Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Run Away Hearts

🇵🇭Vasquez_V_Ailene
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.7k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - DALAWANG

Dalawang butil ng luha ang nalaglag mula sa mga mata ni Alessa Marie Sabio or ''Allie'' for short. Hinayaan niyang tumulo ang mga iyon upang maibsan ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso.

Nasa isang resort siya sa Bohol ,nursing a broken heart. Nag-iisip siya kung paano niya itutuloy ang kanyang buhay. Tanging ang kaibigan niyang si Trixie ang nakakaalam kung nasaan siya. Ang mga magulang niya ay hindi alam kung saang lupalop siya ng Pilipinas naroon.

Hindi pa rin niya lubos- maisip kung bakit nangyari sa kanya ang masakit na bagay na iyon.She thought she had everything.

Everybody considered her the '' It'' girl ----- maganda,mestiza,mabait,matalino,at anak- mayaman, Marami ang nagkakagusto at nanliligaw sa kanya ngunit kahit isa ay wala siyang pinansin sa mga iyon dahil pihikan siya sa pagpili ng lalaking kanyang iibigin. Konserbatibo ang kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig. Ayaw niya ng papalit-palit ng boyfriend,at lalong ayaw niya ng casual fling at premarital sex. Mahalaga sa kanya ang ) "commitment'' sa isang relationship. Nakita kasi niya sa isa't isa at gusto niyang tularan ang mga ito.

''Kung magkaka-boyfriend ako, gusto ko,siya ang first and last love ko; ang pakakasalan at mamahalin ko habang-buhay.'' Iyon ang madalas na bitiwan niyang mga salita noon.

Napanindigan Naman niya ang kanyang prinsipyo dahil iisa lang ang naging boyfriend niya.

Si Lance Cortez lang ang nakabihag sa kanyang pihikan puso. Nakilala niya niya rito dahil maraming kababaihan ang humahabol dito, palibhasa ay guwapo, mayaman,matipuno Ang pangangatawan,at miyembro ng basketball varsity team ito. Pero naging masugid ang binata sa panliligaw sa kanya.Ipinakita nitong dalisay ang hangarin nito sa kanya. Napakaromantiko at maalaga rin nito sa kanya kaya nang lumaon ay nahulog din ang loob niya rito at tinanggap niya ang pag-ibig nito.

They were perfect match ayon sa mga kakilala nila, Marami Ang kinikilig at naiinggit sa kanilang dalawa.

Masaya siya sa relasyon nila ni Lance. After five years ay nag-propose it sa kanya habang nagbabakasyon sila sa Boracay.

Napakasaya niya nang mga panahong iyon dahil sa wakas ay matutupad na rin ang kanyang pangarap: Ang bumuo ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking pinakamamahal niya. Iyon na lang ang kulang at kompleto na ang buhay niya.

At the age of twenty-five, she had already made a name for herself in interior designing. Marami ang humahanga sa kanyang talento at mga pamosong tao ang kumukuha sa kanyang serbisyo. Bukod sa angking galing niya sa trabaho ,masasabing isa rin siya magaganda sa industriyang kinabibilangan niya. Sa katunayan,ilang beses na siyang naging cover girl be sa mga Fashion at home designing magazine.

Simple lang ang hangarin niya sa buhay. For her, the primary ingredient that made a home beautiful was living a happy life with a family bound together by love. Kaya nang mag-propose si Lance sa kanya,she thought everything had fallen into place.She was with the man she loved and she was excited about planning her dream wedding.

Pero nadiskubre niyang hindi pala lahat Ng bagay sa buhay ay perpekto.

Masakit man ay hindi niya naiwasang alalahanin ang dahilan Kung bakit siya naroon ...

''Honey, nakakauwi ka ba this Saturday? It's our anniversary, remember? naglalambing na paalala niya sa kanyang fience na nasa Cebu nang mga sandaling iyon. Ito Ang top engineer sa construction company na pagmamay-ari ng pamilya nito at ito ngayon ang nangangasiwa sa pagpapatayo no ng isang resort hotel doon.

"Ahm,...'' anitong may pag-aalinlangan sa tinig. ''I can't make it this Saturday. I'm sorry. We're being pressured by the owner to finish the job. Malapit na ang opening ng resort hotel kaya hindi ko puwede I want ang mga tauhan dito.''

Bahagya siyang nalungkot at nadismaya, pero naintindihan niya ito. Kailangan nitong tapusin lahat ng proyekto nito sa kompanya para mapagtuunan na nito ng pansin ang nalalapit na kasal nila. Isa pa, alam niyang nagpupursige talaga ito sa trabaho para sa kinabukasan nila.

"Ah, ganoon ba? It's okay, hon. I understand."

" Babawi na lang ako pag-uwi ko riyan," pangako nito.

Natuwa Naman siya sa sinasabi nito. "That's a promise, ha?"

" Of course, Sige, honey. `Gotta go. Nahhihintay na sina Estela sa site. I love you." Ang Estela na binanggit nito ay ang kaibigan nilang isa ring engineer. Anak ito ng business partner ng ama ni Lance. Mula college ay kaibigan na nila ang babae. Ito rin ang isa sa magiging abay nila sa kasal.

"HELLO, Trixie? Bakit ka napatawag? tanong ni Allie'sa pinakamatalik na kaibigan niyang nakabase sa Cebu. Pareho sila ng linya ng trabaho; nasa fashion designing ito.

"Best friend, it's Mommy's sixtieth birthday this coming Friday."

" Yes, I know".

"You're invited to her party. And don't say 'no'. Mommy misses you. She would be very happy to see you on her birthday."

" Of course, I wouldn't miss it for the world," wika niya.

Matagal na pala niyang hindi nakikita ang kaibigan niya at pamilya nito mula noong lumipat ang mga ito sa Cebu. Parang pangalawang nanay na niya ang mommy nitong si Aida at anak kung ituring siya ng butihing ginang. Napapagsumbungan niya ito ng kanyang mga problema. Kaya naman hindi niya palalagpasin ang mahalagang okasyong iyon sa bahay ni mommy Aida.

An idea came to mind . Tutal ay nasa Cebu naman ang kanyang fience, she would hit two birds with one stone. She would surprise Lance. Bibisitahin niya it sa site pagkatapos niyang dumalo sa birthday party ng ina ng kaibigan niya. Masyado na niyang na-miss ito dahil madalang na ito umuwi nang mga nakaraang araw.

" I'll be there, best friend. Sosorpresahin ko na rin si Lance. Hindi kasi siya makakauwi this weekend for our fifth anniversary, so , I might as well pay him a visit."

Yeah, that's a good idea. So I'll see you this Friday?

" Okay, Trix. Excited na rin ako. I know we have a lot of catching up to do. Nami-miss na rin kita, eh."

"Me too. At marami akong ipapakitang designs para sa wedding dress mo."

"That would be lovely, best friend," masayang pahayag niya.

PAGDATING ni Allie sa Mactan International Airport ay sinundo siya ni Trixie. Masayang nagyakapan silang magkaibigan. Nagkuwentuhan sila habang binabagtas ng kotseng sinasakyan nila ang daan patungo sa isang kilalang subdivision kung saan nakatira sina Trixie.

Pagdating nila sa bahay ng mga ito ay pinagtulungan nilang ihanda ang malaking hardin ng bahay kung saan gaganapin ang birthday party ni mommy Aida. They made the venue elegant and stylish.

Nang gabi ng party ay marami ang humangang mga bisita sa ginawa nilang magkaibigan, na ikinatuwa naman ni mommy Aida.

Kinaumagahan ay lumangoy sila sa swimming pool.

"Kailan mo pupuntahan si Lance? " tanong ni Trixie sa kanya.

"Mamayang gabi, pagkatapos ng work niya. Ayaw ko naman siyang istorbuhin sa oras ng trabaho."

" Right! Sasamahan kita. Medyo remote daw ang location ng resort hotel at bihira lang ang sasakyan. Saka gusto ko ring makita ang lugar. Ang balita ko ay world-class Ang itinayo nilang resort hotel."

Pagsapit ng alas-otso ng gabi ay naroon na sila sa lugar. Totoo nga ang balita na pang-world-class ang resort hotel. Napakagara ng hotel. Ang mga kagamitan doon ay galing pa sa ibang bansa. Nakatakda ang opening niyon sa darating na linngo. Malayo man iyon sa Metropolis, natitiyak niyang dadagsain iyon ng mga bakasyonista. Siyempre pa ay proud siya sa kanyang fience at sa kaibigan niyang si Estela dahil ang mga ito ang nangangasiwa sa pagpapatayo niyon.

Tinanong niya sa reception desk kung saan ang accommodation ni Lance at itinuro nito sa kanya ang isang cottage na nasa pinakadulong bahagi ng resort. Agad na nagtungo sila roon ni Trixie.

Balak talaga niyang sorpresahin si Lance kaya hindi na niya nag- abalang kumatok sa pinto. Laking tuwa naman niya nang hindi naka-lock ang seradura nang pihitin niya iyon. Pumasok siya sa loob -----nakasunod sa likuran niya si Trixie------ habang nakahanda ang isang napakatamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Surpr-----" Hindi natuloy ang pagsambit niya ng "surprise" dahil sa nasaksihan niya sa loob ng silid. Siya ang nasorpresa nang bongga sa eksenang nakita niya------ si Lance ay hubo't hubad, habang nakadagan at hinahalikan nito ang isang babae na wala ring mga saplot sa katawan. Ang babae ay walang iba kundi si Estela!

Bigla siyang nahirapang huminga. Matagal bago niya natagpuan ang boses niya. " This is a pleasant surprise, Lance , Estela!"

Biglang bumitiw si Lance kay Estela. Sabay na napatingin ang mga ito sa kanya, mababakas ang pagkabigla sa mga mukha. Dagling bumaba ng kama si Estela at isa-isang pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Si Lance man ay tila hindi mawari kung ano ang gagawin.

"Honey...? Iyon lang ang tanging nasambit nito habang nakayuko. Palibhasa ay nahuli niya ito sa akto ng pagtataksil kaya hindi ito makatingin nang deretso sa kanya.

"I thought I would surprise you. Iyon pala ay ako ang m asosorpresa." Tila sasabog na ang kanyang dibdib sa galit. "So, this is the commitment you were pressured into finishing. That's why hindi ka makauwi."

"Honey, let me explain."

"Ano pa ba ang dapat i-explain?" Tiningnan niya nang matalim si Estela. " I thought you were my friend." At doon na tumulo ang mga luhang kanina pa niya pilit na nilalalabanan. Kapagkuwan ay tinalikuran na niya ang mga ito. Let's go, Trixie." Hinala niya ang kaibigan palabas ng cottage.

Humabol si Lance sa kanila. " Honey, pag-usapan natin `to."

Hindi na siya nakatiis. Hinarap niya ito at isang malakas na sampal ang ibinigay nita rito. "It's over between us, Lance. Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo. Papalitan kita kaagad."

Tahimik na umiiyak siya habang nasa sasakyan pauwi sa bahay nina Trixie. Awang-awa naman ang kaibigan niya sa kanya.

"Tarantado talaga ang Lance na `yon. Akala ko pa naman ay matino siya. Isa pa ang Estela na `yon. Di ba, best friend, siya pa ang nagsilbing bridge ninyo noon para magkakilala kayo ni Lanc?"

" Bakit ba `di ko nakita `yon, Trixie? I trusted them." Buong magdamag na umiyak siya sa kabiguan niya sa pag-ibig.

UMUWI kaagad si Allie sa Davao upang ipaalam sa mga magulang niya na hindi na matutuloy ang kasal nila ni Lance. Nagtataka man, hindi na siya pinilit ng mga itong alamin ang dahilan. Marahil ay dahil nakita ng mga ito na lubha siyang nasasaktan at naririnig ng mga ito ang pag-iyak niya sa loob ng kuwarto niya.

Sumunod agad si Lance sa pag-uwi at paulit-ulit na pumunta ito sa kanilang bahay upang kausapin siya.

"Tita Cely, puwede ko po bang makita at makausap si Allie? Magpapaliwanag lang po ako. Gusto ko pong humingi ng tawad," nagsusumamong sabi ni Lance sa mommy niya nang minsang bumalik uli ito sa bahay nila. Naroon lang siya malapit sa pinto kung saan hindi so siya nakikita nito at nakikinig.

"I'm sorry, hijo. Hindi namin mapipilit sa Allie na harapin ka. Sinaktan mo ang aming anak kaya para mo na rin kaming sinaktan," malumanay pero may hinanakit sa tinig na pahayag ng mommy niya.

Pero iba ang naging reaksiyon ng Kuya James niya. Inundayan agad nito ng isang malakas na suntok si Lance. "Leave her alone! Huwag mo nang guluhin ang kapatid ko."

Hindi naman pumalag si Lance.

Hindi na uli ito pumunta sa bahay nila pero naging makulit pa rin ito. Tumatawag, nagte-text, o kaya ay inaabangan siya nito sa labas ng kanyang opisina. Dahil doon ay napagpasyahan niyang lumayo muna upang makaiwas dito...

LAGPAS hatinggabi na ngunit hindi pa rin makatulog si Allie. Minabuti na lamang niyang lumabas sa terasa ng cottage niya upang lumanghap ng sariwang hangin. Napakatahimik ng paligid. Kahit bahagyang madilim ay naaaninag pa rin niya ang kagandahan ng buong resort na pagmamay-ari ng isang pinsan ni Trixie. Eleganteng tingnan ang mga o villa na nakahilera sa isang medyo mataas na bahagi ng beach. Naiilawan ang mga iyon ng mumunting lantern.

Sa karagatan ay makikita ang kumikislap na mga ilaw sa di-kalayuan, tanda na pumalaot na ang mga mangingisda. Mula sa terasa ng villa ay matu-tunghayan ang maputing baybayin kung saan may iilang bakasyonistang naliligo sa maligamgam na tubig-dagat.

Ideal na lokasyon ang resort para sa pagbabakasyon.

" I could live here forever," she muttered to herself. Yeah,stay there and forget the pain of betrayal.