Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

MAKABUANG ANG GUGMA (NAKAKABALIW ANG PAGIBIG)

🇵🇭Kaneza
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8.2k
Views
Synopsis
Hindi malaman ni Jayde na kung bakit gustong-gusto niya si Elir na kahit hindi naman nito kayang ibalik ang kanyang nararamdaman para sa kanya. Pero kahit na gano’n mahal niya parin ito. Ano ba kasi ang meron sa kanya at hindi siya nito kayang bitiwan ni Jayde. May dalawang matalik na kaibigan si Jayde; Dara at Tianres. Pero sa kabila ng kanilang pagkakaibigan ay may mga lihim pala silang tinatago. Ano kaya ang mga lihim na ito?... Ito ba ay masama o mabuti? Kailan kaya nito nila sasabihin kay Jayde?. Hanggang sa dumating ang araw na sinabi ni Tianres ang kanyang lihim na lubhang ikinagulat naman ni Jayde, gayundin kay Dara. Ano kaya ang lihim na kanilang sinabi kay Jayde. Ang ‘di alam ni Jayde ay may ka-kaiba pa lang nararamdaman si Tianres para sa kanya. Hindi lang kaibigan kundi higit pa do’n. Matatanggap kaya ni Jayde si Tianres, eh, paano na si Elir?. Patuloy pa rin ang pagsusuyo ni Jayde kay Elir dahil nga gustong-gusto niya ito. Habang sinusuyo ni Jayde si Elir, sinusuyo pala ni Tianres si Jayde. Kailan kaya darating ang araw na matatanggap ni Elir ang pagsusuyo ni Jayde, at kailan naman kaya matatanggap ni Jayde ang pagsusuyo ni Tianres. Paano pag dumating ang panahon na tatanggapin na ni Jayde si Tianres ay do’n pa lang matatangap ni Elir si Jayde? Sino kaya ang pipiliin niya sa dalawa? Malalaman natin ang lahat nang katanungan na yan sa darating na Novel ng “Maka-buang ang gugma”(Nakakabaliw ang Pag-ibig). …char!
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Meeting you was Lovely

"Jayde…Jayde…Jayde, gising na" boses yun ng kanyang nanay nang gisingan niya na si Jayde. "Jayde, gising na nakalimutan mo na ba kung anong araw ngayon? bangon na—."

Agad na dinilat ni Jayde ang kanyang mga mata at dali-dali nang bumangon para maghanda. "Ma, anong oras na ba?, baka ma-late na ako nito… 'bat ngayon mo lang ako ginising?." Natatarantang tanong ni Jayde.

"4:30 pa ng umaga, mataas-taas pa ang oras mo" sagot ng kanyang nanay.

Dali-dali niyang kinuha ang tuwalya sa loob ng kanyang cabinet at dumiretso na sa C.R. para maligo. Espesyal sa kanya ang araw na ito dahil First Day of School niya bilang Grade 10. Espesyal sa kanya ang First Day of School dahil meron na naman siyang makikilalang bagong kaibigan, bagong classmate, bagong teacher at higit sa lahat na hindi magbabago, ay ang makikita na niya ang kanyang long-time crush na si Elir. Grade 7 sila no'ng una nilang kita.

No'ng mga araw na 'yon dali-dali kasing tumakbo si Jayde patungo sa kanyang classroom kasi mali-late na ito, ang 'di niya akalain na mababangga pala siya sa isang tao na di niya inaasahan na magugustuhan niya ito, si Elir. At dahillan 'yon sa kanyang pagkatumba. Pero bago pa siya matumba sa sahig ay agad naman siyang nasalo ni Elir. At sa pagdilat ng kanyang mga mata ay agad na bumungad sa kanyang harapan ang gwapong mukha ng binata. Nag slow motion ang kanyang paligid at tanging gwapong mukha niya lang ang kanyang nakita, uminit tuloy ang kanyang pisngi dahil sa nangyari at dahil na rin sa gwapong mukha nito. Nagtitigan lang sila hanggang unti-unting nilapit ni Elir ang kanyang mukha kay Jayde na para bang hahalikan niya ito.

"Oh my god, hahalikan na ba niya ako?... no way! ang babata pa namin para sa mga ganitong bagay," sabi ni Jayde sa kanyang sarili.

At nang nailapit na ni Elir ang kanyang mukha ay agad niyang sinabi na, " Sa susunod mag-ingat ka, ha. Dahan-dahan lang sa pagtakbo baka sa susunod iba na ang makabangga mo, hindi na kita masasalo niyan. By the way, I'm Elir" bulong niya kay Jayde at dahilan ng lalong pag-init ng kanyang pisngi at dahil na rin sa mukha nito na sobrang lapit sa kanyang mismong mukha. Agad na niya itong tinayo at binitawan tsaka pumasok na sa kanyang classroom.

"Salama-"

(*ring) agad na kinuha niya ang kanyang cell phone sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag na galing sa kanyang Mama.

"Oh, Ma, napatawag ka?" hinihingal pa si Jayde.

"Ok ka lang? 'bat parang hinihingal ka ata? May nangyari ba sa'yo?" tanong niya kay Jayde.

"Ah, wala ito, Ma. Ma paalam na at papasok na ako"

"Oh sige, mag-ingat ka diyan, ha. Galingan mo diyan, magpapakabait ka sa guro mo." Pagpapaalam ng kanyang nanay kay Jayde.

"Opo ma, babay. Ibababa ko na 'to" nang binaba na ni Jayde ang kanyang cell phone ay pumasok na siya sa kanyang classroom.

Nang pumasok na siya sa kanyang classroom ay bigla na lang nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya alam na dito rin pala pumasok ang binatang tumulong sa kanya. Nakatayo lang siya sa may pinto habang tinitigan ang binate dahil sa kagwapohan nito. Naghalo ang kilig at kaba na kanyang nararamdaman.

"Oh, ano pang tinatayo mo diyan, umupo ka na" sabi ng kanilang guro na kanina pa pala naka upo sa kanyang table.

"Good morning, Maam" bati nito sa kanyang guro bago nagtanong. "Ah, Maam sa'n po ako uupo?."

At dahil wala nang bakanting upuan maliban sa tabi ni Elir ay do'n na lang siya pinaupo sa tabi ni Elir.

"Do'n ka na lang umupo sa tabi ng… 'yong lalaki, do'n banda…" sagot naman ng kanyang guro. Hindi pa masabi ng guro ang kanilang mga pangalan dahil hindi pa niya ito kilala.

Dahan-dahan siyang lumapit sa bagong upuan niya na malapit lang banda kay Elir. Hindi niya akalain na makakatabi niya ito. Nai-ilang pa ito siyang kausapin. "Shemay! Ang gwapo talaga ni Elir," takbo ng kanyang isip. "Hays... ano ba 'to... dapat pag-aaral ko ang ina-atupag ngayon. Ang bata ko pa para sa mga ganito... hayss.....malalagot talaga ako kay nanay nito...," kinakausap niya ang kanyang sarili.

Biglang binaling ang tingin ni Elir sa kanya na kaagad namang kinagulat ni Jayde. Ngumiti si Jayde pero agad naman ding ibinaling ang tingin ni Elir sa ibang tanawin na para bang sinupladuhan niya ito. "Sungit naman nito, " bulong niya.

Pero kahit na gan'on kailangan pa rin niya 'tong makausap para magpasalamat para sa ginawa niya kanina. Hindi niya kasi itong nagawang pasalamatan dahil naputol ang kanilang pagu-usap dahil tinawagan siya ng kanyang nanay.

"H-H-Hi, ako nga pala yung sinalo mo kanina, Salamat nga pala, ha. By the way, I'm Jayde Lerda, nice to meet you." Bati niya kay Elir, ngunit hindi siya nito pinansin. Binalewala niya lang ang kamay ni Jayde na naka-abang sa kaya para makipag-kamayan. Dahan-dahan na lang niya binaba ang kanyang kamay tsaka nagpatuloy na lang sa pakikinig sa kanilang klase.

____________________

"Take your recess, na." sabi ng kanilang guro nang matapos na ito sa pagtuturo.

"Elir, do you want to come with me?, susuklian ko lang yung pagsalo mo sa akin." niyaya niya ito pero wala pa ring kwenta, hindi pa rin siya nito pinansin.

"No need" agad siyang tumayo tsaka umalis patungong canteen.

"Gano'n ba talaga yun siya, ang sungit niya naman…hays, sayang ang gwapo pa naman niya" umalis na lang din si Jayde tsaka pumuta na siya sa Canteen para bumili ng pagkain.

Pero laking taka niya talaga na kung bakit gano'n na lang ang turing sa kanya ni Elir, ba't ang sungit nito sa kanya?

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)