon, ang unang unang reyna at hari ng Vel Serille ay galing sa hindi magkaparehas na mundo.. " napatingn ako kay lenor dahil sa nadinig ko.. hindi ko alamang tungkol sa bagay na iyon

"Ang reyna ay taga-lupa at ang hari ay dito, sa mundo ng mahika. Lubos na napakasaway ng dating hari kaya't siya'y napapunta sa mundo ng mga tao.. duon niya nakilala ang reyna.. Sa pagbabalik ng hari sa mundo natin ay isinama niya ang reyna na ikinatutulan ng magulang ng hari.. pinaghiwalay silang dalawa at hindi na nagkita pa.. Sobrang nalungkot ang hari sa nangyareng iyon kaya ang ginawa niya ay iginuhit o ipininta niya ang lugar kung saan sila unang nagkita ng reyna.. tatlong araw niya itong ginawa.. at sa tatlong araw na iyon ay hindi siya lumabas ng kwarto para kumain.. umiyak siya ng umiyak duon.. hanggang sa isang araw ay nagliwanag na lang ang kaniyang ipininta, pumasok siya duon at muli niyang nakita ang reyna.. nagsama sila at nagkaroon ng anak.. sa pag-alis ng hari ng palasyo gamit ang kaniyang ipininta ay ang pagkakaroon ng isang digmaan sa pagitan ng masamang mahika sa mabuti, natalo at napatay ang magulang ng hari kaya't ito'y naghiganti.. namatay ang hari at naibalik sa ayos ang palasyo.. Doon napagpasiyahan ng mga taga vel serille na ang asawang taga lupa ng hari ang mamuno sa buong nasasakupan nito.. tinanggap ito ng reyna at itinago ang painting ng hari na nagbigay daan sa kanilang pag-iibigan" nakakalungkot na nakakamangha.. sayang at hindi sila naging masaya ng hari

"anong nangyari sa painting? bakit biglang nagkabuhay?"

"yuon ang hindi ko alam.. nababalot ng misteryo ang bagay na iyan.. paano napunta sa iyo iyan?" bigla kong naisip ang sinabi ni ina sa akin na galing pa ito sa ninuno ko.. pero.. galing ito sa reyna at hari! pano napunta sa amin ito?

"ang sabi ng aking ina ito ay galing sa aming ninuno" bigla siyang natahimik...

"kung gayon anong ipinunta niyo dito?"

"nawawala ang prinsesa at kanina lamang ay nasabi ko sa reyna na nasa amin ang prinsesa.. hindi namin alam pero sa pakiramdam ko'y nakapasok ang prinsesa sa loob ng painting na ito at dinala sa ibang mundo" paliwanag ko na ikinalaki ng mata niya

"ANO??!! alam mo bang napaka delikado ng lagay ng prinsesa?!!" nagulat ako sa kaniyang pagsigaw kaya napahawak ako sa aking asawa

"n-nasaan ba siya? malalaman mo ba?" huminga siya ng malalim at umayos ng upo at serosong tumingin sa akin

"ang prinsesa ay siguradong nasa mundo ng mga tao binibining espina.. magbalik kayo bukas at pag-aaralan ko kung saan at anong panahon siya napunta sa mundo ng tao" tumingin naman ako kay lenor, gusto ko na agad malaman kung nasaan ang prinsesa dahil baka malaman ng reyna ang nangyari!

--

Present Day----2019

-Ashtonn-

ARGH!!! Paano na lang ako makokontak ni mom?? at nina luke? absent pa mandin ako.. hayst!! nag cutting pala ako dahil sa taong gubat na yon!! arghh!! ang sarap niyang palayasin!! haysttt!!

"sir pinagbili ko po yung t.v. na nasira at cellphone.. kesa naman sa itapon sayang lang" napatango na lang ako sa isang maid namin..

"sir pinang dagdag ko na po yung kinita don sa mga groceries" napatango na lang ulit ako habang nakatingin sa dating pwesto ng t.v. namin... sh*t lang talaga pag nalaman ni mom.. Mauubos ng madali ang pera ko sa taong gubat nayon!!

Hayst!! napasabunot na lang ako sa buhok ko ng madiin.. kailangan kong bumili ng bagong t.v.!! Tumayo na ako at nagbihis.. paglabas ko ng room ko ay napatingin ako sa tapat na kwarto..

Hayst!! hindi ko nga pala pinalalabas si yaya melinda mula kanina.. Kumatok ako sa pintuan at ang nagbukas ay si yaya melinda na pulang pula ang mukha..

"anong nangyare sa inyo?" umiling iling lang siya habang nagpipigil ng kung ano man.. napailing na lang ako at pumasok sa loob ng kwarto.. Pagkapasok na pagkapasok ko ay biglang may tumilapon unan sa akin..

what the f*ck!

Tiningnan ko ng masama ang taong gubat na yon at tumigil na siya sa pagtatalon talon sa kama at umupo

"hoy taong gubat! magligo ka.. may pupuntahan tayo" sabi ko at lalabas na sana ng kwarto ng kapitan niya ako

"saan tayo pupunta ginoong comissan?" tumingin naman ako sa kaniya ng mapanuri.. nakakaalibadbad ang term na ginoo

"bakit?" pinaningkitan ko pa siya ng mata

"huwag mo akong tawaging ginoo.. ashtonn pati ang pangalan ko.. you can call me ash wag lang comissan"

"itatawag ko ang gusto kong itawag sayo ginoong comissan" sabi niya at ngumiti..

the he*k!! haha ginaya niya yung sinabi ko kanina!! mukha siyang tanga ahahaha

"bahala ka! basta magligo kana! ipapahanda ko na ang isusuot mo.." sabi ko at iniwan na siya sa loob..

"yaya melinda! may mga damit kaya si mom na pwede sa taong gubat nayon?"

"nako! wala sir! puro po iyon pang business outfit" napakamot na lang ako sa ulo ko.. hayst! problema yang taong gubat na yan!

"ahh.. sige ipasuot mo na lang muna yung damit ko kung ano magkakasya sakanya"

"sige po sir" sabi niya at umalis.. bumaba na ako at nagpahanda ng kakainin sa iba pang katulong... tangali na kasi at sigurado akong pupuntahan ako nina luke.. hindi nila pwedeng makita yung taong gubat nayon..

Kaya napagpasiyahan ko na isama si taong gubat sa mall sa pagbili ng bagong t.v. at cellphone.. sana lang ay hindi siya maging taong gubat duon at gumawa ng kung ano ano.. hayst!!

"YAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!"

*blaaagagagagagagbaaaaaaagggggggggggg*

Napatayo ako ng mabilis mula sa couch dahil sa narinig kong pagsigaw mula sa kwarto ni taong gubat.. king*na!! may ginawa na naman yon!! sh*t!! mamumulubi na talaga ako nito!

--

Present Day----2019

-Linhary-

Nilisan na ako ni ginoong comissan.. nagpunta ako ng kama at humiga ulit.. hmm!! napaka sarap sa pakiramdam! ngayon lang ako nakahiga sa ganito kalambot! ihihihi

Ang sabi niya ay magligo na ako.. ngunit saan ako maliligo?? Tumayo na ako at nagpunta sa isang pintuan.. Itinulak ko iyon pero hindi bumukas.. itinulak ko ulit pero hindi na naman bumukas..

Hindi naman nakakadena ang pintuan.. ngunit bakit ayaw bumukas? naisip ko na lamang ang ginawa kanina ni binibining melinda nang buksan niya ang pintuan kanina..

Idinikit niya ang kaniyang katawan sa pintuan at hinawakan ang nakautlaw sa pinto.. Ginaya ko ang ginawa niya at muli kong itinulak ang pinto ngunit hindi parin ito nagbukas!

Ako'y napapagod na! tila yata may kapangyarihang bumabalot sa pintuan na ito! hindi ba ako karapatdapat kaya ako'y hindi makapasok?

"ginoong pintuan.. pwede bang ako'y iyong papasukin? ako ay isang mabait na prinsesa.. kung mamarapatin mo ay kailangan kong pumasok sa loob mo" ngunit hindi sumagot ang mahiwagang pintuan..

"lubos na akong iyong binabastos ginoong pintuan! ang binibining katulad ko lalo na kung isang prinsesa ay dapat iginagalang!! kahangalan ang iyong hindi pagpayag sa aking kagustuhang pumasok sa loob!!" ngunit wala na namang naging tugon ang pintuan.. lubos akong ginagalit nito!

Ako ay hindi na makapagpigil kaya malakas ko siyang itinulak ngunit hindi ko siya nabukasan! nagpalinga linga ako at naganap ng bagay na ipangbubukas sa pintuan..

Sa malapit sa kama, nakakita ako na parang isang kabuti na umiilaw.. ito yung pinaglalaruan ko kanina at itinatanong ko kay binibining melinda na sabi niya ay lamp shade!

Kinuha ko ito at ibinato kay ginoong pintuan.. ngunit hindi siya nabuksan!! kung akin lamang nadiskubre ang aking kapangyarihan ay gagamitin ko ito! ayst! kinuha ko ang mga libro sa isang lalagyan at pinagbabato iyon sa pinto..

"wala na akong magagawa ginoong pintuan!! eto na lang ang alam ko" sabi ko at umatras at sabay tumakbo papalapit sa pintuan at ito ay sinipa

"YAAAAAAAAHHHH!!"

*blaaaaagagagggabaaaaaaaggggggggg*

"sa wakas!!" masigla kong sabi nang makitang nagbukas na ang pintuan! Papasok na sana ako sa loob ng bumukas ang pintuan sa harap kung saan lumabas kanina si ginoong comissan

"what the!! hell!!! fuc*ing *hit!! taong gubaaaaaaaaaaaattttttt!!" sigaw ni ginoong comissan kaya pumunta ako sa kaniya

"bakit ginoo?"

"ANONG.GINAWA.MO.SA.KWARTO??!!" pasigaw niyang sabi kaya napatungo ako.. nagagalit na naman sa akin si ginoong comissan..

"h-hindi ko kase mabuksan ang pintuan ginoo.. wala namang kandado ito o kahit anong kadena na nakalagay.. kinausap ko naman ang may mahikang pintuan na yan ngunit hindi niya ako sinasagot" paliwanag ko.. napahawak na lang siya sa kaniyang ilong at pumikit ng madiin

"hayst! hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! lahat na lang hindi mo alam!" napatungo na lamang ako.. hindi ko naman sinasadya

"patawad g-ginoong c-comissan"

"grrr!!! dagdag gastusin na naman!! lintek!! mauubos ng maaga ang pera ko alam mo ba yun??"

"patawad"

"puro ka patawad patawad!! wala ka ng magagawa! nasira na ehh! hayst! yaya melinda!!" tawag niya kay binibining melinda na agad ay dumating

"bakit po s------ ano pong nangyari?"

"hayst! ipalinis mo nga iyang kalat.. akin na ang damit" may ibinigay si binibining melinda kay ginoong comissan at umalis na..

"pumunta ka na don at maligo!" napatango na lang ako at pumasok na sa loob ng banyo...

Nilibot ko ang paningin ko.. tama ba ang napuntahan ko? mayroon kasi ditong malaking higaan ng mga bata at mayroong mga nakalawit sa pader!

Tiningnan ko ang kurtina at ito ay isinara.. pumasok ako ng tuluyan.. mayroon ditong kubeta at salamin.. mayroong mikropono sa taas na nakasabit.. para saan kaya iyon? wala man lang akong nakitang timba dito!

Lumabas ako at tiningnan kung nandito pa si ginoong comissan.. at nandito pa nga siya! lumabas ako at nilapitan siya

"ginoong comissan... patawad sa nagawa ko kanina, maaari ba kitang maabala?" tiningnan niya ako na nanlilisik ang mata kaya napayuko ako

"ano yon? bakit hindi kapa nagliligo?"

"ahm.. ginoong comissan, wala akong makitang timba.. wala ring tubig doon puro lamang nakautlaw na kahon at nakasabit na mikropono" hindi siya gumalaw kaya kinulbit ko siya..

"ginoong comis----"

"HAHAHA!! TAN*INA!! AHAHA!!" nagulat na lang ako sa biglaang pagtawa niya... nababaliw na ba siya?

"bakit ginoong comissan??" umiling iling siya at tumayo

"wala! haha! punta ka dito at ituturo ko kung paano yun" sabi niya at tumayo.. pumunta siya sa loob ng banyo kaya sumunod ako

"yung sinabi mong mikropono sa taas ang tawag don.. shower"

"shower??" tumango siya at pinihit ang nakautlaw na kahon sa baba...

"ito ang bukasan ng shower, hindi mo na kailangan ng timba o tabo para magbuhos eto na lamang ang bubuksan mo.." tumango tango naman ako

"at eto.. bath tub ito" turo niya sa higaan..

"papatuluin mo ang gripo at sasakay ka rito" sabi niya at pinihit ang kahon na maliit na nakautlaw

"isa ba iyang transportasyon ginoong comissan?" tumawa naman ulit siya

"hindi... ganto yan.. ilalagay mo itong sabon dito at pabubulain mo.. tapos saka sasakay at hihiga dito tapos ikakalat mo yung bula sa katawan mo.. kung gusto mo lang pero kung ayaw mo.. pwede mong gamitin ang shower" napatango na lamang ako...

Pinaliwanag pa ni ginoong comissan ang iba pang kagamitan dito.. Hindi ko na matandaan ang iba dahil ang bilis niyang magpaliwanag

"okay na? alis na ako"

"ginoong comissan saglit" sabi ko kaya napalingon siya..

"maaari bang ikaw na lang ang magpaligo sa akin?"